Chapter 3 - Chapter 3

Sinundan ni Hector kung saan man si Lucia habang hindi nagpapahalata rito.

"Gusto ko 'yung may tatlong floors at may rooftop sa itaas. Dapat may basement bilang storage room at saka attic. Saka kompleto na ang mga kagamitan para kahit kailan makalipat kaagad. 'Yung open area sa harapan ay dapat malaki at hindi nakadiki sa kahit sinumang kapitbahay..." Marami siyang sinabi na nararapat na nasa mansyong gusto niyang bilhin. Pinagpapawisan ang saleslady dahil S Class ang nakuhang booklet ng kanyang kasamahan at hindi niya alam kung mayroong ganoong mansyon sa S Class.

"Yung gate naman ay nakapalibot sa buong area. Dapat napakamahaba at pinakamatibay ito for security purpose. May garden sa likuran..." patuloy na dugtong ni Lucia habang nakapokus ang kanyang paningin sa S Class Booklet at hindi napansin ang hindi komportableng tingin ng saleslady sa kanya at sa booklet.

"I choose this one" nang matapos tumingin-tingin si Lucia sa mga larawan ng mansyon hanggang sa nakarinig siya ng hindi kanais-nais mula sa kanyang likuran. Nandilim ang kanyang mga mata.

"Heh! Kunwaring tumitingin-tingin sa booklet pero hindi 'yan bibili. Tignan mo nga ang kanyang pananamit at edad? Masasabi mo bang nagmula siya sa napakamayamang pamilya? Ano siya, kabilang sa Manolo Family?" pagkukutya sa kanya ng ibang babaeng saleslady. Nakangisi si Lucia at napatanong sa sarili. Ano kaya ang magiging reaksyon ng saleslady kung malalaman niyang tagapagmana ng Manolo Family ang tinutukoy niya? Isn't it interesting?

Nahihiya at nanlulumo ang saleslady na umaasikaso kay Lucia. Nahihiya siya sa inaasta ng kanyang mga kasamahan at nanlulumo dahil sa posibilidad na magkatotoo ang sinasabi ng mga kasamahan niya. Siya pa naman ang inaasahan ng kanyang pamilya.

"Can I pay in card?" tanong ni Lucia at pinakita ang kanyang black card. Nagulat ang saleslady dahil sa black card. Ganyundin ang reaksyon ng mga saleslady na nasa likuran ni Lucia at nagsisisi kung bakit hindi sila ang nagsalubong sa mayamang binata. Isang napalaking sampal sa kanilang pagmumukha ang ginawa ni Lucia.

Napaisip rin ang saleslady dahil tanging mga kabilang sa mayayamang pamilya ang makakapagmay-ari ng black card. Pilit inaalaala ng saleslady kung saang pamilya na posibilidad nabibilang ang binata ngunit hindi niya ito maalaala.

Masisisi ba naman ninyo si Lucia na hindi siya nagpapakita sa publiko bilang Lucas? Nakabantay sarado ang kanyang mga ikinikilos mula sa mga mata ng kanyang stepmother na si Linette Tancongco. Ni hindi nga siya nito itinuring bilang anak ni Luicito Manolo at walang kaalam-alam nito ang kanyang ama.

Matagal na ring alam ni Lucia na ilang beses na siyang tinangkaan ni Linette na patayin upang mapawalam-bisa ang kanyang mana at maipasa sa kanyang panganay na dalaga ang pamana ng kanyang Lolo Zeke. Sa kasamaang palad, nag-uusok ang ulo ni Linette dahil palaging nakakaligtas mula sa kanyang mga kamay si Lucia na nagpapanggap bilang Lucas.

"Miss, puwede ko bang makuha ang pangalan at cellphone number mo? Ngayon lang ako nakakakita ng napakagandang babae na may mabuting puso" paakit niyang sabi sa saleslady habang kinikindatan ito at kinuha ang mga kamay ng saleslady. Hinihimas-himas niya ang mga malalambot nitong mga palad habang napasabi sa loob niya nang; "Wow! Napakalambot naman!" papuri niya.

Naalaala tuloy niya ang kanyang nagtitigasang mga palad na nabuo sa loob ng pagkaraang dalawampung taon dahil sa pag-eensayo ng martial arts upang makikipaglaban sa mga zombie. Napabugtong-hininga siya sa kanyang loob.

"Ako si Diana Romosa" pakilala ng saleslady at namumula ang mukha niya nang halos-haplusin ni Lucia ang mga palad ngunit wala so yang nakikitang malalaswa sa mga mata ng binata at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kaagad niyang inalis ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak ni Lucia at tinanggap ang black card saka ini-swipe ito sa swipe machine. May pipindutin na sana siya nang lumabas ang nakangiting Manager.

"Manager Trinidad" respetong nakangiti si Saleslady Diana sa kanyang Manager. Si Manager Trinidad ang nagpapasok sa kanya sa trabaho bilang Saleslady ng Real Estate Agency na ito.

"Welcome to Naturist Real Estate Agency, Young Master Lucas. I am informed that you are eligible to buy a plot of lands and mansions in VVIP S Class category. Here are the five mansions of dozen hectares of land suitable for your respectable status" sabi ni Manager Trinidad habang patuloy na nakangiti ngunit sa saloobin niya'y umiiyak ng "Sige na! Tanggapin mo na ang binigay ni Young Master Hector! Mawawalan ako ng trabaho nito kapag di mo tinanggap" aniya saka ipinakita ang sketch ng nasabing lupa't mansyon.

Nagulat si Lucia sa kanyang narinig at napahingal ng malalim. Tinignan niya ang litrato ng limang mansyon at napalaki ang kanyang mga mata dahil pamilyar ito sa kanya. Hindi ba't dito mismo sa lugar itinayo ang unang Survivor's Shelter? Kumunot ang kanyang noo sa di maipaliwanag na dahilan.

Pinagpapawisan si Manager Trinidad nang makita niya ang reaksyon sa mukha ni Lucia at napaisip na baka hindi nito nagustuhan ang desenyo ng mansyon o lupa.

"Wow! Napakaganda naman ng mga mansyong iyan, Young Master Lucas. Siguradong secured ang magiging pamilya mo diyan at napakalaki pa!" pasigaw na sabi ni Saleslady Diana na parang napalapit na siya kay Lucia at hindi na inisip pa na customer niya si Lucia. Hindi alam ni Lucia kung iiyak ba siya o matutuwa sa pinagbago ni Saleslady Diana at isang banayad na paningin ang binigay niya rito.

Nanlaki ang mga mata ni Hectar nang makita niyang nakipagharutan sa saleslady si Lucia. Nandilim ang kanyang mga paningin at tila naiinis sa kanyang nasaksihan. Kaagad siyang napabugtong-hininga at napatawa sa sarili. Nagsimula na nga ba siyang magkagusto sa kapwa niya lalaki? Ngunit bakit tila sa binatang iyon lamang siya nakaramdam ng ganito na parang naiiba siya sa lahat. Like he is special.

Pinagpapawisan si Butler Joseph sa kanyang nasaksihan mula sa kinikilos ng binata at nagsimulang mag-aalala para sa kanyang Young Master Hector. Mukhang one-sided love ang nabubuo rito at saka napahinga ng malalim. Thank goodness! There's a chance to straighten him from being bent!

Mabilis ang prosesong ng pagbabayad sa Real Estate Agency na ito. Tatanungin na sana ni Hector kung ano ang pangalan ng Saleslady na iyon upang itanggal ito sa trabaho dahil sa naiinis siya ngunit nagbago ang kanyang desisyon nang marinig niya ang sinabi ng binata kay Saleslady Diana.

"Kung nangangailangan ka ng tulong, huwag kang magdadalawang isip na lapitan ako. You can call me anytime and anywhere" at nagbigay si Lucia ng calling card kay Saleslady Diana. Napatango na lamang si Diana dahil ito ang unang beses na nakatagpo siya ng mayamang customer na hindi minamaliit ang mga katulad niyang nanggaling sa mahihirap na estados ng buhay.

Nagkuyom nang kamao si Hector at naninikip ang kanyang dibdib na tila ba'y may umagaw sa kanyang pag-aari.

Napatalon sa gulat si Diana nang makita niyang kakaiba ang awra ng isa panh binata. Ngayon lamang niya ito napansin. Lumapit ito sa kanya na may kasamang naka-tuxedong matanda.

"Kumusta po kayo, Mr. Joseph!" nanginginig na sabi ni Diana.

"Give me that thing" pautos na sabi ni Butler Joseph. Naguguluhan naman si Diana kung ano ang itinutukoy nito ngunit napansin niyang nakatingin sa kanyang kamay ang binatang kasama nito. Napatanto niyang tinutukoy ni Butler Joseph ang tungkol sa calling card at napahinga ng malalim. Binigay niya ang calling card ni Lucia kay Butler Joseph na walang halong ibang salita.

Tumango-tango si Hector sa ikinilos ni Diana. 'Hindi na ako magtataka kung magkakagusto man si Lucas sa babaeng ito' sa kanyang isip.

"I'll promote you to be the next manager of new branch in Digos City" malakas na deklara ni Hector at nagulat ang lahat saka sila umalis.