ISANG TAONG PANGUNGULILA!-
CHAPTER TWO
Nagmamadali akong lumakad kasi inutusan ako ni ma'am Cherry na ibigay itong mga invitation kina ma'am Odette Cajar at sa iba pang teachers dahil alam nilang kilala ko daw sila.
Sasakay pa ako ng tricycle para madaling makarating do'n.Malayo-layo rin kasi ang Saint Gomez University.Actually,wala na talaga kami ngayong klase Kaya lang may points ang tutulong sa pag-asikaso sa stage sayang naman kung hindi ako tutulong.
Pagdedecorate lang naman ang gagawin, maliit na bagay.
Pumara na ako ng tricycle at sinabing sa Saint Gomez university ako bababa.Mga Twenty minutes lang ang biyahe at nakarating na kami dito.
"Anong kailangan mo miss?May sadya ka ba rito?"tanong ni manong guard.
"Oo,meron po kuya.Pinabigay po kasi itong mga invitation"magalang na sabi ko sa kaniya.
"Sige pasok ka na."pagkatapos ipakita ang ID ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad malapit na ako sa office ng may nakabangga ako.
"Sorry po,hindi ko sinasadya"nahihiyang sabi ko sabay pulot sa mga papel na lumipad.
Lagot baka magalit siya.Ang dami kasing papel na nagkalat sanhi ng pagkabangga ko sa kanya.
"Okay lang miss"napataas kaagad ang mukha ko dahil sa boses na narinig ko.OMG,lalaki ang nabangga ko baka masuntok ako nito.
"Hehehe sorry talaga kuya"
"Okay lang talaga kasalanan ko rin kasi hindi kita nakita may hinahanap din kasi akong pangalan dito.At teka lang,How old are you na ba?"tanong niya sa akin.
"Seventeen na ako."
"Nah see, so don't call me kuya because I'm turning Seventeen palang."wooh matanda pa pala ako sa kanya,ang taas kasi niya at may katamtamang laki.
"Ah,sige may ibibigay pa kasi ako"sabay pakita sa mga invitation card.
"Aalis na din ako.Ihahatid ko pa kasi itong mga papel sa Grade-Ten Lexus."pamamaalam niya.
"Uh,ano pala ang pangalan mo?
I'm Marky Salvaster"
"Klyde Chemn Miguel."
"Nice to meet you Klyde."
"Me too,mark"halos pabulong nalang na tugon ko.
Nagmamadali akong pumasok sa office.Ibinigay ko na ang lahat ng invitation at nagmamadali ding umalis.
Habang naglalakad palinga-linga ako sa paligid.Naalala ko kung paano ako naiinis sa paaralang ito!
×××
"Oh,so may gusto pala itong si Deche kay khade.Hahaha ang labo mo pre may nainlove na nga sayo ganito pa."parang panlalait yun sa akin.
"Hindi kayo bagay"
"Magkaibang-magkaiba"
"So,Ewwwwy."mga taong mapanghusga.
Hindi ko naman sinabing may gusto ako sa kaniya.Bestfriend kami e.dapat nagkakaliwanagan kami.
"Uy khade sabihin mo nga,ano ba yung sinabi ko sa'yo?nang magka-liwanagan na."biglang tumahimik sila at nagbulong-bulongan.
"You said "you like me"!!!khade grrrrrrrr NAPAKASAMA MO.....
COMFORT ROOM
Inilagay ko muna ang bag sa labas.Pumasok ako at umihi na.Paglabas ko may tao nang naghihintay.
"Ohhh,ikaw pala yan MALANDI."
"Ahaha BITCH bakit nag-iisa ka?"hindi ko nalang sila pinansin.
"Layuan mo si khade"
tumango nalang ako bilang sagot.
"Bakit ayaw mong magsalita,huh?Ayaw mo?"Sabay hila niya sa buhok ko.
"Tama na yan Fritz,nandito lang tayo para manigurado."binitiwan na niya sa wakas ang buhok ko.Ang sakit sa anit.Akala ko aalis na sila kaya lang yung bag ko na naman ang napaglaruan.Binuhos niya ang laman.
"Ayyy wow,ang talino nga."at umalis na sila mabuti nga at hindi masyadong basa ang sahig dito pero madumi.
×××××
Habang naglalakad na ako pauwi.
"Uyyy, Klyde!!!ang pangit mo!! Haha"
"Alam ko khade kaya tigilan mo na ako.Masakit na dito"sabay turo sa puso.
"Akala ko mapo-protektahan mo ako kapag nandito ako pero hindi pala."
tatakbo na sana ako kaya lang nasabit ang hawakanan ng bag ko sa kawayan.
"Teka ka lang Klyde bakit ganyan ang cellphone mo?May umaway ba sa'yo?"tanong niya sa nakitang basag na cellphone ko.
"Ahhh,wala naman.Siguro nong nabitawan ko itong bag"lame reason.Napatango-tango lang siya.
×××××
"Ang sabi ko sayo layuan mo siya diba?"sabay sabunot sa buhok ko.
"Napaka landi talaga"sabunot din nitong si Fritz.Wala na akong lakas lumaban,nanghihina na ako.Dumilim ang paligid ko at ang mukha ni khade ang unang nakita ko.
"Okay ka lang Klyde,nasaktan ka ba?"
"Bakit maniniwala ka kung hindi,hind...i ako nasaktan"sob...sob...sob..."hindi e...sobrang sakit ng mga pinaggagawa nila.Una yung gamit ko tapos ngayon eto na"umiiyak na sabi ko sa kaniya."Ang gustu lang naman nila ay layuan kita o lalayo ka.Kapag lumayo ka .....o
kung ako nalang ang lalayo mag pa transfer nalang ako,diba okay yun.?
"Oo"
"Gusto mo na din ba akong lumayo sayo"
mahinang sabi ko sa kaniya.
"Oo para hindi kana masasaktan.Hahaha ang drama natin magkikita pa naman tayo sa bahay e."
oo nga no ang bobo talaga.
×××××
End of Flashbacks
Bakit sobrang sakit..parang hindi na yata ito mawawala.
Ang huli naming pag-uusap ay yung sa bahay.
Yun yong panahon na pinaalis ko siya.
Umiiyak ako ngayon kasi siya lang ang tumatawag sa aking"Klyde" kaya naalala ko.
May tumawag na naman kasi sa aking Klyde.
Kung bibigyan kami ng isang pagkakataong magkita ipapangako kong hindi ko na ito sasayangin pa.
Parang sumama na ang pakiramdam ko,hindi na yata ako makakabalik sa school.
Naglalakad lang ako hanggang napadaan ako sa Ice cream house.Parang ang sarap kumain.
Pero nong pagpasok ko umurong yata bigla ang pagkagusto ko sa ice cream.
Alam kong siya iyon.Kahit na nakatalikod alam kong siya iyan.Kaya lang....
Bakit may kahalikan siya?...napaatras ako bigla dahil may tumulong mainit na likido sa pisngi ko.May makakabangga ako kaya tumama ako sa malapad na dibdib niya.
"I'm so sorry,po."sabay yuko.
"It's okay,wala ka namang na damage"parang may half yata to hindi ko lang matukoy.
"Ahh,sige.Aalis na ako" tumakbo na ako ng mabilis kung saan wala siya.
Masaya naman na pala siya bakit ko pa sisirain.Diba?
Pero gusto ko nang mag-usap kami para magkaliwanagan na at magkabati.
Sana bumalik kami sa mga bata pa, na ang saya-saya pa namin.Walang pinag-aawayan.
Ngayon din sana....
SANA......
*****
End of CHAPTER TWO