Chapter 6
- Irish's POV -
"Irish, may dala ka bang ulam?" Tanong ni Neil.
"Meron, caldereta ang dala ko ngayon, wag kayong mag-alala masarap yon." Saad ko.
"Nagugutom na tuloy ako." Saad ni Neil.
"Haha. Ito, sandwich, kainin mo." Saad ko at inabot sa kanya ang ginawa kong egg sandwich.
"Egg sandwich?" Tanong nito. Tumango lang ako.
"Oyy, Senji, may egg sandwich ako." Saad ni Neil na parang nang-iinggit.
"Oyy, pahingi." Saad pa ng iba saka sila kumuha ng egg sandwich sa bag ko.
"Hmm. Ang sarap." Komento nila.
"Ang galing mo talaga magluto, Irish." Saad ni Dexter.
"Sus, nambola pa." Saad ko at habang papasok kami ng classroom.
"OM, bakit kasama sya ng Rintaro Boyz?"
"Yuck! Hindi sya bagay, sumama sa kanila. She's nerd."
"Oyy, tumigil nga kayo. Baka marinig kayo ng Rintaro Boyz."
"Oo nga. Tsk! Sige na nga."
"Wag mo nalang silang pansinin." Bulong sa akin ni Theo. "Naiinggit lang ang mga yan, kasi kasama ka namin." Saad ni Theo tapos naupo na sa upuan nya. Ako naman ay naupo narin.
"Wala naman akong paki sa kanila. Kung gusto nila, pumunta sila sa bahay natin tapos pakamatay sila." Saad ko. Natawa naman sila ng bahagya. "Anong nakakatawa doon?" Kunot-noo kong tanong.
"Wala. Nakakatawa lang talaga ang pagkabrutal mo." Saad ni Theo habang natatawa parin ng mahina.
"Ewan ko sa inyo. Napakaweird nyo. Alam nyo, ang sarap nyong sapakin." Saad ko at pinakita sa kanila ang kamao ko.
"Haha. Ang weird mo talaga." Saad pa ni Seiji. Tapos saka ito umayos ng upo.
Ang arrangements ng upo namin ay parang pinuprotektahan nila ako. May may tatlo sa harap namin dalawa ang katabi ko at may tatlo sa likod ko. Tapos ang iba naman ay nasa paligid namin.
"Pag-uwi ba natin nandoon pa sa bahay sila Kuya Ivan?" Tanong ni Neil.
"Wala na. Pumasok na sa trabaho ang mga yon." Saad ko.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
LUNCH BREAK
DISCUSS
DISCUSS
DISMISSAL
Pag-uwi namin sa bahay ay kung ano-ano lang ang ginawa namin. Kumanta-kanta lang ako, sila naman ay naglaro. Wala kaming paki dahil kumain naman na kaming lahat. Napahinto ako sa ginagawa ko at lahat kami ay napatingin sa pinto.
"May expected visitor ba kayo?" Tanong ko. Umiling naman sila. "Ehh, sino yung kumatok?" Tanong ko.
"Bubuksan ko lang---"
"Ako na, Theo." Saad ko at dali-daling tumayo at binuksan ang pinto. Napakunot ang noo ko ng makita ang taong nasa harap ko. "Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
"We're here for you, hija. Where's your boyfriend?" Tanong nito at agad pumasok.
"Mommy, mahiya ka naman hindi ko bahay, to." Saad ko habang sinusundan sya.
"Dapat lang na ipakilala mo sakin ang bago mong boyfriend, Irish. See, ibinabahay ka na ng boyfriend mo. Gusto ko na syang makilala." Saad ni Mommy.
"Irish, sinong nan---" Hindi natuloy ni Theo ang sasabihin nya. Kunot naman ang noo nito at saka ito humarap sa akin na parang nagtataka.
"Sya na ba ang boyfriend mo?" Tanong ni Mommy.
"B-boyfriend? A-ako?" Tanong ni Theo at itinuro pa ang sarili nya.
"A-ahhh.... S-siguro?" Patanong kong saad.
"Ahh... Well, you're handsome. What's your name, by the way?" Tanong ni Mommy.
"T-theo po. Theo Garcia." Saad niya.
"Garcia? How related are you to Tina Garcia?" Tanong ni Mommy habang nakakunot ang noo at maarteng nakapustura ang kamay.
"She's my Mom." Sagot ni Theo.
Ayan na.
"OMG! Really?! OMG! Kelan ba ang kasal?! OMG! I'm so excited!" Saad ni Mommy.
"Mom, tumigil ka nga. Nakakahiya ka." Nahihiyang saad ko habang nakahawak sa leeg ko. "Ano ba kasing ginagawa mo dito, Mommy?"
"I'm just here to see you." Saad nito.
"Tsk! See me? Bakit kailangan mo pang pumunta? Pwede naman akong pumunta ng bahay." Saad ko at umirap. "A-aray!" Saad ko at napahawak sa tenga ko.
"Pasaway ka. Sige na. Pumunta kayo sa bahay sa sabado. It's my birthday." Saad nito. Umirap ulit ako sa hangin.
"Opo, mom. Now get out of here." Saad ko at itinuro pa ang pinto.
"Love you too. Ba bye!" Sigaw nito saka lumabas ng bahay. Tinanaw ko sya hanggang sa makaalis sya at humarap sa taong nasa likod ko.
"Boyfriend, huh?" Saad nito habang nakangisi. Bigla namang nag-init ang muhka ko.
"Ewan ko sayo. Sige na. Inaantok ako. Gisingin mo nalang ako pag gusto nyo nang kumain." Saad ko at saka mabilis na umakyat ng pangalawang palapag.
- Theo's POV -
Ako, boyfriend ni Irish? Bakit naman ako pumayag? Nababaliw na ba ako?
"Ano ba kasing ginagawa ko?" Tanong ko sa sarili ko habang nandito ako sa loob ng kwarto ko. Pagka-akyat kasi ni Irish ay umakyat na din ako.
Siguro dahil gusto mo din.
"Huh! Ako, gusto ko? No way!" Sagot ko sa isang parte ng katawan ko.
Tsk! Kunyari pa.
Nasa kalagitnaan ako ng pang-aaway sa sarili ko ng biglang kumatok sa kwarto si Dirk.
"Bud, ate Trisha is here." Saad nito.
"Nasaan sya?" Saad ko at lumabas na ng kwarto ko.
"Nandoon sya sa baba. Hinahanap ka nga, ehh." Saad nito habang pababa kami ng kwarto. Pagbaba namin ay agad na bumungad sa akin si Ate.
"Baby bro!" Sigaw nito at patakbong lumapit sakin at saka yumakap.
"A-ate, t-tama na." Saad ko. Bumitaw na sya at ngumiti. "Wag mo na akong tawaging baby bro. Hindi na ako baby." Saad ko.
"Grabe, anong nakain mo? Ayaw mo atang tinatawag kitang BABY BRO!!" Sigaw nya sa Baby bro na salita. Tinakpan ko naman ang bibig nya at tumingin sa taas.
"Ano ba, ate? Baka may makarinig sayo. Baka marinig ka ni Irish, nakakahiya." Saad ko habang hawak parin ang bibig nya.
"Ayon, lumabas din ang katutuhanan. Ayaw mo ngang marinig ni Irish." Sakrastikong saad ni Neil.
"Nagdadalaga ka na talaga, Theo." Saad ni Dirk.
"T-tumahimik nga kayo. A-ayoko lang na marinig nya kasi p-parang ang a-awkward." Maang-maangan kong saad.
"Tsk. Tigilan mo kami, Theo. May pautal-utal ka pa dyan." Saad ni Dirk saka naupo.
"Ate, luto ka na nga. Gutom na ako." Saad ni Senji.
"Wow, magaling, ahh? Malaki na ang improvement mo, Senji." Saad ni Ate.
"Tinuturuan kasi ako ni Irish." Saad ni Senji.
"Tsk! Sana di ka lalo matuto." Bulong ko.
"Sige na, maluluto na muna ako." Saad ni Ate.
"YEHEY!!" sigaw naming lahat
- To Be Continued -