Chereads / Elise and Andrew (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3

- Andrew's POV -

Pauwi na ako ng bahay at pakanta kanta pa. Alam kong masaya ako dahil ngayon ay makakasama ko nanaman si Elise. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na ako sa bahay at excited na pumasok ng bahay at hinanap sya. Natagpuan ko naman syang natutulog sa kwarto.

Natatawang hinaplos ko ang pisnge nya at hinalikan iyon. Pagkatapos ay akmang tatanggalin ko ang kumot para alisin ang mga saplot nya ay bigla itong nagmulat.

"Tsk! Ayan ka nanaman!" Pasigaw nitong saad sa akin.

"Hon, sige na. Isang round lang, please." Saad ko at may kasamang pagmamakaawa.

"Ayoko." Madiin nitong saad at hinawakan ang kamay ko.

"Sige na..." Pagmamakaawa ko at pilit na hinahawakan ang damit nya pero nakakapit sya sa mga kamay ko kaya di ko makawang ipwersa dahil masasaktan sya.

"Ayoko nga..." Malambing nitong saad. Tumayo sya at niyakap ako. "Mamaya na, please. Bibili pa tayo ng mga gamit ko." Saad nito na parang nagmamagtol. Natawa naman ako ng bigla syang tumakbo patayo ng bigla kong hawakan ang gitna nya.

"Sige naa..." Magpapacute kong saad at hinabol sya.

"Ayaw!" Saad nito habang nagpapahabol parin. Natatawang umiling naman ako at itinaas ang mga kamay, parang sumusuko.

"Ok! Tara na! Bibili na tayo!" Sigaw ko at ilang saglit pa ay nakangiti syang lumapit sakin at yumakap. "Tara na? Bihis lang ako." Saad ko at naglakad na paakyat, para magbihis. Makalipas ng tatlong minutong pagbibihis ay nakangiti akong bumaba at nakita ko syang nakatingin sa isang magazine na puro pagkain ang laman.

"Andyan ka na pala." Nakangiting saad nito ay ibinalik na ang magazine.

"Gusto mong makakain no'n?" Tanong ko. Umiling naman sya.

"Ganon talaga ako pagnakakakita ng mga pagkain. Gusto ko kasi magkaroon ng business. Parang restaurant, cafe, fast-food chain, at bar. Isa lang sa mga iyon." Saad nito habang nakangiti.

"Sige. Magtatayo tayo ng business at gagawin natin lahat yan." Saad ko habang naglalakad kami palabas ng bahay.

"Pano iyon? Apat na kainan sa isang lugar?" Tanong nito. Bigla naman nagliwanag ang muhka nya. "Alam ko na. Building! Isang building na may kainan at boutique!" Malakas nitong sigaw.

"Bakit may boutique pa?" Natatawang saad ko. Lumabi naman sya.

"Gusto ko, ehh. Tyaka mahilig din ako sa mga damit." Saad nito at ngumiti.

"Alam mo... Malungkot ang pagkabata ko dahil sobrang lamig ng pakikitungo sa akin ng mga magulang ko. Mga kapatid ko nalang ang dahilan kung bakit ko naituturing na pamilya nila. Ang laki ng pasasalamat ko dahil dumating ka." Naluluhang saad ko at hinawakan ang mga kamay nya. "Sana hindi ka magbago sa akin. Ikaw nalang ang meron ako. Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kung hindi man nila ako ituring na pamilya nila, gagawa nalang ako ng sarili kong pamilya." Saad ko at niyakap sya.

"Ako nga, lumaki ako sa ampunan. Wala na ang mga magulang ko. Yung mga kasabayan ko, may umampon sa kanila, sakin lang ang wala. Sakitin kasi ako dati. Alam mo, be thankful kasi you have your parents on your side. Kahit di mo sila ramdam, at least kasama mo parin sila." Saad nito habang magkayakap parin kami.

"Ahm... Pwedeng itago muna natin ang pagiging mag-asawa natin? Kasi... Mahirap ang sitwasyon natin ngayon." Nahihiyang saad ko habang napapakamot pa sa batok.

"Ikaw naman kasi! Bigla ka nalang nagpakasal!" Natatawang saad nito at sumakay na kami sa kotse at dumiretso ng mall.

Makalipas ang ilang minutong nasa kalsada ay narating na namin ang isang mall. Malapit iyon sa office ko. Agad syang nakakita ng damit at nag-aalangan lumapit sa akin.

"Anong problema?" Nakangiting tanong ko.

"Kasi... Ang ganda nitong damit kaso... Ang mahal. 3499. Pang bili ko na ng pagkain iyon the whole month." Bulong nito. Natatawa naman akong hinalikan ang noo nya.

"It's ok. Bilhin mo kung ano ang gusto mo. Bilis. Marami pa tayong gagawin." Saad ko at nginitian sya. Kumilos na sya at nagpatuloy sa pamimili ng damit. Iba't ibang uri ng damit ang binili nya.

Muhkang may taste sa fashion ang asawa ko, ahh.

Pagkatapos namin sa department store ay ako ang nahirapan sa dami ng dala nyang shopping bags.

"Sorry ha? Ang dami ata ng binili ko." Naaawang saad nito. "Alam ko na!" Saad nito ay lumapit sa akin. Kinuha nito ang mga gamit na dala ko at inilagay iyon sa ibabaw ng malapit na lamesa sa kanila. Naglagay ng tag-limang damit sa isang shopping bag ang asawa ko at maraming natirang shopping bags.

"Ang talino talaga ng asawa ko." Malambing nyang saad at kinuha na ang mga shopping bags. Hindi sya nahirapan dahil kahit limang damit ang naroon ay hindi naman iyon gaanong mabigat.

Makalipas ang ilang oras nilang pagiikot sa loob ng mall ay nabili na ng asawa nya ang lahat ng kailangan nito. Lahat-lahat. Nang makauwi sila ay nagluto ito ng hapunan nila at nasa kalagitnaan sila ng paghahapunan ng biglang tumunog ang telepono nya. Tumatawag ang kapatid nya.

"Sino yan? Babae mo?" Mataray na saad ng aswa nya at tinaasan pa sya ng kilay.

"Haha!" Tawa nya at iniharap sa asawa nya ang phone. "It's Arry. My youngest brother." Natatawang saad nya at sinagot ang tawag. Iniloud speaker nya.

"Hello, kuya?"

"Hmm." Malamig nyang saad.

"Kuya, bakit ang aga mong umuwi kanina? Alas tres? Anong gagawin mo ng ganong oras?" Nagkatinginan sila ng asawa nya.

"Ahm... May sinamahan kasi ako kanina. Importante kaya maaga akong nag-out." Sagot nya at nginitian ang asawa nya. Inirapan lang sya nito.

"Ok! See you tomorrow!" Saad ng kapatid nya.

"See yah." Malamig nyang saad at pinatay ang tawag. Humarap ulit sya sa asawa ko.

"Ang lamig mong makipag-usap sa kapatid mo." Saad ng asawa ko.

"Nasanay na. Ganyan kasi ako simula dati. Kaya di ako nagkagirlfriend. Not until, you came. At hindi na ako nagkagirlfriend, kasi asawa agad." Natatawang saad ko at nakitawa naman sya. Masaya kaming naghapunan, makalipas ang ilang minutong paghapunan at kwentuhan ay natapos na din kami.

"Ang ganda mo pa din kahit nakatalikod." Malambing kong saad habang sya at naghuhugas ng pinagkainan namin.

"Ahh, ewan! Tigilan mo ko! Gusto mo lang makascore, ehh!" Naaasar na saad ng asawa ko. Natawa naman ako.

"Bilisan mo na dyan at matutulog na tayo. Maaga ang pasok ko bukas. Buong araw akong wala. 7pm na ako uuwi. Tatapusin ko ang trabaho ko para sa ngayon ay tomorrow dahil mag-d-day off ako. May aayusin tayo para sa building mo." Masayang saad nya at humarap naman sa kanya ang asawa nya. Tapos na itong maghugas.

"T-talaga?" Parang hindi makapaniwalang saad ng asawa nya.

"Oo." Saad nya at niyakap ang asawa.

"Thank you." Malambing na saad ng asawa nya at biglang humikbi. Nagulantang naman sya at mas hinigpitan pa sya ang yakap dito.

"You're welcome, hon. I love you."

"I love you more." Sagot nito na ikinangiti nya.

--- To Be Continued ---