CHE POV
- 5 months ago -
Kinapa ko ang gilid ng higaan at agad akong napamulat ng mga mata. wala pa ba si Jesson?
Sinulyapan ko yung orasan at 2am na ng madaling araw napag-desisyunan ko ng bumangon para tingnan sa labas si jesson dahil nitong mga nakaraang mga araw. gusto ko langing nasa tabi ko lang ang aking asawa.
Paglabas ko ng kwarto, pababa na sana ako ng hagdanan ng makarinig ako ng boses na nag-uusap.
Naiwang naka-awang ang pinto kaya kitang-kita ko yung likod ni jesson. Balak ko sanang pumasok pero napapigil yun dahil sa bulyaw ni lolo sa kanya.
"Your wife is useless jesson!! hindi kana niya mabigyan ng anak!! ilang taon na kayong kasal at hanggang ngayon hindi ka parin niya mabigyan man lang kahit isang anak!!!" Naninikip ang dibdib dahil sa narining ko. 5 years narin kasi kaming kasal ni jesson pero hanggang ngayon hirap parin kaming makabuo. Nde ko naman alam kung bakit wala pa din, waka naman kaming prolema.
"You know how much i love her lolo. So mabuo man kami o hindi_"
Napahinto sa pagsasalita si jesson dahil sa malakas na sampal ng lolo niya. Napahawak ako sa bibig ko kasabay ang pagtulo ng mga luha ko.
Jesson ...
" Stop that nonsense Jesson!!! Business is business. Pumayag lang naman ako nung una sa inyong relasyon dahil malaki ang company nilang pag mamay-ari nila. Pero ngayong palugi na . ano nalang ang magiging future ng company natin. magisip-isip ka nga!!!!."
Napa-atras ako dahil hindi ko na kaya pang marining yung mga susunod na sasabihin nila akin at sa pamilya ko. Masakit na masyado, hindi pa pala sapat para matanggap ako sa pamilya nila. Kahit lahat na ginawa kona.
Humihikbi akong yakap-yakap ang dalawang tuhod dito sa bathtub bakit kasi hindi ako mabuntis-buntis! Pinagpapalo ko ang tiyan ko. Bakit hindi ko mabigyan yung ikasasaya nila!? ang parangarap ni jesson na maging isang tatay ! Bakit!? bakit!?
Napahinto ako sa pagpalo ng nararamdaman ko bumabaliktad ang sikmura ko dali -dali akong tumayo at pumunta sa sink. Doon ay dumuduwal ako ng dumuwal kahit wala naman akong nailalabas. wala naman akong nakain na panis o mapapanis na o Kaya naman ikasisira ng tiyan ko.
Nang masiguro kung hindi na ako magsusuka , naghugas at naghilamos ako bago lumabas. Hindi parin pumasok si jesson . Saan naman ka siya nagpunta? Gusto ko siya makita. Gusto ko siyang mayakap . Dahil sa kakaisip hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nagising nalang ako dahil sa kulog na nanggagaling sa labas ang lakas ng ulan. 7am na kaya mabilis akong tumayo at nagtango sa bathroom. Hindi rin ako nagtagal at bumaba na para mag almusal.
Naabutan ko silang lahat sa dining area at tahimik na nag-aalmusal.
"Good morning po." Bati ko kila lolo at lola. Hindi naman sila umimik ni tingin man lang sa akin hindi nila magawa. Ganun ba ka ayaw nila sa akin. sabi ko sa aking isipan.
"Good morning Babe." sabay lingon ko naman kay jesson. Saan kaya siya nakatulog? Hindi ko naman naramdaman na nahiga siya sa tabi ko kanina.
Ipinaghila naman niya ako ng upoan pero hindi pa ako nakaka-upo ng magsalita si lolo.
"Maghiwalay na kayo."
Nagitla ako sa narinig ko. Sinakop ng kaba ang buong pagkatao ko dahilan para hindi makapag-salita.
"Maghiwalay na kayo." Paguulit ng lolo ni jesson
Bumalik ako sa wisyo, ito na yung kinatatakotan ko simula kanina nang marining ko silang nag-uusap ni jesson. Hindi ako makakilos at nakatingin lang sa hapag kainan.
"No." matigas na sagot ni Jesson sa kanyang lolo. "Kumain kana babe." Naging malumanay naman ang tono ng pananalita ni Jesson nang kausapin na niya ako.
"JESSON." Malamig na tawag ng kanyang lolo. Hindi parin ako maka-imik. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Don't telk me ipagpipilitan mo pa yang gusto mo Jesson !?. Alam mong ayaw ko sa babaeng yan_."
"Lola ano ba! You're hurting her feeling!." Inis na putol ni Jesson sa lola niya.
"You okay, Babe? Don't mind her." Bulong niya sa akin.
"Ang tigas ng ulo mo Jesson ." Pahabol pa nasabe ng lola niya sa kanya bago ito tumayo. "I'm done nawalan na ako ng gana." Sabi nito bago umalis.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor bago ako tanguan at ngitian ang asawa ko. "I'm okay naiintinhan ko naman." sabi ko naman sa kanya. Bago bumontong hininga naman siya staka niya ipinagpatuloy ang pagkain.
Alam kung simula palang pagkatapak ko palang dito sa mansion hindi na nila ako gusto . Pero dahil mahal ko si Jesson, nagbulag-bulagan na ako. Hindi ko naman siniseryoso yung mga masasakit na sinsabi nila patungkol sa akin. Dahil sa mahal ko si Jesson tiniis ko yun.
"Alam mo naba ang sitwasyon ng company niyo iha, Hindi ba?." Inaangat ko naman ang paningin ko at dinako ko yun kay lolo.
Tumango ako." O - opo." sagot ko naman na kinakabahan . Parang ayoko ng marinig yung mga susunod pang sasabihin niya.Feeling ko hindi ko ito magugustuhan.
" I know her Dad Lo. Hindi niya pababayaan na mapunta lang sa backrup ang company nila." sahi ni Jesson sa lolo niya. Sa pamamagitan ni jesson namumuong tensyon sa hapag kainan.
Sumama naman ang pakiramdam ko para akong lalagnatin na iwan dahil narin siguro sa kaba. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya tumayo na ako.
"M - mamaya nalang ako ho ako kakain. Hindi pa po kasi ako nagugutom." Sabi ko sa kanila. Dahilan para tumigil sa paghiwa ng kinakain si jesson at tumayo rin.
"Me too. Sasabayan ko nalang kumain ang asawa ko mamaya." sabi nito bago ako hawakan sa siko nito. "Let's go Babe." sabi nito sa akin.
Hindi nalang kumibo si lolo sa naging asal ni jesson , Kaya sumunod na lamang ako sa kanya at umakyat narin sa taas.
Pagka - akyat namin , Dumeretso sa bathroom si jesson at ako naman ay nahiga naman ulit ako dahil bigla akong inantok. Kinakabahan naman ako para sa amin ni jesson. Alsm ko naman hindi dapat dahil may tiwala naman ako para sa asawa ko pero bakit hindi maiwasan. Na mapaisip kung ano na ang mangyayari sa amin nito..
Lumipas ang minuto hindi parin tapos si Jesson sa pagligo kaya tuluyan na akong dinapuan ng antok at nakatulog.
Nagising na naman akong wala sa tabi ko si Jesson. Hindi naman niyang ugali na umalis ng walang paalam sa akin kaya nakakapagtaka naman akong bumangon at bumababa.
"Ate , Si Jesson po? nakita niyo po ba?." Tanong ko sa kasambahay namin na makasalubong ko ito.
"Kanina po mam umalis , mukha pong nagmamadali po siya." sagot naman sa akin. Tumango na lang ako at nagtungo nalang sa kitchen.
Napaisip naman ako panong nagmamadali? saan naman siya pupunta? bakit hindi man lang nagpaalam sa akin? Ganun ba ka-impotante yung pupuntahan niya? kaya ganun na lamang ito umalis.
Napailing naman ako sa isip ko. Bakit ba kasi pinupuno mo ng mga tanong ang utak mo che? Pinapasakit mo lang ulo mo e.
may tinawala ka naman diba sa kanya asawa mo siya diba kaya wala kang dapat ikagambala.kumain nalang ako saglit at bumalik din sa aming kwarto. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Naglakad - lakad lang ako saglit pero pagod na pagod naman ang buong katawan ko.
_
Dumaraan ang araw at linggo, nahihirapan na akong makausap at maabutang gising si jesson.Hindi ko na din nakikita sila lolo at lola sa mansion kaya nagtataka na ako sa nangyayari.
Hindi ba sinasabi sa akin si jesson? ano ba talaga ang nangyayari?