MARICON
I propped my chin on my palm while staring at Chase who is busy reading a book in a corner. 'Yung mga kasamahan niyang magpeperform, hindi na mapakali sa kaba. Samantalang siya, chill lang at nagbabasa.
He's really weird, huh?
Napangiti ako nang kumunot ang noo niya dahil sa binabasa niya. May emosyon rin naman pala siya kahit papaano. He's cut—
My eyes widened when he suddenly looked over my direction. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Nakita niya ba akong tinititigan ko siya? Nahuli niya ba akong nakangiti?
"Ate Maricon." Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko. I smiled looking at the guy who called me. Siguro ay mas bata siya kaya tinawag niya akong ate.
"Yes?"
"Flowers for you." Nahihiya niyang iniabot ang dalang tatlong piraso ng rose sa akin. Agad ko naman iyong tinanggap.
"Thank you," I awkwardly said.
Nang makapagpasalamat ako ay agad din siyang nagpaalam paalis. Tinanguan ko naman siya at muling nagpasalamat. Nang makaalis siya ay agad kong inilapag ang rose sa lamesa ko at muling tumingin sa dako ni Chase.
Muli namang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin ulit siya sa gawi ko at nakakunot ang noo. Sa halip na mahiya katulad kanina ay kininditan ko siya. Tila naman nagulat siya sa ginawa ko kaya't agad siyang nag-iwas ng tingin. Mahina naman akong tumawa at marahang napailing.
Mayamaya pa ay pumasok na ang adviser namin na sa palagay ko ay para tawagin na si Chase. I bit my lower lip to hide my excitement. Gusto ko na ulit marinig na kumakanta si Chase! Sayang nga, dapat pala ay inirecord ko ang boses niya dati noong kumanta siya.
"Where is Miss Bishop?"
Agad na kumunot ang noo ko at tumingin sa suot kong wrist watch. Magsisimula na, ah? Bakit nga ba wala pa rin hanggang ngayon si Psyche?
"I'll call her," pagpepresinta na Chase.
Akala ko ay agad niyang tatawagan si Psyche pero tumayo siya at lumabas habang hawak ang cellphone niya. I pouted. Narealize ko lang na wala pa rin pala akong number ni Chase. Hindi pa nga yata kami friends sa Facebook! Hindi niya pa rin yata ako pinafollow sa Instagram. Ugh! Bakit ngayon ko lamang iyon naisip?
I tapped my heel on the floor while waiting for Chase to come back. Pati mga kaklase namin ay kanina pa rin naghihintay pero ni isa ay walang nag-presinta na sunduin si Chase.
Agad akong napatingin sa pinto nang magbukas iyon at iniluwa si Chase. Hawak niya ang doorknob at nakasilip lamang sa loob. Kumunot naman ang noo ko. Kasama na ba niya si Psyche?
"Maricon, come here."
My eyes widened before pointing at myself. "M-Me?" tanong ko.
He sighed before he nod his head. "Ikaw nga," he answered.
Ilang beses akong napakurap bago wala sa sariling tumayo. Ramdam ko naman ang mga nagtatakang titig ng mga kaklase namin. Naglakad naman ako papunta sa direksyon ni Chase.
Hindi pa man ako nakakalapit ay binitiwan na ni Chase ang door knob at lumabas. Tumigil naman ako sa paglalakad at takang tumingin sa pinto. Pinaglalaruan niya ba ako? Sabi niya, pumunta ako roon tapos umalis naman siya?
Agad akong tumalikod at naglakad pabalik. Hindi pa man ako nakakalayo ay napatigil na ako sa paglalakad nang nay humawak sa palapulsuhan ko. Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa kung sino man ang humawak doon.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang seryosong mukha ni Chase. "Hindi ba't sinabi kong sumunod ka?" seryosong tanong niya.
Taka ko siyang tiningnan. "Ang sabi mo, 'come here' kaya pumunta ako sa pinto. Hindi mo naman sinabing follow me."
Napuno naman ng tawanan ang buong classroom kaya't taka akong tumingin sa mga kaklase namin. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Chase sighed before pulling me. Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod.
I bit my lower lip to prevent myself from smiling upon seeing that Chase is holding my wrist.
Nang makalayo kami ay tumigil si Chase sa paglalakad at agad na lumingon para tumingin sa akin. Nanliit naman ang mga mata niya nang makitang nakangiti ako. I clamped my lips shut before looking away.
"Why are you smiling?" he asked.
I waved my hands dismissively. "Hindi, ah! Nag-aalala nga ako kay Psyche," palusot ko.
Half of it was true because I am really worried about Psyche. Tumingin ako sa wrist watch ko at ilang minuto na lamang ay magsisimula na. Nasaan na ba kasi 'yun?
"She can't come."
"What?!"
He nodded and shove his hands into the pocket of his jeans. "I called her and she's at the hospital right now."
"Hospital? What happened?"
"She had an allergic reaction to the food she ate last night. Dinala raw siya sa hospital kaninang umaga," he answered.
"Is she okay? Hindi naman malala, right?"
Tumango siya. "She just needs to stay at the hospital for the mean time."
Nakahinga naman ako nang maluwag. "Thank God!"
Natigilan naman ako nang maalala ang sinabi niya. Taka akong tumingin sa kaniya. "Tama ba ang dinig ko? For the mean time?"
He nodded.
"Paano kayo magpeperform ngayon?!"
Hindi siya sumagot at sa halip ay bumuntong hininga lamang. I let out a harsh breath before smiling and looking at him. "You can perform alone naman, 'di ba? Don't worry, I'll cheer for you para hindi ka kabahan mamaya!"
Sa halip na sagutin ako ay seryoso siyang tumingin sa akin. Taka ko naman siyang tiningnan pabalik. "Hindi ka ba sanay magperform mag-isa?" tanong ko.
"You'll perform with me."
My lips parted before looking at his eyes, waiting for him to say that he's just kidding. "A-Ako?"
Tumango siya. "Hindi ba kumakanta ka?"
"Pero sinabi ko na naman sa inyo na hindi ako magaling," pangangatwiran ko.
"Paano mo nasabing hindi ka magaling kung hindi mo pa nasusubukan?"
I pouted and looked away. "At saka, hindi ako ready, ano! Hindi ko alam ang kanta," I lied.
He chuckled. "I heard you humming the song last time. Pati noong narinig mo na iyon ang ipeperform namin, nagulat ka. You knew the song, right?"
Malakas naman akong bumuntong hininga. "Ah basta, hindi ako papayag. Kaya mo naman sigurong magperform mag-isa. Hindi mo na ako kailangan, ano ka ba? Kahit anong kondisyon o kapalit pa 'yan, hindi talaga. Hindi ako kakanta sa harap ng ibang tao."
"Kahit date?"
Nanlaki ang mga mata ko bago tumingin sa kaniya. "Seryoso?!"
He shrugged his shoulders as an answer. Napangiti naman ako at agad na umangkla sa braso niya. Kita ko naman ang panlalaki ng mga mata niya dahil sa ginawa ko. Hindi ko na iyon pinansin at sa halip ay malawak ko siyang nginitian.
"Tara na, ready na akong mag-perform. Ang dali-dali naman niyan, sino bang nagsabi na hindi ko kaya 'yan?"
Napailing na lamang siya dahil sa sinabi ko at mahinang tumawa. Mas lalo naman akong napangiti. A date with Chase? Grabe, dream come true 'yun!
****
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago kumapit sa laylayan ng damit ni Chase. Tila may naghahabulang mga daga sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.
Paakyat na dapat kami sa stage dahil kami na ang magpeperform pero mas lalo akong kinabahan dahil sa dami ng mga manood. 'Yung iba ay tila nagtataka kung bakit ako ang kasama ni Chase at hindi si Psyche.
"Are you nervous?"
Agad naman akong umiling sa tanong ni Chase. "H-Hindi ah!" pagsisinungaling ko.
"Then why are your hands trembling?" tanong niya at tumingin sa kamay kong nakakapit sa laylayan ng damit niya.
"Sumasayaw ng mag-isa 'yung kamay ko."
He chuckled and shrugged his shoulders. "Don't be nervous. I'll be with you."
Kung kanina ay kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba, ngayon naman ay dahil na sa kilig. Mas maganda siguro kung 'I'll be with you forever' ang sinabi niya.
Muling nanlaki ang mga mata ko nang mapansing nasa gitna na pala kami ng stage. Masiyado akong preoccupied dahil sa sinabi ni Chase at hindi ko man lamang naramdaman na nandito na pala kami.
Umupo na si Chase sa upuan na para sa kaniya at inihanda ang gitarang gagamitin niya. Bumuntong hininga naman ako bago kunin 'yung microphone.
Ang tanging nagpapalakas lang sa loob ko ay ang pag-asang may date kami ni Chase pagkatapos nito. Tatlong minuto kapalit ng date kay Chase? Sino ba naman ako para tumanggi roon?
Mayamaya pa ay nagstrum na ng gitara si Chase. I let out a harsh breath before looking infront of me.
"You can do it, Maricon," I whispered to myself before singing the first line.
I will run, I will climb, I will soar
I'm undefeated... Oh,
Jumping out of my skin pull the chord
Yeah I believe it
Tumingin naman ako kay Chase na nakatingin rin pala sa akin. I slightly smiled at him before he sing his line.
The past, is everything we were
Don't make us who we are
So I'll dream until I make it real
And all I see is stars
It's not until you fall that you fly
I bit my lower lips as I tried to enjoy the song. Who knows, this may be the last that I'll sing infront of tons of people.
When your dreams come alive,
You're unstoppable
Take a shot, chase the sun
Find the beautiful
We will glow in the dark
turning dust to gold
And we'll dream... It possible.
I looked at Chase once again and surprisingly, he smiled at me. I felt like my heart jumped a bit when I saw his smile. That is something that I want to see everytime. His smile.
Possible...
And we'll dream it...
Possible
I will chase, I will reach, I will fly
Until I'm breaking, until I'm breaking
Out of my cage, like a bird in the night
I know I'm changing, I know I'm changing
I swallowed the lump on my throat before singing the next line.
In, into something big
Better than before
And if takes, takes a thousand lives
Then it's worth fighting for
It's not until you fall that you fly...
And the song went on. I never knew that three minutes could feel so short just like that. Ganoon nga siguro kapag masaya, hindi na napapansin ang oras.
"Did I do well?" I asked Chase.
Chase nodded while carrying his guitar. "You did great," he answered.
Nakahinga naman ako nang maluwag. Wala na akong pakielam kung hindi nagustuhan ng ibang tao. Basta pasado kay Chase, masaya na ako.
"Maricon."
Taka akong tumingin kay Chase nang tawagin niya ang pangalan ko. "Hmm?"
"Thank you," he said.
My brows drew into straight line while looking at him. "Para saan?" tanong ko.
"Thank you for singing with me."
-----