Nagising ako ng dahil sa init ng araw na tumatama sa mukha ko.
Hay, salamat. Akala ko talaga ay mamamatay na ako. Mabuti nalang at nagising pa ako. Lintik na tinik ng bangus iyan. At bwisit ha, nag-rhyme pa.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang unang tumambad sa paningin ko ay isang puting tela na nakatakip sa mukha ko.
Huh? Bakit may puting tela na nakabalot sa akin?
Tinanggal ko yun sa mukha ko at mabilis na naupo. Ngayon ko lang din napansin. Kailan pa ako nagkaroon ng sobrang lambot na higaan? May foam naman ang kama ko pero hindi ganito kalambot.
Teka lang, bakit parang may kakaiba dito?
Napataas ako ng tingin at ang sumalubong sa paningin ko ay ang malawak at napakarangyang kwartong iyon sa paligid ko.
Ha? Nasaan ako? Hindi ito ang apartment ko ah.
Naikot ko ang paningin ko at nagtatakang napatingin sa mga kakaibang bagay na nasa paligid ko. Bakit ganun? Bakit para akong nasa isang kwarto na mayroon sa ancient China? Iyon bang mga kwarto na napapanood ko sa Chinese historical drama at mga manhwa?
Gawa sa kahoy ang kwarto pero halata ang karangyaan doon. May mga pink cherry blossoms flowers pa nakalagay sa mukhang mamahalin na vases.
Teka, nananaginip ba ako? Nasobrahan na ata ako ng kakapanood ng mga Chinese historical drama at kung anu-ano na ang napapanaginipan ko.
Napatingin ako sa sarili ko at doon ay mas lalo akong nagtaka. Bakit nakasuot ako ng ganitong klaseng damit? Gawa ito sa isang mukhang high quality pink silk at katulad din ng mga isinusuot ng mga babae sa chinese drama.
At ang mga braso ko...
Kailan pa ako nagkaroon ng ganito kakinis at kaputing balat?
Kinurot ko ang sarili ko pero shit, gising nga ako at totoo itong mga nakikita ko.
Teka, prank ba 'to? Kasali ba ito sa mga hindi nakakatawang prank ni Aya?
Tumayo ako mula sa malambot na kama at inaantok pa na naglakad palapit sa bintana na mayroon ang kwartong iyon.
Pero hindi pa man ako nakakalapit ay bigla nalang akong natigil sa paglalakad. Saka ako unti-unting napalingon sa malaking salamin na mayroon ang kwartong iyon.
At nang makita ko ang repleksyon ko...
"AAAAHHHH!!!!" ang naitili ko nang dahil sa sobrang pagka gulantang.
Hindi.
Hindi ako 'to.
Hindi ako ang babaing nasa salamin!
Sino ang babaing iyan?! Bakit ako nandito sa katawan niya?!
Matapos ang malakas na pagtili ko ay narinig ko na ang padyak ng mga paa na mabilis na tumakbo patungo sa kwarto na ito. At sa paglingon ko ay nakita ko ang pag-slide ng mga sliding doors at lumabas doon ang isang hukbo ng mga kababaihan na pare-pareho ang kasuotan.
Hindi pa man ako nakakagalaw ay bigla nalang silang lumuhod lahat at nagsimulang mag-iyakan.
Mabilis pang naglakad patungo sa akin ang isang babae at sinimulang halik halikan ang mga paa ko habang umiiyak siya ng malakas.
Samantalang napaatras naman ako at hindi parin makapaniwalang napatingin sa kanilang lahat.
Teka lang, anong nangyayari dito?!
Pero ang hindi ko mapaniwalaan sa lahat ay ang umiiyak na sinabi ng babae na nasa harapan ko.
"Our royal Princess has come back to life!"
Oh shit.
***
Nakaupo ako sa isang malambot na sofa na mayroon sa kwartong iyon at naka-krus ang mga braso na hinarap ang mga nag-iiyakan parin na mga kababaihan na ito. Samantalang nakaupo naman sila sa sahig at patuloy na nagpapasalamat sa kung sinu-sinong Diyos nang dahil sa pagkabuhay ko.
Sa ilang taon na nabuhay ako ng mag-isa ay natutunan ko ng ipagana ang utak ko sa kahit ano mang mahirap na sitwasyon. Pero sa ngayon ay hindi talaga gumagana ang utak ko. Hindi ko talaga maintindihan kung paano ako napunta sa ganitong klaseng lugar at paanong napunta ako sa katawan ng magandang babaing ito?
At royal Princess?
Joke ba 'to? Ito na ba ang part na tatawa ako?
Pero hindi.
Kailangan kong maging kalmado. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari dito.
Nilingon ko ang babaing nasa harapan ko. Kanina pa siya umiiyak at hindi parin siya makapaniwala na nabuhay ako.
Kung ganun...
"Namatay ba ako?" hindi ko sinasadya na isa-boses ang katanungan sa isipan ko.
Shit, sobrang malumanay ang boses na mayroon ang katawan na ito. Hindi ako sanay mula sa brusko na boses ko sa Earth.
At nang marinig niya ang unang salita na lumabas sa bibig ko ay mas napaiyak siya ng malakas.
"Ilang minuto pong tumigil sa pagtibok ang puso ninyo, mahal na Prinsesa!" ang humahagulgol niyang iyak. "Akala po namin ay iniwan mo na kami!"
Napansin ko na kakaiba ang suot niyang damit mula sa ibang kababaihan na mayroon sa kwartong iyon. So it is just right to assume na siya nga ang handmaid ng Prinsesang ito.
Ang iba pang napansin ko ay chinese ang lingwahe na ginagamit namin. So nasa ancient China talaga kami. Pero teka lang, paano napunta ang isang Pinoy na katulad ko sa lugar na ito? Mas matatanggap ko pa kung sa 'I love you since 1892' ako napunta at hindi dito. Ang gulo, besh.
Ni wala akong alam sa Chinese history. Shit, hindi ako nakinig sa World History na klase namin. Pasang awa lang ako dun!
"Teka, sino ba ako?" ang tanong ko pa gamit ang malumanay na boses.
At nang marinig niya ang tanong na iyon ay hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin. Samantalang napakurap naman ako dahil kahit ako naman ay mawe-weirduhan din sa tanong na iyon.
Pero bago pa man ako makapagsalita ay bigla nalang siyang sumambulat ulit ng iyak.
"Ang kawawang Prinsesa namin!" she cried. "Hindi na niya maalala kung sino siya! We deserve death, your royal highness! Hindi ka namin nabantayan ng mabuti! Please punish us!"
Eh?
Ano bang meron sa mga babaing ito? Bakit ang dali lang para sa kanila na hilingin ang kamatayan?
Mabilis ko naman silang inalo.
"Teka, walang mamamatay." ang wika ko. "Hindi ko nga maalala kung sino ako kaya kailangan ninyo akong tulungan, diba?"
Natigil naman sila sa pag-iyak at ang sumagot ay ang babae parin na nasa harapan ko.
"You are the eighth Princess of the Xiao Kingdom, her royal highness Princess Chin." she called my name in the most honorable manner.
Xiao Kingdom?
Princess Chin?
Teka, parang familiar ang mga pangalan na iyan ah. Saan ko nga ba nabasa iyan? It sounds too familiar na halos nasa dulo na ng dila ko ang sagot pero hindi ko parin masabi.
"And I'm your handmaid, Mei." ang pagpapakilala niya sa sarili.
I was right.
Mabuti nalang at magaling akong mag-obserba. May itutulong din pala ang panonood ng mga chinese historical dramas sa panahon ng kagipitan.
Napansin ko din na mukhang kaedad lang siya ng Prinsesang ito.
Pero teka lang...
"Ang sabi mo ay ilang minutong tumigil sa pagtibok ang puso ko..." ang simula ko. "Ano naman ang dahilan at nangyari iyon sa akin?"
Kung totoo ang hinala ko, ay namatay na ang Prinsesang ito at ako ang pumalit sa katawan niya.
"Simula pa man ng ipinanganak ka ay mayroon ka ng sakit sa puso, mahal naming Prinsesa." Ang naiiyak parin niyang wika. "At mukhang inatake kayo sa puso nang malaman ninyo na kayo ang napiling ipakasal sa Emperor."
Bigla akong napaayos ng upo.
"Emperor?" ang hindi ko makapaniwalang pag-uulit. Hindi ko alam kung madumi ba ang tenga ko at iba lang ang pagkarinig ko sa sinabi niya. "S-sinong Emperor?"
Naluluha naman siyang nagtaas ng mukha. Pero para akong binagsakan ng langit at lupa nang dahil sa sumunod na sinabi niya.
"Kayo po ang napiling ipakasal sa Emperor ng Qin Kingdom..." she cried. "Walang iba kundi sa Emperor Zhang Wei."
And its just like that.
Memories came flooding into my brain like a storm.
Hindi...
Hindi ako pwedeng magkamali...
That name...
That name is the Emperor of 'The Wolf King and I' na binabasa ko! He is the male protagonist!
At ngayon ko lang din naalala...
Marahil sa hindi naman kasali sa leading characters si Princess Chin pero naalala ko nga na isa siya sa mga High ranking concubine ng Emperor! Ni hindi nabigyan ng justice ang character na ito dahil namatay siya ng maaga sa kwento! And it is due to heart disease!
Teka lang...
This is just too absurd.
Paanong napasok ako sa manhwa na ito?! At wow ha! Hindi pa bilang protagonist ng kwento pero isa sa mga supporting characters! I can't even call it supporting character dahil minsan lang siya lumalabas sa kwento! Wow, grabe. Joke ba ito?!
Pero bago pa man ako maka-react ay isang malakas na boses ng isang matandang lalaki ang sumigaw sa labas. And I think, he is the eunuch of the Emperor of this Kingdom.
"Her royal highness, Princess Chin is being summoned by his majesty, the Emperor!" he exclaimed.
Oh shit.
I'll be damned.