Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9

- Theo's POV -

"Kumusta ang tulog?" Tanong ni Ethan sa kanya. Nandito sya ngayon sa kusina at nag-kakape.

"Bakit nandito ka pa?" Balik nya ng tanong.

"Ikaw, Irish? Kumusta ang tulog?" Baling ni Ethan kay Irish.

"Ok lang naman. Yung isa kasi dyan, sabi ng sabi na lasing na daw ako, ehh, muhkang sya naman ang nalasing." Saad ni Irish at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi ka naman pala lasing pero bakit ka natulog sa tabi nya?!" Sigaw ni Ethan na ikinagulat nila.

"A-ano... P-panong..." Nauutal kong saad.

"Ganito kasi yon, bud..." Sabat ni Dirk. Napatingin naman kami sa kanya ni Irish.

- Flashback -

"Nasaan si Theo?" Tanong ni Trisha.

"Tulog na ata." Sagot ni Dirk.

"Ehh, si Irish? Kanina 'ko pa hindi nakikita ang dalawang 'yon." May pag-aalalang saad ni Trisha.

"Hanapin na kaya natin?" Suggestion ni Ethan.

"Good idea, baby. Let's go." Saad nito. "Dito munakayo, baka biglang dumating." Saad ni Trisha. "Sumunod nalang kayo sa itaas." Saad ni Trisha. Saka sila naghanap sa buong bahay. Hanggang sa dumating si Dirk sa kwarto ni Theo. Bunuksan nya ang pinto at hindi manlang kumatok.

Nanlaki ang mga mata ni Dirk ng makita nya sila Theo at Irish na natutulog sa iisang kwarto at iisang kama. Isinara nya ang kwarto at maglalakad na sana sya pababa ng bigla makasalubong nya sila Trisha.

"Nakita mo na ba sila?" Tanong ni Ethan. Nag-baba ng tingin si Dirk at saka tumango.

"Nasaan sila?" Tanong ni Seiji.

"Nandoon sa kwarto ni Theo." Saad ni Dirk na parang nahihiya pa.

"Magkasama sila?" Tanong ni Trisha. Hindi na nakasagot si Dirk dahil naglakad na si Ethan papunta sa kwarto ni Theo at lahat ng mata nila ay nanlaki dahil nakita nilang magkayakap na ang dalawang natutulog.

"Grabe, may relasyon ba ang dalawang yan? Dinaig pa ang mag-asawa kung matulog, ehh." Saad ni Ethan at sinapo ang noo.

"Calm down, baby." Saad ni Trisha at pinipigilan si Ethan.

"Bayaan nyo na sila. Muhkang nalasing sila pareho." Saad ni Dirk at pinalabas na ang lahat at saka isinara ang pinto. "Bukas na natin sila batuhin ng mga tanong dahil hindi naman sasagot ang mga 'yan dahil natutulog pa sila." Saad ni Dirk at saka unang umalis.

- End of Flashback -

"Kaya ayan. Hindi umuwi si Ethan para batuhin kayo ng tanong." Pagtatapos nito sa kwento. Habang sya naman ay sapot ang noo at si Irish naman ay nag-walk-out na dahil sa hiya.

"Ano? Kayo na ba?" Tanong ni Ethan. Umiiling lang ako. "Ehh, bakit magkatabi kayo kagabi?! Ano yon?! One night sleep?!!" Galit nitong tanong.

"Imposibleng maging kami kasi---" 

"Kasi ano?!" Galit na sigaw ni Ethan

"--- mahal nya pa si Ace." Saad ko at parang gusto ko nalang umiyak. "Kahit hindi nya sabihin sa akin, alam kong mahal nya parin si Ace." Saad ko at nagtaas ng tingin sa kanya. "At hindi ko din alam kung bakit nasasaktan ako sa katutuhanang mahal nya parin ang ex nya." Saad ko at may isang luhang tumulo sa pisnge ko. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin at saka lang nagsalita si Ethan.

"Aalis na ako, baby. Tapos na ang dahilan kung bakit ako nandito." Saad nito at saka hinalikan si Ate sa noo tapos sabay silang lumabas ng kusina.

"Kumain ka na, bud. Alam kong masakit yan." Saad ni Dexter at tinapik ang balikat ko. Bumuntong-hininga muna ako saka ako nagpatuloy sa pagkain ko.

- Irish's POV -

Dahil sa sobrang hiya ko ay umakyat nalang ako ng kwarto.

Bakit nga ba kasi ako natulog sa tabi ni Theo?! Nababaliw na ba ako?!! Akala ko ba hindi ako lasing?!! Pero bakit ko ginawa 'yon?!!

Pababa na ako ngayon at babalik na ako sa kusina dahil nagugutom na ako.

Nakakagutom pala ang mag-walk-out ng wala pang almusal.

Napatigil ako sa pang-sesermon sa sarili ko ng biglang tumunog ang telepono ko. Kaagad kong kinuha iyon at napakunot ang noo ko ng makita kung sino ang tumatawag.

"Ano bang kailangan mo?" Saad ko.

"Sabihin mo kay Ace na bigyan nya ako ng sustento. Ang tagal na nung huling bigay nya. Palaki na ng palaki itong bata sa tyan ko."

"Ano namang paki alam ko?" Tanong ko. Pinigilan ko ang pagpiyok ng boses ko at nagsisimula na din tumulo ang mga luha.

Sheyt! Ang sakit!

"Sayo lang kasi nakikinig si Ace. Ikaw na ang magsabi sa kanyang bigyan nya ako ng panbili ko ng bigas. Wala na ako makain, gusto nya bang mamatay itong bata sa sinapupunan ko?"

"Bakit ako ang tinatanong mo nyan? Doon ka lumapit sa mga magulang ni Ace. Wag sa akin. Wala akong paki alam sayo." Saad ko at pilit na pinapakalma ang boses ko kahit humihikbi na ako.

"Tsk. Wala kang kwenta. Pareho lang kayo ni Ace, mga walang kwenta!"

"Nahiya naman ako sayo." Saad ko at pinatay ang tawag. Hindi ko napansing nandito na pala ako sa kusina. Napahawak nalang ako sa lamesa doon ako kumuha ng lakas para hindi mabuwal sa kinakatayuan ko.

"Irish?" Tawag sa akin galing sa kung saan. "Hey, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Theo tapos lumapit sa akin. "Hey, care to tell me what happened?" Tanong nito.

"S-si Sophie. T-tumawag. Nanghih-hingi sya ng pera. Gusto ko s-syang bigyan. T-theo, tulungan mo a-ako, p-please?" Humihikbing saad ko.

"Sophie? Sya yung best friend mo na inagaw ang fiancé mo, right? Bakit mo sya tutulungan?"

"Theo, ayokong madamay ang bata. W-wala namang k-kasalanan iyong sanggol sa ginawa ng mga magulang nya." Saad ko.

"S-sige. Gagawa ako ng paraan para bigyan sila ng tulong." Saad nito at niyakap ako. "W-wag ka nang umiyak. Tahan na." Saad nito habang inaalo ako.

"Ang k-kapal ng muhka nya. A-ako pa ang walang kwenta, ehh, wala ngang pinapadalang pera sa kanya ang lalaking 'yon." Saad ko habang humihikbi parin.

"Sige na. Tama na. Wag ka nang umiyak." Saad nito habang inaalo parin ako.

- Ace's POV -

Nasa office ako ngayon at nag-iisip ng kung anong pwedeng gawin para bumalik si Irish sa akin. Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tumawag ang private investigator ko.

"Sir. Tinawagan nanaman po nya si Ma'am."

"Anong sinabi nya?" Tanong ko.

"Nanghihina po sya ng pambili ng bigas." Biglang napakunot ang noo ko.

Grabe! Limang libo limang araw nya lang?!

"Alam mo na ang gagawin mo sa kanya." Saad ko at pinatay ang tawag. "Ano ba kasing problema mo at kay Irish ka palagi tumatawag? Pwede naman sa akin nalang." Saad ko sa sarili ko. Wala sa sariling tinawagan ko ang OB-Gyne nya.

"Mr. Rosales? Ano pong kailangan nyo?"

"Nag-pacheck-up ba sya dyan?" Tanong ko.

"Opo. Kahapon po ang last appointment nya. Congrats in advance, Mr. Rosales. It's a healthy baby. And by the way, it's a boy."

"Ok. Ilang buwan na ba?" Tanong ko.

"Ohw, 9 months na, Mr. Rosales.  Ang due date nya ay August 23."

"Ok. Thank you." Saad ko at pinatay na ang tawag.

August 23? Iyon dapat ang kasal namin ni Irish, pero muhkang wala na talagang mangyayaring kasalan lalo na't lalaki ang magiging anak namin ni Sophie.

Napatingala ako sa kisame ko at naipinikit ang mga mata ko.

"Naku, Sophie. Mahal na ata talaga kita." Saad ko sa sarili ko at nagmulat ulit. Saka ko hinilot ang sintido ko.

Titigilan ko na ba si Irish? O maghahabol parin kahit alam kong wala na talaga?

"Sa tingin ko ay titigil na ako." Saad ko sa sarili ko at napangiti. "Sana maging masaya ako sa desisyon ko." Saad ko ulit at saka ko tinawagan ang sekretarya ko. "Brent, maghanap ka nga ng magaling na weeding organizer. Yung mabilis kumilos."

"Sige po, sir. Sino po ba naghahanap?"

"A good friend of mine. And, ang weeding ay about mga next 3-4 months." Saad ko.

"Sige po, sir. Ako na pong bahala." Saad nito at ito na ang pumatay ng tawag.

"Tsk. Bastos, ahh?" Saad ko at umirap sa hangin. Pero napangiti din dahil sa naisip ko. "Sana pumayag ka." Saad ko habang nakangiti parin na parang timang.

- To Be Continued -