Taong 2015
Isang astronaut si Felix Voluarez na kasalukuyang naninirahan sa planetang mars. Hindi lang siya nag iisa sa planetang yun dahil kasama niya ang kaibigan at katrabaho niya na si Zorex Friloux.
Ang tanging trabaho nilang dalawa ay magbantay sa paligid, kung may kakaibang bagay man silang makita.
Tanging katahimikan lang ang naririnig nila at ang makinang nagbibigay ng liwanag sa kanila. Wala na silang magawa kundi ang maghintay ng isang utos kung may ipapagawa sa kanila.
''Ayoko na talaga sa posisyon na ito,'' pagrereklamo ni Zorex sa kaibigan niyang si Felix..
Di man makita ang mukha ni Zorex dahil sa suot nito, alam ni Felix na nakabusangot ang mukha nito.
''Alam mo Zorex, wala tayong magagawa dahil bago palang tayo dito.'' sagot naman ni Felix.
Di na nagsalita si Zorex dahil alam niyang tama ang sinabi ni Felix. Bagong astronaut palang sila kaya, kaya ito muna ang trabahong maipapagawa muna sa kanila.
Kahit nababagot na sila kakahintay ay wala rin naman silang magagawa.
Naglakad-lakad muna si Felix sa malawak na lupain ng mars. Di parin siya makapaniwalana makakapunta siya sa planetang ito. Simula bata pa kasi siya ay gusto na niya talagang makapunta sa ibang planeta. At sa katunayan nga ya iniidolo niya anga isang pangunahing amerikanong lalaki na nakatungtung sa buwan. Kaya ganon nalang ang pagsusumikap niya na makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Astronomy.
Habang naglalakad si Felix, ay may napansin siyang kakaiba sahrapanniya na di kalayuan sa kaniya. Parang itong isang tao dahil sa panglalakad nito.
Nagtago si Felix sa isang malaking bato upang hindi malaman ang presensya niya. Laking gulat niya na makitang hindi ito isang tao, hindi dahil sa wala itong suot na oxygen, kundi dahil sa pangangatawan at itsura nito na para silang gawa sa metal.
"Anong klaseng nilalang ito?" bulong niya sa kaniyang sarili.
Iniisip niya rin na 'Ito ba ang tinatawag na Alien? Kung gayon, ay malayo pala ito sa pinaniniwalaan naming itsura at pangangatawan ng isang alien'.
Dahil sa kuryusidad niya, sinundan niya ang nilalang kung saan man ito papunta.
Di siya makapaniwala sa nasaksihan niya, dahil hindi lang isa ang nakita niya kundi lima. Limang mga kakaibang nilalang ang mga ito.
Minaman-man niya ang bawat galaw ng nilalang, kung bakit sila narito sa planetang mars. Maya-maya pa ay may dumating na isang 'space ship'.
'Ito na siguro ang sasakyan nila,' aning nang kaniyang isipan.
Nagsimula ng lumisan ang space ship, sakay ng mga kakaibang nilalang. At sa di kapanipaniwalang nakita ni Felix, ay dali-dali siyang umalis sa kinaroroonan niya at bumalik sa pinanggalingan niya, upang sabihin kung anong nakita niya.
"Mr. Voluarez! Saan ka nagpupupunta?" tanong ng kanilang lider na si Franco Reas kay Felix.
Tumakbo naman papalapit si Felix papalapit sa kanilang lider at humingi ng dispensa. At ng dahil sa nakatangggap siya ng sermon ay hindi niya sinabi ang kaniyang nakita. Mas minabuti niyang itago nalang ito sa kasamahan niya, dahil naisip niyang mas mabuti pa'ng siya nalang ang aalam sa nakita niya. At naisip niya rin na baka mabigyan pa siya ng parangal sa pagtuklas ng isang bagay na hindi pa natutuklasan ng iba.
Nasa loob na sila ng kanilang 'ship', na kung tawagin nila ay 'Xylem Ship'.
Hubad ng kanilang Uniform ng pa'ng Astronaut, ay nagsimula na silang kumain. Ang tanging makina na nasa loob ng kanilang ship ang nagbibigay ginhawa sa kanila. Ang kanilang pagkain ay dala lang ng kanilang kasamahan na kararating lang mula sa planetang Earth.
Habng kumakain sila ay tinatalakay naman ng kanilang lider kung ano ang susunod nilang gagawing trabaho. Ang trabahong pagdiskobre sa iba pang planeta, pangyayari sa yuniberso at pagsasaayos sa satelayt.
Hindi nakinig si Felix sa pagtatalakay ng kanilang lider, sapagkat ay iniisip niya kung papaano siya makakatakas, o makakaalis sa Marte ng ligtas at walang makakaalam. Dahil sa kaniyang kuryusidad na malaman kung anong nilalang ang nakita niya, ay naisipan niyang alamin iyon at umalis.
Lumipas ang ilang oras, heto nanaman at silang dalawa nanaman ni Zorex ang naiwan sa Marte. Alin-sunod man sa kaniyan ang umalis, ay di niya magawa. Dahil sa palaging nakabuntot si Zorex sa kaniya.
"Zorex! Pwede ba!.... Wag mo kong susundan!" sigaw ni Felix sa kaniyang kaibigan..
Bumagsak naman ang panga ni Zorex dahil sa kaniyang narinig mula kay Felix. Hindi siya makapaniwala na sisigawan siya nito, kung kaya't ay wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya.
Umalis naman agad si Felix na bahis rin ng pagkagulat dahil sa kaniyang ginawa. Iyon ang unang beses na sigawan niya ang kaniyang kaibigan, kung kaya't ay ganoon nalang ang gulat sa kaniyang sarili.
Sumakay na si Felix sa Xylem ship at roon ay nagsimula na siyang umais.
Sa kabilang dako naman ay, labis parin ang gulat ni Zorex habang pinagmamasdan niya ang papalayong 'Xylem ship' na sakay-sakay ng kaniyang kaibigan.
Di niya lubos maisip kung anong pumasok sa kukuti ng kaniyang kaibigan kung bakit ito umali, dala-dala ang 'Xylem ship'. Pero merong isang ideya ang pumasok sa isipan niya kung bakit umalis ang kaibigan niya, yun ay ang kakulitan niya.
Bumalik na siya sa pwesto at hinayaan nalang ang kaibigan na umalis.
Sa kinaroroonan naman ni Felix. Nakalabas na siya ng planetang Marte, at seryoso siyang nagmamasi-masid sa paligid na nagbabakasakaling makita niyang muli ang mga kakaibang nilalang na iyon, o kahit ang sasakyan lang man nila. Ngunit, sa kaniyang pagmamasid-masid ay iba ang kaniyang nakita.
Para siyang isang bagong planeta na di pa na didiskobre ng tao. Planetang sobrang kamangha-mangha at kakaiba.
'Bagong planeta,' ani na sa kaniyang isipan.
Di siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Bilog ito at kulay banayad na asul ang planeta. Di niya mawari kung ito ba ang tahanan ng mga kakaibang nilalang na nakita niya, o bagong planeta nga ba ito.
At ng dahil nanaman sa kaniyang kuryusidad na malaman kung planeta nga ba iyon o hindi, ay naisipan niyang puntahn iyon ng malapitan.
Mas lalo siyang namangha sa kaniyang nakita, dahil ultimong gawa sa bakal ang planeta at ang mga itim na mga bilog ay tila ba'y mg bintan ito.
Naisipan niyang kuhaan iito ng litrato, kung kaya't ay dali-dali niyang kinuha ang kamera. Kaya lang, dahil sa kamalas-malasan ay nabangga ng malaking bato ang kaniyang ship, kaya siya nawalan ng balanse at aksidenteng naipindot ang 'speed button '. Napabilis ang andar ng ship patungo sa kaliwang bahagi ng planeta. At sa di inaasahang pangyayari ay bumunggo ang ship ni Felix sa kaliwang bahagi ng planeta at nagbunga ito ng malakas na pagsabog.
Gulat naman sa mukha at takot ang naramdaman ng mga Gordon's. Gulat dahil sa matinding pagsabog sa bahagi ng kanilang tahanan. At takot naman, dahil baka masira ng tuluyan ang nag-iisa nilang tahanan.
Nagtipon-tipon naman agad ang mga Gordon's, upang pag-usapan kung anong nangyayari sa paligid nila. Sobrang kakaiba ang mga salitang binibigkas nila, na kahit ang mga hayop ay hindi maintindihan ang lenggwaheng ginagamit nila. Puro tunog bubuyog lang ang maririnig mo, ngunit may mga ibig sabihin ang mga bawat salitang binibitawan nila.
May isang babaeng Gordon's ang biglang nagsalita. Sinabi nito na ang dahilan ng pagsabog ay dahil sa taong nagtatangkang sirain at pasabugin ang tahanang ilang daang taon nilang pinaghirapang mabuo.
Tila hindi naman ito nagustuhan ng kanilang lider sa sinabi ng babae. Kung kaya't ay nagplano sila ng isang paghihiganti sa mga tao at sirain din ang planeta nila.
'They destroyed our planet, so shall we destroy their planet too. But they will be more likely to have a difficulty life to death.'
Ang huling salitang binanggit ng llider at nagsimula na silang maghanda at magplano para sa darating na matinding digmaan.
******************************************