Chereads / KIDNAPPED (Tagalog) / Chapter 5 - 5 Chapter 4

Chapter 5 - 5 Chapter 4

Chapter 4

- Dewei's POV -

Lumipas ang ilang araw ay maayos na si Fey at nakakalakad na sya. Nandito kami ngayon sa kusina, gusto daw kasi nyang magluto. Magbabake daw sya ng cake para sa akin.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay ayon na nga ang cake na sinasabi nya. Excited akong kumuha ng platito at tinidor. Nang makakuha ako ng isang slice ay agad akong kumuha ng maliit na bahagi at tinikman iyon.

"Hmm. Masarap sya! Ang galing mo naman, chef! Masarap ka na ngang magluto, masarap ka pa!" Saad ko at gulat na mapatingin sa kanya dahil binatukan nya ako.

"Yan! Dyan ka magaling! Sa kalibugan!" Saad nito habang tinuturo-turo pa ako tapos ay natatawang umiling.

"Kinilig ka no?" Pang-aasar ko.

"Hindi ahh! Tumigil ka nga!" Saad nito habang parang tangang nakangiti.

"Ok, hindi nga." Saad ko tapos ngingisi-ngising sumubo ulit ng isa pa. Matapos namin maubos ang cake na bi-nake nya ay nagkaroon kami ng quickie sex sa kusina. Tapos ay naupo kami sa sala at naghanap ng Flashdrive na may lamang movie.

"Horror ba?" Tanong ko at tumango lang sya. Tapos ay ng nasa gitna na ng palabas ay parang tanga syang sumisigaw.

"Hoy! Tanga! Nasa lik--- ahhh! Kadiri!" Sigaw nito matapos makita na pinugutan ng ulo yung bida. Tatawa-tawa naman akong napailing.

Sa loob ng dalawang linggo ay inaamin kong mabilis na napalapit ang loob ko sa kanya. Pero meron sa loob kong gusto syang iwan dito dahil natatakot ako. Isang gabi ay wala sa sarili akong ginising sya sa pagkakatulog.

"Hey, Fey. Aalis ako ha? Dito kalang. Hintayin mo ako. Wag kang aalis dito. Babalik ako promise. " Paalam ko sa kanya. Mabigat sa loob kong lumabas ng bahay at sumakay ng kotse.

Sana ay hindi ko pagsisihan ang gagawin kong ito.

Lumipas ang mga segundo, minuto, oras, araw, at buwan ay nagpakalunod ako sa kakatrabaho. Kinausap ko narin si Attorney Chavez para sa marriage certificate na kukunin ko para sa amin ni Fey.

Iniisip ko kung ano na ang nangyayari sa kanya ngayon. Kung ok lang ba sya? Kung kumakain ng maayos. Im sorry, baby. Im just busy. It's for our future.

Nang masettle na lahat pati ang bahay natutuluyan namin ni Fey ay napag-desisyonan kong puntahan na sya sa batangas pero kailangan ko lang mag-paalam sa kaibigan ko.

"Hey, bro. Punta ako batangas. Ikaw na bahala magsabi kila Mommy." Saad ko at tumango lang ito.

Namumroblema kasi ngayon yong best friend ko. Gusto na nyang magpakasal pero din sila magkasundo ng gf nya.

Tinatahak ko na ang daan pa punta sa batangas at paglipas ng ilang oras ay narating ko na iyon. Sobrang tahimik ng bahay sa labas. Ipinark ko ang kotse at saka ako pumasok ng bahay.

"Ahh--- tulong! Ahh!" Tinig ng babae galing sa itaas. Si Fey iyon. Dali-dali akong umakyat at pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Fey na may malaking tyan ay tila manganganak na.

"Tangina, Dewei?! San ka ba nanggaling?! " Inis na sigaw nito lumapit naman ako sa kanya at natataranta kung ano gagawin.

"Pano ba to?" Tanong ko sa sarili ko.

"Kumuha ka ng lampin, gunting na bago, alcohol, at tubig na naligamgam tapos ilagay mo sa batya. Ahhh! " hirap na hirap nyang sigaw. Dali-dali naman akong sumunod at ng makuha ko na lahat ay pumisto ako sa may bukana nya saka ko sya pinairi.

"Baby, pagbilang ko ng tatlo. Iire mo, ok?" Tanong at tumango naman sya. " Ok, one. Two. Three. Ire!"

"Ahhhhhh!" Ire nya. Pero hindi pa sapat iyon dahil hindi pa lumalabas ang ulo ng bata.

"Sige pa baby! Ire pa! Malapit na!"

"Ahhhh!!!" Ire nya ulit at doon tuluyang lumabas ang bata.

- Fey's POV -

Masaya ako dahil nagdito na ngayon si Dewei. Pero meron parin saking naiinis dahil sobrang tagal nya akong pinaghintay. Pero masaya parin dahil baka mamatay ang anak namin kung hindi sya dumating. Ngayon ay karga nya ang bata habang maramang hinihele.

"Ikaw ha? Sinaktan mo si Mommy mo... Bakit mo yun ginawa? Excited ka bang makita ang Mommy mo para lumabas ng wala pa ang Daddy? Ayy, bad ang baby ko. Wag mo ng uulitin iyon, ha? " Biglang tumawa ang anak nila, tila gumugon ito sa nobyo nya. "Ganyan. Dapat nagkaka-intindihan tayo." Parang tangang saad nito sabay ngiti.

"Ohh? Bakit di ka pa magpahinga?" Biglang baling nito sa akin at dahan-dahang lumapit at hinihiga sa tabi ko si baby.

"Anong gusto mong pangalan?" Nanghihina ko paring tanong.

"Ikaw bahala. Ikaw ang nahirapan sa kanya. Dapat lang na ikaw ang magpangalan." Nakangiting sagot nito habang nakatingin sa anak naming mahimbing na ang tulog sa tabi ko.

"Gusto ko Finlay." Saaad ko ay tumingin sa anak namin.

" Hi baby, Finlay. Ako ang Daddy mo. Hihi" parang batang saad nito sa anak namin at natawa ako ng biglang sumimangot ang anak namin.

"Sabi sayo di bagay sayo magpacute eh." Natatawang saad ko.

" Magpahinga ka na. For sure pagod ka. " Saad nya sabay halik sa noo ko. " Mamaya na magpapaliwanag matulog ka muna. " Saad nito sabay haplos sa pisnge. Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaang makatulog.

Nang naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko. Nang tignan ko ay si Finlay ang umiiyak.

"Bakit umiiyak?" Tanong ko at liningon naman ako ni Dewei.

"Di nga alam ehh. Kanina ko pa hinihele pero di parin tumitigil kakaiyak." Sagot nito.

" Akin na. Padededein ko. Baka gutom na." Lumapit sya ay inihiga ng maayos ang bata. May damit na ito di katulad ng kanina na kumot lang ang tapis sa katawan.

"Sorry kung ngayon lang ako. Pinaayos ko kasi yong mga papeles na gagamitin para sa kasal. Tyaka oo nga pala. " May dinukot sya sa bulsa nya at binuksan. Sobrang tuwa ang naramdaman ko ng makitang singsing iyon.

"Suotin mo. Ito ang tanda na kasal na tayong dalawa. Actually mabilis lang ang proseso nung sa kasal. Ang matagal ay yung bahay. " Saad nito. " Pinagawan kita ng bahay at sinigurado kong maaayos na iyon. Para pagbalik natin ay titira nalang tayo doon." Nakangiting saad nito. Sobra-sobrang saya ang naramdaman ko ng mga oras nayon. May dahilan naman pala ang pag-hihintay ko.

Nakatulog na ang baby namin kaya tinanggal ko na sa bibig nya ang dede ko. Napatingin ako kay Dewei na talaga ang pagod sa muhka.

Hindi ka ata natutulog ng maayos ehh. Pero salamat sa lahat.

"I love you." Bulong ko sa kanya.

"I love you more" sagot nito at gulat naman akong tumitig sa kanya.

"Gising ka?"

"Hindi. Nagising ako nung tumitig ka sakin." Nakangiting paliwanag nito. Hahalikan nya na sana ako pero biglang may bumisina sa labas. Tumayo si Dewei at tinignan kung sino iyon.

"Sino yon, babe?" Tanong ko na may takot.

" Wag kang matakot. Yung best friend ko yon. Tinatawagan ko sya para sunduin tayo. " Nakangiting saad nito. Maya-maya ay lumabas sya at pagbalik nya ay may kasama na syang lalaki.

"A-akala ko ba kayo lang ang nandito? Bakit may bata?" Gulat na tanong ng kaibigan nya.

"Bro, anak namin yan. Tyaka di ko na nasabi kasi nung tinawagan kita ay di ko pa alam na manganganak na pala sya. " Pagtukoy sa kanya ni Dewei.

" Bakit di mo sila dalhin sa ospital? "

" May pumunta ng doktor dito. Ok naman na daw sya. Kailangan lang daw nya ng pahinga." Sagot ng asawa nya. " Sige na buhatin mo na yung anak ko. Dahan-dahan lang ha? Pag-iyan nalag-lag. Mababank-rup pamilya nyo. " Biro pero may bantang saad ng asawa nya.

"Yes, Sir" sumaludo pa ang kaibigan nito kaya natawa nalang sya. Nauna ang kaibigan ng asawa nya kasama ang anak nila. Nakasunod sila para daw makita nila ang bawat galaw ng kaibigan nito.

Nang nakarating sila sa kotse ay iniupo ako ng asawa ko sa likod. At akmang ibibigay na ng kaibigan ng asawa nya ang anak nya pinigilan nya ito.

"Sandale lang may gagawin lang ako." Saad nya at sabay kuha ng kumot na dala nya. Itinali nya iyon sa katawan nya saka sya nagpatulong ilagay ang anak nila sa asawa nya. Nang ok na ang lahat ay saka sila bumyahe.

--- to be continued ---