Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5

- Irish's POV -

Maghahating-gabi na pero hindi parin umuuwi ang mga Kuya ko. Masyadong maingay ang bahay dahil may kanya-kanyang buhay sila. May naglalaro ng boardgames, may kumakanta, may naggigitara, at iba pa. Naririndi akong tumayo at nilapitan ang dalwa kong nakakatandang kapatid.

"Ano ba? Wala ba kayong balak umuwi?" Tanong ko sa dalawa kong kuya.

"Wala. Dito kami matutulog." Saad ni Kuya Ivan.

"Paano ang asawa mo?" Tanong ko.

"Ayshh. Kaya na nya ang sarili nya." Saad nito.

"Kuya, buntis si Ate, diba? Tapos iiwan mo doon sa bahay nyo?" Tanong ko.

"Ano ka ba? Nandoon sya sa bahay. Nandoon sila Mom at Dad. Aalagaan sya ng mga yon." Saad nito.

"Alam mo? Napakairresponsable mong asawa." Saad ko.

"Then, call her. Tell her that I am here. And say I love her, please." Saad nito tapos inirapan ako. Umirap din ako at saka ako tumayo at tinawagan si Ate Cha.

"Hello?"

"Hi, ate cha. Si Irish, to. Yung asawa mo nandito. Hindi daw sya uuwi. And, I love you din daw." Saad ko.

"Tsk. Ok, nandito naman sa bahay sila Mom and Dad. Pakisabi sa kanya, I love you too."

"Sige, ate."

"Gusto ka daw makausap ni Mommy."

"Bakit daw?" Kunot-noo kong tanong.

"Wag na daw pala. Sweet dreams daw." Saad nito at pinatay na ang tawag. Kunot-noo ko namang tinignan ang screen ng phone ko.

Anong problema nila?

"Anong sabi?" Tanong nya ng makapasok ako ng bahay.

"She will be ok naman daw doon. Sige, tulog na ako." Paalam ko at umakyat na ng pangalawang palapag. Naghalfbath muna ako saka ako natulog.

- Theo's POV -

"Ano bang nangyari doon? Sino ba yung lalaki kanina?" Saad ko.

Hindi ko alam pero parang may parte sa akin na nagseselos at nagagalit din at the same time.

"That's Ace. Irish's ex-fiancee. Dapat kasi magpapakasal na sila but something happens at bigla nalang nagback-out si Irish the day before their wedding. We all shocked, of course, kasi mahal nila ang isa't isa then, Irish just broke the wedding? It's gross. Ang hirap pa naman ng preparations sa wedding nila kasi it's a grand wedding. Ikakasal kasi dapat sila noong mag fi-fifteen sila."

"F-fifteen? What the f*ck did you parents think that?" Saad ko habang nakakunot ang noo.

"Tsk. Because, Irish and Ace think that they love is a true love." Saad pa ni Kuya Ian.

"Ano bang nangyari bakit nag-back-out si Irish?" Tanong ko pa.

"Yan ang hindi namin alam. Lahat nalang kami nagulat ng sabihin sa amin ni Ace na nagback-out daw si lil sis." Saad ni Kuya Ivan.

"Tsk. Muhka din kasi kayong mga tanga. Dapat di nyo din pinayagan. 15 years old? Magpapakasal? What the f*ck was that?" Naiinis kong saad.

"Why are you so affected? Boyfriend ka ba ng kapatid ko?" Tanong nito.

"Huh! A-ako? Gusto ang kapatid nyo? No way!" Saad ko at inirapan sila.

"Relax, bud. You're so depensive. Tinatanong nila kung boyfriend ka ba daw? Hindi kung may gusto ka. Masyado kang halata, ehh." Nakangising saad ni Dirk.

"Whatever. Matutulog na ako." Saad ko at saka ako umakyat ng ikalawang palapag.

May gusto kay Irish? Hmm. Hindi naman kasi.

Pag-akyat ko doon ay nakita ko si Irish na nandoon sa may teresa.

"Ohh? Akala ko tulog ka na?" Tanong ko at lumapit sa kanya.

"Akala ko din." Saad nito at natawa ng bahagya. Napakunot naman ang noo ko.

Anong nakakatawa doon?

"Ayaw mo pa ba matulog?" Tanong ko at ihinarap sya sa akin. "Umiiyak ka." Saad ko at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa mata nya. "Need a talk buddy?" Tanong ko. Tumango lang sya.

"Akala ko ok na ako." Saad nito habang unti-unting yumayakap sa akin. "Akala ko pag nakita ko ulit sya, hindi na masakit. P-pero..." Nagsimula na syang humikbi. "N-nung nakita k-ko sya. S-sobrang s-sakit parin." Saad nito.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko habang yakap sya at hinihimas ang likod nya.

"H-he cheated. W-with m-m-my b-best f-friend." Saad nya at mas lumakas pa ang hikbi nito.

"Shh... Tama na. Wag ka nang umiyak." Saad ko habang yakap sya at inaalo sya. "Matulog ka na. Ihahatid na kita." Saad ko at tinulungan syang makatayo.

"Thank you nga pala." Saad nito at ngumiti. "Wag kang seloso, ha?" Saad nito.

"Huh! Ako? Seloso? Hindi, ahh! Tsk. Tara na nga, antok lang yan, Irish. Sige na, Tulog ka na." Saad ko habang naglalakad kami patungo sa kwarto nya.

"Ok. Ok. Dami mong sinasabi, ehh." Saad ni Irish at inirapan ako. Bigla ko naman inilapit ang muhka ko sa leeg nya.

"Ang bango mo, Irish." Saad ko at yumakap ulit sa kanya.

"Kakahalfbath ko palang kasi kanina. Akala ko makakatulog na ako. Hindi pa pala. Salamat nga pala, ha? Alam mo, wala akong sinabihan na nagcheat sa akin si Ace kaya pinipilit nila akong balikan ang kumag na yon." Saad ni Irish.

"Tsk. Wag mo nang balikan yon, ha? Baka sampalin kita pag nalaman kong nakipagbalikan ka doon sa ex mo." Saad ko.

"Oo na. Tsk. Nagseselos ka nanaman, ehh." Saad nito.

"Hindi nga ako nagseselos!" Sigaw ko at tumawa naman sya kaya lalo akong napikon.

"Hindi ka nagseselos pero sumisigaw ka." Natatawang saad nya.

"Hindi naman kasi talaga." Nakalabi kong saad. "Sige, tulog ka na." Saad ko ng makapasok kami ng kwarto nya.

"Sige, good night, Theo." Saad nito. Hindi ko alam pero parang ang lambing nang pagkakasabi nya non.

"Good night." Saad ko din at nginitian sya. Pahkasara nya ng pinto ay agad naman akong pumasok ng kwarto ko saka na ako nakangiting nakatulog.

KINABUKASAN. . .

- Irish's POV -

Paggising ko ay nandoon pa ang mga kuya ko sa sala. Natutulog pa sila pero pagpunta ko ng kusina ay nandoon na si Theo. Nagkakape na.

"Ang aga mo atang magising?" Nakangiting tanong ko.

Ewan ko pero biglang ang komportable ko nalang bigla pag magkausap kami. Siguro dahil sya palang ang nasabihin ko ng dahilan kung bakit ako nagback-out sa kasal namin ni Ace.

"Tsk. Magandang umaga." Saad nito at yumakap sa akin. Medyo nagulat ako pero agad ding nawala.

"Maayos ba ang tulog mo?" Tanong ko.

"Hmm-mm."

"Halata nga." Saad ko at kumuha na ng itlog at ham sa ref.

"Yan ba ang breakfast natin?" Tanong nya.

"Yup. May angal?" Masungit kong saad tapos tinaasan sya ng kilay.

"Wala bang adobo? Or sinigang? Or anything na bago?" Tanong nya.

"Tsk. Mamaya na yon. Magdadala ako ng baon. Bibili nalang tayo ng kanin sa cafeteria." Saad ko habang binabalatan ang hotdog na hawak ko.

"Ahh.... Ok ka na ba?" Tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Tanong ko.

"Ehh.... Wala lang. Baka gusto mo pang umiyak." Saad nya.

"Tsk. Hindi na. Baka magselos ka pa kasi umiiyak ako sa ibang babae." Natatawang saad ko. Pinandilatan naman nya ako.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Ako magseselos? Hindi kaya! Tsk! Kadiri ka, Irish! Ako, magseselos?! No, way!" Sigaw nito na nagpatawa sa akin ng bahagya.

Bakit parang meron, ha, Theo? Sarap mo sampalin, ehh.

"Sige na, magluto ka na....." May sinabi pa sya pero hindi ko na narinig. Kaya kunot-noo akong nagpatuloy sa pagluluto habang sya naman ay lumabas ng kusina.

A Few Moments Later. . .

"Ohh, kumain na kayo." Saad ko at pinaupo na sila sa hapagkainan.

"Ano ba? Ako dyan." Saad ni Theo habang nakikipagunahan sa kuya kong makaupo sa tabi ko.

"Ako ang kuya nya, ikaw ang housemate. Wag kang feeling may malamin na koneksyon." Saad ni Kuya Ivan at mapanuksong dinilaan si Theo.

"Palit nga kayo, Irish." Parang batang saad ni Theo.

"Ano ba yan? Ganyan nalang ba palagi pagkakain? Makikipag-agawan ka ng upuan?" Saad ko. Nag-iwas naman sya ng tingin saka naupo sa tabi ni Kuya Ivan.

"Uupo ka din naman pala, ehh." Mapang-asar pang saad ni Kuya Ivan.

"Isa! Tumigil na kayo!" Sigaw ko at nagsimula nang kumuha ng pagkain na nasa harapan ko.

- To Be Continued -

For more stories, just follow me.

Enjoy Reading!

Please Vote!