Chereads / Way Back Time / Chapter 3 - First Day

Chapter 3 - First Day

*SHAYNA'S POV*

Ako lang ba o talagang nauutal si Zayan kanina? Baka nahahalata nyang may gusto ako sa kanya kaya sya nagiging awkward sakin. Buti nalang dumating si Deborah.

Nakarating na kami sa school at nag decide kami na umupo nang magkakatabi sa likuran.

Nasa gitna ako at nasa kanan ko si Deb at sa kaliwa naman si Zayan. Everything's going pretty well.

Our prof entered our classroom and everyone is quiet. Ganto ba talaga pag college? Parang disiplinado lahat at parang mahirap makipag kaybigan. Good thing is that kaklase ko sila Zay at Deb.

"Okay, it's a pleasant morning everyone. I'm Mr. Patrick P. Ramirez, your prof for Environmental Science. You can call me Teacher P."

"Good morning Teacher P. and mabuhay"

Everyone is very active and serious.

"Okay, I already introduced my self, so why don't you introduce yourself? Let's start with this row first."

Buti nalang sa likuran kami umupo dahil last kami na mag iintroduce, nararamdaman kong kabado din sila Zay at Deb.

"Shayna, ngapala, tagal na natin magka kilala pero diko paren alam about sa fam mo"

Tanong ni Deborah saken na nakapag patigil ng tibok ng puso ko. Hindi nila pwedeng malaman kung sino ang pamilya ko, dahil kahit sarili ko ay kinahihiya ko ang pamilya ko.

"Di naman siguro mahalaga yon hahaha" awkward na sagot ko sa tanong ni Deborah. Buti na lang ay sya na ang mag iintroduce kaya naman hindi na sya nakapag tanong pa saken. Pero nakita ko ang confusion sa muka nya.

"I am Deborah F. Fontebero, I am the daughter of the owner of Fontebero Glam Co. I am also 20 years old and I live in St. Montenegro Subdivision"

"Wow I'm impressed. You came from the top richest company in our town". Excited na tugon ng prof namin sa introduction ni Deborah.

Na alala ko ang pamilya namin na isa din sa pinaka malaking kumpanya. Pero madaming nangyare at nag bago.

Natapos na mag introduce ang iba Kong mga kaklase at ako na. Tumayo ako at pumunta sa harapan

"Good morning, I am Shayna D. Chua, 20 years old and I live in St. Montenegro Subdivision. I am friendly and don't be afraid to approach me. Thank you."

*ZAYAN'S POV*

Tama si Deborah, matagal na kaming magkakaybigan pero ni minsan hindi pa namin na meet ang pamilya ni Shayna. At kapag about family ang topic namin, bigla syang tumatahimik at di umiimik. Ano bang meron sa pamilya nya?

"Uy Zay?"

"Zayan! ikaw na"

"Huy"

Nagulat ako nang bigla akong kalabitin ni Shayna, ako na pala ang mag iintroduce. Naka tulala Lang ako sa bintana at diko namalayan na ako na pala.

"ano ba kasing iniisip mo? parang anlalim ah?" mahinang tanong ni Shayna saken.

"Ah wala, may nakita lang ako" sagot ko sa kanya. Lumakad nako at pumunta sa harapan.

"Good day everyone. I am Zayan T. Monrovia and I am 20 years old. I live in St. Montenegro Subdivision, nice meeting you"

"Tatlo kayong naka tira sa St. Montenegro Subdivision ah, magkaka kilala ba kayo?"

Tanong nang prof sa amin.

"Yes po. we're friends actually" Sagot naman ni Deborah.

"Ooh, that's a good thing. Good for you!"

Wala kaming masyadong ginawa sa first day of school, since nasa "getting to know each other" stage palang kami. Nag kwento lang ang prof namin nang mga karanasan nya sa university na ito.

Hindi nako nakapakinig sa sinasabi Ng prof dahil di mawala sa isip ko ang tungkol sa pamilya ni Shayna. Gusto kong malaman kung anong meron sa pamilya nya at bakit tila walang nakaka alam tungkol sa pamilya nya.