Chereads / The Virgin Ghost / Chapter 1 - Prologue

The Virgin Ghost

🇵🇭JMGENARD
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Halos tumulo ang laway ko nang makita ko ang aking boyfriend na walang damit habang palabas ng banyo. Ang namumutok nitong 8 packs na pandesal at malalaking braso ay para bang hinihiptonismo ako at sinasabihan ako nito na, tikman mo ako.

Dalawa lang kami ng aking boyfriend dito sa kwarto niya at sigurado ako na walang iistorbo saamin kung sakali man na magsanib-pwersa ang aking kepitots at kanyang dragon.

Marahil sa init na nararamdaman ko ay daglian kong hinubad ang aking t-shirt at sinunod na tanggalin ang aking bra.

"Ano bang ginagawa mo, Teri? Nandito tayo sa kwarto ko para mag-bible study at hindi mag-sex kaya magbihis ka. Patawarin ka nawa ng Panginoon." Sabi ni Drake, boyfriend ko.

"Oo nga pala, kaylangan muna nating magdasal bago tayo magkainan. Rawr." Malanding tugon ko.

Nagulat ako nang biglang may ibinato si Drake saakin. Mabuti nalamang ay nasapo ko ito.

"Ayan ang rosaryo at magdasal ka para malinis yang madumi mong bunganga. Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo." Nandidiring tugon ni Drake.

Alam kong nagpapakipot lang si Drake sakin dahil nahihiya siya. "Hindi ka ba natatakam sa katawan ko, masarap kahit walang sauce."

"Gamitin mo yang rosaryo para magdasal at hindi para magsalita ng ganyan. Kilabutan ka, Teri. Kilabutan ka please." Anito bago magsuot ng damit.

------

Nasa kotse kaming dalawa ni Drake at kakatapos lang namin mag-celebrate ng aming 1st Anniversary.

"My loves, honey, baby, mahal, pangga, babe. Pwede na siguro tayong magjugjugan, tutal umabot na tayo ng one year." Wika ko rito habang kinakagat ang labi ko. Sabi kase nila ay mas nakakadagdag daw ng sex appeal ang pagkagat ng labi.

"Teri, alam mo naman na ayaw kong gawin yan diba. Nirerespeto kit--"

"Huwag mo akong respetuhin Drake.  Babuyin mo ang katawan ko. Yurakan mo ako." Sabi ko habang nakahawak sa batok ko na para bang isa akong model.

Napa-upo ako ng maayos nang makita ko na hinuhubad ni Drake ang kanyang Jacket. O shit! Ito na ba yon. Ngayon na ba ako mawawarak.

"Ito ang jacket ko. Suotin mo yan para hindi ka lamigin."

Bigla akong nawalan ng sigla nang marinig ko yon. Shuta na to. Paasa!

-----

"Drake, patulong naman ako dito sa washing machine. Na-stuck ako." Malanding sabi ko habang nakapasok ang kalahati ng katawan ko sa loob ng washing machine.

Hindi naman talaga ako na-stuck, gusto ko lang talaga ipakita ang matambok na pwet ko sa aking boyfriend. Tignan ko lang kung hindi ito matakam.

"Ano?!" Sigaw nito.

"Ang shabi ke, patulong ako reto. Help meee, boyfieee." Maarteng tugon ko.

Nakita ko ang pagsilip nito mula sa pintuan at agad din namang umalis. "Yaya, patulong daw si Teri roon at mukhang na-stuck."

Napataas naman ang kilay ko dahil doon. Shuta na iyan. Failed parin!

-----

Narito ako ngayon sa pasilyo nang makarinig ako ng mga yapak saaking likuran kaya habang nakatalikod ako ay malandi kong iginiling ang aking bewang. Baka si Drake na ito at bigla nalang akong barurutin. Oh, shit.

"Ay dyusmaryosep na bata ka! Ano ba yang ginagawa mo?"

Biglang nanigas ang aking katawan ng marinig ko ang boses na iyon.

Mabilis akong tumayo at tumingin sa pastor. "Sorry po father. Sumasayaw kase ako ng bagong trending na sayaw. Alam mo naman, sunod sa uso." Palusot ko rito.

Sinuri pa ako nito, na para bang hindi siya naniniwala sa aking palusot. "Kung ano mang kabastusan yang iniisip mo. Mawalang-galang na, nasa simbahan tayo kaya itigil mo yan." Litanyan ng pastor.

"Syempre naman po. Hindi naman po kase ako bastos, slight lang. Hehehe."

------

Ako nga pala si Teri Petpek at isa akong birhen. Never been touched and never been tasted at si Drake Herillo naman ang aking long-time boyfriend.

Sa twenty-six years ko rito sa mundo ay never ko pang naranasan na paulanan ng katas, barurutin o kahit sakyan man lang.

Akala ko pa naman ay si Drake na ang wawarak sa malungkot kong kepitots, ang kaso ay umasa lang ako sa wala. Loyal pa naman ako sakanya simula nung mga teenager palang kami. Pasalamat siya at mahal ko siya dahil kung hindi, baka kahit lalakeng kanto ay pinatos ko na para lang mawala na itong pagka-birhen ko.

Daig pa ng boyfriend ko si Maria Clara sa pagiging conservative. Masyado siyang relihiyoso at ayaw niya akong galawin hangga't hindi pa kami kinakasal. Ang sabi ko nga sakanya ay magpakasal na kami para matikman ko narin sa wakas ang malaking dragon na tinatago niya kaso ang tanging sagot lang nito saakin ay, "Huwag nating madaliin ang mga bagay-bagay."

-----

Kaya kayong mga palamunin diyan sa bahay at nagbabasa nito, inuutusan ko kayong samahan akong lakbayin ang aking buhay at alamin kung paano hinarap ng aking kepitots na tila lantang gulay dahil never pang nadiligan, ang mga pagsubok ng aking buhay.