Marcus POV,
Next two weeks na ang pasukan. Ito ang unang taon ko sa senior high. I prayed silently na sana makapag focus ako para matapos ko ang strand ko. Kasalukuyan akong kumakain ng dinner kasama ang family, when my sister speak..
"kuya, remember Fryxha?" nabulunan ako sa pag inom ng tubig nung banggitin ng kapatid ko ang pangalang 'yon. Sandali akong napaisip. It's only been a month since I ghosted her. When I saw her picture, I was surprised. She's so beautiful. I'm no good for her. But I feel bad for ghosting her, ako kasi yung tinuring nyang "stranger bestfriend and boyfriend" kuno.
Wala akong alam tungkol sa kanya, at wala rin syang alam tungkol sakin. Hindi nya nga alam kung sa'n ako nakatira.
For sure maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya sa ganda nyang yon. Baka nga may bago na yun ngayon.
Thinking about that makes my heart ache. Pero sabi naman ng isip ko sa kabilang banda na, baka hindi sya yung nasa litratong sinend nya.
"Marcus!" nagising ang diwa ko sa sigaw ni mama. "hindi kusang lalapit 'yang pagkain sa bibig mo." pilosopo nyang sabi sakin kaya napanguso ako at itinuloy ang pagkain. Napatingin ako sa kapatid ko at nasilayan ang mapang-asar nitong ngisi at tingin, ngunit binalewala ko nalang at tinapos ang pagkain.
2 weeks later...
*kringgggggggg
Inis akong napabangon sa ingay ng alarm clock. "arghhh!" I groaned in annoyance. I checked the time, 5am. "yey, pasukan na ulit." sarkastiko kong wika sa sarili. Here I go, HELL!
Matapos kumain at mag-ayos ng sarili ay tiningnan ko ang sarili sa full body mirror. White long sleeve polo, black necktie, black uniform jacket, black pants, bag, and id. I'm all set.
NAKAYUKO akong naglalakad sa hallway ng school. Rinig ko ang bulungan ng mga estudyante na may magandang transferee daw ngayon. Isina-walang bahala ko nalang dahil wala naman akong mapapala kung makiki-isyoso ako.
"ouch." sa pag-iisip ay di ko napansin na may nakabanggaan ako.
"I-I'm sorry, di ako tumitingin sa dinadaanan." Nakayuko kong paumanhin, hindi ko tinitingnan ang kanyang mukha. Ramdam ko ang tingin ng mga estudyante at ang nakakabinging katahimikan. Kaya nag-angat ako ng tingin sa babae, saglit ko inaalala kung saan ko sya nakita. Ng mapamilyaran ay bahagyang nanlaki ang aking mga mata. T-this woman...
I saw her smirked.
"What a coincidence...Marcus." She said coldly. Kinilabutan ako ng banggitin nya ang pangalan ko. I didn't know what to say. I was lost for words. But this word came out my mouth unconsciously.
"Fryxha.." Pabulong kong banggit ng pangalan nya. Mas lumapit sya sakin na syang ikina-singhap ng mga estudyante at ang iba ay nagbubulungan. Napigil ko ang aking paghinga. Her lips touch my right ear which gave me goosebumps. Damn this girl.
"Breathe." Para akong nanlambot ng ibulong nya yon.
Hindi ko namalayan na nakaalis na sya sa harapan ko at naglalakad na paalis.
Here I go, hell.