Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Calluses of Our Past

🇵🇭KentLucas_12
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.7k
Views
Synopsis
Wala akong ibang gusto kundi hanapin ang aking sarili, ngunit bakit parang iba ata ang aking natagpuan? ~Aiden Sa natitirang panahon ng aking buhay, ikaw lang ang nais kong makasama. ~Lucas Ipinaglaban kita kahit alam kong mali, hindi ako sumuko dahil mahal kita. ~Hendrix
VIEW MORE

Chapter 1 - Calluses 1

Aiden's POV

"Agrrhh". Napasabunot nalamang ako sa sarili kong buhok dahil sa sobrang frustration

Ilang buwan nalang ang natitira bago mag simula ang pasukan, pero hanggang ngayon hindi parin ako nakakapag desisyon kung anong kurso ba ang aking kukunin

Hindi ko mapigilang mag alala para sa sarili sapagkat hindi ko talaga alam kung anong kurso nga ba ang babagay sakin at kung anong kurso nga ba talaga ang gusto ko

Sa sobrang lalim ng aking pag iisip, hindi ko na namalayan ang daloy ng oras nang biglang kumulo ng malakas ang aking tiyan

Saka ko lang naalalang hindi pa nga pala ako kumakain ng hapunan

Tiningnan ko ang oras sa aking relos at nakitang alas dyis na pala ng gabi.

Nagpasya akong isang tabi na muna ang aking mga iniisip at unahin muna ang pag kain

Ika nga nila, mas may tiyansang malutas mo ang iyong mga problema kung ang tiyan mo'y merong laman

Dumeretso ako sa aming kusina upang kumain, nang makita ko ang aking ama sa aming lamesa

Marahil kakauwi nya palang din galing sa trabaho, madalas rin naman syang gabihin ng uwi dahil palagi siyang nago-over time sa trabaho

Sayang raw sa kita, yan ang palagi niyang sinasabi.

Agad akong lumapit sa kanya at nag mano

"Pa, andito ka na pala, OT ka nanaman no?, Sabi ko naman sayo paminsan-minsan magpahinga ka rin, baka masobrahan naman ang katawan mo nyan". May pag aalala pero malambing kong bati sa kanya nang sa kanya ako'y makalapit

"Ayos lang ako nak, sanay na rin naman ang katawan ko eh, oo nga pala, kumain ka na ba? Ang mga kapatid mo? Kumain na ba?". Agad nyang sagot at tanong sa akin nang matapos akong magsalita

"Sige, sabi mo eh". Nag kibit balikat na lang ako dahil alam ko namang di ko rin sya makukumbinsi sa mga salita ko

"Hindi pa po ako kumakain eh, kakain palang sana, yung mga kapatid ko naman, opo kumain na sila, baka natutulog na yon sa mga kuwarto nila". Sagot ko sa kanyang katanungan

Agad na akong nag sandok ng aking pagkain at umupo malapit sa aking ama

Habang kumakain, hindi ko maiwasang isipin kung anong kurso nga ba talaga ang aking kukunin

Hindi ko namalayang napatulala na pala ako saglit

"Anak, may Problema ka ba? Bakit parang ang lalim naman ng iniisip mo?". Bumalik ako sa ulirat ng marinig kong magsalita si papa

Ngumiti nalang ako ng bahagya sa kanyang tanong

"Wala naman po akong problema pa, medyo nahihirapan lang po ako magdesisyon sa isang bagay". Sagot ko sa kanyang katanungan

"Tungkol pa rin ba yan sa kursong kukunin mo sa kolehiyo anak?". Hindi nako nagtaka kung bakit alam nya kung ako ang aking iniisip

Lumaki akong malapit sa aking ama, halos lahat ng problema ko sinasabi ko sa kanya kaya't hindi na rin nakapagtatakang alam nya kung anong bumabagabag sakin

Tumango nalang ako sa sinabi nya at nagpatuloy sa pagkain

"Alam mo nak, hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo na alamin kung anong gusto mo kung talagang di mo alam eh, pag isipan mong maigi, pero wag mo naman i pressure ang sarili mo".

Napatitig ako sa aking ama, hindi ko inaasahang sasabihin nya ang mga katagang yon

"Sa buhay, may mga bagay talaga na hindi natin pwedeng madaliin. Let time and destiny decide ika nga nila. Kung para sayo, para sayo talaga, kaya wag mo nang kaisipin yan, baka masira pa pag iisip mo dyan eh, ayoko magka anak ng baliw". Mahaba nyang litanya na may kasama pang biro sa bandang huli

Napangiti nalamang ako sa aking sarili at nagpasalamat sa aking isipan dahil sya ang naging tatay ko

Napaka supportive at maalagang ama.