"A long, long time ago, in a faraway kingdom, there lived a Prince who was raised by a pack of wolves.
His royal highness, Prince Zhang Wei is the seventh Prince and the only son of the Emperor to a low ranking concubine. Upon his birth, the jealous Empress murdered his mother and secretly thrown him to a faraway mountainous place of their kingdom.
The heartbroken Emperor search far and wide for his lost Prince. But to no avail, even years and thousands of soldiers was not enough for him to be reunited with his son.
Little did they know, that deep within the dark mountains of their empire, a horrendous prophecy is just waiting to be unfold. Lived beside the most ferocious and merciless pack of wolves, the empire is at its stake for the hands of the bloodiest and the most ruthless tyrant throughout the history of their kingdom.
N.T. Wang
The Wolf King and I"
Biglang naputol ang pagbabasa ko ng manhwa nang tumunog ang messenger sa cellphone ko. Inilipat ko naman ang tab at binasa ang nilalaman ng message.
"Nasaan na ang inorder kong rejuvenating set? aba, last week pa ako umorder hanggang ngayon ay hindi parin dumarating! scam ka ata eh"
Napaikot nalang ako ng mga mata at mabilis na nag-type ng ire-reply.
"Aba,malay ko. Hindi ko kasalanan na matagal ang delivery sa inyo. Anong gusto mo? languyin ko ang dagat ng pilipinas para lang maideliver ko sa inyo ang rejuve set? ano ako? shokoy?"
Pero syempre, joke lang. As an online seller, dapat ay palaging mahaba ang pasensya ko sa mga ganitong klase ng customer.
Mabilis kong ini-delete ang una kong reply at pinalitan ng...
"Pasensya ka na ha. God bless."
And then sent.
Kaasar ha. Ang sarap ng pagbabasa ko, ganito pa ang bubungad sa akin.
Naipilig ko nalang ang ulo ko at nag-scan ng mga sumunod na messages sa inbox ko.
"Hm po?"
Napaikot nalang ako ng mata at iritang nag-type ulit ng ire-reply. Nakalagay na nga ang presyo sa facebook post ko pero ang dami paring nagtatanong sa akin nito. Kainis na ha.
"599 pesos po. Dagdag lang kayo ng shipping fee." saka ko ini-send.
Mabilis naman siya nagreply ng...
"Ay, hindi po ako bibili. Joke lang po."
Kung hindi lang talaga mahal ang cellphone ngayon ay baka naitapon ko na ito sa sobrang asar. Ganda din ng trip ng babaing ito ha. At talagang nag-effort pa siyang magtanong! Wala kang magawa sa buhay mo, girl? Bored ka na ba sa buhay mo?! Tara, talon sa Mt. Everest.
Napahinga nalang ako ng malalim at nagpatuloy na mag-reply sa mga nagtatanong tungkol sa rejuvenating set na benta ko online.
By the way, I'm Reina Ramos, Nineteen years old and a second year university student. I live alone in this tiny apartment na malapit lang sa school ko. At natatanong ninyo siguro kung nasaan ang parents ko? Well, I don't have one. Lumaki ako sa bahay ampunan at napag-aral lang ng scholarship mula sa gobyerno. Kaya ngayong nasa kolehiyo na ako ay kung anu-anong racket na ang napasukan ko para lang makapagbayad ng mga daily neccesities ko. Tuition fee at aklat lang ang kasali sa scholarship ko kaya ako din ang nagbabayad ng apartment at iba pang bayarin. Talk about having a pitiful life. Pwede na ata akong pang-MMK. Try ko kayang magsulat kay tita Charo?
Nang natapos na akong mag-reply sa mga messages ay agad din akong bumalik sa pagbabasa. Ang ganda-ganda na ng pagbabasa ko pero ang daming istorbo. Urgh. Kairita.
The Wolf King and I. Iyan ang title ng manhwa. This is the best online manhwa for three consecutive years in Webtoon. At ilang araw nalang ay ire-release na ang physical copies nito sa National Bookstores. Completed series na ito pero dahil sa gustong-gusto ko ang plot ng story at inulit-ulit ko tong basahin. Hindi talaga nakakasawa, swear.
Nagawi ang paningin ko sa pangalan ng author na nakalagay sa itaas ng pahina.
N.T. Wang
Pero ang weird lang ay hanggang ngayon ay wala pang nakakakilala sa author nito. I tried searching for his name in the internet pero walang information about sa kanya. Tanging pangalan niya lang at ang publishing company na pagmamay-ari niya din ang nakalagay sa biography. He has a name but no face.
So mysterious.
Hindi ko alam kong sadyang mahiyain lang siya at ayaw niyang ipakita ang mukha sa public o trip niya lang magpaka-mysterious.
Weird.
But yeah, whatever. Ang importante ay ire-release na niya ang physical copies next week. Ang bagay na matagal ko ng pinag-iipunan mula sa mga part time jobs ko ay malapit ko ng makamtan. Hay...I'm so excited, you know.
Nakatutok parin ang mga mata ko sa pagbabasa online nang bigla na namang tumunog ang messenger ko. Mabilis ko namang binuksan ang message at napa-poker face nalang nang mabasa ang nilalaman nito.
"Si John De Castro ay isang mangingisda na hindi ito inipasa sa sampung tao kaya siya ay mabilis na binawian ng buhay. Ipasa mo ito sa sampung tao dahil kung hindi, ikaw ay mamalasin sa araw na ito..."
Nanggaling ito kay Aya Rodriguez. Ang katrabaho ko sa milktea shop na pinagtatrabahuan ko. Classmate ko din siya sa isang major subject ko sa University.
Psh. Chain mail? May naniniwala pa ba dito? Bored na siguro ang babaitang ito kaya kung anu-ano na ang ipinapasa sa akin.
Mabilis naman akong nag-type at nireplyan siya.
"Pumunta ka dito mamaya. May niluto akong bangus. Para maisaksak ko sa lalamunan mo ang tinik. Love you, besh."
Mahilig din kasing makikain 'to sa apartment ko. Akala mo naman ay mas malaki ang kinikita ko sa kanya eh mas marami parin siyang racket kesa sa akin. But unlike me, may pamilya parin siya na binubuhay. Panganay siya kaya siya ang bread winner ng family.
"Maniwala ka sa akin, besh! Nadapa ako kanina dahil hindi ko ito ini-send kaagad sa sampung tao! Pasensya ka na ha. God bless." ang reply niya.
Minsan ay hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit ang dali-daling mauto ng babaing ito. Kaya nga siya laging nai-scam eh.
And speaking of bangus, naalala ko na may niluto pala ako kanina na sinabawan na bangus para sa lunch.
Makakain na nga. Ginutom ako sa kakabasa at kaka-reply ng mga customers eh.
Tumayo na ako mula sa kama at nagpunta sa kaharap kong table. Dahil narin sa liit ng apartment ko ay nasa iisang kwarto lang ang kusina at ang kama ko. Wala din akong sofa dahil hindi ito magkakasya kung sakali. At isa pa ay si Aya lang naman ang madalas na bumisita sa akin kaya okay lang. Nagkakasya naman kaming maupo sa maliit na mesa ko na may dalawang plastic na upuan. Iisa lang talaga ang upuan ko dati pero simula ng maging kaibigan ko siya ay napilitan akong bumili ng isa pa.
Well, nag-aalala lang siguro siya dahil nag-iisa lang ako sa apartment na ito kaya madalas siyang bumisita.
Kumuha ako ng dalawang plato mula sa lababo atsaka ako bumalik sa maliit kong mesa.
Hmp, mauna na nga akong mag-lunch. Gutom na ako at mukhang matatagalan pa ang bruhang iyon dahil busy pa iyon mag-send ng chain mail niya.
Naipilig ko nalang ang ulo ko at inihanda na sa mesa ang kanin at ang bangus na kakainin ko. Matapos iyon ay inilagay ko sa maliit na stand na nasa harapan ko ang cellphone para makapagpatuloy akong magbasa ng manhwa kahit na kumakain ako.
Nagsimula akong kumain habang nagbabasa ng paborito kong manhwa. Inilipat ko ang page at nandon na ako sa part na magkikita na ulit ang Emperor at ang matagal na niyang hinahanap na Prinsesa.
Everything seems so normal.
But all of a sudden...
Bigla nalang akong nagulantang nang lumiwanag ang cellphone ko. It is a blinding light na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Sa sobrang liwanag ay napatakip nalang ako ng mga mata at hindi ko na makita ang nasa screen ng phone ko.
Shit. Nag-short circuit na ba ang cellphone ko nang dahil sa sobrang kakabasa ko?! Oh no. Wala pa akong budget na bumili ng bago!
Pero nang dahil sa sobrang taranta ay hindi ko sinasadyang malunok ang tinik ng bangus. Naramdaman ko nalang ang pagbabara nito sa lalamunan ko.
I tried to cough para mailabas pero hindi parin ito natanggal. Kumuha ako ng tubig at uminom pero wala paring epekto. Kumuha ako ng isang malaking kumpol ng rice at nilunok iyon ng hindi nginunguya but I guess I just made a grave mistake.
Sa sobrang laki ng kanin na bumara sa lalamunan ko ay nagsimula na akong hindi makahinga. Walanghiyang buhay to oh! Wag niyo sabihin na mamamatay ako ng dahil lang sa tinik ng bangus?!
Natumba ako sa sahig at nagsimulang habulin ang hininga ko. At habang naghihingalo ako ay nagpatuloy din sa pagliwanag ang cellphone ko.
Hindi.
Hindi ako pwedeng mamatay sa ganitong paraan.
Naiimagine ko palang na ang mailalagay na cause of death ko sa death certificate ay nang dahil sa tinik ng bangus ay para mamamatay na ako sa kahihiyan.
Cause of Death: Tinik of bangus.
P.s.With rice.
Ano yun?! Budget meal?!
Hindi.
Reina, mabuhay ka!
Hindi ka pwedeng mamatay!
Pero habang pinipilit ko na ipagana ang consciousness ko ay doon na nagsimulang mandilim ang paningin ko.
Shit. I think I should have sent that chain mail.
And that's the last thing that crossed into my mind before I fell into the endless darkness.
to be continued...