(STUDENT PRANK)
Ako si Leo, Labing-tatlong taong gulang. Naisipan ng magulang ko na ilipat ako ng ivang paaralan dahil hindi na nila kaya pa ang tuition ko.
Sa paglipat ko ng paaralan ay nakaisip ako ng isang plano. Bilang isang bagong mag-aaral ay gusto kong marinig ang kanilang mga komento kung ako ay hindi marunong magbasa.
Nakapasok naman ako ng maayos at nagsimula na nga ang klase.
" Pwede mo bang ipakilala ang 'yong sarili?" tanong ng aking guro.
Nanahimik lamang ako dahil nahihiya ako. Kasabay ang lahat ng 'yon sa plano.
" Inuulit ko, ano ang 'yong pangalan?"
" Ako po si Leo, labing-tatlong taong gulang," sambit ko.
" Ah sige, maari ka nang umupo," saad nito.
Nagsimula na nga ang klase at ako na naman ang tinawag.
" Can you please read the next question?" sambit ni Madam.
Tumayo naman ako at nagsimulang magmaang-maangan na hindi ko alam.
" 1. What is the pirst ( first) "
" Can you please repeat, Leo?" saad ni Madam.
Ngtinginan silang lahat sa akin at natawa.
" 1. What is the pirst--"
" Hindi ka ba marunong magbasa?" tanong ni Madam.
Umiling ako bilang sagot.
" Paano mo nakuha ang napakatataas na marka kung hindi ka marunong magbasa? dinaya mo ba 'yon?" tanong ni Madam.
" Hindi po," sagot ko pero hindi siya naniwala.
" May papasagutan ako sa'yo mamaya. Maiwan ka mamayang 5:00 pm at tatanungin kita," saad nito.
Tumango nalang ako bilang tugon.
Recess na kaya nagsilabasan na ang mga estudyante.
Pumunta ako sa canteen at nakasabay ko ang dalawang kaklase kong babae. Saglit silang nagbulungan at tinignan ako.
" Di ba siya yung hindi marunong magbasa?" tanong nito.
Tumawa naman ang isa.
" Ang bobo naman. Grade 7 na pero hindi pa marunong. Ako nga Grade 2 marunong na ako," saad nito.
Ngumisi ulit ang isa.
" Baka bobo lang talaga o hindi naturuan ng mga magulang," sambit nito.
Gusto ko man siyang barahin pero hindi pwede. Nasa plano ko ko 'yon para malaman ang kanilang mga judgements.
_________________________
Nagtuloy-tuloy ang kanilang panghuhusga hanggang sa umabot na nga ng isang buwan.
Different judgements from different ppl.
Walang sino man ang gustong makipagkaibigan saakin.
Walang sinuman ang gusto akong tulungan bagkus mas lalo nila akong dinegrade.
Mas lalo nila akong hinusgahan at sinabihan ng masasama habang nakatalikod.
Rinig ko rin palagi ang kanilang panghuhusga.
" Bobo."
" Kulang sa aruga."
" Napabayaan."
" Tanga-tanga."
Bukas na ang first periodical test at nage-expect na sila na ako ang makakakuha ng pinakamababa.
" Leo? " tawag saakin ni Warren. Matalinong lalaki saamin.
" Ano?" tanong ko.
" Mas mabuting h'wag ka nang pumasok bukas kase sayang lang yung test papers na ibibigay sa 'yo. Gastos pa 'yon sa pagpapa-print at sa coupon bond na gagamitin," paghahambog nito.
" Okay lang. Magrereview ako mamaya para hindi ako mabagsak," sambit ko.
" Okay, Goodluck HAHAHA" saad nito sabay ngisi.
Dumating na ang araw ng pagsusulit.
Inayos ko ang lahat ng exam. Basic nalang 'yon sa akin kase elementary days pa 'yon tinuro.
Natapos ko ang lahat ng test at masaya ako. Hinihintay ko na lang ang resulta at ang sasabihin nila bukas.
Kinabukasan, natanghali ako ng gising kaya na late ako sa pagpasok.
Nadatnan kong tahimik silang lahat. Tila nanibago ako sa kanilang mga ekspresyon.
Nakita ko si Madam sa unahan. Uupo na sana ako ng bigla niya akong tawagin.
" Leo, paano mo nakuha ang ganitong score? " tanong ni Madam.
" Nag-review po ako kagabi," saad ko.
" Sa kabobohan mong pinakita eh ganito score mo? nang daya ka no?" sambit nito.
Saglit akong natahimik.
" Tama ba? nang daya ka lang diba? Hindi mo makukuha ang score na ganito. 48/50 tas yung iba eh 3 mistakes lang," anito.
" Pwede ba akong mag-explain?" tanong ko.
Tumango naman si Madam.
" That was all my plan. To become a bobo for 1 month to know their judgements. Tinawag nila akong bobo porket hindi marunong magbasa. Nilayuan nila ako imbes turuan at mas lalo pa nila akong binaba. Akala ko ba'y dapat nagtutulungan ang lahat? Bakit po kayo hindi niyo man lang ako tinulungan?" sambit ko.
Natahimik silang lahat sa sinabi ko.
" Tinanggap ko lahat ng panghuhusga kase akala ko maganda ang magiging pakikitungo ng mga kapwa ko estudyante kung may papasok na hindi marunong magbasa at tuturuan nila."
" Pero bakit mo 'yon ginawa?" tanong ni Madam.
" Ano ba talaga ang totoo?" pahabol pa nitong tanong.
" Honor student po ako sa dati kong pinapasukan. Mathematics, English at Science po ang ginagalingan ko. Nilalaban din po ako kahit na anong contest na pang-academic at kung hindi kayo maniniwala eh pumunta nalang po kayo sa bahay," saad ko.
Natulala silang lahat sa sinabi ko.
Halos hindi sila makapaniwala.
" Isa lang po ang pinaka-natutunan ko dito sa paaralang ito. Kapag mahina ka, kahit ano ang matatanggap mong panghuhusga. Kapwa estudyante ang mang-da-down kesa tulungan kang umangat. "
Umupo na ako pagkatapos nun. Narinig ko naman ang paghingi nila ng pasensiya.
Lesson learned.
" Magaikap sa pag-aaral dahil sa panahon ngayon maraming manghuhusga sa 'yo. Imbis na tulungan ka ay mas lalo ka pa nilang ibababa."