Chereads / Chasing the chaser / Chapter 3 - chapter 2

Chapter 3 - chapter 2

"Mommy la!"sigaw ko sabay busina. Kaya lumabas namn siya at lumapit sa kotse.

"Tayo na."anito.

"Okay.." kaya nag simula na akong magdrive. Atsaka in-on yung sounds at nag soundtrip. Habang nagbabyahe ay nagkakanta lang ako at patindin si mommy la kapag alam niya yung kanta.

"Nga pala mommy la. Ano gagawin natin sa tindahan?"aniko dito.

Hindi ko kasi alam kong ano ang dahilan kong bakit kailangan namin pumunta dun.

"May kukunin lang akong mahalagan papeles dun."anito.

"Para san?"

"Basta..malalaman mo din."

"Hays.. okay." Haynako..na c-curious tuloy ako ano ba yan. Kanina pa ako na w-weirdoha kay mommy la.

Mga ilang minuto ay nakadating nadin kami sa tindahan ni mommy la. Pagkadating namin ay agad akong lumabas sa kotse at sumunod kay mommy la papasok.

Pagkapasok namin ay agad bumungad samin ang mga workers sa tindahan ni mommy la.

"Good afternoon po Ma'am trina at Miss archyd."ani nila. Kaya ngumiti ako sakanila at bumati rin pati si mommy la ay bumati din sakanila.

"Mommy la."aniko sabay kalabit sakanya.

"Ano?"taka nitong ani.

"Kukuha ako ng mga pagkain ah."aniko sabay ngiti ng malapad.

"Hayss..sige go. Basta wag mo ubysin ha.. baka maubos yung stuck tsaka archyd wag damihin yung junkfoods."anito. Yes! Mwehehehe.

"Luh.. pano mauubusan ng stuck eh andami-dami niyan. Tsaka diba may bagong delivery din naman mamaya ah.

"Archyd."anito sa tunog ng mauturidad na boses.

Kaya ngumiti lang ako kay mommy la at lumayo na At pumunta sa may counter dun kasi yung nakalagay na mga pagkain.

kumuha ako ng 10 na junkfoods,3 royal na soft drinks at syempre 2 pack ng lollipop. Diba kunti lang? Tss.. mommy la talaga.

Matapos kung kumuha ng mga pagkain ay pumunta na ako sa Counter.

"uy ate."Tawag pansin ko sa babaeng naka assign ata dito. Di ko kasi name niya kaya uy nalang yung nasabi ko.Mukha kasing bago siya dito.

"Yes po ma'am?"anito.

"Pakibalot nga po."aniko habang kumakain.

"Hala ma'am!,Bawal po yan buksan ng hindi na babayaran."anito ng makitang kinakain ko yung Chips na isa sa mga napili kong junkfoods.

"Ah eh.. kami kas-"bago pa ako makapagsalita ay pinutol na nito ang aking sinabi at ang mas nakakagulat ay sumigaw ito.

"GUARD! GUARD! MAY KUMAKAIN NA HINDI BINABAYARAN! GUARD!"Sigaw nito kaya ito ang dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao sa deriksyon namin.

Napapikit nalang ako at "pakening sheet talaga. Shit nakakahiya."aniko.

"NASAN NA!?"ani ng guard habang humihingal at iba pang workers din.

"Ayan oh!"ani ni ateng ng mabibintang sabay turo sakin. Kaya napatingin naman sila sakin at ng laki ang mga mata. Epic. HAHAHA. Maliban sa mga bago kaya taka nila akong tiningnan.

"Hoy..angel gaga ka talaga nakakahiya ka."mahinang bulong ni ate Fey. Na narinig ko naman.

"Anong gaga! Eh Kita mong kinakain niya yung mga tinda eh."sigaw nito. Kaya ng laki ang mata ng mga workers na nakakilala sakin. Pff..

"What happened here?" Bigla nalang kaming napalingon sa nagmamay-ari ng boses na nagsalita.

"Mommy la."bulaslas ko at nagkamot ng ulo.

"What happened?"anito.

"Ah..eh. Ma'am trina si ma'am kasi hindi nagbayad ng kinain lang yung mga paninda."anito.

"Miss what's your name?"ani mommy la.

"Angel po."anito.

"Miss Angel sorry for the misunderstanding but this is my grandchild."anito. Kaya ng laki ang mata nito at tumingin sa akin.

"Hala.. omg. Sorry po ma'am trina tsaka maam.."anito habang nakayoko.

"Hehehe.. It's okay.. kasalan ko naman yun kasi hindi ako nagpaalam agad sa cashier na kukuha ako ng mga pagkain."aniko sabay kamot sa ulo.

"Sorry po talaga..."

"Sana hindi na maulit ito ha.."ani mommy la. Kaya tumango si angel at iba pang workers.

"Tara na archyd.."ani ni mommy la. Kaya sumunod na ako at kumuha ng Bag sa may counter. Eco bag ata ang pangalan nito at inilagay ang mga pagkain. Tsaka sumunod kay mommy la.

_

Short update.