Chapter 1
- Zara's POV -
Wala akong marinig kung hindi ang tunog ng isang makina. Nang hihina ako masyado. Sa sobrang panghihina ko ay maski ang mga talukap ko ay hindi ko mabukas. Patuloy lang ako sa paghinga ng mabigat hanggang sa tumunog ng malakas ang isang makina at nawalan ako ng malay.
Nagising na ako. Hindi na ako ganon kahina dahil nagawa ko nang imulat ang mata ko. Pagmulat ko ay napapikit agad ako dahil sa liwanag na tumatama sa muhka ko. Masyadong masakit sa mata.
Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong nasa isa akong kwarto. Siguro ay sa isang ospital o ano pero hindi ko alam. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong may mga gamit sa kwarto na ito na sa ospital mo lang makikita.
Napalingon ako sa pinto ng biglang bumukas ang pinto. May lalaking pumasok at nakatalikod sya dahil isinara na muna nya ang pinto. Nang makita nyang nakadilat gising na ako ay umawang ang labi nito at binuksan ang pinto.
"Nurse Lyn! Nurse Cha! Pumunta kayo dito! Gising na si Mrs. Furi!" Sigaw nya. Maya-maya ay may dumating na dalawang babaeng nurse at ang lalaki kanina ay siguro ang doktor.
"Naririnig mo ba ako?" Tanong ng isang babaeng nurse. Dahan-dahan naman akong tumango.
"Kilala mo ba ako?" Tanong ng doktor.
"Kapatid kita?"
"I'm your cousin, bitch." Masungit nitong sabi at may isinulat sa dala-dala nyang ewan habang umiiling-iling. "How old are you?"
"37?"
"25 ka palang." Masungit parin nyang sabi. Nagsulat nanaman at tinanong nanaman ako. "Ano ang huli mong naaalala?" Tanong nito. Kumunot ang noo ko at pinilit na umalala ng kahit na ano.
"Wala." Sagot ko.
"What's your name?"
"Kelsey?" Nanghuhula kong sabi.
"Tsk. I think may amnesia sya." Sabi nya sa kasama nya.
"What's amnesia?" Tanong ko.
"None of your business." Sagot nito.
"Where am I?" Tanong ko.
"Nandito ka sa ospital natin."
"Really?" Tanong ko sabay palibot sa buong paligid. "Ang laki naman." Mahina kong sabi. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang talukap ko at nakatulog ako bigla.
- Gavin's POV -
"Gising na sya." Biglang sabi ni Aiden.
"Really? Good for her." Walang pakialam kong sagot.
"But, i have a bad news." Pahabol nito.
"What?" Tanong ko.
"She's pregnant. But because of the accident, the baby died." Sabi nya. Ako naman ay hindi nakapagsalita.
"Hayaan mo na sya. Pagnakarecover na sya, doon ko na itutuloy ang annulment." Walang gana kong sabi.
"And, by the way, may amnesia nya pala sya." Sabi pa nya.
"Ok. Ok. Sige na." Walang pakialam ko paring sabi.
Rest in Peace, baby. . .
- Zara's POV -
Nagising ulit ako at agad kong pinalibot ang mata ko sa kwartong iyon. Nagtaka ako at nagtatanong sa sarili ko kung nasaan ako? Ang huli kong naaalala ay ang kausap kong doktor na pinsan ko daw.
Hindi na ako masyadong nanghihina kaya nagawa kong umupo. Doon ko ulit pinalibot ang paningin ko sa buong paligid. Ang kwarto ay malaki, puro puti ang dingding, amoy gamot na patalandaan nasa ospital parin talaga ako.
Biglang parang gusto kong tumayo dahil sa excitement. Ganon nga ang ginawa ko, tumayo ako at saka ko paulit-ulit na pinapalibot ng pinapalibot ang paningin ko sa kwarto. Nang tumayo ako ay napatingin ako sa bintana.
Gabi na...
"Zara?" Biglang may tumawag sa akin. Humarap ako doon at nakita ko ang isang babaeng nagtatakang nakatingin sa akin. "Bakit tumayo ka na? Mahiga ka nga ulit." Mahinahong sabi nya. Agad naman akong kumilos at nahiga kagaya ng sinabi nya.
"Sino ka?" Tanong ko habang pinagmamasdan sya.
"I'm Trixie. I'm your bestfriend." Masayang sabi nito at parang inaantay ang sagot ko.
"Ok." Sabi ko at nakangusong tumingin sa labas.
"Hindi mo ba ako papalabasin?" Tanong nito.
"Hindi. Bakit kita papalabasin, ehh, bestfriend nga kita, diba?" Parang bata kong sabi. Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap. Maya-maya pa ay bigla nya na din akong binitawan.
"S-Sorry... Masaya lang akong nagising ka na." Nakangiting sabi nito. Nginitian ko naman sya.
"Gusto ko nang kumain. Nagugutom na ako, ehh." Parang bata ko pang sabi. Tatango-tango naman syang tumayo.
"Antayin mo ako, ha? Dito ka lang." Nakangiti at naiiyak nya sabi. Ako naman ay nagtaka dahil sa pag-iyak nya. Maya-maya pa ay biglang may pumasok na doktor at nurses. Sya din yung doktor na pinsan ko daw.
Patuloy lang sila sa pag-check sa akin at parang labag pa sa loob nilang i-check ako. Yung tipong parang ayaw na nila akong mabuhay, yung parang may nagawa kong kasalanan sa kanila.
"Dok, may tanong ako."
"What it is?" Tanong nya.
"Ahm... May nagawa ba akong masama kay Trixie? Bakit sya umiiyak don?" Tanong ko at itinuro si Trixie.
"Wala. Don't mind her." Sabi nito saka sila umalis, including the nurses.
"What do you want to eat?" Tanong ni Trixie.
"I want to eat sinigang." Masayang sagot ko.
"A-Ahh... Zara, hindi ka kasi kumakain ng sinigang. Sabi mo kasi nakakataba yon." Parang nahihiyang sabi nya.
"But I want to eat sinigang! Even if I don't know what it is!" Parang batang nagmamakaawa at nagmamaktol kong sigaw.
"O-Ok. Ok. B-bibili na ako ng sinigang, don't go outside, ha?" Tanong nya.
"Ok."
Umalis na sya at maya-maya ay may pumasok na lalaki.
"Hmm... You're finally awake."
Tumingin ako sa lalaki at talagang malamig ang pagkakasabi nya noon. Sa sobrang lamig ay pati ako ay nilalamig na.
"Who.... Are you?" Hindi ko mapigilang tanong. Tinaasan nya lang ako ng kilay.
"You don't know who I am?" Tanong nya na parang nagdududa pa.
"S-Sino ka ba?" I asked him with a little fear.
"I'm your husband."
'I'm your husband.'
'I'm your husband.'
'I'm your husband.'
'I'm your husband.'
"Y-you're my what?" Nauutal kong tanong.
"Tsk. May damage din ba ang pandinig mo?" Masungit nitong sabi.
"Anong ba kasing ginagawa mo dito? At nasaan si Trixie?!" Biglang sigaw ko.
"Zara?!" Biglang pasok ni Trixie sa room ko.
"Trixie, sino tong lalaking to?" Tanong ko.
"He's your husband...." Mahinang sabi nya. Napaawang naman ako.
"No!" Bigla kong sigaw. "Yan?! Asawa ko?! Ehh, ang pangit pangit ng ugali nyan, ehh!" Sigaw ko pa at inirapan ang lalaki. "Nasaan ang sinigang ko?" Nakangiting tanong ko kay Trixie.
"E-eto na...." Mahina nyang sabi at may kinuhang degulong na lamesa.
"Madami ba? Gutom na talaga ako, ehh." Nakangiting tanong ko habang natatakam na nakatingin sa siningang.
"Trixie, aalis na ako." Biglang sabi ng lalaki.
"Sige! Shu! Wag ka nang bumalik!" Ako ang sumagot at sinigaw ko talaga iyon sa kanya. Nang makalabas ng lalaki ay lumapit si Trixie sa kin habang ako ay nagsisimula nang kumain.
"Bakit mo naman ginanon ang asawa?" Tanong ni Trixie.
"Ewan. Basta ayoko lang syang makita." Sagot ko habang kumakain. "Samahan mo na ako. Kumain ka na ba?"
"No, I'm ok. I'm not hungry."
"Sige na. I don't mind."
"But---"
"Sige ka, magtatampo ako." Nakangusong sabi ko.
"Ok. Ok." Pagsuko nya sa akin. Tapos lumabas sya ng kwarto at pagbalik ay may dala na syang plato at kobyertos. Nang makaupo na sya ay sabay kaming kumain at nagkwentuhan.
"Gaano mo na ako katagal kakilala?" Tanong ko.
"Bata palang tayo. Magpinsan kasi tayo." Sagot nya.
"May asawa ka na din ba?" Tanong ko pa.
"Meron na." Sagot nya na parang kinikilig pa.
"Paano ko naging asawa yung lalaki?" Tanong ko.
"Ahh, si Gavin?"
Gavin. . .
"Ahh... O-Oo."
"Mga three years mo na syang asawa. Mahal na mahal mo kaya sya."
"Tsk. Anong kamahal-mahal sa kanya?"
"Ewan ko sayo." Natatawang sabi nya. "Arrange marriage lang kasi ang nangyari kaya siguro hindi ka kayang mahalin ni Gavin." Prangkang sabi nya.
"Hindi ko naman sya mahal, ahh?"
"If you say so." Natatawang sabi nya na parang nang-aasar.
"Nang-aasar ka pa ata, ehh!"
"Oyy, hindi, ahhh---" hindi na nya natuloy ang sinasabi nya ng may biglang pumasok.
"Hon?" Biglang tanong ni Doc.
"Magkakilala kayo?" Tanong ko.
"Zara, he's my husband." Nakangiting sabi nya at humarap sa asawa nya.
"Magkaano-ano kayo ni Gavin? Pareho kasi kayong may topak."
"He's my cousin." Sagot nito at bumaling sa asawa nya.
"Gusto mo ba?" Tanong ni Trixie. Tumango naman ito.
"Ahhh..." Sinubuan nya ang asawa nya.
Sana all...
"Sige na. Umuwi ka na pagkatapos, ha?" Tanong ng lalaki.
"By the way, Zara, sya si Aiden, asawa ko." Masayang pakilala nito sa asawa nya.
"Nice to meet you, Aiden." Sabi ko. Pero sa halip na sumagot ay hinalikan nito si Trixie sa noo saka lumabas.
"Hayaan mo na sya, ha?"
"Ok lang." Sagot ko. Ngumiti naman sya.
- To Be Continued -
(Thu, May 6, 2021)