Chereads / Secret of a Straight Fudanshi (Pinoy BL) / Chapter 21 - Chapter 21: Kumag

Chapter 21 - Chapter 21: Kumag

Lucas' POV

(Flashback)

Kakasimula pa lang ng school year and bilang 4th year students, at kami na ang pumalit bilang mga bagong president ng kanya-kanyang mga clubs and ako na ang bagong president ng basketball club, kailangan namin mag recruit ng mga bagong isasali.

Kumakain ako noon sa table ko ng kare-kare with rice habang nag aabang lang ng mga bagong sasali at bored na bored na ako dahil kanina pa walang nagsi-sign up sa basketball club. Lahat, gustong sumali sa music club kung saan si Seph ang president naman. Sikat na sikat na si Seph ng mga panahon na 'to lalo na't marami siyang fans na sumusuporta sa kanya at madalas nag viviral ang video niya at sikat din siya sa socmed.

Sa kabilang side ko lang ang table nina Seph at may pila 'yung kanya! Habang sa akin naman, wala! Nilalanggam! Nilalangaw! Tapos, biglang may tatlong lalaki ang tumayo sa tapat ng table ko. Inisip ko na irecruit sila dahil wala na talagang sumasali sa basketball club kasi inaakit na ni Seph lahat! Haha!

"Baka gusto niyong sumali? Magaling ba kayo magbasketball?" tanong ko sa tatlong lalaki na nasa tapat ng table ko. Pakiwari ko, mga 3rd year students 'tong mga 'to.

Dalawa lang ang attentive na nakikipag-usap sa akin, habang 'yung isa naman, patuloy na nagbabasa ng flyers.

"Ano nga pangalan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Harry and Chester po." sagot ng dalawa.

"Oh, sulat niyo na lang muna 'yung names niyo dito sa form." sinabi ko kina Harry and Chester at inabot ko sa kanila ang 1 bond paper ng form na sasagutan nila.

Hinihintay ko na matapos magbasa 'yung isa pa nilang kasama para tatanungin ko kung gusto niya sumali sa basketball club. Natapos na sagutan nina Harry and Chester ang form at inabot na ito sa akin. Binalik na rin ng isa pa nilang kasama ang flyers sa table ko at napatingin siya sa akin kaya tinanong ko na rin siya.

"Gusto mo sumali sa basketball club?" tanong ko sa isa pang lalaki na kasama nina Harry and Chester

Nakatingin lang sa akin ang lalaking 'yon at nakakunot ang noo niya sa akin. Nasa isip ko kung galit ba sa akin 'yung lalaking kasama nina Harry and Chester kasi nakasimangot siya sa akin. Kaya naman bilang ako na kinatatakutan ng lahat, tiningnan ko na rin siya ng masama at kinunutan ng noo. Siguro mga 20 seconds kaming nagtititigan dalawa na para kaming mga tanga.

Then, bigla siyang may kinuha sa bulsa niya at naglabas siya ng kulay blue na panyo. Pagkatapos, nagulat at natulala na lang ako sa ginawa niya nang pinunasan niya ang mga labi ko!

"May sauce na naiwan sa lips mo. Ang kalat mo kumain. Do you know how to eat properly?" sinabi niya sa akin.

Isang 3rd year student ang may ganang mang-asar sa akin? Lahat ng tao nirerespeto ako, pero itong maliit na kumag na 'to, ginawa akong walang modo na tao! Gusto ko mainis sa kanya at gusto ko rin siya sapakin kaso... bigla niya ako nginitian.

"Sayo na 'yang panyo ko, mister. You'll need it more than I do. Ayusin mo ang pagkain mo ng kare-kare with rice." sinabi niya sa akin at pagkatapos ay niyaya niya na sina Harry and Chester na umalis.

Nakatalikod na sila nang bigla ko siyang tinawag.

"Hoy, ikaw!" sigaw ko sa kanya pero hindi siya tumingin sa akin at nainis ako.

Kaya naman tumayo ako sa table ko at naglakad ako papunta sa kanya since mabagal naman sila maglakad.

"Hoy!" sambit ko sa kanya.

Sina Harry and Chester lang ang tumingin sa akin pero hindi itong lalaki na ito. Kaya naman tinapik ko ng malakas ang right shoulder niya at doon lang siya tumingin sa akin.

"What? I have my own name! Don't call me 'Hoy' or 'Ikaw', that's not my name!" sinabi niya at tumalikod na ulit siya.

Napakabastos ng lalaki na 'to, pero at the same time, nacha-challenge ako sa kanya dahil wala pang nangga-ganito sa akin dahil takot ang lahat sa akin. Pero, siya lang ang natatanging kakaiba kung mag-isip.

Nauna na maglakad ang lalaking bastos at sina Harry and Chester na ang sorry sa akin. Pagkatapos ay sinundan na nila ang lalaking kasama nila at bumalik na rin ako sa table ko.

Huminga ako ng malalim dahil hindi ako mapalagay sa kanya! Kapag nakita ko ulit 'yung lalaki na 'yun, sisiguraduhin ko na hindi niya na ako mababastos ulit! Hindi ko natanong ang pangalan niya dahil masyado siyang mailap kaya tinanong ko si Alaiza, ang girlfriend ni Joker na nakaupo lang sa tabing table ko.

"Harley Quinn!" 'yun ang tawag ko sa kanya since jowa niya si Joker at para partner ang pangalan nila. Haha! Siya din ang student council president ng buong batch namin kaya malamang kilala niya halos lahat.

"Harley Quinn!" sigaw ko sa kanya habang busy siya na nagtatype sa laptop niya.

"What do you want?" sagot ni Alaiza sa akin.

"Nakita mo 'yung kanina? 'Yung lalaking nagpunas ng labi ko?" tanong ko sa kanya.

"Yaaaas! I saw it! And hindi ako kumurap at kitang kita ko ang buong pangyayari... at naisahan ka niya! Ang isang Lucas na kinatatakutan ng lahat, binastos lang naman. Hihihi! Ito nga oh, pinopost ko na sa private group naming mga fujoshi fans ang naganap, but hindi ko sinabi mga names niyo! Haha!" sinabi sa akin ni Alaiza habang pinapakita niya ang laptop niya sa akin.

BL queen din kasi itong si Alaiza at kapag usapang yaoi, BL o kahit ano pa man na patungkol doon, siya ang nangunguna at may secret group pa siya na ginawa para lang sa mga gaya niya mahilig mang scout ng mga dalawang lalaki na sweet sa isa't isa.

"Kilala mo ba 'yung lalaki na 'yun?" tanong ko sa kanya.

"Why? Interesado ka? Lucas... don't tell me, changed man ka na? My gosh! Please say yes! Dream namin lahat 'to na magpartner ka ng guy! Please say yes!" bulong ni Alaiza

"Baliw! Hindi ako magkakagusto sa lalaki, at kung magkagusto man ako, hindi sa kanya! Never... mark my words!" sagot ko sa kanya at seryoso ako dahil sa lahat ng ayoko, 'yung binabastos ako!

"Don't say that, Lucas. Hindi mo ba alam, kapag ayaw mo 'yung isang tao, sila 'yung nagiging mas malapit sayo!" sagot sa akin ni Alaiza.

"Bibigyan ko lang ng ultimatum 'yung 3rd year student na 'yun. Hindi niya kilala ang binangga niya eh. Bigay mo sa akin pangalan niya. Aabangan ko sa labas 'yun nang matuto na hindi dapat ako kinakalaban." sagot ko sa kanya.

"No! Ayoko! Ayoko ng karahasan sa school!" sagot sa akin ni Alaiza.

"Sasabihin mo sa akin o ilalantad ko na may secret fujoshi club ka sa school at ikaw ang admin?" bulong ko sa kanya.

"Don't you ever do that! Sasabihin ko kung sino siya, but promise me you won't hurt him!" bulong ni Alaiza sa akin.

"Oo na, oo na. Gusto ko lang malaman pangalan niya." sinabi ko sa kanya, pero sa totoo, aabangan ko talaga 'yun sa labas!

Pinakita sa akin ni Alaiza ang laptop niya and pinakita niya sa akin ang profile ng lalaking nakasalamuha ko kanina.

"Siya ba hinahanap mo?" tanong sa akin ni Alaiza.

"Oo, yan! Siya nga! Humanda sa akin 'yan!" bulong ko.

"His name is Martin Ace, section 1 and he's a third year student and a cutie." sinabi sa akin ni Alaiza.

Martin Ace pala ang pangalan niya. Ngayon humanda ka sa akin mamaya sa uwian. Matatanggap mo ang sapak na hindi mo pa nararanasan sa buong buhay mo. Ha! Ako pa talaga ah?

"Kapag nalaman ko na sinaktan mo siya, Ipapatanggal kita sa basketball club as president at tatanggalan ko ng budget ang club niyo! So don't you dare hurt him! Isa pa, he's a gem! Walang nakakalapit sa kanya because he's too stubborn and that's what we like. He's a tsundere na uke and naghahanap kami ng Seme na ipapartner sa kanya na makakapgpalambot ng puso niya... and I hope it's you!" bulong ni Alaiza na may kasamang kilig.

"K*ng *n* naman, Alaiza. 'Wag mo nga ako pinapartner sa lalaki! Hindi ako bading!" bulong ko sa kanya.

"At dahil diyan, sasabuyan kita ng blessing of the gays!" bulong niya at bigla niya ako winisikan ng tubig.

"Hoy, Joker, patahimikin mo nga 'to si Harley Quinn! Kung ano ano na naman ginagawa!" sigaw ko kay Joker na katabi lang ni Alaiza at busy dahil sa mga students na inaassist niya.

"Mamaya na. Ikaw muna ang bahala kay Harley Quinn, busy pa ako." sagot ni Joker.

"Wala na, Lucas. Natalsikan ka na ng blessing of the gays! Hindi ka na makakatakas sa bago mong journey. Hahaha!" bulong ni Alaiza.

"Baliw! Kung hindi ka lang Student Council President at jowa ni Joker, matagal na kitang sinapak!" sagot ko sa kanya.

"Oohh, I'm so scared!" sagot niya at bigla siyang tumawa at nagfocus na ulit sa pag type ng kung ano ano sa laptop niya.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

5 p.m. na at sa wakas, tapos na rin ang activity namin na mag recruit ng mga bagong members. Uwian na rin noon at nagmamatyag na ako dahil sa oras na makita ko si Martin Ace, hindi ko na pakakawalan ang kumag na 'yun.

Hindi ko siya nadatnan at inikot ko ang buong school pero wala siya doon kaya napagisipan ko na ipagpabukas ang pagbubugbog sa kanya sa oras na makita ko siya.

Kaya naisipan ko na umuwi na lang ako sa dorm dahil inaantok ako. Nasa kalagitnaan na ako ng daan papunta sa dorm nang makita ko ang leader ng kabilang school, ang leader na si Kevin. May school war kasi ang school na pinapasukan ko at ang kanya, at siya ang leader ng mga hinayupak!

Naglalakad pa lang ako sa malayo, natatanaw ko na sila pero ayoko muna magpakita dahil wala ako sa mood makipagbakbakan sa kanila. Kasama niya ang tatlo pang kumag at nasa may gilid sila kumakain at nagyoyosi.

Nagtago muna ako sa isang gilid at inabangan ko sila na matapos dahil doon ako dadaan. Isa pa, apat sila at mag-isa lang ako at 'pag nagkataon, baka hindi ko sila kayanin lahat mag-isa.

Ang mga kumag, kasama ang leader nila, tinapon lang ang pagkain nila sa sahig at pati na rin ang mga yosi at pagkatapos ay naglakad na sila papaalis.

Magsisimula na sana ako maglakad dahil paalis na ang mga kumag nang may nadatnan akong isang lalaki na lumapit sa mga kalat na iniwan nina Kevin at ng tatlo niyang minions.

"Teka, si Martin Ace 'yun ah? Buti naman at nakita kita. Lagot ka sa akin ngayon."

Pupuntahan ko na sana siya, pero nagulat ako dahil pinulot niya isa isa ang mga pagkain na kinalat nina Kevin. Ano gagawin niya doon? Itatapon niya sa basurahan? Ang bait naman nito?

Pagkatapos niya pulutin ang mga kalat, hindi niya tinapon sa basurahan! Sinundan niya sina Kevin at tinawag. Takte 'tong Martin Ace na 'to! Hindi niya alam kung sino binabangga niya!

Tumingin si Kevin at ang tatlo niyang minions kay Martin Ace. Lumapit ako ng kaunti para marinig ko ang pinaguusapan nila.

Ilang saglit lang, binato ni Martin Ace ang mga kalat kina Kevin at sa tatlong kumag!

"Hindi ba kayo marunong magtapon ng basura? Nasa tabi na lang kayo ng basurahan hindi niyo pa na shoot!" sigaw ni Ace.

Grabe 'tong lalaki na 'to! Walang sinasanto! Hindi niya kilala ang binabangga niya kaya ang lakas ng loob niya!

Napansin ko na bigla nanggalaiti si Kevin at dahan dahan siyang lumapit kay Martin Ace. Medyo malaking tao si Kevin kaya nakatingala si Martin Ace sa kanya.

May hindi ako magandang kutob sa mangyayari, pero pinagpatuloy ko ang panonood sa kanila.

"Kilala mo ba ako?" tanong ni Kevin at inaangasan niya na si Martin Ace.

"Hindi. Hindi ko na aalamin kung sino ka. Ang gusto ko lang, itapon mo sa basurahan 'yung mga kalat niyo!" sagot naman ni Martin Ace at hindi rin talaga siya papatinag.

"Lakas ng loob mo ah?" pag aangas ni Kevin. Pagkatapos, hinawakan na si Martin Ace ng tatlong kumag, tig-isa sa mga braso at 'yung isa naman sa mga paa ni Martin Ace.

Takte, mukhang hindi maganda 'to. Hindi makaalis si Martin Ace kahit na kumakawala siya, dahil mas malaki pa sa kanya 'yung mga inaangasan niya! Sa liit niyang 'yan, ang tapang tapang niya?

Nakaporma na ang kamao ni Kevin, at hindi ko alam sa sarili ko pero tumakbo ako bigla papalapit sa kinatatayuan nila at binato ko ang bag ko sa mukha ni Kevin.

Ewan ko, pero bigla akong nakaramdam na kailangan ko iligtas si Martin Ace dahil ayaw ko siyang mapahamak sa kamay nina Kevin.

"Nandito pala ang leader ng walang kwentang school." sagot ni Kevin at tinawanan niya ako.

"Anong ginagawa mo? Bakit niyo pinagkakaisahan 'to?" tanong ko sa kanya at tinuturo ko si Martin Ace na pilit pa rin kumakawala sa pagkakakapit sa kanya ng tatlong kumag.

"Pagsabihan mo 'yang bata mo! Inuutusan kami!" sigaw ni Kevin.

Tiningnan ko si Martin Ace na hirap na hirap na, kaya tiningnan ko si Kevin muli ng masama at sinabihan ko siya, "Tama lang 'yung bata ko. Nasa tapat niyo na lang 'yung basurahan hindi niyo pa tinapon ng maayos. Dapat lang na batuhin kayo ng kalat niyo!"

Napangisi na lang si Kevin at bigla siya naglabas ng maliit na sniper knife na kinuha niya mula sa bulsa niya.

Nakita ko si Ace na biglang nanlaki ang mga mata nang makita niya ang sniper knife at tila hindi na nanigas at parang nanginig sa kaba.

Ang nasa isip ko lang ngayon, kailangan ko mailigtas si Martin Ace sa mga kumag na 'to at mailayo siya dahil mapapahamak siya pag nagkataon. Isa pa, may patalim na hawak si Kevin.

Uunahan ko na dapat ng sapak si Kevin nang bigla niya nahiwa ang kanang braso ko kaya bigla akong namilipit sa sakit. Pero tiniis ko na lang dahil kapag natalo ako, kahihiyan ito, at isa pa, baka kung anong mangyari kay Martin Ace!

Ginamit ko naman ang kaliwa kong kamao para sapakin ang tiyan ni Kevin kaya nabitawan niya ang sniper knife na hawak niya at namilipit sa sakit.

Binitawan ng mga minions ni Kevin si Martin Ace at naglabas rin sila ng sniper knife mula sa bulsa nila. Ano bang school security mayroon sila at nakakapagdala sila ng sniper knife!

Nakatayo si Ace at nakatingin siya sa dugo na lumalabas sa kanang braso ko at nanginginig pa rin siya sa kaba. Bagsak na si Kevin pero may tatlo pa akong kakalabanin at hindi pa kami nakakaalis. Kailangan makagawa ako ng paraan para iligtas si Ace.

Pinalibutan na ako ng tatlong kumag at isang maling galaw ko lang, hiwa na naman ang aabutin ng katawan ko, pero ewan ko ba, dahil ang gusto ko lang sa ngayon, mailigtas lang talaga si Martin Ace at wala akong pakialam kung gaano karaming sugat ang matamo ko sa kanila.

Sasaksakin na nila ako dapat nang biglang sumigaw si Martin Ace, "Pikit!"

Kaya naman bigla akong pumikit at nakarinig ako ng tunog ng isang spray. Pagkatapos ay hinablot niya ang kamay ko at hinila ako.

"Tara na!" sigaw niya at hinila niya ako papalayo at tumakbo kami hanggang makarating kami malapit sa dorm kung saan hindi kami makikita ng apat na kumag.

Hingal na hingal kaming dalawa pagkatapos naming tumakbo at nang makarating kami sa gilid ng dorm namin, "Buti na lang may pepper spray ako sa bag. This one's handy pala!" sinabi ni Ace habang hingal na hingal siya at nakangiti.

"Ano bang nakain mo, bakit mo sila inaangasan? Dapat hinayaan mo na lang sila!" sigaw ko kay Ace.

Hindi niya ako sinagot pero nakatingin siya sa nagdudugong hiwa sa kanang braso ko.

"Come with me." biglang sinabi ni Ace at hinila niya ako papasok ng dorm.

Ibig sabihin, dito din si Ace nakatira sa dorm? Hmmm. Hindi siya nagdalawang isip na dalhin ako kung saan man siya pupunta kahit na hindi naman niya ako gaanong kakilala.

"Saan mo ko dadalhin?" tanong ko sa kanya habang nasa loob na kami ng elevator.

"In my room. 'Wag ka na maraming tanong, please? Just save your energy." sagot niya sa akin.

Pagkarating namin sa tapat ng room niya, 319, sa baba lang ng floor at ng room ko ang kwarto ni Ace. Matatandaan ko kung saan ko siya hahagilapin ngayon.

Binuksan na ni Ace ang pinto at walang tao sa loob ngunit medyo makalat at may tatlong kama. Ibig sabihin, may kasama siya at baka siguro sina Harry at Chester ang kahati niya room, ngunit wala sila ngayon.

Pinaupo niya ako sa kama niya at nilinis niya ang sugat na natamo ko sa kanang braso. Pinapanood ko lang siya na nililinis ang sugat ko. Nakapaseryoso niya at napakagaan ng kamay niya habang nililinis niya ito. Nakatingin lang ako sa mga mata ni Martin Ace... pero hindi ko alam, dahil may kakaiba na akong naramdaman. Para akong kinikiliti at pakiramdam ko, bigla na lang lumambot ang puso ko habang inaasikaso niya ako.

"Bakit mo ko ginagamot?" tanong ko sa kanya.

"You saved me." sagot niya sa akin, "Don't talk. I said."

"Okay, hindi na ako magsasalita." sagot ko at hindi na nga talaga ako nagsalita. Hindi ko alam kung bakit ako sumusunod sa kanya, bagamat madalas, ako ang naguutos at gusto ko ako ang nasusunod. Pero itong utak at katawan ko, bigla na lang nagiging masunurin kay Ace.

Buong magdamag, nakatingin lang ako sa kanya... at hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinapanood ko siya na seryosong inaasikaso ang sugat ko.

Napatingin siya sa akin bigla at tumingin din siya sa mga mata ko, "Why are you smiling?" tanong niya sa akin.

Bigla akong sumimangot, "Sinong nakangiti?" sagot ko sa kanya.

"Baliw ka!" sinabi niya at pagkatapos tinawanan niya ako at nginitian.

At sa puntong iyon, doon niya ako nakuha. Nahulog ako sa mga ngiti niya. Habang nakatingin lang ako sa kanya, pakiramdam ko ang gaan ng puso ko. Pakiramdam ko ang saya saya ko.

"All set." sinabi niya habang inaayos niya ang bandage sa kanang braso ko at nakangiti siya.

Hindi ko alam sa sarili ko pero alam ko wala akong gusto sa mga lalaki. Pero bakit pagdating kay Ace, bakit parang nakukuha niya ang puso ko? Ang gusto ko na lang, gusto ko siyang alagaan, gusto ko siya pasayahin, gusto ko siyang pahalagahan. Gusto kong sumunod sa lahat ng gusto niya...

Tinamaan na nga ata ako, sa isang lalaki na tulad niya na di ko inakalang mangyayari.

"Okay na! Now, disappear!" sinabi niya sa akin habang nakangiti at umalis na ako sa kwarto niya pagkatapos. Hindi man lang niya nalaman ang pangalan ko pero okay lang. Ngayon, alam ko na kung saan ko siya matatagpuan at malapit lang siya sa akin.

Pagkatapos ng araw na 'yun hindi na ako nagpakita kay Ace, pero lagi ko na siyang sinusundan at sinisiguradong hindi siya mapapahamak ulit. Dahil kung may manggulo na naman sa kanya, ako ang makakaharap nila.

Nakakatawa lang kasi noong una, banas na banas ako sa taong 'yun, pero ito na ako, may gusto na sa kanya. Kasalanan 'to ni Alaiza! Winisikan niya ako ng blessing of the gays! Pero masaya ako na nagkagusto ako kay Ace at hindi ako nagsisisi.

Isa pa, mas madalas ko siyang nakikita sa malayo lalo na't tropa niya sina Chester at Harry at madalas hinihintay niya ang dalawa na matapos ang basketball practice para sabay sabay silang kumain.

Hindi na rin ako kinakausap ni Ace, at baka nakalimutan niya na din kung sino ako, pero okay lang. Alam ko magkakaroon ulit ng araw na makakausap ko siya.

At iyon na nga, ang araw na nakita ko siya sa school cafeteria na mag-isa at may binabasa na manga, at isang yaoi manga. Alam ko kung ano 'yun dahil kay Alaiza pero hindi ako nagbabasa noon. Pero dahil nakita ko na nagbabasa si Ace, napaisip ako na baka may chance ako sa kanya, dahil kung hilig niya 'yun, malamang, hindi malabo na magkagusto siya sa mga lalaki, sa isang tulad ko.

Nasa school cafeteria ako at katabi ko sina Alaiza at Joker ng mga oras na 'yun at minamanmanan ko si Ace.

"Alaiza, ano 'yung binabasa ni Ace?" tanong ko.

Sinilip ni Alaiza ang manga na binabasa ni Ace at niliitan niya pa ang mga mata niya para lang makita ang cover.

"Ahh, Bad Boy Musashi." sagot ni Alaiza.

"Nice! Tulungan mo ko." hirit ko kay Alaiza.

"Saan?" tanong niya.

"Sa kanya." sagot ko habang tinuturo ko si Ace.

"Oh em gi! Seryoso? Totoo 'to? Lucas? Ace captured your heart? Does it mean na nabuksan na ni Ace ang sinarado mong puso? Is this for real?" bulong ni Alaiza habang pataas nang pataas ang boses niya.

"Wag ka maingay! Gusto ko mapalapit sa kanya." sagot ko kay Alaiza.

"Hahaha! Gumana ang blessing of the gays ko sayo! I have the perfect plan for you, Lucas. And this is the best option para mapalapit ka kay Ace!" bulong ni Alaiza.

"Ano 'yun?" bulong ko naman at sobrang attentive ako dahil gusto ko malaman kung ano ang plano niya na magpapalapit sa akin kay Ace.

"Since Ace is a Fudanshi, I have the perfect bait. Makikipag trade ka sa kanya ng mga yaoi manga! And hindi ka lang makikipag trade! Babasahin mo ang mga manga na 'to mismo!" bulong ni Alaiza.

"Hindi ko kaya! Nakikita ko pa lang, puro mga kahalayan 'yung nandoon! Tapos dalawang lalaki pa!" bulong ko.

"No! You have to do it! If gusto mo magkaroon ng same interest with him, kailangan, makarelate ka sa kanya! Wait lang... don't tell me, hindi ka marunong manligaw? My God, Lucas, may mga naging G.F. ka and you don't know how to court?" bulong ni Alaiza.

"Hindi naman si Lucas ang nanliligaw. Siya nililigawan ng mga babae. Haha!" Hirit naman ni Joker.

"Ugggh! But gusto ko 'to since binabago ka ni Ace and you're changing for the better. I'll lend you some yaoi manga and you'll read it! Makikipag palitan ka sa kanya... today, right now!" bulong ni Alaiza.

"Ngayon? Hindi ko alam sasabihin ko! Isa pa hindi niya na ako natatandaan! Mamaya mapahiya lang ako!" sagot ko naman.

Hinila ako bigla ni Alaiza kaya napatayo ako at dinala niya ako sa pwesto ni Ace. Buti na lang at nakatalikod siya at naka focus siya sa pagbabasa kaya hindi niya kami napapansin.

Kaso, bigla akong tinulak ni Alaiza kaya muntikan na ako sumubsob at napahawak ako sa balikat ni Ace.

Shoot! Wala na atrasan 'to!

Napatingin sa akin si Ace at para siyang natulala, pero baka nagulat siya sa akin. Maya maya bigla siyang tumayo tapos para siyang may winawagayway sa hangin. May nakikita kaya siya na hindi ko nakikita?

Nagpakilala ako sa kanya at sinabi ko na makikipagpalitan ako sa kanya ng mga yaoi manga at gumana nga ang plano ni Alaiza! Kinakabahan ako ng mga oras na 'yun, pero dahil nakuha ko na ang attention ni Ace, hindi na kita papakawalan. Sa akin ka na ngayon, Ace. Haha!

Liligawan ko siya ng hindi niya napapansin at isang araw, makukuha ko din ang loob niya, kahit pa napakailap niya.

End of Chapter 21