Nanonood ng boxing sa t.v si Reyann ng may kumatok sa pintuan niya
"Si ate na siguro 'to" Bulong ni Reyann sa sarili at lumapit sa pintuan upang pagbuksan ang kumakatok.
Bahagyang nagulat si Reyann ng mapagbuksan ng pinto ang kumakatok kanina.
Nagsalubong kaagad ang kilay ni Reyann pagkakita sa mayabang niyang kapitbahay. "Ano na naman ang irereklamo mo ngayon?" Tanong agad ni Reyann.
"Wala!" Napapangiting saad ni Francis, ngayon lang yata ito ngumiti sa kanya. "May iaalok lang sana akong trabaho sayo"
Napataas ang kilay ni Reyann, bakit siya aalukin ng trabaho ni Francis? Bagong magkapitbahay pa lang sila at hindi sila close!
"Anong trabaho? Baka ilegal yan ah! Naku wag ako, mukha lang akong kriminal sa paningin mo, oo pasaway ako, pero hindi ako kriminal!" Ani Reyann, hindi parin nya nakakalimutan na pinagkamalan siyang gangster at kriminal ng binata.
"Ang dami mong sinasabe! Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" - Wika ni Francis
Tinitigan munang maigi ni Reyann ang kausap, tinatantya kung seryoso ba ito.
"Ilang beses ko nang sinabi sayo na wag mo 'kong tignan ng ganyan, dahil ang-" Hindi naituloy ni Francis ang sasabihin, dinugtungan na ni Reyann ang sasabihin nito.
"Ang creepy! Nakakatakot! Alam ko na yan!" Napaismid na wika ni Reyann.
"Alam mo naman pala, so next time wag mo na ulit akong tignan ng ganyan" Napapangising sagot ng binata. "Ano na? Papapasukin mo ba ako o kusa na'kong papasok?"
Sinamaan ng tingin ni Reyann si Francis. Hindi naman pinansin ng binata ang masamang tingin ng tibo, sa halip ay tinabig nya ito sa pagkakaharang sa pintuan at kusa ng pumasok sa bahay.
"Oy! Teka! Trespassing yang ginagawa mo!" Angal ni Reyann, pumunta sya sa harap ni Francis at itutulak niya sana ito palabas, pero kaagad niyang napansin ang matipunong dibdib ng binata na nakabakat sa suot nitong body fit shirt na kulay black, napapalunok at napaiwas ang tingin ni Reyann sa dibdib ng binata.
"Gusto lang naman kitang kausapin tungkol sa iaalok kong trabaho" Mahinahong wika ni Francis.
"Ano ba kasing trabaho yan? At bakit ako ang naisip mong alukin ng trabaho?" Tanong ni Reyann, naglakad ito palapit sa sofa na nasa kanyang sala. Sumunod naman sa kanya ang binata.
"Madali lang naman ang trabaho" Kalmado paring sabi ni Francis, naupo na ito sa sofa kahit hindi pa sya pinapaupo ni Reyann.
"Feel at home lang?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Reyann, nagugulat siya sa inaakto ng binata, parang kahapon lang ay halos magsuntukan na sila, at ngayon ay feeling close naman ito.
Hindi naman natinag si Francis sa pasaring ni Reyann, itinuloy nito ang sasabihin. "Ang trabaho ay magpapanggap kang girlfriend ko"
"ANO??!" Bulalas ni Reyann. "Magpapanggap akong girlfriend mo?"
"Yeah! You heard it right" Napapatangong sagot ng binata.
Napailing-iling naman si Reyann, nagpalakad-lakad ito sa harapan ni Francis. "Nababaliw ka na, palagay mo papayag ako sa trabahong yan?" Ani Reyann.
"Why not? Wala ka namang trabaho di ba? Easy lang 'to para sayo" - Wika ni Francis.
"Hindi pa'ko nasisiraan ng bait, umalis kana, hindi ako interesado dyan sa trabahong inaalok mo" - Sagot naman ni Reyann.
"Pag-isipan mo muna" - Relax na sabi ng binata.
"Hindi na! Alis na" Pagtataboy ni Reyann kay Francis, hinila nito sa braso ang binata at sapilitang pinalabas ng kanyang bahay.
"Think about it, katok ka lang sa pintuan ng bahay ko pag nakapag-isip kana" Nakangiting sabi pa ni Francis.
"Hindi nga sabi ako interesado! Alis na!" Hindi na ulit hinintay ni Reyann ang sasabihin pa ng binata, kaagad niyang isinarado ang pintuan ng kanyang bahay.
*****
Tok..tok..tok
Napapikit si Reyann ng muling may kumatok sa pintuan.
"Ang tigas talaga ng bungo ng lalaking 'to! Di sabi ako interesado" Bulong ni Reyann sa sarili bago tumayo upang pagbuksan ang kumakatok.
"Ba't ba ang kulit mo! Di sabi ako-" Naputol ang sasabihin ni Reyann ng makitang hindi si Francis ang kumakatok. "Ikaw pala yan ate" Napakamot na lang sa kanyang noo si Reyann dahil sa hiya.
"Sino bang kaaway mo?" Salubong ang kilay na tanong ni Ariella
"Wala! Akala ko kasi yung makulit na kapitbahay na naman ang kumakatok" Sagot ni Reyann. Nagkibit-balikat nalang si Ariella, sanay na sya na palaging may nakakaaway ang pasaway niyang kapatid. Pumasok na si Reyann at Ariella sa bahay.
Dinala muna ni Reyann sa kusina ang dalang ulam ng kanyang ate, at kumuha narin siya na maiinom sa ref.
"May problema tayo sa restaurant Reyann" Pasimula ni Ariella.
"O ba't pati ako nasama jan? E kayo ang nagmamanage jan sa restaurant?" Tanong ni Reyann
"Hindi ito tungkol sa pagmamanage, tungkol ito sa pagkakautang ni itay sa bangko" Saad ni Ariella.
"Utang? Anong utang?" Takang tanong ni Reyann
"May nagpuntang bank representative sa restaurant kanina, at nalaman namin na ang utang pala ni itay na pinangpuhunan sa restaurant, di pa pala tapos mabayaran, halos kalahati pa ang balanse" kwento ni Ariella
"Bakit hindi 'to sinabi satin ni itay?" Di makapaniwalang tanong ni Reyann.
"Kilala mo naman si Itay, ayaw nya na mag-alala tayo kaya siguro hindi na nya sinabi satin" Ani Ariella.
"Magkano ba ang balance? Baka pwede nating ipakiusap sa banko" Suggest ni Reyann.
"150,000 ang balanse plus 10% na interes" Sagot ng kapatid. Nagkwenta si Reyann.
"Edi ang ibig sabihin 165,000 pa ang babayaran natin? Anong sabi ng banko? Sa panong paraan daw natin iyon pwedeng bayaran?" Sunud-sunod na tanong ni Reyann
"Ang sabi ng representative na nagpunta kanina, within one month dapat daw mabayaran natin yun ng buo pati interes, pag daw di natin nagawa yun, ipapasara daw nila ang restaurant" Malungkot na saad ni Ariella. Halos patakbong tinungo naman ni Reyann ang kanyang kwarto upang kunin ang kanyang bank book.
"60,000 lang pala ang pera ko sa bangko" Malungkot nitong sambit sa kanyang ate ng makabalik sya sa may sala.
"Buti kapa 60,000 eh ako baka 20,000 lang maishare, alam mo naman na halos wala akong naitatabi dahil sa pamangkin mong nag aaral" wika ni Ariella, single mother kasi si Ariella. "Si Rico naman daw baka walang maibigay dahil siya ang bumibili ng mga maintenance na gamot ni nanay, lalo naman si Pao, yung pera nun pang tuition nya sa school"
Nanlulumong napaupo si Reyann sa sofa. "Saan natin kukunin ang kulang?" Tanong nito, kasabay nito ay naalala niya ang offer ng kapitbahay. "Ako nang bahala ate, itetext agad kita pag nakagawa na ako ng paraan" Wika nito sa kapatid
"Sige" nanlulumong umalis ng bahay si Ariella.
Pagkaalis ni Ariella, wala sa sariling napaupo sa sofa si Reyann, wala na siyang pagpipilian pa, kahit labag sa kalooban niya, mapipilitan siyang tanggapin ang alok na trabaho sa kanya ng ingliserong kapitbahay.
*****
Kasalukuyang nirereview ni Francis ang financial report ng kanyang gym ng may marinig siyang mga katok sa pintuan, tumayo ito upang pagbuksan ang kumakatok.
Napangiti si Francis ng mapagbuksan ang tibong kapitbahay, alam nya na pupuntahan siya nito at papayag na sa trabahong alok niya. Nag-imbestiga na si Francis tungkol sa tibo, napag-alaman niyang may problema ang family business nila ngayon, kaya inaasahan niya na papayag din ang tibo sa offer nya.
"Tinatanggap ko na ang trabahong alok mo, pag-usapan na natin ang detalye" ani Reyann, napilitan siyang magdesisyon na tanggapin ang offer ni Francis dahil di niya matatanggap na mawawala sa kanila ang restaurant.
"Come in" Nilakihan ni Francis ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ang tibo.
"Simulan mo na, pero bawal ang english ha, mahina ako jan eh" Wika ni Reyann pagkaupo sa sofa.
"Ganito yan, ang father ko kasi gusto niyang makilala ang girlfriend ko, since wala naman akong seryosong karelasyon, wala akong maipapakilala kay Papa, eh hindi ko naman siya pwedeng i-disappoint, kakagaling lang niya sa stroke, inatake siya sa puso, kaya naisip kong mag hire nalang muna para lang mapagbigyan ko ang gusto nya" Paliwanag ni Francis, hindi na nya binanggit pa ang tungkol sa mana.
"A ganon ba, eh hanggang kailan naman ang gagawin kong pagpapanggap?" Tanong ni Reyann
"Hanggang sa tuluyang makarecover si papa, suswelduhan kita ng 20,000 monthly" sagot ni Francis
"Talaga?" Namimilog ang mga mata at hindi makapaniwalang tanong ni Reyann. "Ayos ka naman palang boss eh, pero pwedeng makahingi ng pabor?" Tanong pa nito.
"Anong pabor?" Tanong din ng binata.
"Pwedeng mag cash advance? may problema kasi sa restaurant namin eh" Napapakamot sa ulong idinetalye ni Reyann ang problema, pumayag naman si Francis na mag cash advance ito.
"Eto ang cheke, just to make sure na aayusin mo ang trabaho mo ha" Paalala ni Francis
"Sure boss" Ani Reyann at sumaludo pa kay Francis.
"Bukas sisimulan ang make-over mo, i'll pick you up at 7 in the morning"
"Ang aga naman, baka pwedeng 9 nalang" Reklamo ni Reyann
"Angal ka? Ibalik mo na yang cheke" - Saad ni Francis.
"Eto naman hindi mabiro, sabi ko nga 7 eh" Ngingiti ngiting wika ni Reyann.
Matapos ang usapan ni Reyann at Francis, umalis na si Reyann.
"Ano ka ngayon tibo? Asan ang angas mo?" Nakangising bulong ni Francis sa sarili.
To be continue