Chapter 7
- Theo's POV -
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at pagkwe-kwentuhan namin ng biglang bumaba si Irish. Nakapajama sya, magulo ang buhok, halatang bagong gising. Nang magmulat sya ay nanlaki ang mga mata nya na parang gulat na gulat.
"S-sino sya?" Tanong nya tapos itinuro si Ate.
"I'm Trisha. I'm Theo's fiancé." Saad ni Ate na ikinagulat namin.
"A-ate, a-ano bang sinasabi mo?" Bulong ko sa kanya.
"Shh... Just shut up." Saad nya at inirapan ako.
"I'm Irish. If you are the fiancé, then, ako ang kabit." Matapang na saad ni Irish na mas ikinagulat naming lahat. Pati si Ate. "Stop playing around, Trisha. I know na kapatid mo si Theo, so stop this none sense." Saad ni Irish.
"I like you. Palaban ka masyado." Saad ni Ate. "Kumusta na pala si Tita? Is she's fine?" Tanong ni Ate na parang magkakilala na sila.
"Well, ayon, ok naman. She came here yesterday. Just to invite me to her birthday." Saad ni Irish na parang tamad na tamad.
"W-wait. Magkakilala kayo?" Tanong ko.
"Kasama ko sya dati sa cooking class." Saad ni Ate habang nakangiti at nagngitian sila ni Irish na mga tanga.
"Ahm... Ate, Irish, stoo smiling like that. It's really creeping us up." Saad ni Neil.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Ate kay Irish.
"Nope. Kakagising ko lang from a nightmare. So, what do you want to eat?" Tanong ni Ate.
"Haha. Are you insulting me?" Natatawang saad ni Irish.
"Haha. Ok, sige aakyat muna ako." Saad ni Ate.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Irish.
"Yup, I'm done. Eat well. Mamaya na ulit tayo mag-usap." Saad ni Ate saka na sya umakyat sa itaas.
"Tsk. I miss her." Saad ni Irish saka kumuha ng mailuluto.
"Alam nyo. Nakakatakot kayo mag-usap ni Ate, Irish. Parang magsasapakan kayo anytime." Natatawang saad ni Seiji.
"Tsk. Tumigil nga kayo. Ganon lang talaga kami mag-usap ni Trisha. Wala naman kayong paki, ehh." Saad nito at inirapan kami.
"Ang sungit talaga nito." Bulong ni Seiji na ikinatawa ko ng mahina.
"Nagsasalita ka pa kasi, ehh." Saad ko at ginulo ang buhok nya.
- Irish's POV -
"Kumusta?" Saad ni Trisha ng makaakyat ako at makapasok sa kwarto.
"Kaya pala dalawa ang kama dito, para sayo pala." Saad ko.
"Hindi ko nga din alam kung bakit may kama din ako dito. Ayaw na talaga sakin ng kapatid ko. Hmp!" Saad nito at parang batang ngumuso.
"Haha. Ang immature mo parin." Saad ko at nahiga sa kama ko.
"Hindi ko alam na nandito ka pala." Saad nito at umupo sa may kama nya.
"Tsk! Yung advicer namin ang may kasalanan. Sya ang may pakana." Saad ko.
"Ahh... Kumusta na pala kayo ni Ace?" Tanong nito na nakapagpatahimik sa akin.
"Ahh.... M-matagal na kaming wala ni A-Ace." Saad ko at pilit na ngumiti.
"Oww.... I'm sorry..." Saad nito at ilan segondo syang hindi nagsalita.
"Gusto mo bang sumama? May party kasi kami mamaya dito. Alam naman nila yon." Saad nito. Umiling ako.
"Wala akong masusuot." Saad ko habang nakatingin sa kanya.
"Papahiramin naman kita, ehh. Don't worry." Saad nito.
"Haha. Nakakahiya naman, wag na. Dito nalang ako." Saad ko. Naupo naman ito sa kama ko at nahiga din sa tabi ko.
"Naku, girl. Hindi ka makakatulog. Friday ngayon kaya walang pasok bukas. At ngayon ay magpaparty kami dahil weekend na." Saad nito at nagngitian lang kami.
"Bahala na. Sige na. Tutulog muna ako." Saad ko at nahiga na ng maayos sa kama ko.
"Sweet dreams, girl." Saad nito at lumabas ng kwarto saka na ako nakalabas.
Z z Z z Z z. . . .
- Theo's POV -
"Ate, nasaan na si Irish!?" Sigaw ko kay ate. Nagsisimula na kasi ang party at wala parin si Irish.
"Gigisingin ko lang. Just wait, ok?" Saad ni Ate. Tumango lang ako saka sya umakyat ng pangalawang palapag.
A Few Moments Later. . .
"Nasaan na si Irish?!" Tanong ni Neil.
"Hindi ko alam! Baka pababa na sila!!" Sigaw ko. Malakas kasi ang sound system kaya hindi kami magkakarinigan kung normal na tono ng boses lang namin ang ginamit namin.
"We're here!" Sigaw ni Ate. Lahat kami ay lumingon sa hagdan at parang bumagal ang lahat. Parang walang ibang tao sa paligid ko bukod kay Irish na sobrang ganda na ngayon ay pababa na galing sa itaas.
Nakasuot sya ng jacket na cropped top, nakasuot sya ng hills na medyo mataas, may kolirete den sya sa muhka nya na nagpadagdag ng ganda nya. Tapis nakasuot din ito ng tube dress na natatakpan ang tuhod nya. Kahit medyo fit ang suot nya ay hindi naman sya malaswa tignan.
"Ok lang ba?" Tanong nito sa akin habang natingin din sa mga mata ko.
"You look so gorgeous. You're so beautiful." Matapat kong saad. Bigla naman syang namula na parang kamatis.
"Ohh! Namula ka ata, Irish?" Biro ni Neil.
"Blush on yan!" Saad ni Irish.
"Blush on?! Sa tenga?! Niloloko mo ba ako?!" Natatawang saad pa ni Neil. Wala na atang nahita si Irish dahil inirapan nalang nya si Neil at sumama kay ate.
"God, she look like a goddess." Saad ko.
"Yeah, right!" Sigaw ni Neil.
Narinig nya pa yon?
- Irish's POV -
Ang gwapo ni Theo ngayon.
"Hello, everyone!" Saad ni Trisha na nakatawag ng atensyon ng lahat. "Thank you for coming to this party. Actually, this party is for me. I want to celebrate my achievements. So, thank you for coming and please, enjoy the party." Nakangiting saad nito tapos bumaba sa platform.
"Congrats, by the way." Saad ko.
"Thank you." Saad nito.
"Next week, bahay naman. May pa-party ang Mommy ko. Birthday nya kasi next week." Saad ko.
"Sige. Kasama naman doon si Mommy, right?"
"Of course. Magbest friend kaya ang dalawang yon." Saad ko at nginitian sya.
"Sige, dito ka muna. I-e-entertain ko lang ang ibang bisita." Saad nito. Tumango namang ako at agad naman nya akong iniwan doon. Maya-maya lang ay may biglang lumapit sa akin.
"Why is the beautiful flower like you is alone here?" Saad ng lalaki. "Why are you alone--- Irish?" Takang saad nito. Napatingin naman ako sa kanya at napakunot ang noo ko.
"Letse ka! Anong ginagawa mo dito?!" Saad ko.
"Hey, I'm just here because this is the party of my girlfriend." Saad nito na punong-puno ng pagmamalaki.
"G-girlfriend mo si Trisha?" Gulat kong tanong.
"Yes. How did you know her?" Tanong nya sa akin tapos naupo sa tabi ko.
"God, now I really believe in the that phrase, 'Small world.'" saad ko.
"Hahaha. Yeah, it's really a small world." Saad ni Ethan. "How's life? Ang tagal mo na akong iniiwasan, ahh?" Tanong nya.
"Ayoko kasing madamay ka sa gulo namin ni Ace. I don't want to give you stress." Saad ko.
"Tsk! Ano ba kasing nangyari at bigla nalang kayong naging ganon?" Inis nitong tanong.
"He... He--- ahm.... He cheated." Saad ko.
"What the f--- what?!" Sigaw nito. Napatayo pa sya. "Then, you didn't tell us?! Ano bang pumasok dyan sa kukute mo at sinulo mo lahat?! Ano bang silbi namin, ha, Irish?!" Galit nitong sigaw.
"I'm sorry." Lang ang nasabi ko habang pinapagalitan nya ako. Mugkang kumalma na sya at naupo na ulit sa tabi ko. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil iyon.
"Irish, I'm your best friend. Alam mong parang kapatid na ang turing ko sayo, diba?! Tapos malalaman kong hindi ka nagsasabi sa amin?! Gusto mo bang iuntog kita?! Ha?!" Sigaw ulit nito. Galit nga talaga si Ethan sa kanya. Dahil kahit muhka na itong kalmado ay sumisigaw parin sya.
"Sorry na kasi." Saad ko at nagpuppy eyes pa.
"Wag kang magpuppy eyes sa akin. Hindi yan tatalab ngayon." Saad nito.
- Theo's POV -
Nasa kalagitnaan ako sa pakikipag-usap ng bigla akong lapitan ni Ate.
"Baby bro, dumating na ba si Ethan?" Tanong ni Ate.
"I don't know. Baka nandyan na. Hanapin nalang natin." Saad ko. At tumango naman sya. Sa pag-iikot namin ay nakita namin si Irish at Ethan na nag-uusap. Susugurin na sana ni Ate sila Irish ng bigla ko syang pigilan.
"Ate, calm down." Saad ko.
"Calm down? Tignan mo, naglalandian ang dalawang yon sa loob ng party ko." Saad ni Ate at humarap ulit ako sa kay Ate. Nagulat kami ni ate ng biglang sumigaw si Ethan.
"What the f--- what?!" Sigaw nito na parang gulat na gulat dahil napatayo pa ito. Tapos hindi ko na maintindihan ang iba. Tapos ay umupo ito ulit ito at hinawakan ang kamay ni Irish. Kaya may lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko kay Ate.
"Alam mong parang kapatid na ang turing ko sayo, diba?! Tapos malalaman kong hindi ka nagsasabi sa amin?! Gusto mo bang iuntog kita?! Ha?!" Sigaw pa nito na ipinagtaka ulit namin.
Magkakilala silang dalawa? Paano?
Nagulat ako ng hindi ko na mahawakan si Ate at dali-dali itong lumapit sa dalawa. Dali-dali din akong sumunod at ng makatayo kami sa harap ng dalawa ay nag-angat ng tingin ang dalawa.
"Baby!" Sigaw ni Ethan at yumakap kay Ate. "Congrats, baby. I'm so proud of you!" Sigaw pa ulit nito at humigpit pa yakap kay ate. Habang si Ate ay nakatingin kay Irish. Muhkang napansin iyon ni Ethan kaya agad itong nagsalita. "Ohh, by the way. Kilala nyo na ata si Irish. Baby, sya yung sinasabi kong best friend kong parang little sister ko na din."
"Sya ba yon?" Saad ni Ate habang nakatingin kay Ethan.
"Yup, Sorry ngayon mo lang sya nakita. Tinaguan kasi ako nyan, ehh." Saad nito at sinamaan ng tingin si Irish.
"Kasalanan ko bang gusto lang kita ilayo sa stress?" Saad ni Irish at pumewang pa.
"Tsk!" Singhal nito at yumakap kay Ate. "Baby, sya yung babaeng sinabi ko sayo na gusto kong ipakilala noong nililigawan palang kita. Ngayon ko lang sya nakita at matagal din kaming tinaguan nito?" Saad ni Ethan at pabirong sinampal si Irish.
"Ang weird nyong dalawa." Komento ko.
"Did you enjoy the party?" Tanong ni Ate kay Irish.
"Oo. Not until may lumapit sa aking lalaki, at sinigawan ako." Saad nito na parang nanghihingi ng tulong.
"Wag mong linlangin ang girlfriend ko, Irish. Dapat lang sigawan ka kasi tanga ka!" Sigaw ulit nito.
"Tama na nga yan, Ethan. Party to ni Trisha. Mag-enjoy nalang tayo." Saad ni Irish. "Congrats, by the way." Saad ni Irish at nginitian si Ate. "Ano ba, Ethan. Kung makalingkis ka sa girlfriend mo, parang kang sawa!" Sigaw nito at binatokan si Ethan.
"Baby, ohh. Binatukan ako ni Irish." Parang batang nagsusumbong na saad ni Ethan kay Ate.
"Tsk. Bahala ka dyan." Saad ni Ate at niyakap si Ethan.
"Una na kami. Susulohin ko lang girlfriend ko." Saad ni Ethan saka kami iniwan at bitbit-bitbit si Ate.
"Ang weird." Sabay naming saad ni Irish. Nagkatinginan kami at makalipas ang ilang sigundo ay pareho kaming natawa.
- To Be Continued -