Chereads / Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki / Chapter 8 - Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

Chapter 8 - Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

CHAPTER SEVEN

NEXT DAY

INT. CAFÉ-DAY

Maaliwalas ang umaga salungat kagabi. Napuno ng matinis at lagislis na tunog ng mga kabibi ang café na tanda ng unang customer sa araw na iyon.

BUTTERFLY

Welcome to Amore café---ready na po ba kayong makahigop ng kapeng gawa sa pag-mamahal?

*bati nito ng hindi tumitingin sapagkat busy ito sa pag-aayos ng coffee machine.

HORHE

Nandito po ako para sa first day ng trabaho ko.

BUTTERFLY

Akala ko naman customer na.

*dismayado itong sabi ng mapalingon ito ng marinig ang boses ng unang taong pumasok na inakala niyang customer.

Mag white tea ka muna.

*sabay lapag ng tsaa sa harapang mesa kung nasaan si Horhe.

HORHE

Tsaa na naman, di ba coffee shop 'to? Bakit puro tsaa lagi binibigay mo sa'kin?

*pagrereklamo nito.

BUTTERFLY

Sa pagkakatanda ko Boss mo na ako ayusin mo ang hulma ng dila mo.

HORHE

Sabi ko nga po salamat sa tsaa Boss.

*sabay inom nito sa tsaa at ngiti.

BUTTERFLY

Aray...

*inda nito ng bigla itong napaso at kaagad nagtungo roon si Horhe upang sumaklolo. Hawak nito sa ilalim ng bumubuhos na tubig ang kamay niya at sa mga oras na ito ay 'di niya inda ang hapdi ng paso sapagkat nakatitig siya sa mukha ng taong sumaklolo sa kanya.

HORHE

Ang clumsy mo.

BUTTERFLY

Ha?

HORHE

Umuo ka na lang.

BUTTERFLY

Oo.

HORHE

Ha?

BUTTERFLY

Ang sabi mo umuo ako.

*napatawa ng malakas si Horhe na ikinakunot noo ni Butterfly.

HORHE

Nasaan ba nakalagay dito yung first aid?

BUTTERFLY

Kaya ko na'to.

*confident na sabi nito sa tumulong sa kanya na si Horhe.

HORHE

Okay.

BUTTERFLY

Kung kailangan mo ng assist kapag may customer na tawagin mo ako, kailangan ko lang lagyan 'to ng gamot.

*at saka ito umalis at simula naman ng pagbabantay ni Horhe sa cashier at ilang sandali lang tumunog muli ang matinis na lagilis ng kolorete sa may pintuan ng café na tanda ng isang customer.

HORHE

Welcome to Amore café---ready na po ba kayong makahigop ng kapeng gawa sa pag-mamahal?

*bati nito sa pumasok.

KINCHAY

Horhe?

*gulat nitong sambit ng makita ang kakilala.

HORHE

Kinchay?

*gulat din nitong sambit sa pangalan ng kakilala.

KINCHAY

Ba't ka nandito?

HORHE

Dito ako nagta-trabaho.

KINCHAY

Kailan pa?

HORHE

Ngayon pa lang.

KINCHAY

Bakit? himala yata?

*may pang-aasar na pagtataka nitong tanong.

HORHE

Dahil sa winter girl na yun.

KINCHAY

Sabi na eh.

HORHE

Anong order mo? Bilis busy ako!

*tanong nito.

KINCHAY

Hoy customer ako respeto naman.

HORHE

Ano pong order niyo Miss Customer?

*sarcastic nitong tanong, tinitigan ni Kinchay ang menu board at pikit mata nitong sinambit ang order.

KINCHAY

Isang iced coffee.

HORHE

Parang 'di ka pa sigurado sa order mo,first time mo?

*pang-aasar nito.

KINCHAY

Bilis busy ako!

*pang-gagaya nito sa sinabi ni Horhe kanina upang asarin ito.

HORHE

Oo na po Miss Customer.

*at ginawa na nga nito ang order ni Kinchay.

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. CATACUTAN RESIDENCE-DAY

Kakagising pa lamang ni Darcy, pansin nito ang kanyang Mapa na tila may binubuksan na brown envelope.

DARCY

Ano po yan?

*tanong nito na nag bigay gulat sa kanyang Mapa.

MAPA

Ay brown envelope ni Juancho!!!

*gulat na sambit nito.

DARCY

Brown envelope po nino?

MAPA

Ni Juancho pero sayo na 'to.

DARCY

Po?

*naguguluhang tanong nito sa kanyang Mapa.

MAPA

Brown envelope na galing kay Juancho na sayo na kaya brown envelope mo na.

*kita pa rin sa mukha ni Darcy ang pagkalito sa mga salitang lumabas sa bibig ng kanyang Mapa.

Bago umalis si Juancho binigay niya yan, para daw sa'yo.

DARCY

Akin po pala yan eh bakit niyo po binubuksan?

*taranta ang binigay ng tanong na ito kay Mapa mabuti ay nakaisip ito ng palusot.

MAPA

Akala ko kasi bills... Oh buksan mo na.

*abot nito sa brown envelope kay Darcy at sabay namang binuksan ito ni Darcy habang sisipat-sipat na tinitignan ni Mapa kung ano ang laman nito.

DARCY

Alis muna ako po ako Mapa.

*nagmamadali nitong pag-papaalam matapos malaman ang laman ng brown envelope---kaagad itong tumakbo palabas, hindi na nito alintana ang suot na pantulog.

MAPA

Ano bang laman ng envelope? Baka gusto mo i-share sa Mapa mo anak?

*pahabol nitong mga tanong sa anak na naka-alis na...

Haayyy! Dapat talaga binuksan ko na lang tapos sineal ko ulit eh.

*panghihinayang nito.

AFTER A WHILE

EXT. JUANCHO's HOUSE-DAY

Matapos ang maka-ilang pindot ng doorbell ay bumukas ang pinto at bumungad sa kay Darcy ang Manager ni Juancho.

MANAGER PARK

Oh? Bakit ka napunta dito Darcy?

DARCY

Nandyan po ba si Juancho?

*hingal na tanong nito.

MANAGER PARK

Si Juancho?

*tumango si Darcy.

Nag-propromote ng latest movie niya,bakit may problema ba? At saka bakit nakapangtulog ka pa?

DARCY

Wala naman po, sige aalis na po ako.

*at bago ito maka-alis ay pinigilan ito ni Manager Park.

MANAGER PARK

Teka lang,halika.

*nagtataka si Darcy nakatingin rito.

DARCY

Bakit po?

MANAGER PARK

Alam mo naman kung bakit ikaw yung fake Fiancé ni Juancho di ba?

DARCY

Opo, dahil sa aksidenteng ako yung nahigit niya imbes yung dapat na fake Fiancé niya.

MANAGER PARK

Hindi yun, ang ibig kong sabihin yung isa pang dahilan.

DARCY

Ah yung dahil sa hinihintay niya yung the one niya.

MANAGER PARK

Wala namang problema kung sino yung the one na yun, ang kailangan ko lang malaman ay kung sino yung pambansang swerte ng Pilipinas na sinasabi niya.

DARCY

Pambansang swerte ng Pilipinas??!!

*malakas na sambit nito sa gulat sa narinig.

MANAGER PARK

Shhh...

*sa pagkakarinig nito ay napatakip ng bibig ang gulat na si Darcy.

Huwag kang maingay nagkalat ang mga paparazzi sa paligid.

*paalala nito.

Oo, yung sinasabi niya lagi na pambansang swerte ng Pilipinas na araw-araw kong naririnig sa kanya.

DARCY

Ako yun eh, alam ko ako yun eh...

*bulong nito sa sarili.

MANAGER PARK

Sinong ikaw?

DARCY

Ah, wala po...

*maang-maangan nito.

Sige po mamaya na lang po.

*paalam nito sabay takbo.

MANAGER PARK

Pag nakita mo siya sabihan mo ako.

*pahabol na pasigaw na habilin nito.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. DARCY's ROOM-DAY

Napahiga kaagad si Darcy sa kanyang kama pagpasok pa lamang niya, itinaas ang brown envelope na kanina pang bitbit at napabuntong hininga at nagbalik sa kanya ang isang alaala noon na nagpatanto sa kanya ng isang bagay.

COLLEGE YEARS SEVERAL YEARS AGO

JUANCHO

Congratulations...

*nagbalik kaagad ang ulirat nito sa kasalukuyan.

DARCY

Kaya ba kinongrarulate niya ako dati dahil sa kadami-dami ng efforts ko para mag-papansin sa kanya ay nagawa kong mapansin niya ako.

*napa-upo si Darcy sa stress dahil sa naiisip at sa tumpok ng mga sulat na galing sa mga fan ni Juancho ay nabaling ang tingin at sa lahat ng puting sobre na tumpok roon ay isang pulang sobre ang pumukaw ng tingin na dali-dali niyang kinuha.

Dear Darcy,

Noong unang araw na nag sabi kang gusto mo ako.

*sa pagkabasa ng unang linya sa sulat ay bumalik kaagad kay Darcy ang alaalang nabanggit sa liham...

PRE-SCHOOL DAYS SEVERAL YEARS AGO

DARCY

Gusto kita Juancho.

JUANCHO

Hindi kita gusto...

Noong araw na iyon ang siyang unang araw na napansin mo ako. Chestnut brown yun yung pagtingin ko sa kulay ng buhok mo.

ELEMENTARY DAYS SEVERAL YEARS AGO

DARCY

Nagpakulay ako ng buhok, nagustuhan mo ba Juancho? alam mo ba kung anong kulay 'to?

JUANCHO

Maganda yung kulay pero dahil pangit ka hindi bumagay sa'yo...

Yung tungkol sa buhok mo, natakot akong maraming magka-gusto sa'yo kaya sinabi kong 'di bagay sa'yo para palitan mo at saka yung sa prom date naman...

HIGH SCHOOL DAYS SEVERAL YEARS AGO

DARCY

Ahmm,may ka-date ka na ba sa prom?

JUANCHO

Ikaw? Mayka-date ka na?

DARCY

Ako? Wa...wa...wala pa... Wala pa...

JUANCHO

Kawawa ka naman...

yung tungkol sa prom date, kinabahan kasi ako ng tanungin mo ako,sorry---pero ikaw ang gusto kong maka-date ng araw na yun.

P.s. kung nababasa mo 'to malalaman mo nang lagi akong naghihintay sa'yo sa covered court ng school natin nung college.

Lihim Na Nagmamahal Sa'yo,

Juancho

*sa pagkabasa ng liham na iyon ay ang pagtakbo ni Darcy patungo sa sinabing lugar sa liham ni Juancho.

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. AMORE CAFÉ-NIGHT

Halos mapuno ang café at 'di magka-ugaga si Butterfly sa pag-asikaso sa mga nagdadatingang customer habang si Horhe ay swabeng gumagawa ng kape na para bang isa itong professional na barista.

HORHE

Gabi na at nagkakape pa ang mga 'to.

*reklamo nitong tukoy sa mga customer na nakapila ngayon.

Café mocha sa table 10.

*sigaw nito at sabay abot nitong ginawang inumin ng dumating si Butterfly.

BUTTERFLY

Marining ka nga ng mga customer diyan.

HORHE

Okay po Boss.

*at masipag nitong ginawa ang susunod na order at maya-maya ay dumating si Kinchay na may hawak na serving tray.

KINCHAY

Anong ginawa mo sa totoong Horhe?

*asar ni Kinchay kay Horhe na tumutulong na rin sa pag-seserve ng kape.

HORHE

Gusto mo ikaw ang mapalitan? Halika rito...

KIRAY

Joke lang, mag seserve pa ako ng kape.

*sabay takbo nito.

HORHE

Winter melon tea?

*napalingon si Horhe sa mga customer dahil sa sunod na order na nakita na gagawin.

Pamilyar ang inumin na 'to.

*at inilabas nito ang isang lumang resibo mula sa kanyang bulsa.

Sabi na nga ba winter girl.

*sambit nito habang sinisipat ang mga customer na hawak ang resibo na dating binayarang inumin ng taong nag-busted sa kanya.

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. COVERED COURT-NIGHT

Pa-gabi na ng dumating si Darcy at natatakot man ay ginawa pa rin niyang pumunta sa covered court ng Kolehiyong dating pinapasukan.

DARCY

Juancho...

*sigaw nito...

Juancho...

*sa muling pag-sigaw nito ay sabayang nagbukas ang ilaw ng covered court at doon niya nakita ang nakatayong si Juancho at saka ito nilapitan.

Masaya ka bang ginagawa akong tanga. Ano 'tong nakalagay sa sulat? Ano yung sinasabi ni Manager Park na tungkol sa pambansang swerte ng Pilipinas?

JUANCHO

Mahal kita, sobra.

*hindi makapaniwala si Darcy sa narinig.

Fall in love with me again at sa pagkakataong ito sasaluhin kita.

DARCY

Paano yung sumpa? Gusto ko pang mabuhay, gustong-gusto ko pa.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)

*biglaang napakapit ito sa kanyang dibdib at napaupo dahil sa biglaang pagsakit ng kanyang dibdib.

JUANCHO

Da...Darcy? A...a...a...ayos ka lang ba?

*kabado nitong tanong na halos ay nanlulumo na rin dahil sa takot. Hindi na makahinga si Darcy at sa oras na ito ay nakikita ni Juancho ang alaalang laging kinatatakutan.

Mommy.

*tumulo ang luha nito dali-dali nitong pinuntahan si Darcy.

SEVERAL YEARS AGO

BATANG JUANCHO

Daddy ba't may mailaw na sasakyan sa labas?

*inosenteng tanong nito ng makita ang ambulansya sa labas ng kanilang bintana.

DADDY NI JUANCHO

May pupuntahan kasi si Mommy mo.

BATANG SI JUANCHO

Gusto ko po sana makipag laro eh 'di pa po kasi ako inaantok.

DADDY NI JUANCHO

Mamaya na lang kayo mag laro ng Mommy mo,may masakit kasi sa kanya.

BATANG SI JUANCHO

Saan po? Hihipan ko po.

*maya-maya ay lumabas sa kwarto nito ang Mommy ng maliit pang si Juancho,namumutla ito at nanghihina pero nagawa pa rin nitong ngumiti sa harap ng anak.

Saan ka po pupunta Mommy at saan po yung may masakit sa inyo?

*tanong ng batang inosente.

MOMMY NI JUANCHO

Uuwi muna sa bahay ko at saka yung sakit wala na eh nung nakita kita.

*napa-akap sa kanyang Mommy ang batang si Juancho nang marinig ito.

BATANG SI JUANCHO

Uuwi? Ba't di niyo po ako sasama?

MOMMY NI JUANCHO

Babalik din naman si Mommy.

BATANG SI JUANCHO

Okay po, hihintayin ko po kayo. Bilisan niyo po ang pagbalik ah.

*nakangiti nitong habilin sa kanyang Mama.

MOMMY NI JUANCHO

Mahal ka ni Mommy.

*nakangiti nitong sambit habang naluluha.

Kailangan nang umalis ni Mommy.

*matapos masambit ito ay umandar na ang higaang lulan ng katawang nanghihina, nakangiti itong kumakaway sa anak na si Juancho na hindi naman pansin ang pagbuhos ng lahat ng lakas ng kanyang Mommy sa kaway na sagot sa kaway niya.

BATANG SI JUANCHO

Mommy!

*bago makalabas ang Mommy niya sa pintuan ng kanilang bahay ay hinabol ito at niyakap.

MOMMY NI JUANCHO

Huwag mo ako ma-mimiss.

*pinipigilan nito ang luhang sinambit ang mga katagang ito habang naka-ngiti.

BATANG SI JUANCHO

Hindi po kasi babalik din naman po kayo eh.

*maya-maya ay lumapit ang Daddy ni Juancho.

MOMMY NI JUANCHO

Salamat,naramdaman ko ang pagmamahal mo nang tayo pa.

*sabi nitong nanghihina na sa Daddy ni Juancho habang hawak ang kamay nito.

Magpapahinga na ako.

*tumango ang Daddy ni Juancho bilang tugon na pinipigilan ang iyak at kasabay ng binitawan na kataga ay ang pag-alis ng Mommy ni Juancho sa singsing sa daliri ng Daddy nito.

BATANG SI JUANCHO

Mommy? Hello? Mommy?

*hindi kumikibo ang kanyang Mommy kaya napatingin ito sa kanyang Daddy na lumuluha na ng sandaling iyon at dagliang kinuha ang batang si Juancho.

DADDY NI JUANCHO

Laro muna tayo.

*sabi nito upang malingat ang atensyon nito sa Mommy nito na sa oras na iyon ay mabilisang ipinasok sa Ambulansya.

JUANCHO

Hindi ako papayag na mawalan pa ako ng isa sa mahalagang tao sa buhay ko.

*sambit nitong umiiyak ng magbalik ito sa kasalukuyan,mabilis nitong inilabas ang cellphone at may tinawagan,mga ilang saglit lang ay sumagot din ang tinatawagan nito.

He...he...hello,ka...kailangan ka ni Darcy ngayon...

AFTER A WHILE

Dumating na rin ang kaninang tinawagan ni Juancho na si Dax na hingal at aligagang dali-dali na tinungo ang kanina pang hirap na huminga na si Darcy.

DAX

Nandito na ako.

JUANCHO

Iligtas mo siya,alam kong kaya mo.

*hindi na naka-rinig ng tugon si Juancho mula kay Dax nakita na lamang nito na ilang pulgada na lamang ay magdidikit na ang labi ng dalawa at bago pa man maglapat ang mga ito ay biglaang sumingit si Juancho at hinalikan si Darcy at kaagad itong bumangon.

DARCY

Juan...Juancho.

*hindi makapaniwala si Juancho sa nakikita, nagawa niyang magising si Darcy sa pamamagitan ng kanyang halik.

JUANCHO

Ako nga...

*masaya nitong sabi at kaagad nitong pinasan sa likod si Darcy at napahinto sa harap ni Dax na hawak ang brown envelope na kanina ay hawak ni Darcy bago sumumpong ang sumpa rito.

The game is not yet over.

*sabi nito kasabay ng pagkuha nito sa brown envelope na hawak ni Dax at bangga nito rito pagka-alis nito.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. CAFÉ-NIGHT

Pasulyap-sulyap si Horhe sa mga customer na nag-sisiinom sa loob ng Amore café at maya-maya ay nagtungo ito sa harap ng mikropono na naroon at nag-salita.

HORHE

Magandang gabi sa lahat, ehemmm...

*bating kabado nito.

Kung sino man po ang may inorder na winter melon tea ay pumunta lamang sa harapan ko at makakatanggap po kayo ng gift certificate at pagka-sabi nito ay kay raming mga customer ang nag-silapitan na may kanya-kanyang bitbit na winter melon tea na inumin na kay Horhe ay nagpa buntong hininga sa lungkot.

BUTTERFLY

Kailangan mong mag-over time para sa mga gift certificate ng mga yan.

*sambit nito mula sa likod ni Horhe na sinabayan ng pagturo sa mga customer sa harap gamit ang nguso nito.

HORHE

Nababaliw na yata ako.

*sambit nito habang nagbibigay sa mga customer na may winter melon tea na order ng gift certificate maya-maya ay nagulat ito sa susunod na inabutan ng gift certificate.

Kinchay??!!

KINCHAY

Nakita ko yung winter melon tea na'to sa table sa labas ng naglinis ako.

HORHE

Haay!!! Kinabahan ako sa'yo akala ko naman.

*nakahinga ito ng malalim.

Teka lang? Sa labas? Hindi kaya...

*napagtanto nito ang narinig na sinabi ni Kinchay.

Ikaw muna ang bahala sa pagbibigay ng gift certificate.

*bilin nito sabay alis ng apron isinuot ito kay Kinchay at tungo sa labas ng café at iginiya ang mata sa paligid na nagbabaka sakaling makita ang hinahanap na tao.

BUTTERFLY

Saan naman yun pupunta?

*tanong nito kay Kinchay.

KINCHAY

Hinahanap na naman yung winter girl na yun.

*ilang sandali lang ay bumalik na rin si Horhe.

BUTTERFLY

Ang ayaw magpakita hindi mo makikita.

*sabi nito sa kababalik pa lang at humahangos pa sa hingal na si Horhe.

HORHE

Oo na, alam ko naman yun.

*sang-ayon na iritable nito habang nagsimula muli sa pagbibigay ng gift certificate.

KINCHAY

Kaya kung ako sa'yo kalimutan mo na siya.

*sabay sipsip sa straw ng winter melon tea drink.

HORHE

Ayoko.

*'di pag sang-ayon nito sa sinabi ni Kinchay.

At saka 'di naman sayo 'to kaya huwag mong iniinom.

*sabay kuha sa winter melon tea na iniinom ni Kinchay.

KINCHAY

Kaya ka iniiwasan nung taong yun kasi ganyan ka!

*sabay kuha nito sa winter melon tea at alis pero bumalik din kaagad at padabog nitong inilapag ang perang papel sa counter na nasa harap ni Horhe.

Ito bayad para sa winter melon tea, keep the change!

*matapos nito ay umalis.

HORHE

Salamat sa piso mo na sukli Miss Customer!

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

Naglalakad na may malaking ngiti sa kanyang mukha si Juancho habang pasan si Darcy na nagpapahinga pa rin sa likuran nito dahil sa nangyari kanina at maya-maya ay nagka-ulirat na rin ito.

DARCY

Bababa na ako.

*mahinang sabi nito na narinig naman ni Juancho.

JUANCHO

Hindi, mahina ka pa.

*hindi nito pagsang-ayon rito.

Magpahinga ka muna diyan sa likuran ko.

*maya-maya ay nararamdaman ni Darcy ang kibot ng katawan ni Juancho at naririnig din nito ang maliliit na ngisngis nito.

DARCY

Tinatawanan mo ba ako?

JUANCHO

Hindi no!

*pagsisinungaling nito at muling naramdaman ni Darcy ang kibot ng katawan ni Juancho na tanda na palihim itong tumatawa.

Tina...tina...tinatawanan mo nga ako!

*nagkakautal-utal na ito sa galit.

A...a...anong tinatawa-tawa mo diyan?

JUANCHO

Kinikilig ako.

*napalitan ng hiya sa isa't isa ang nararamdaman ng dalawa tahimik na binaybay na pasan-pasan ni Juancho si Darcy ang daan patungo sa sasakyan ni Juancho.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. CATACUTAN RESIDENCE-NIGHT

Nakahiga na si Darcy sa kanyang kama, sarado na ang ilaw ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

DARCY

Bakit ko ba iniisip yung buni na yun?

*tanong na iritable nito sa sarili at maya-maya ay tumunog ang cellphone nito.

JUANCHO

Ayos ka na ba?

-end of text message

*dali-dali namang sinagot ni Darcy ang text nito.

DARCY

Ayos na ako.

-end of text message

*maya-maya ay kumunot ang noo nito at dumaing.

Ba't ang bilis naman yata ng sagot ko sa text niya,baka mamaya isipin niya na hinihintay ko ang text niya.

*nagpapadyak ito sa maktol sa kanyang kama at isang text muli ang natanggap niya.

JUANCHO

Mabuti naman at ayos ka na. Matulog ka na.

-end of text message

*pagka-basa nito ay nagsimula itong magbilang.

DARCY

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20...

*at matapos mag-bilang ay nag-isip ng saglit.

Okay na siguro 'tong 20 seconds?

MEAN WHILE

Nakatigtig lamang si Juancho sa cellphone niya at hinihintay ang reply ni Darcy sa kanya.

JUANCHO

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25...

*napasimangot si Juancho habang nakatitig sa kanyang cellphone at inaangat-angat pa at ginagawi-gawi sa kaliwa at kanan ang cellphone habang nag-hahanap ng signal.

May signal naman,ba't 'di pa siya nagre-reply?

MEAN WHILE

Nakatitig lamang si Darcy sa cellphone ng mga oras na iyon ng biglang naka-rinig ito ng katok.

DARCY

Pasok po.

*pag-papatuloy nito sa kumatok.

MAPA

Kamusta?

*bati nito nang sumilip muna bago tuluyang pumasok.

DARCY

Ayos na po ako Mapa.

*sagot nito habang umupo.

MAPA

Gusto mong mag-kwento?

DARCY

Pangako niyo po sa'kin 'di po kayo magre-react ng O.A.

*itinaas ng kanyang Mapa ang hinliit nito at ganoon din ang kanyang ginawa.

MAPA

Pangako.

DARCY

Si Juancho po kasi ay matagal nang may gusto sa'kin.

*tumango na walang reaksyon ang kanyang Mapa sa sinabi kaya inulit niya ang sinabi at nag-assume ng malaking reaksyon pero ganun pa rin ang reaksyon ng kanyang Mapa.

Mapa naman eh.

*napangiti ang kanyang Mapa.

MAPA

Alam ko na, matagal na.

DARCY

Po?

*gulat ito sa narinig na rebelasyon mula sa kanyang Mapa.

MAPA

Naaalala mo pa ba yung maaga kang umuwi ng college ball niyo?

*nanlaki ang mga mata ni Darcy at naalala ang gabing iyon.

SEVERAL YEARS AGO

COLLEG BALL

Lahat ay masaya,magagara ang kasuotan at hindi makakaila ang kakisigan ni Juancho,naka-itim ito na tuxedo-para itong isang Prinsipe na nababasa niya sa mga libro na gawa ng kanyang Pama... Huminga ng malalim si Darcy inunat ang suot na tuxedo rin at nang tawagin niya ang pangalang Juancho ay nagtinginan rin ang mga naggagandahang nilalang na nakapalibot rito...

JUANCHO

Bakit?

*ang mga tingin niya ay walang emosyon.

DARCY

Um,pwede ba kitang isayaw?

*natanong niya ito kahit...

JUANCHO

Marunong ka bang sumayaw?

DARCY

Nag-practice ako,marunong ako ng kaunti...

*puno ng pag-asa ang pagkakasabi niyang ito.

JUANCHO

Hindi ako marunong sumayaw,yung iba na lang ang yayain mo...

DARCY

Ah okay sige bye...

*kumaway si Darcy bilang pagpapaalam tumalikod ito pero bumalik uli at...

Um, Juancho...

*sabay abot ng sulat rito na kinuha at binulsa ni Juancho...at tumalikod muli,nagbuntong hininga at bago pa man makaalis ng tuluyan ay isang boses ng babae ang narinig nito...

EMILY

You wanna dance?

JUANCHO

Sure...

*walang pagdadalawang isip nitong sagot at mga ilang segundo nilagpasan ng dalawa ang nagpipigil sa pag-iyak na si Darcy,tumingin pa si Juancho sa kanya pero hindi nag patinag si Darcy at taas noo nitong nagpipigil ng luha na naglakad pabalik sa kanyang upuan at kumain ng hotdog...

DARCY

Akala mo mapapaiyak mo ako...

*habang subo-subo nito ang hotdog at nakatingin sa sumasayaw na si Juancho at Emily... Maya-maya ay nakarinig ng malakas na palakpakan si Darcy at nakita na lamang niya sa harapan sina Juancho at Emily na may korona sa ulo...maya-maya ay nakita niyang yumuko ang Lalaking may hawak ng mikropono at may itinaas na sulat na nahulog mula sa bulsa ni Juancho...

EMCEE

Mukhang may naglakas loob na magtapat sa ating College King?

*nag-ingay ang lahat ng marinig ito at napatayo sa kinauupuan si Darcy...

Basahin na yan! Basahin na yan! Basahin na yan!

*sigaw ng mga tao...kinuha ni Juancho ang sulat at ang mikropono at sinimulang basahin ang nakasulat rito...

JUANCHO

"Sobrang masaya ako kapag nakikita ka, kahit hindi ko pa nakikita ang mainit mong ngiti sa t'wing nakikita mo ako ayos lang sa'kin dahil ang pansinin mo ako ay patunay na ako pa rin ay magiging pambansang swerte ng Pilipinas..."

*naghiyawan ang lahat matapos basahin ni Juancho ang sulat at maya-maya ay nagsalita ito...nakatingin ito kay Darcy na nasa baba ng stage...

Hindi ako kagaya mo...

*unti-unti nitong kinumos ang sulat ni Darcy at itinapon at sakto itong tumama sa noo ni Darcy...

Hindi kita gusto.

*malamig ang pananalita nito

DARCY

Ang daya mo!!! Hindi mo ako gusto dahil hindi ako katulad mo, tao ako kagaya mo,katulad mo ako!

*at maya-maya ay sumulpot ang kapatid nitong si Horhe at hinatak ang umiiyak na kapatid na si Darcy at bago ito umalis ay nagsalita ito ng matalim ang tingin kay Juancho...

AFTER A WHILE

INT. CATACUTAN RESIDENCE-NIGHT

Isang katok ang narinig ng Mapa ni Darcy at Horhe kaya pumunta ito sa pintuan para buksan ito at mabilis na tumakbo si Darcy na sinundan naman ng kapatid.

MAPA

Magandang gabi...

*bati pa rin nito sa mga anak na hindi bumati sa kanya at isinara ang pinto at kakasara pa lamang niya nito ay may kumatok na naman.

Sana hindi tumatakbo na kung ano ang pumasok sa bahay namin pag bukas ko nito, ganito na ba ang bagong way ng pagpasok ng bahay patakbo?

*at binuksan nga ang pinto.

JUANCHO

Darcy...

MAPA

Ah Iho, hindi ako ang anak ko pero nanggaling siya sa'kin.

JUANCHO

Sinaktan ko po siya.

MAPA

Pisikal? o emosyonal?

*tanong nito habang akma na papaluin nito ng walis tambo si Juancho.

JUANCHO

E...e...emosyonal po.

*pailag at kabado nitong sagot dahil sa walis tambong akmang dadapo sa kanya ng mga oras na iyon.

MAPA

Alam mo Iho, kung hihindi ka sa isang pagtatapat 'di ka na dapat pumupunta sa bahay ng taong tinanggihan mo. Ang sorry ay hindi applicable sa lahat ng sitwasyon.

*katulad ng tono ng boses ni Mapa ay ganoon rin ang pagbaba ng sandatang walis tambo nito na nagpa-relax sa bisita na si Juancho.

JUANCHO

Gusto ko po siya, gustong-gusto ko.

MAPA

Edi sabihin mo, lahat ng bagay may katapusan. Ayaw mo namang matapos ang isang bagay na hindi pa nagsisimula.

JUANCHO

Paano po kung...

MAPA

Shhh... Walang paano? Walang bakit? O kahit anong tanong-tanong.

*pagpigil nito sa pag-aalangan ni Juancho.

DARCY

Ano po??!!

*tanong nito ng makabalik ang isip sa kasalukuyan.

MAPA

Hindi niya masabi-sabi sa'yo, torpe yata o may kinatatakutan kaya sinulat na lang niya at mukhang nabasa mo na.

*turo ng nguso nito sa letter ni Juancho.

DARCY

Matagal na po pala ninyo alam,eh bakit 'di niyo po sinabi?

*napangiti na lamang ang kanyang Mapa.

MAPA

Ang totoong tanong dito ay gusto mo pa rin ba siya o may iba ka nang nagugustuhan?

DARCY

Hindi ko na nga po alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

*hawak nito ang dibdib habang sinabi ito at tinanggal ng kanyang Mapa ang kamay na nakapatong rito at nagsabi.

MAPA

Huwag mo 'tong pagurin.

*turo nito sa dibdib ng anak.

Hayaan mo na lang kung saan pupunta ang puso mo. Tandaan mo hindi nagkakamali ang puso.

----------------------------------------------------------------------

NEXT DAY

INT. CATACUTAN RESIDENCE-DAY

Nagising si Darcy at napahawak sa kanyang labi habang unti-unting gumuguhit ang ngiti sa kanyang labi na kaagad pinigilan at nagsimulang mag-maktol.

DARCY

Butiki na may butas!

*nagulat nitong sambit na makita ang matalik na kaibigan na si Kinchay,dali-dali itong nagtungo sa bintana upang suriin ito.

KINCHAY

Sa may pintuan ako dumaan.

DARCY

Nakakasanayan mo na ang mang-gulat ah.

KINCHAY

Sorry.

*sabay peace sign nito.

Nakita ko yun, kinikilig ka no?

*pang-aasar nito.

DARCY

May problema ka na naman ba? Ba't ka nandito?

*pag-iba nito sa usapan.

KINCHAY

Wala.

*maigsing pagtatanggol nito sa sarili.

Balita ko muntik ka na naman daw mamatay kagabi.

*tumango si Darcy bilang tugon.

Hay naku naman, mabuti na lang naligtas ka ni Dax.

*umiling si Darcy habang hawak ang labi sa sinabi ni Kinchay.

Ha? Eh sino? Paano?

*sunod-sunod na tanong nito sa gulat.

DARCY

Si Juancho.

*napasamid si Kinchay sa narinig.

KINCHAY

Ha? Si Juancho?! Seryoso ka ba diyan? Legit?

DARCY

Oo nga...

*pagbigay nito ng pagsigurado sa 'di makapaniwalang kaibigan na dinugtungan uli ng isa pang rebelasyon.

At saka nalaman ko rin na gusto ako ni Juancho matagal na.

KINCHAY

Talaga?

*kinikilig itong naglulundag sa narinig.

Aaahhhhh!!! Talaga?? Aaahhhhh!

*patuloy na kilig nito palundag-lundag at maya-maya ay biglang inilahad ang palad at huminto sa paglundag at ngumiti sa kaibigan.

DARCY

Uutang ka na naman?

*hindi maipinta ang mukha ni Darcy habang tinanong ito.

KINCHAY

Nabayaran ko na naman yung huli kong utang di ba?

*paglalambing nito.

DARCY

Wala akong paki-alam kung nabayaran o 'di mo pa nababayaran yung inutang mo sa'kin.

*sabi nito.

Saan mo ginagamit yung inuutang mo?

*dagdag pa nito sa sinabi.

KINCHAY

Kay Butterfly.

DARCY

Kay Butterfly??!!

*tumango si Kinchay.

Sige na nga pero sa susunod na uutang ka sa'kin lahat-lahat sasabihin mo sa'kin.

KINCHAY

Oo na.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

EXT. AMORE CAFÉ-DAY

Nagtataka si Horhe at wala pa rin ang Boss nito na si Butterfly sa coffee shop na pinagta-trabahuhan.

HORHE

Nasaan naman kaya yun? Kanina pa ako nandidito? Pag boss,pwedeng ma-late?

*tanong nito sa sarili habang nakatingin at sinisipat ang loob ng café mula sa pintuan nito,maya-maya ay isang un-registered phone number ang tumatawag kay Horhe na kaagad naman sinagot nito.

Hello?

BUTTERFLY

Horhe?

HORHE

Paano mo nalaman ang number ko?

BUTTERFLY

Trabahante kita kaya alam ko number mo.

HORHE

Nasaan ka na? Hindi porket Boss kita ay pwede ka nang ma-late.

BUTTERFLY

Masama kasi ang pakiramdam ko.

HORHE

May sakit ka?

BUTTERFLY

Oo kaya magsasara muna ako ng Café.

*sagot nito.

Kaya may oras ka na para hanapin ang winter girl na hinahanap mo.

HORHE

Okay lang,sabihin mo sa'kin ang address mo at pupuntahan kita.

*nanlaki ang mga mata ni Butterfly sa narinig sa kausap na si Horhe.

BUTTERLFY

Huwag na!!! Ang ibig kong sabihin huwag ka nang mag-abala pa.

HORHE

O sige,sabi mo yan ah baka kasi sabihin mo wala akong malasakit.

BUTTERFLY

Oo nga, ayos nga lang.

HORHE

Okay ba-bye.

*at binaba na ang tawag at nagsimulang maglakad-lakad at bago pa makalayo sa café ay napatingin ito langit.

Mukhang uulan pa.

*puna nito sa makulimlim na langit at maya-maya ay may napuna ito na lumilipad sa pagtingala niya na nagpangiti sa kanya.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. BUTTERFLY's HOUSE-DAY

Nakahiga na nagpapahinga si Butterfly sa sofa habang nanonood ng telebisyon nang may kumatok sa kanyang pintuan na ikina-iritable nito.

BUTTERFLY

Alam mo namang bahay mo 'to ba't nakatok ka pa!!??

*pagkasabi nito ay marahang bumukas ang pinto.

Ba't ang tagal mo bumalik?

*iritableng bungad nito sa taong pumasok.

HORHE

Kamusta ka na?

*nanlaki ang mga mata ni Butterfly ng makita si Horhe.

BUTTERFLY

Ba't ka nandito? Ay hindi, pa...pa'no mo nalaman kung saan ako nakatira?

*maya-maya ay inilabas nito mula sa plastik na bitbit ang isang panty na may pangalan ni Butterfly.

Pa'no napunta sa'yo yan?

HORHE

Nahulog mula sa langit,kulang na lang picture mo tapos address mo pwede nang I.D. 'tong panty mo.

BUTTERFLY

Akin na nga yan.

*madali nitong kuha at tago sa panty nito.

HORHE

Mabuti at may kasama ka sa bahay, mahirap mag-isa kapag may sakit.

BUTTERFLY

Mag-isa lang ako dito sa bahay? Hindi ah...

HORHE

Ha?! Ba't sabi mo kanina...

BUTTERFLY

Ah kasi...

*paghinto nito sa pagsasalita ng ilang saglit upang makaisip ng palusot...

ah may kasama ako,kaibigan ko---pero wala dito kaya nasabi kong mag-isa lang ako.

HORHE

Ito ba siya?

*sabay turo sa isang drawing na kaagad naman kinuha ni Butterfly at itinago.

BUTTERFLY

Hindi, binili lang namin 'tong drawing online. Random person lang, tama random person lang 'to.

*pagpapalusot nito,maya-maya ay dahan-dahan na bumukas ang pinto na kaagad gumawa ng langitngit na tunog na kaagad naman na napansin ni Butterfly kaya kaagad itong tumakbo roon at pinigilan ang tuluyang pagbukas nito.

HORHE

Sino yun? May bisita ka ba?

BUTTERFLY

Wala yun, hangin lang.

HORHE

Sige, dinala ko lang 'tong gamot mo.

*nagtungo ito sa pintuan at pagka bukas nito rito ay isang babae ang napadagan sa kanya sanhi upang mapahiga ang dalawa.

Kinchay!

*gulat nitong nasambit sa pangalan ng babaeng nakadagan sa kanya ngunit mas gulat ang babae ng makita siya.

KINCHAY

Ba't ka nandito?

*tanong nito ng makatayo silang dalawa mula sa pagtihulog kanina.

HORHE

Ganito mo ako kaayaw?

*saka ito umalis.

KINCHAY

Teka lang.

*hindi huminto si Horhe sa paglakad papalayo.

SEVERAL YEARS AGO

Umiiyak na nakikiusap si Kinchay sa Lalaking na nasa kanyang harapan na habang nakaluhod ito.

KINCHAY

Ang tagal na natin, huwag naman nating sayangin yung relationship natin.

LALAKI

Yun nga eh, ang tagal na natin pero parang mag-kaibigan lang tayo. Kahit isang halik wala akong natatanggap mula sa'yo.

KINCHAY

Yung sa kiss sa cheeks, di ba kiss naman yun?

LALAKI

Ano ako? Ano tayo? Mga kindergarten na puppy love ang relasyon.

KINCHAY

Kasi gusto kong...

LALAKI

Wala na akong pakialam sa gusto mo dahil wala ka rin namang paki-alam sa gusto ko.

*at itinggal nito ang mga braso ni Kinchay na nakalinggis sa kanyang hita at umalis na ng tuluyan,hahabulin sana nito ang Lalaki ngunit dahil sa kanina pa nitong pagmamakaawa habang nakaluhod ay nagkasugat-sugat na ito at nahirapang tumayo---mabilis nitong kinuha ang cellphone,nagtungo sa kanyang gallery at pikit matang nag send ng isang litrato.

Hindi ka ba nilalamig?

*basa nito sa message na natanggap.

Hala? Haaayyy ba't sunod-sunod ang kamalasan ko.

*dali-dali nitong in-ooff ang cellphone at umiyak na lamang sa sementong pinag-iwanan sa kanya.

BUTTERFLY

Di ba ito naman ang gusto mo? Ba't parang malungkot ka diyan?

*ang tanong na ito mula kay Butterfly ang nagdala muli sa kasalukuyan kay Kinchay.

KINCHAY

May naaalala lang ako.

*malungkot nitong sagot.

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. JUANCHO's HOUSE-DAY

Bagong gising si Juancho at naka ngiti nitong sinalubong ang bagong araw habang nakahawak sa kanyang labi habang inaalala ang mala-fairytale na halik niya kay Darcy kagabi.

JUANCHO

Kinikilig tuloy ako.

*sambit nito na kinikilig nga sabay talukbong maya-maya rin ay may nagtanggal ng talukbong nito.

Istorbo naman kasi.

*reklamo nito.

MANAGER PARK

Istorbo sa kilig moment?

JUANCHO

Ba't ka nandito?

MANAGER PARK

Kagabi pa ako 'di makatulog kakaisip kung sino yung matagal nang sinasabi mong pambansang swerte ng Pilipinas.

*pagdadabog nito na pagmamaka-awa nito.

Sabihin mo na.

JUANCHO

Yun lang pala eh.

*sambit nito sabay pagpapalapit nito sa kanyang Manager...

Secret...

*sambit nito rito na naka-ngiti at saka iniwan nito ng sumisipol sa saya ang kanyang Manager.

MANAGER PARK

Nakakabaliw ang pagmamahal.

*nasabi na lamang nito sa 'di pagkapaniwala sa nasilayang saya mula kay Juancho.

----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

BUTTERFLY

Ba't ako ang sinisisi mo kung bakit nabuking yung pagtatago mo?

*sabay tapon ng panty kay Kinchay.

Sisihin mo yung panty mo.

KINCHAY

Panty ko 'to? Eh klarong-klaro na sa'yo 'to.

BUTTERFLY

Magiging akin pa lang.

KINCHAY

Ano??!! Ginamit mo?

BUTTERFLY

Bago naman at saka sure akong bago kasi may tag pa.

KINCHAY

Ewan ko sa'yo, kadiri ka.

*nakatitig kay Kinchay si Butterfly na nakakunot ang noo.

BUTTERFLY

Haay!!! Pag tinitignan kita ngayon naiirita lang ako lalo.

KINCHAY

At bakit naman aber??!!

BUTTERFLY

Pag 'di na bumalik si Horhe bukas sa café,ikaw ang gagawin kong kapalit niya.

KINCHAY

Basta bayad ang overtime ko walang problema.

BUTTERFLY

Sinong nagsabing may bayad, katulad ni Horhe magta-trabaho ka ng libre sa'kin.

KINCHAY

Libre?

BUTTERFLY

Oo, kasi ang makilala kung sino ba talaga ang kanyang winter girl ang pinaka malaking sahod na gusto niya.

*sabi nito na nakangiti at may halong kilig kay Kinchay.

Ang sweet kaya niya.

KINCHAY

Being sweet is not a sign of intelligence.

BUTTERFLY

Bitter.

*napairap nitong sabi sa narinig mula kay Kinchay at alis.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Iritableng lumabas sa building na tinutuluyan ni Butterfly at Kinchay si Horhe.

HORHE

Hindi ako makapaniwalang hinabol ko ang taong yun.

*maktol nito.

Haaayyy!! Nakakainis!

*papadyak-padyak na sabi nito papalayo sa building na kanina ay pinasukan.

SEVERAL YEARS AGO

Isang message ang narecieve ni Horhe mula sa 'di kilalang sender. Binuksan niya ito at isang hubad na katawan na Babaeng takip ang mukha ang tumabad sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at dali nitong tinago ang kanyang cellphone bago pa makita ng kanyang mga kaklase at guro ang nakita.

HORHE

'di ka ba nilalamig?

-end of chat

*wala itong natanggap na sagot mula sa unknown sender. Habang nagkaklase ay palihim niyang ginuhitan ang hubong katawan ng nasa larawan. Maka ilang beses niya itong ginuhitan ng damit at kada matatapos ang ginuhit niyang damit sa hubong katawan na larawan ay sinesend ito sa unknown sender.

UNKNOWN SENDER

Magaling ka pa lang mag-drawing.

*napatayo sa gitna ng klase si Horhe sa gulat ng makatanggap ito ng mensahe mula sa unknown sender.

HORHE

Hoy unknown sender, alam mo bang pwedeng kumalat yang litratong sinend mo sa'kin.

UNKNOWN SENDER

Oh bakit 'di mo kinalat.

HORHE

Kasi iba ako sa kanila.

UNKNOW SENDER

Anong pangalan mo?

HORHE

Na-inlove ka ba kaagad sa'kin?

UNKNOWN SENDER

Asa ka.

HORHE

Tawagin mo na lang akong sexy summer.

UNKNOWN SENDER

Bakit naman, ang baduy mo naman.

HORHE

Anong baduy dun? Summer kasi gusto kong maging sunshine ng mga taong mahal ko sa buhay at sexy kasi syempre sexy ako.

UNKNOWN SENDER

Eh di ako si WinterGirl

*ang estrangherong kausap ay nagka-pangalan.

HORHE

WinterGirl? Nakiki-baduy ka ba sakin?

WINTER GIRL

Hindi, kasing lamig ng winter ang nararamdaman ko ngayon.

HORHE

Dahil?

WINTER GIRL

Sa boyfriend ko.

HORHE

Aah, alam ko na para sa kanya yung picture na sinend mo.

WINTER GIRL

Sorry.

HORHE

Ano ka ba,ayos lang yun.

BUTTERFLY

Horhe!!

*isang sigaw ng pangalan niya ni Butterfly ang sa kanya ay nagbalik sa kasalukuyan---nakadungaw ito sa taas na balkon ng apartment na tinutuluyan.

Sana pumasok ka pa rin bukas,huwag ka male-late ha!!!

*sigaw nito na nakayuko sa kausap.

HORHE

Babayaran mo ba ang pag-ooovertime ko??!!

*sigaw din nito na nakatingala kay Butterfly.

BUTTERFLY

Ha??!! 'di ko marinig?! Ang layo mo kasi!

*pag mamaang-maangan nito.

HORHE

Nabibingi ka naman talaga pagdating sa pera.

BUTTERFLY

Pumasok ka bukas ah! Hihintayin kita!

*sigaw nito sa 'di na lumilingon na si Horhe.

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. FAME TOWERS-DAY

Pag-pasok pa lamang ni Darcy sa kanyang work station ay pinagtitinginan na siya ng mga ka-trabaho at habang papalapit siya sa kanyang pwesto ay mas dumadami ang mga nagsisitinginan sa kanya kaya nagmadali itong naglakad papunta sa kanyang working table.

DARCY

Ano bang meron at nagsisitinginan silang lahat sa'kin? May nagawa ba akong mali?

*kabado at tila naiiyak na ito sa kaba nitong tanong sarili sa ilalim ng kanyang lamesa.

Kaya ko 'to.

*pagpapalakas nito ng loob saka hinga ng malalim at lumabas mula sa pinagtataguan.

Ay sumulpot na butiki!

*gulat nito.

DAX

Anong ginagawa mo sa ilalim ng mesa? May tinataguan ka ba?

DARCY

Yung lapis ko, nahulog kasi.

*sabay pakita nito ng lapis bilang palusot.

DAX

Lagi mong nakakalimutan na nasa iyo ang tibok ng puso ko kaya nalalaman ko kung ano ibig sabihin ng bawat pintig nito sa dibdib mo.

DARCY

Eh kasi...

*kagat nito sa kuko dahil sa kaba at hiya.

DAX

Gusto mong malaman kung bakit ka nila pinagtitinginan?

*tumango si Darcy.

Handa ka bang malaman kung ano yun?

DARCY

Ganun ba katindi at kailangan pa ng terms and conditions?

*tumango si Dax bilang tugon at bilang tugon sa pagsang-ayon nito kanina ay tumango rin si Darcy.

DAX

Kasi nakarating...

DARCY

Hindi na lang, ayaw ko na lang marinig. Hindi na...

*sambit nito habang takip ang tenga, kinuha ni Dax ang kamay ni Darcy na ginamit na panakip at inilagay sa tenga niya.

DAX

Okay lang...

*at ngumiti ng katulad ng dati--- masaya pero may lungkot sa loob.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. CATACUTAN RESIDENCE-DAY

Bumukas ang pintuan at direstso-diretsong pumasok si Horhe na nakayuko,samantalang naroroon sina Mapa, Amore,Kriselda at Joyce.

MAPA

Stop.

*at huminto nga si Horhe ngunit nakayuko pa rin ito.

Look.

*ngunit hindi nito pinakinggan ang sinabi ng kanyang Mapa at hindi tumingala.

Look.

*ulit nito ngunit sa pagkakataong ito ay sinisipat ang mukha ni Horhe.

Go.

*at pagkarinig nito sa sinabi ng kanyang Mapa ay dalian itong tumakbo papunta sa kanyang kwarto.

JOYCE

Mugto ang mata.

AMORE

Baka tears of Joy?

KRISELDA

Duda ako, siguro heart break.

MAPA

Yung babae na naman siguro na yun ang iniyakan niya.

*tumayo ito.

Dito muna kayo ah pupuntahan ko muna yun.

*dali-dali nitong tinungo ang pinto ng kwarto ni Horhe.

MAPA

Si Mapa 'to. Alam kong kailangan mo ng kausap kaya nandito ako.

*bumukas ang pinto at pumasok ito.

Ang pangit mo umiyak.

*napatawa si Horhe sa sinabi ng kanyang Mapa.

Bakit?

HORHE

Alam ko na naman po na ayaw niya sa'kin pero pinagpilitan ko pa rin po ang sarili ko kaya mas masakit ng malaman kong kaya niya pong mag bayad ng iba para mabaling yung nararamdaman ko sa iba.

MAPA

Madalas kung anong gusto mo yun ang hindi binibigay sayo at minsan yung ayaw mo yun pala ang para sa'yo.

*sabi nito habang pinupunasan ang luha ng anak.

Alam kong gasgas na'to pero ito talaga ang totoo, marami diyang iba.

HORHE

Paano po kung siya lang ang gusto ko?

MAPA

Dalawa lang ang pwedeng mangyari, masasaktan ka o suswertehin ka.

*niyakap ni Horhe ang kanyang Mapa.

Gusto mo ba malaman kung ano pwedeng gawin?

*napakalas sa yakap si Horhe sa narinig.

HORHE

Ano po?

MAPA

Ang sabi ng ni Andrew E. kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay at ang sabi ko naman, kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay humanap ka nang kapwa pogi at mag ibigan ng tunay.

HORHE

Ayoko po...

*sigaw nito tapos tumakbo palayo sa kanyang Mapa.

MAPA

Edi wow.

------------------------------------------------------------------------

NEXT DAY

INT. AMORE CAFÉ-DAY

Maagang nag bukas ng kanyang café si Butterfly at nagpupunas ito ng mesa na ang mga paningin ay nakatuon na tulala sa pintuan---maya-maya ay bumukas ito at nabuhayan ang dugo at bumalik rin ang pagkalumbay ng makita kung sino ang pumasok.

BUTTERFLY

Welcome to Amore café---ready na po ba kayong makahigop ng kapeng gawa sa pag-mamahal?

*malumbay nitong bati sa unang customer na ngumiti at kaagad na tinuon ang mata sa menu na nasa harapan.

HORHE

Nakaka-antok ba ang kape niyo rito? bakit parang walang energy ang pagbati mo?

*pagsulpot nito.

BUTTERFLY

Bumalik ka!!!

*dali-dali nitong nagtungo kay Horhe at napayakap ito sa saya.

Ahm, so...so...sorry.

*paghingi nito ng paumanhin nang mapagtanto na nayakap niya pala si Horhe.

Oh, apron mo.

*abot nito kay Horhe ngunit hindi ito kinuha.

HORHE

Hindi ako nandito para mag-trabaho.

CUSTOMER

Isa ngang cappuchino...

*order nito.

BUTTERFLY

Oh ito po 3-in-1 libre na po iyan,pasensya na po Sir may importante lang po akong kailangan asikasuhin.

*bigay nito sa pakete ng kape,alalay nito sa customer sa pintuan at sabay tuluyang sara ng kanyang café.

HORHE

Tinatakot mo ako sa mga ginagawa mo.

BUTTERFLY

Mas nakakatakot mawalan ng trabahador na hindi nagpapabayad.

HORHE

Sabi ko na nga ba,pera na naman.

BUTTERFLY

Si Kinchay, kung iyon ang kapalit sa pagbalik mo sa café ko.

HORHE

Ayoko.

BUTTERFLY

Ganun-ganun kaagad, nawala kaagad ang feelings mo sa kanya.

HORHE

Ayaw niya sa'kin kaya ayaw ko na rin sa kanya, ewan ko nga kung bakit ko pa pinaghahabol yung babaeng yun.

BUTTERFLY

Kaya hinabol mo kasi may feelings ka sa kanya, ang kailangan lang diyan ay hipan.

HORHE

Ano 'tong nararamdaman ko usog?

BUTTERFLY

Ganito kasi yun, isipin mo na lang na dati nag-aapoy yung feelings mo sa kanya at dahil sa nangyari naapula ang apoy pero hindi naapula ang apoy sa isang buhos lang ng tubig sigurado akong may natitirang baga diyan na pwedeng pagsimulan muli ng apoy,ang kailangan lang natin ay pasiklabin uli yung apoy.

HORHE

Ayoko na.

BUTTERFLY

Gustuhin mo.

*pangungulit nito.

HORHE

Natuturuan ang puso mag-mahal at matalino ang puso para matuto ng mabilis pero dahil sa sobrang talino nito nahihirapan itong makalimot.

BUTTERFLY

Sorry, in-sensitive ako.

HORHE

Ano ka ba? Sensitibo ka na in-sensitive, clumsy at mukhang pera, lahat na yata ng ayaw ko sa isang tao nasa sa'yo na.

BUTTERFLY

Mas masakit yung sinabi mo kesa sa pagiging in-sensitive ko kanina ah.

*napatawa si Horhe sa narinig mula kay Butterfly at dali-daling nagtungo sa pintuan ng café.

HORHE

Sige na nga pero ngayon lang, mag-tatrabaho ako ng libre at kung gusto mo i-extend ang working contract ko kailangan mo na ako bayaran.

*sabay bukas nito sa café.

Welcome to Amore café---ready na po ba kayong makahigop ng kapeng gawa sa pag-mamahal?

*bati nito kahit hindi pa tuluyang nakabukas ang pintuan ng café nang makita na may customer na naghihintay sa sa saradong pintuan ng cafè.

KINCHAY

Mabuti at nag-tatrabaho ka pa rin sa café ni Butterfly.

*bati ni Kinchay.