DROWNING IN LOVE WITH MAFIA BOSS By: Mafia Queen (Mary Mae Koren N.)

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญMaryMaeKoren_1228
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 7.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - DROWNING IN LOVE WITH MAFIA BOSS

//๐‘ป๐’š๐’‘๐’๐’” ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฎ๐’“๐’‚๐’Ž๐’Ž๐’‚๐’“ ๐‘ฌ๐’“๐’“๐’๐’“๐’” ๐‘จ๐’‰๐’†๐’‚๐’…//

"Bukas na ang kasal natin Love. Sobrang saya ko." Nakangisi kong saad habang nakapulupot ang dalawa kong kamay sa braso ni Eddielmar at nakalean naman ang ulo ko sa malapad niyang balikat. Habang sabay naming minamasdan ang dagat sakay-sakay sa yate.

"Syempre! You're happy, kasi, matutupad na ang matagal mo ng pinangarap ang maging asawa ko." he said coldly kaya nanlumo ang aking mga mata at tinignan ko siya pero tinignan niya lang ako ng malamig na tingin.

"You should love me Eddielmar!" ani ko at may namumuong luha sa aking mga mata

"Hah!" napailing siya and he fake a smile to me. "Have you forget? Na kaya lang naman tayo ikakasal dahil sa negosyo. Arrange marriage lang ang kasal natin Mary Mae, no feelings are involve! Kaya naman, don't order me to love you. Dahil ang pagmamahal ay hindi inuutos kusa ito." mabilis bumagsak ang mga luha mula sa aking mga mata ng marinig ko ang sinabi niya lalo pa nung inalis ni Eddielmar ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"It is because of Angel right? " maluha-luha kong tanong sa kanya habang siya'y nakatingin lang sa dagat. "You really loved my cousin." tulala kong saad

"Hindi ka naman bulag Mary Mae." aniya dahilan na bumuhos ang maraming luha saking mga mata. "You already know that, Angel is the only girl i love, and the only girl i will love." halos mabiyak ang puso ko sa sinabi niya sa akin. "Kung alam mo lang na, nahihirapan ako sa tuwing nakikita si Angel na nahihirapan, pero ano paba ang magagawa ko?"

"Bakit siya pa Eddielmar? Bakit hindi nalang ako?" i begged to him

"Kasi nung bata palang ako, sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal. Sa panahong takot na takot ako, siya ang nagpakalma sa akin. When the time i was kidnapped and drowning into the deep water of sea, she never hesitated to saved me." he uttered "I'm sorry Mary Mae. I don't want to hurt your feelings, pero hindi ka si Angel para mahalin ko. I hope you could accept that. Kasal man tayo, sayo man ang katawan ko at pagkatao ko, hindi mo parin maipagkakaila na hindi mo pagmamay-ari ang puso ko. Kasi, hindi ikaw si Angel." he added at iniwan ako na luhaan

I know he can't love me, because, he had someone on his mind. Someone that he dearly loved since we were kids. Eddielmar and I grew up with each other kasi nga, magkasosyo ang mga magulang namin sa negosyo. Bata pa lang kami gusto ko na siya, kaso nga lang palagi niyang sinasabi sa akin na hindi niya ako gusto dahil may gusto na siyang iba.

Kinabukasan ay nagsimula na nga ang kasal namin ni Eddielmar. Kahit alam ko na, hindi niya ako kayang mahalin, masaya parin ako dahil sa matatawag ko narin siyang asawa ko. We held our wedding on the Yatch kasi ito ang gusto ko. Marami din kaming mga bisita at puro mayayaman din. At syempre imbitado din si Angel dahil magkapatid papa namin.

"I DO." masaya kong sagot sa priest na kumakasal sa amin at ng panahon na para si Eddielmar naman ang sumagot ay napatingin muna siya kay Angel at napabuntong hininga tsaka sumagot ng, "I DO." After our vows we exchanges our rings and for the second time, we kissed.

Matapos ang seremonya ng kasal namin ay kumain muna kami at sumayaw. Sobrang saya ko dahil natupad narin ang matagal ko ng pinangarap. Dahil sa marami kaming mga bisita at panay ang pagbati nito sa amin ay naalis ang atensiyon ko kay Eddielmar. Habang busy ako sa pagpapasalamat sa mga bisita ay napansin kong wala na si Eddielmar sa paligid kaya't hinanap ko siya.

"AHH" napatigil ako sa paghahanap kay Eddielmar ng may narinig akong ungol sa loob ng isang kwarto. Mabilis kong binuksan ang pintuan at agad bumungad sa akin ang isang babae at lalaki na naghahalikan. Ang asawa ko na si Eddielmar ay kahalikan ang pinsan kong si Angel. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at agad bumuhos ang mga luha mula sa aking mata.

"Paano mo ito n-nagawa sa akin Eddielmar!" hagulhol kong sigaw ng makalapit na ako sa kanila at hinampas sila ng malakas na sampal. "HA!" ani ko matapos kong maramdaman ang sampal ni Angel sa mukha ko dahilan na natumba ako.

"Wala kang karapatan na sampalin ako!" sigaw ni Angel sabay naman hinawakan ni Eddielmar ang kamay niya. "Asawa ka lang sa papel Mary Mae! Tandaan mo ako parin ang mahal!" dagdag pa nito at nanlilisik ang mga mata

"Hayop ka Angel!" sigaw ko at tumayo para sabunutan siya pero tinulak ako ni Eddielmar

"Stop it Mary! Nakakahiya ka alam mo ba!" galit na saad ni Eddielmar dahilan na napatawa ako habang napakumot sa wedding dress ko at tumayo

"Ako pa ngayon ang nakakahiya, Eddielmar?" maluha-luha kong sabi "I never thought, I would love someone like you. Kung alam m---" putol kong saad ng bigla nalang kumindang-kindang ang Yate na sinasakyan namin at nabigla ako ng biglaang bumukas ang pintuan ng kwarto kung saan nasa loob kami at rumagahas ang malakas na tubig na siyang pumuno ng kwarto kasabay nito ang pagtunog ng emergency bell.

Halos mabingi ako ng dinala ako ng malakas na alon sa dingding kung saan nabangga ang ulo ko ng malakas. Nagtataka ako kung ano ang nangyayari, pero isa lang masasabi ko, the Yatch is drowning.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko pero puro tubig ng dagat nalang ang nakikita ko. Sinubukan kong lumangoy paitaas pero dahil sa haba ng wedding dress ko ay sumabit ito sa matulis na bagay at nahirapan akong umangat.

Ilang minuto ko ring sinubukan na alisin ang damit ko sa pagkasabit pero nahirapan ako at nawalan ng lakas dahil sa nahihirapan na akong huminga. At mas lalo pa akong nanghina ng makita ko si Eddielmar na inaahon si Angel. Kahit nasa ilalim ako ng tubig ay ramdam ko ang pagpatak ng aking luha at dito ko narealize na, I was drowning in love with someone who can't love me back.

Unti-unti ay nawawalan na ako ng hininga at paunti-unti narin akong nalulunod. Napapikit na lang ako sabay ng pagbagsak ng aking luha mula sa aking mata and then a memories that happen about 14 years ago flashed on my mind. The time i've been kidnapped for ransom at ang ala-ala kung saan ay may nililigtas akong batang nalulunod sa dagat.

"Maawa po kayo sa amin." pagmamakaawa ng isang batang kasama ko. We can't see anything dahil sa tinakpan ang aming mga mata ng panyo. "Huuuu" iyak ng batang kasama ko

"Shhh" pagtahan ko sa kanya at pagtatantiya ko ay mas bata siya sa akin ng dalawang taon. "Wag kang matakot, kumalma kalang. Di ka naman nag-iisa eh, andito ako ouh." ika ko at hinawakan ang kamay niya sabay isinuot ang bracelet na bigay sakin ng Lola ko

"Ano to?" tanong niya sa akin

"Bigay sa akin ng Lola ko yan. Sabi niya sa akin kapag suot-suot ko ang bracelet na yan, hindi daw ako makakaramdam ng takot." ani ko at ngumisi

"Eh paano kana? Hindi kaba natatakot?"

"Wag kang mag-alala," usal ko sabay pinahawak ang kamay niya sa kamay ko kung saan naroon ang bracelet ko "Dalawa ang bracelet na binigay ng Lola ko. Isa sa iyo at isa sa aki--" putol kong saad ng bigla nalang may nagbukas ng pintuan at kinuha ang batang kasama ko at diko na alam kung saan ito dinala.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may nagbukas na ng pintuan at kinuha rin ako. Nagtaka ako ng alisin nito ang panyo na nakatakip sa mga mata ko at napansin kong sakay kami ng maliit na barko

"Bitawan mo ako! San moko dadalhin!?" sigaw ko at nabigla nalang ako ng makita ko ang Daddy ko na sinalubong ako ng ngiti

"Daddy!" masaya kong sambit at mabilis na niyakap ang Daddy ko dahil sa takot

"You're safe now baby." ani ng Daddy ko at dinala na ako sa dining room para kumain dahilan na pinagtataka ko dahil kani-kanina kinikidnap pa ako

"Daddy? May kasama po akong nakidnap---"

"Boss! Nakatakas po ang bata! Tumalon ito sa dagat!" pag-aalalang saad ng isang lalaki dahilan na kumaripas ng takbo ang Daddy ko kaya't mabilis din akong lumabas sa dining room.

Hinanap ko ang batang kasama ko kanina na nakidnap at nang may napansin ako sa ilalim ng dagat ay agad akong lumangoy para iligtas siya dahil isa rin akong gold medalist swimmer kahit nasa murang edad palang ako.

It was Eddielmar. Ang batang lalaking kasama kong nakidnap at ang batang niligtas ko na nalulunod. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ako ang babaeng minahal niya kaso, natatakot ako na baka kamuhian niya ako, dahil kagagawan ng Daddy ko ang kidnapang naganap noon.

Patuloy ang pagflashback ng mga ala-alang iyon habang tinitignan ko lang si Eddielmar na nililigtas si Angel ang babaeng inakala niya na siyang nagligtas sa kanya 14 years ago. Ang babaeng minahal niya dahil sa pag-aakalang niligtas siya nito, kahit ako naman talaga. Inakala niyang si Angel ito dahil sa bracelet na binigay ko sa kanya na ang kapares ay binigay ko rin kay Angel dahil siya ang matalik kong kaibigan bago ko pa nakilala si Eddielmar.

Gusto kong sabihin kay Eddielmar ang totoo kaso nalaman din ni Angel na ang Dad ko ang may kagagawan ng nangyaring Kindnapping noon at dahil sa mahal niya rin si Eddielmar ay ginamit niya itong panlaban sa akin para diko masabi kay Eddielmar ang totoo.

Ang akala ko, kusa akong mamahalin ni Eddielmar kahit diko sinabi sa kanya na ako ang batang nagligtas sa kanya noon pero mali ako, dahil nabulag siya sa buong akala na puro kasinungalingan. Kung hindi lang sana nangyari ang pangyayaring ito ngayon, siguro nasabi ko na sa kanya ang totoo. Pero, ngayon, huli na ang lahat, dahil, ramdam ko ng, mamamatay na ako. While I am drowning i saw Eddielmar and I kissing sa ilalim ng dagat. A kissed that happen 14 years ago, when I saved him from drowning. That was our first kiss. And I also remember our kissed that just happened a while ago after we exchanges our vows. Our second kiss.

I thought I would be like Rose in Titanic that Jack saved, because he loves her and could even sacrifice his life for her. But, I was wrong. My Jack didn't saved me because, he doesn't loves me. Instead, he saved his Rose and let me drown myself alone. My Jack didn't saved me, because, I will never be his Rose.

WORK OF FICTION

"๐‘ซ๐’ ๐’๐’๐’• ๐’ƒ๐’†๐’๐’Š๐’†๐’—๐’† ๐’๐’ ๐’†๐’—๐’†๐’“๐’š๐’•๐’‰๐’Š๐’๐’ˆ ๐’•๐’‰๐’‚๐’• ๐’š๐’๐’– ๐’”๐’†๐’†, ๐’ƒ๐’†๐’„๐’‚๐’–๐’”๐’†, ๐’๐’๐’• ๐’‚๐’๐’ ๐’•๐’‰๐’‚๐’• ๐’š๐’๐’– ๐’”๐’†๐’† ๐’Š๐’” ๐’˜๐’‰๐’‚๐’• ๐’š๐’๐’– ๐’”๐’†๐’†. ๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’† ๐’Š๐’” ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐’•๐’‰๐’‚๐’ ๐’•๐’‰๐’‚๐’•, ๐’Š๐’‡ ๐’š๐’๐’– ๐’„๐’๐’–๐’๐’… ๐’‹๐’–๐’”๐’• ๐’…๐’Š๐’—๐’† ๐’…๐’†๐’†๐’‘๐’†๐’“ ๐’Š๐’๐’•๐’ ๐’Š๐’•, ๐’•๐’ ๐’”๐’†๐’† ๐’‚๐’ƒ๐’๐’–๐’• ๐’†๐’—๐’†๐’“๐’š๐’•๐’‰๐’Š๐’๐’ˆ ๐’•๐’‰๐’‚๐’• ๐’š๐’๐’– ๐’˜๐’‚๐’๐’• ๐’•๐’ ๐’”๐’†๐’†."

โ€”Ms.MafiaQueen

โ€”words by: Mary Mae Koren Navarro

โ€”wttpdaccount: Mary Mae Koren Navarro

[photo credits to the owner]

Sorry talaga readers kung may Grammars error. First time ko kasi e.post ang ginawa kung story. But, I hope magugustuhan niyo parin. Thankyou! ๐Ÿ˜˜โค๏ธ