Dito naman talaga lahat naguumpisa. Ito ang laging pang una ng bawat piyesa. Dahil mawawalan ng kadugtong, kasunod, gitna o huli. Kung wala ito. Kahit ano payan dito lagi ang una. Sa isang salita na naghuhudyat sa pag babago ng panahon. Pag kakaroon ng mga kaganapan. Pag ka talaga ng mga pangyayari na sunod sunod mararanasan. Matatamasa. Dahil lahat ng bagay may umpisa. At ako simple lang ang aking naging umpisa
Isa lamang akong simpleng estudyante na palaboy laboy sa daan. Naghahanap ng kahulugan. Dito sa buhay na kinakapalooban. Hanggang sa paghahanap may natagpuan. Mga munting kasiyahan na alam nyo na ang kinahinatnan. Yun ay sakit na nagpa ulit ulit. Hanggang sa wala ng mapunit. Dahil sobra ng liit ng natitirang piraso nitong aking puso.
Pero bago humantong sa ganito. Ayusin natin ang kwento. Atin munang iwasto. Bago pa kayo mag tanong ng kung ano ano. Alamin nyo muna kung akoy sino. Ako lamang si Juan. Yung taong madaling matagpuan. Pero laging dinadaanan lang. Kasi hindi ako espesyal. Ako lang ay normal na mortal na nagnanais ng nais ng lahat at yon ay pagmamahal. Pero sige atin ng ayusin at simulan kung paano ba ako natutong tumula at kung gaano ba kadami ang mauubos na tinta, letra, salita, titulo, ideya at piyesa upang imulat sa masa o mambabasa. Ang mga naranasan ko.
Nagsimula ang lahat nung akoy nasa apat na baitang. Musmos pa lamang at laro lang ang nasa isipan. Tamang aral at laro laro lang. Wala pang tiyak na kaalaman sa konsepto ng pag ibig. Sapagkat yung saya sa paglalaro lang nakakamit. Sa pag pasok sa eskwela pakikinig sa mga kaklase na makwela. Dito tumakbo ang aking mundo. Hanggang sa tumama ang isang pana. Biglang bumanat si tadhana. Minulat ako sa konsepto na ako naman ay nahalina. Ito ang konsepto ng pag hanga.
Ang pag kakaroon ng isang babae na tinitingila, na waring bawat galaw nya ako ay nabibihag. Oo ito nga po iyon ang pagkakaroon ng crush. Pero dahil bago palang ang ganoong pakiramdam. Waring diko muna pinansin. Ngunit sa bawat banggaan ng mga mata sa daanan patubgo sa silid aralan. Waring diko mapigilan. Ang saya na nararamdaman na dipa noon tiyak sa dahilan. Hanggang sa nagkaroon ng pagtitipon sa himnasyo. At sa isang pagkakataon nakatabi ko sya. Ang kanyang amoy ay waring mga bulaklak. Ang kanyang ngiti ay nakakagalak. Wala akong salitang maitulak upang masambit. Nais kong magpakilala ngunit takot ay nakamit. Kaya naupo lang sa tabi ng walang imik.
Lumipas ang mga araw patuloy ang pag mamasid. Ang pag tingin tingin sa paligid. At sa tuwing sya nasisilayan ng mga mata. Ayan nanaman yung kasiyahan na ngayon kolang naramdaman. Kakaibang kasayahan mula sa mga laro at kwela. Pero ako ay bata palang naman. Ngunit bilang isang bata may isa akong kakayanan. Na pakiramdam ko kakaiba sa lahat. Ito ang aking abilidad na lumikha ng tula. Na waring katuwaan lang o gagamitin lang sa oras na may gawain sa paaralan na ito ay aakma.
Ngunit naisip ko sa unang pagkakataon na gamitin ito upang magpadama ng mangha. Upang yung katuwaan ko magdulot ng tuwa sa iba. Kaya mabilis kong kinuha ang papel. Taimtim na nagisip hanggang sa ang mga letra ay kusa ng naitala sa papel. Siguro medyo hirap na kayo sa tuloy tuloy kong pagtatagalog. Ganon kasi talaga nung mga panahon na ako at bata pa tagalog palang ang aking alam. Kaya ito ang aking naisulat
Simula
Siguro hindi mo pa ako kilala
At ikaw ay gulat dito sa mumunti kong tula
Ngunit wag ka sanang mabigla
O mag karoon ng hinala
Balak ko ay wala
Nais kolang naman magpakilala
At baka pwede kang makasama gumala
Makatabi sa mga pila
Makasamang bumuo ng alaala
Pero bago yon pala
Hayaan moko mag pakilala
Ako si Juan ang magaabot sayo ng mga tala
Ano maari naba maging ito ang ating simula
Simple lang na sanay maintindihan. Kahit na akoy musmos ako ay bihasa sa pagiging malalim dahil ang lolo ko isa ring manunula na minulat ako sa mga tagalog na salita. Isinulat ko ito sa pinaka magandang sulat na kaya ko. At sa oras ng uwian naroon ako nag aantay. Nasa labas ng paaralan nag mamasid masid. Inaantay ang iyong paglabas. At ng makita kita. Sumagad ang aking ngiti. Wari bang akoy kinakaliti. Nagtangka nakong lumapit. Ngunit bago pa may salitang masambit. Naramdaman kona ang sakit. Dahil mayroon sayong tumawag at nagsabing
"Ana sabay na tayong umuwi"
Isang lalake na hindi pamilyar pero sayo ay pamilyar. Ana pala ang iyong ngalan. Sana matagal ko nayong nalaman. Para nalaman ko naden na ako na ay talunan. Noon ko unang naramdaman ang sakit. Sa pagkita sa kanila na kamay ay mag ka kapit. Habang sabay na umuwi. Ang aking nagawang tula ay akin nalang pinunit. At yon ang unang tula na nauwi sa wala.
At dito nga lahat nag umpisa. Ito ang kuwento ng isang manunula sa gilid sa gilid at ang mga kasawian at minsan kaligayahan. Tara sabayan nyoko magubos ng tinta habang inaalala ang lahat. Dupa to ang gitna o huli..
Ito palang ang aking simula....