Chereads / Fangirl Noticed / Chapter 5 - Chapter 2: Present Day

Chapter 5 - Chapter 2: Present Day

Present Day

Mickaella Vergara

Present Day

"Ella, naka usap ko na yung mga kaibigan ko sa pilipinas. Sila yung mga makakasama mo sa bahay. Be a good girl dun ha?" paalala sakin ni Kuya Vince.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Seriously? Kapatid ba talaga kita? You're not even concerned to me. That's your friends, so meaning to say they're men. Pano kung anong gawin nung mga yun sakin ha?" iritang sabi ko kay Kuya.

Grabe! Babae ako tas makakasama ko sa isang bahay, yung mga kaibigan nyang lalaki? How pathetic he is?

Napahawak ako sa noo ko ng pitikin nya ito. "Aray! Ano ba!?"

"Wag ka ngang OA. Ang assuming mo rin eh noh? Mataas kaya ang standard nila. Swerte mo nga at makakasama mo sila ih. Baka pag nakita mo yung mga yon lumuha yang mga mata mo at baka nga mag thankyou ka pa sakin. Tsaka wag ka ngang mag-alala, may tiwala din sila mama sa kanila"

Sinamaan ko ulit sya ng tingin.

"Ewan ko sayo. You know what kuya? If ever something bad happened to me, you are the one to blame." sabay labas ko.

"Ella? Bat nakasimangot ka dyan?" Daddy asked.

Lumapit ako kay Dad at inakap sya.

I'm trying hard para lang magpa-cute kay Dad. Sana effective!

"Hmm... Dad, can I stay here nalang? Please?"

"Hey Ella, hindi pwede. Dun mo na ituloy yung pag aaral mo sa pilipinas. Okay?" biglang dating naman ni Mama.

"Ma. Sige na po oh. Mamaya mga bad guys pala yung mga friends ni kuya don. Pano na ko? Hindi ba kayo nag-aalala sakin?''

Lumapit naman sakin si Mama at hinawakan ang kamay ko.

"Ella, mga mababait yung mga batang yon. Hindi ka naman namin ipagkakatiwala sa di namin kilala. Habang wala kami don sila muna ang bahala sayo ha?"

"Yah! Tsaka after kong ayusin yung some prob' dito susunod ako sayo don. If ever naman na magkaroon ng time sila Mama at Dad makakasunod din sila" paalala naman sakin ni kuya.

The truth is, I just don't want to go back to the Philippines because I'm more than happy and willing to spend my days and nights with my family. 

But ofcourse, may mga nami-miss na rin naman ako dun. Sila Jamila, Zhyra even sila Cassandra at Rusty.

Lahat ng mga friends ko dun, sila Tito at Tita, mga pinsan ko dun. And I promised to myself that I will for them.  Ang PAINT IT BLACK at sya. Si JAYDEE.

Years past but I hope naaalala nya pa ako.

Napahawak ako sa kwintas na suot ko.

MJ

Lumapit ako sa direksyon ni Mama. Tinanggal ko ang kwintas ko sa leeg ko at sinuot ko ito kay Mama.

"Kwintas mo to ha?" pagtataka ni Mama.

"Ma, this is one of the most important thing I have from the important guy. Sabihin nating ipapahiram ko to sa inyo bilang promise necklace nyo sakin. Promise me that you will come back to the Philippines asap then you'll give this back to me. Hihintayin ko kayo don ha" sabay nguso ko.

"Enough for this dramatic scene, okay? Male-late kana sa flight mo. Come on, everything's." inirapan ko lang si kuya.

Humarap naman ako kay Daddy.

"Dad promise me susunod kayo don agad ha?! I'll miss you!"

"Ofcourse my princess. Susunod kami don agad"

Yumakap muna ako kay Mama and Dad sunod kay Kuya.

"Ikaw ng bahala sa kanila. Mamimiss naman kita ng konti wag kang mag alala" pagbibiro ko kay kuya.

***•••***

Eto na ba yon? Siguro.

Eto na yung number 72 na gate ih.

"Tao po... tao po!" nang biglang bumukas ang pinto. What the--- ang gwapo mga girl! Shemss I think galing syang heaven! He's so handsome. "Hi---"

"Name and relationship with Vince?" bungad sa akin ng lalaking kaharap ko ngayon. Ngumiti ako ng pilit.

"Ella Vergara. Brother ko si Vince Vergara"

"Hi! Reinz ang name ko. Nice to meet you Ella" nginitian ko lang sya tsaka ako sumunod sa kanya sa loob.

"Ang ganda" biglang nasabi ko na lang.

"Pag mamay-ari to ni DJ so hanggat nandito ka sa bahay nato sya talaga ang masusunod" ganon?

"Ah nasan yung iba?" tanong ko.

Bigla naman syang ngumiti. The heck with that smile

Ang cute nya!

Pag ngumingiti kasi sya sumisingkit yung mata nya. Ang cute!

"Wala sila nasa fan signing. Tapos si DJ naman nasa shooting pero pabalik na yung mga yon"

Shooting? Fan signing? Nakakaloka!

"Fan signing? Shooting?"

"Next time ko nalang ipapaliwanag sayo. Ayun yung kwarto mo sa second floor pangatlo sa dulo. Tara hatid na kita." kinuha nya yung maleta ko at nag simula na syang umakyat.

"Dito nalang salamat"

"Magpahinga ka muna. Tatawagin nalang kita pag kakain na"

Ngumiti naman ako sa kanya. Ngumiti muna sya sakin bago umalis. Agad akong tumalon pahiga sa kama. Wooh! Kapagod!

Napahinga ako ng malalim.

Ang ganda ng kwarto ko. Malaki at elegant tignan.

Napapikit ako. Nakakapagod... hmm mamaya nalang siguro ako mag aayos ng mga gamit ko.

***•••***

Wah! Ano ba?! Hindi ako makatulog! Ang ingay!

Napatakip ako sa tenga ko.

Halo-halong instrument. May drums, may guitar at may piano pa.

Wah! Di talaga ako makatulog!

Nagtakip ako ng unan sa ulo ko. Nagtaklob na rin ako ng kumot pero abot talaga dito yung ingay! Wth!

Agad akong bumangon at lumabas. Gosh nasisira yung rebonded kong hair ih. Teka san ba galing yung tunog? Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Napatakip ulit ako sa tenga ko. Sa kabilang dulo ng hall nitong second floor may kwarto at nakalagay Music room. Hmmm... eto na nga.

Ilang beses akong kumatok.

"Hey please paki hinaan naman ng volume nyo---"

Biglang bumukas ang pinto dahilan para biglang manlaki yung mga mata ko sa nakita ko. Isang lalake. Ganon parin ang itsura nya. May pagka messy hair na bumagay sa kanya, matangakad sya, matangos ang ilong, kissable ang lips, maypagka maputi, at ang kanyang mata, ganon padin, ang pagkaka-iba lang... lalo syang gumwapo.

Ang tagal ko rin syang hindi nakita. Ngayong nandito na sya, ano na? "J-Jaydee?"

Napangiti sya. Wah! Nakita ko na yang ngiti nya dati ih!

"Ikaw ba yung kapatid ni Vince? Hindi ko naman alam na pati pala sa states sikat na ko" napakunot noo ako.

H-hindi nya ba ako naaalala?

Sa di malamang dahilan biglang sumikip ang dibdib ko

Ang sakit.

"T-teka... ako ba... hindi mo---"

"No wonder kung kilala mo ko. Well ganon na nga siguro ako ka-sikat"

Biglang may parang kung anong kumirot sa puso ko. Masakit, nakaka dissapoint. Yung tipong parang gusto nalang bumagsak ng mga luha ko pero pilit kong pinipigilan. Haysst! Ano bang nangyayare sakin?!

Bigla akong napayuko. Akala ko hinahanap nya rin ako. Akala ko hinihintay nya rin ako. Pero kahit mukha ko di manlang nya naaalala "By the way, magpapakilala padin ako. Jaydee Avila. Swerte mo at nasa bahay kita, makakasama mo kami" sabi nya sabay lahad nya ng kamay nya

"Ella" sabi ko sabay alis. Ni hindi ko manlang naisipang pagtuunan ng pansin ang kamay nyang nakalahad.

I'm a bratt, that's everyones thought because of my attitude, but I really don't give a d*mn much attention for them. Think what they want to think as if I care.

Nawalan ako ng gana. Mali ang akala ko. Hindi na nya ako naaalala. Wala na. Buti nalang di ako nag assume sa mga pinakita nya sakin noon.

Grabe ang sakit ma-disappoint.