Carin's pov…
Masyado na naman akong ginabi ng uwi, napakakulit din kasi ng aking lola na ayaw akong payagan na umuwi ng maaga kanina dahil minsan lang naman daw sya magdiwang ng kanyang kaarawan.
Ang aking nag iisang lola ay nakatira pa sa Bulacan kung tutuusin malapit lang naman sya sa Metro Manila pero ako ay nakatira at umuuwi sa Antipolo kaya naman medyo malayo din talaga at mahaba ang nagiging byahe ko.
Sa ngayon ay binabagtas ko itong kahabaan ng daan paakyat sa Antipolo town proper, sa di ko maintindihang dahilan ay kung bakit bigla akong kinabahan habang nagmamaneho, biglang buhos din naman ng malakas na ulan kaya naman medyo naging blurry ang daan at hirap akong makakita ng maayos gawa ng malakas na buhos ng ulan.
"BLAG!"
Nagulat ako nang biglang may bumangga sa harapan ng aking sasakyan or ako ba nakabangga sa kanya, kitang kita ko na pumaibabaw ang isang tao sa ibabaw ng aking sasakyan kaya naman bigla akong napa apak ng madiin sa preno.
"Shit! Ano yun?!" malakas na sigaw ko, tumingin tingin ako sa paligid ngunit malakas na pagbuhos lang ng ulan ang nakikita at naririnig ko at ang ilaw ng bawat sasakyan na dumadaan. Tumingin ako sa left and right ng side mirror ko pero wala naman akong maaninag, medyo kinabahan na ako.
"May nabangga ba ako?" pagtatakang tanong ko sa aking sarili habang mariin na sinisipat ang paligid sa labas.
"Umalis na kaya ako? Pero paano kung meron nga akong nabangga? Tatakbuhan ko na lang ba? Baka naman makasuhan pa ako ng hit and run" batid ko sa aking sarili.
Kahit kabado ay nagsuot ako ng itim na jacket ko na may hood, mainam ang dala kong jacket dahil waterproof naman ito.
Pagbaba ko ng aking sasakyan ay dumiretso ako sa bandang likuran nito para tignan ang nabangga ko pero laking gulat ko nang wala akong makita na kahit ano or wala man lang bakas na may nabangga ako, ngunit nang tinignan ko ang harapan ng sasakyan ko ay napakalaking yupi ang tinamo ng hood.
"Oh, my ghad, bakit ganito? Nasaan naman ang nabangga ko?" mahinang tanong ko sa aking sarili at muli akong tumingin sa paligid, tanging malakas na buhos ng ulan at mga dumadaan na pailan ilang sasakyan lang ang nasa paligid.
Mabilis akong sumakay muli sa aking sasakyan pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng aking sling bag na nakapatong sa passenger seat pero nang pipindutin ko na ang number ng aking kaibigan para sana humingi ng tulong ay naramdaman ko na may parang nakaupu sa likuran bahagi ng sasakyan.
Marahan akong lumingon at tumingin mula sa aking rear-view mirror at napaatras ako sa kinauupuan ko nang may mga matang matatalim na nakatitig sa akin.
Paulit ulit kong ipinikit at idinilat ang aking mga mata para tignan baka hallucination ko lang ang nakikita ko, pero hindi sya nawawala at nandoon pa rin sya. Marahan kong inilingon ang akin ulo sa back seat ng sasakyan para siguraduhin nga na may nakaupu doon.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla naman syang ngumiti sa akin at basang basa ang kanyang damit pati ang kanyang buhok.
"P-p-paano ka nakapasok?" mahina kong tanong pero nauutal ako sa kaba, dahil hindi ko maintindihan kung paano sya nakapasok doon dahil itong driver side door lang naman ang bukas ng bumaba ako kanina.
"So… nakapasok ka nga dito?" mahinang tanong ko sa taong nakaupu sa back seat ng aking sasakyan, matalim pa rin ang titig nya sa akin kaya naman napalunok na lang ako at muling humarap sa manibela.
"Sana naman nagsabi ka muna na makikisabay ka sa akin bago ka sumakay, para naman hindi ako nagugulat ng ganito" batid ko sa kanya, dahan dahan akong muling sumulyap sa rear-view mirror at nandoon pa rin sya na nakatitig sa akin.
"Mag drive ka na lang, madami ka pang sinasabi" bigla nyang utos sa akin.
Nabigla ako nang bigla syang magsalita at inuutusan pa nya talaga ako, may pagkamakapal din ang mukha nitong nakikisabay na ito.
"S-s-saan… ka ba nakatira?" muli nauutal kong tanong sa kanya.
"Basta mag drive ka lang kung saan ka titigil doon na din ako" batid nya sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanya, at bakit naman kung saan ako titigil ay doon din sya, baka naman kidnapper na tong mokong na to ah.
Sinimulan kong mag drive muli sa kalagitnaan ng lakas ng buhos ng ulan, kabado man ako pero pilit kong nilalakasan ang aking loob.
Ano ba gagawin ko? Baka bigla akong tutukan ng patalim nito or baril, patayin at itapon sa bangin. Sinusulyapan ko sya sa aking rear-view mirror pero hindi nya inaalis ang tingin sa akin, sadyang misteryoso na nakakatakot ang tingin nya.
"BLAG!"
Nagulat ako at muling napatapak sa preno ng madiin nang may gumalabog sa ibabaw ng sasakyan ko.
"What?!" sigaw ko dahil nang tumingala ako ay kitang kita ko ang malalim na yupi ng bubong ng aking munting sasakyan, kawawa naman ang baby ko yupi na harapan pati itong bubungan yupi din, siguradong malaking gastusin na naman ito.
"Gosh... ano yun?" bulong ko na medyo ninenerbyos na ako, pero nang sulyapan ko ang nakaupung lalaki sa back seat ay nakatingin pa rin sya sa akin tila hindi nya ininda or hindi sya nagulat sa nangyari.
"Mag drive ka lang, bilisan mo" muli nyang utos sa akin.
"Teka nga, ano ba nangyayari? May kinalaman ka ba dito?" kinonpronta ko na sya.
"Basta mag drive ka!" sigaw nya na may panlilisik ng kanyang mga mata, kaya naman natakot ako at idiniin ang aking paa sa gas para umandar muli ang sasakyan at medyo napabilis ang pag maneho ko sa nerbyos.
Habang mabilis ang aming pag andar ay biglang may bumungad sa windshield ng sasakyan.
"Ayyy!!!" pagtili ako kaya napaapak ako bigla sa preno, tumilapon ang tao pero nagulat ako nang mabilis syang bumalik sa sasakyan ko at binasag ang window glass sa may passenger side ko.
"Ano ba ito?!" sigaw ko, sinira nya ang sasakyan ko, hindi ko alam kung maiiyak ako or magagalit.
Pumasok sya sa loob at napatingin ako sa lalaking nakaupu sa back seat. Nabigla na ako nang nagsinghalan silang dalawa, isang nagmukhang demonyo at ang isa ay nagkaroon ng mabalahibong mukha at parehong may mga pangil, biglang binalot ng dilim ang buong paningin ko.