Sabi nila kapag tadhana na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin ang dalawang tao...
wala ka nang magagawa kundi ang harapin 'to...
wala ka nang magagawa para takasan 'to...
lalong-lalo na kapag mahal mo na ang isang tao...
but for me?
I do believe...
that love
is a choice
it's your choice to love and be loved
it's a decision
if you stay or leave from that person
***
"I am Maria Tanchellie Lobete, 19, mutya ng Bogo City, Cebu!" sigaw niya habang nakaharap sa maraming tao.
Nasa harapan siya ngayon ng isa sa napakalaking entablado kung saan madalas ay doon ginaganap ang malalaking events, tulad na lang ng mutya ng Pilipinas.
Malalapad ang mga ngiti niya pero damang-dama niya ang panlalamig ng buong katawan habang nakangiti sa harapan ng maraming tao na naghihiyawan at nagsisipalakpakan na nakatingin sa kanya.
Sa kabila ng kaba at panlalamig ng buong katawan ay isinantabi niya ang lahat ng 'yun para sa pangarap niya at para sa pamilya niya.
Hindi niya pweding biguin ang pamilya niya lalong-lalo na ang ama niyang walang ibang nakikita kundi ang mga kamalian niya sa buhay.
"Tanch?"
***
"Hoy Tanch!"
tawag ni Trixie sabay tulak sa balikat niya na nagdulot ng sobrang gulat sa kanya.
Nakasimangot na binalingan niya ito. "Sira ka talaga!"
"Ano na naman kasi 'yang iniisip mo? Halika ka na baka mahuli pa tayo sa training!" nangdidilat ang mga mata at nakangiting saad nito.
"Oo nga, nagmukha kang 30's sa mukha mong 'yan 'te!" nakatawa namang sambit ni Chezka.
"If I know 'yung nakaraan mo na naman 'yung iniisip mo!" pasaring naman ni Karen. "Hay naku Tanch! Mag move on ka na nakakatanda 'yan ha!"
Nagpa-iling iling na lamang siya sa mga ito. Gano'n naman talaga ang palaging tagpo sa tuwing nakakasama niya ang mga ito.
Palagi siyang sinasaway ng mga kaibigan sa tuwing nakikita siya ng mga itong nakatulala dahil palaging inaalala ang mga nakaraang dapat na niyang ibinaon sa limot.
Kolehiyo pa lamang siya ay nakilala na niya ang mga ito, dahil nga parehas ng kursong kinuha at parehas pangarap maging isang flight attendant ay nakagaanan niya ng loob at naging malapit na kaibigan ang mga ito.
Kaya hindi rin nakakapagtaka kung bakit alam ng mga ito ang lahat-lahat ng nangyayari sa buhay niya maging ang mga nakaraan niya.
Nasa office sila ng isa sa sikat at kilalang airlines sa Pilipinas, walang iba kundi ang Phillipine Airlines kung saan iyon ang kauna unahang araw ng kanilang training matapos nilang dumaan sa iba't ibang screenings, interviews, at exams.
Hindi naman maalis na kanya ang pressure dahil bukod nga sa pangarap niyang makapasok at ma regular sa airlines na iyon ay iyon din ang nakikita niyang tutulong sa pamilya niyang aahon mula sa kahirapan.
Aminado siyang nasanay siya sa marangyang buhay nila noon ngunit nang naghiwalay ang mga magulang niya lahat ng 'yun ay nagbago, kaya ganoon na lang ang pagpupursigi niyang makatapos para matupad ang pangarap niya.
"Tanch! Halika na!" pagtawag ulit ni Trixie.
Napasunod na lamang siya sa tatlo.
***
Unang araw ng kanilang training, bawat kasamahan niya sa loob ng malamig at maaliwalas na silid na iyon ay determinadong ma regular sa airlines na iyon.
Nakatayo lamang siya ngayon sa bungad ng pinto at tahimik na inilibot ang mga mata sa loob ng silid.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na nasa main office na siya ng PAL, na noon ang pinapangarap lang niya.
Ilang sandali pa siyang nakatayo roon nang hindi sinasadyang may nakabunggo sa kanya na labis naman niyang ikinagulat.
Sa puntong iyon na nabunggo siya nito ay natapon ang lahat ng mga gamit niya sa sahig, inis na binalingan niya ito ngunit para lang mas lalong magulat at mainis nang makilala ito.
Napansin niya agad ang ganda na taglay nito...
mga maliliit nitong mata na waring kumikinang...
natural na mapupulang pisngi...
at mga labing maninipis na kay...
bigla siyang nagpailing-iling at nagbaba ng tingin...
hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaeng ito...
ang babaeng kinaiinisan niya simula't sapol palang...
ang babaeng naging dahilan kung bakit nasira ang pangarap niya...
"Tanch? Ikaw na ba 'yan?" bagamat nagulat ay tuwang-tuwang sambit nito. "Natatandaan mo pa ba 'ko? Ako 'to si Sarah, Sarah Garcia! Kumusta ka na?"
"Oo naman," sagot niya na pilit ang mga ngiti sa labi. "Sino ba naman ang makakalimot sa'yo, e 'di ba nga ikaw ang tinanghal na mutya ng Pilipinas sa batch natin?"
Agad siyang nagbawi ng tingin at pinagdadampot na ang mga nagkalat na gamit sa sahig, napaupo naman ito para tulungan siya.
"Pasensya ka na, hindi ko sinasadya," sabi pa nito habang tinutulungan siya.
Magkasalubong ang mga kilay na nagpatuloy lamang siya sa ginagawa, magkasabay naman silang napatayo at iniabot nito ang ilang mga gamit na nasa kamay nito.
"Thank you!" tipid niyang sagot.
"Kumusta ka na? Dito ka pala nag-apply?" nakangiti pa ring sabi nito.
"Okay lang. Ah, sige maiwan na kita," iyon lang at tinalikuran na niya ito.
Naupo naman siya sa isang upuan kung saan malapit kina Trixie.
"Pssst!" tawag ni Trixie sabay kalabit sa kanya. "Nakita ko 'yun! Sino 'yun?"
***
Nagmamadali si Sarah sa paglalakad para hanapin ang silid kung saan gaganapin ang unang araw niya sa training sa PAL.
Hindi naman niya maiwasang mainis sa sarili dahil kauna unahang araw pa lang e muntikan na siyang ma late.
Napangiti siya nang sa wakas ay natunton din niya ang silid na iyon.
Sa pagmamadali ay hindi niya napansing may tao palang nakatayo sa pinto.
Sa hindi sinasadya ay nabunggo niya ito ay natapon ang lahat ng mga gamit nito sa sahig, paulit-ulit naman ang paghingi niya ng sorry rito.
Nang nilingon niya ito at nagtagpo ang kanilang mga mata ay nakilala niya agad ito.
"Tanch? Ikaw na ba 'yan?" tuwang-tuwang sambit niya. "Natatandaan mo pa ba ako? Ako 'to si Sarah, Sarah Garcia! Kumusta ka na?"
Nakilala niya agad ito dahil kasama niya itong sumali noon sa isang beauty pageant.
Nakilala niya ito bilang isang palangiti at mabait na tao ngunit matapos ang pageant na iyon ay hindi na niya ito nakita.
"Oo naman. Sino ba naman ang makakalimot sa'yo, e 'di ba nga ikaw ang tinanghal na mutya ng Pilipinas sa batch natin?"
Nagbawi agad ito ng tingin, tinulungan niya itong damputin ang mga natapon nitong gamit.
"Pasensya ka na, hindi ko sinasadya," paulit-ulit niyang sabi habang tinutulungan ito.
Matapos makuha ang mga gamit nito ay iniabot niya iyon sa kamay nito.
"Thank you!"
"Kumusta ka na? Dito ka pala nag-apply?"
"Okay lang. Ah, sige maiwan na kita," sagot nito saka tinalikuran na siya.
Nagtataka naman siya sa ipinakita nito, napapakamot sa ulong napaupo na lamang siya sa isang silyang malapit lang sa kanyang kinatatayuan.
Eksakto naman ang pagdating ng kanilang instructor.
"Good morning everyone! Kumusta ang mga naggagandahang binibini na nakapasa sa mahigpit na interviews and exams ng PAL," mapagbirong salubong nito sa kanila.
Magkasabay naman silang nagtawanan lahat.
"Unang-una sa lahat ako nga pala si Mrs. Suzette Smith ang makakasama niyo sa loob ng apat na buwan sa training na ito."
Matapos nagpakilala ito ay isa-isa naman silang nagpakilala sa lahat.
Sa unang araw pa lang ay ipinaliwanag na sa kanila ang General Airline Information.
Habang nakikinig sa discussion ay hindi naman niya maiwasang mapasulyap kay Tanch.
Sa puntong iyon na may itinanong sa kanila si Mrs. Smith ay magkasabay silang napataas ng kamay para sagutin ito.
Napangiti naman siya nang siya ang itinuro ni Mrs. Smith para sumagot sa tanong nito.
Sa hindi sinasadya ay napalingon pa siya kay Tanch at huling-huli niya ang mukha nitong napasimangot nang siya ang sumagot.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naging reaction nito sa kanya, ibang-iba noong panahong una niya itong nakita at nakilala.
Hello mga Lablab, mababasa niyo lamang po ang karugtong ng kwento sa ating YouTube Channel: Tagalog Love Stories MS