Chereads / Young Billionaire's Possession / Chapter 11 - CHAPTER 11 – Tita Zyra

Chapter 11 - CHAPTER 11 – Tita Zyra

Elle's POV

I had a good sleep last night and a good morning as well. Ikaw ba naman magising katabi ang taong mahal mo bakit hindi maging maganda ang umaga mo di ba?

Tinitigan ko lang ang mukha nyang natutulog at dahil nagsawa na akong tumitig lang ay hinimas ang pisnge nito at ang talukap ng mata hanggang sa laruin ko ang pilik mata nyang daig pa babae sa haba. Brinush ko lang ito daliri ko. Ilang saglit lang ay nagising na si Aiden dahil bigla nitong hinawakan ang kamay kong nasa pisnge nya.

Dumilat naman sya at tumingin sa akin.

"Good morning, love" sabi nya habang nakangiti at bigla akong hinalikan ng saglit lang

"Yuck, kadiri ka love, hindi pa tayo nagt-toothbrush eh" nakanguso kong sabi

"hahaha, I don't care if hindi ka pa nagtotoothbrush love, ikaw naman yan eh. Where's my good morning na?"

"Haha just kidding love, di naman ako maarte haha. Good morning din sayo love" sabi ko at hinalikan din sya kaya naman lumapad lalo ang ngiti ng loko

"Ang saya ng ganito love, ang sarap ng tulog ko tapos ang ganda pa ng umaga ko kasi yung taong mahal ko ang unang makikita ko pagdilat ng mga mata ko. Bakit hindi pa tayo magsama love? Doon na lang tayo sa condo ko or kahit ako ang lumipat dito, or kahit saan mo gusto, kahit bumili pa tayo ng bagong bahay"

"Ahm pag isipan ko muna love huh? Para kasing masyadong mabilis, don't you think so?"

"Ok love, I understand. I'll wait. But I don't think so na masyadong mabilis. Love, kung masusunod lang ako, I want to marry you anytime soon but I know hindi ka papayag pa. I really love you, and I can't imagine myself having a family with another woman. All I want is you, love. I want to marry you soon para mapanatag ako na hindi ka na mawawala sakin. Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang asawa ko." Seryosong sabi nya

Para namang may tumusok sa puso ko, kung wala lang akong dapat gawin, siguro ay papayag ako sa gusto nya dahil mahal ko rin sya at tulad nya hindi ko rin makita sarili ko having a family with another man. But this is not the right time, I just can't say the truth right now besides, he's facing a serious problem in his company, ayokong dumagdag talaga. Kung magsasama kami sa isang bahay, I know kahit dun ay mahahati ang oras nya just to entertain me in our home.

"Love, listen to me" seryosong sabi ko habang nakatitig sa mata nya

"Papayag ako na magsama tayo sa isang bahay once na naayos mo na ang problema mo sa company. Ayaw ko lang dumagdag sa problema mo, ayaw kong mas mahati pa lalo ang oras mo sa company at sa akin. Mas mahalaga na maayos mo ang problema dahil maaapektuhan nun ang company, believe me. I really want to but this is not the right time. Let's plan for our relationship after the problems you are facing, do you understand?" Seryosong sabi ko

"sigh, ok love. I understand and I promise I will solve the problems soon"

Tumango naman ako sa kanya niyakap nya

"let's get up na love. Magluluto pa ako ng breakfast natin and may work pa tayo" sabi ko at bumangon na

Bumangon na rin naman sya at sumunod sa akin sa kusina

Nagsimula na ako magluto ng simpleng meal

.

.

.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na rim si Aiden para umuwi sa condo nya at mahanda for work at ganun din ako

Nandito na ako ngayon sa office ko at binabasa ang mga papers na need papirmahan kay Ms. Mirabelles ng biglang may kumatok at niluwa ng pinto si Candice na mukhang iritang irita

"what happened to you gurl? You look so pissed" nakakunot noo kong tanong

"There's a b*tch looking for you gurl, gosh nakakasira ng araw. Nagpupumilit na makita ka. She's your friend daw. Gurl, kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan na b*tch?" inis na tanong nya

"Since I became friends with you?" inosente kong sagot

"Argh, Elle! Kung b*tch ako, mas b*tch ka you know?" iritang sabi nya kaya naman natawa ako dito

"Easy there gurl. I don't know who's you're talking about. You know naman na wala akong ibang kaibigan kundi ikaw, so I don't have a clue kung sino man yang sumira ng araw mo. Nasaan ba sya?"

"Nandun sa meeting room, doon ko dinala muna" inis pa rin nyang sabi

"sige, puntahan ko na lang doon. Kalma ka na, let's have a lunch sa favorite place natin" sabi ko sabay kindat sa kanya at bigla naman umiwalas ang mukha nito at ngumiti sakin

"Really?" kumikislap mata nyang tanong

"Oo, tapusin mo na yung mga dapat mong tapusin ngayong umaga, puntahan ko lang ang bisita ko kamo" pagkabanggit ko ng bisita ay umasim na naman ang mukha nito

"Baka bwisita kamo" inis na sabi nito

"Hayaan mo na sya, syado mo sinisira umaga at beauty mo" natatawa kong sabi sa kanya

"Sige na puntahan mo yung b*tch na yun, tatapusin ko na work ko"

Umalis naman na sya at ako naman ay inayos ko lang ang papers at nagpunta na ako sa meeting room

Pagpasok ko sa meeting room ay nakita ko naman ang isang babae na nakatalikod sa akin

"Erhm, miss?" alanganing tawag ko sa kanya

Humarap sya sakin at bumungad sakin sino nga ba to?

Nica?

Rica?

Aist basta anak ni Mr. Charles

"Elle! I missed you, sis. Naalala mo pa ba ako?" nakangiti nyang sabi

"Yes, ofcourse" sabi ko at nginitian sya

"so, what are you doing here in our company?" Tanong ko

"Nothing, I just wanna visit you. Am I now allowed?" nakakunot noo nyang tanong

"Ah, of course not. I just, you know did not expect you to visit me in my workplace and besides we did not meet again after that incident hehe" sabi ko at kinamot ang batok

"Oh, I'm really sorry about that day again. Well, the reason I'm here is that I want your help"

"what kind of help?" kunot noo kong tanong

"My dad wants me to work in another company so I can work in different environment beside of our company. That's how he want to train and I really don't want it" sabi nyang parang pinag bagsakan ng langit

"maybe he just want to adapt different types of environment and meet people. Maybe he thinks that if you work in his company, the employees will treat you different and that will not help your training" pagpapaliwanag ko

"But…"

"so, what help are you really gonna ask from me?" pagpuputol ko sa kanya

"Can I work here?" medyo nabigla naman ako sa tanong nya dahil hindi ko inexpect na gugustuhin nyang magtrabaho dito

"I'm not really the one to decide on that, maybe you should pass your resume in HR department and if we have a vacant right now"

"Is that so?" nawala naman ang ngiti nito at may binulong "tsk I thought mapapadali plano ko, pero wala rin pa syang kwenta"

"Are you saying something, Mikka?"

Now ko lang naalala ang pangalan sa tagal ng pagiisip ko habang nag uusap kami

"Ah, nothing. Just mumbling nonsense" sabi nya at ngumiti sakin

"I'll notify the HR head, so just submit your resume tomorrow, okay? They'll decide if you're hired"

"Sure, thank you Elle"

"No problem. Ahm, I should go back to work now, I have things to check on"

"Oh, wait. Is the b*tch girl assisted me here is your assistant?"

"Watch your words when you're here Ms. Charles especially if when talking about my bestfriend. And yes she's my assistant" seryosong sabi ko sa kanya

Mukha namang hindi nya inexpect na sasabihan ko sya ng ganun

"Oops, sorry, my bad" sabi nya sabay takip ng kamay nya na daliri lang ang nakadikit sa labi

At bumulong ito na narinig ko unlike nung kanina

"Secretary's assistant huh? Damn this girl, too lucky to have an assistant when she's just an assistant also" bulong nya

"If you'll continue that attitude of yours, I'm telling you, you will not be welcome here. All of the employees we have are all well behave" sabi ko sa kanya at tinalikuran sya

Nang nasa pinto na ako ay huminto ako at humarap sa kanya, nahuli ko naman syang masama ang tingin sa akin pero bigla rin nawala ng makita nyang paharap ako sa kanya. Too late dear, even the first time we met, I already know your true colors

"And a piece of advice, work hard for what you want, earn for it. You can't always get what you want just because you have money or background. Sometimes, your sincerity and good intentions are the only key" sabi ko at tuluyan na akong lumabas meeting room at bumalik sa office ko

Pagpasok ko sa office ko ay syang pasok din naman ni Candice

"So sino yun?" nakataas kilay nyang tanong sakin

"Daughter of Mr. Charles" simpleng sagot ko

Mukha namang nagulat sya

"I knew it, itsura at ugali pa lang nya alam ko ng mula sa mayamang pamilya pero hindi ko inexpect na anak sya ng CEO ng Charles' Inc."

"Same here" tipid na sagot ko

"Kailan pa kayo naging magkaibigan aber?" tanong nya at tinaasan ako ng isang kilay habang naka cross arms

"The day before my birthday, remember may dinner date ako with my boyfriend, bumili ako ng dress and nagcheck na rin ng stores, then I met her there when she purposely bumped into me and spilling her orange juice"

"But you still make friends with her?! My gosh gurl, are you insane?" inis nyang react

"O.A? of course not, I will never make friends with someone like her, I just want to figure out why she wants from me when she intentionally bumped into me, I saw her smirk that time not only once. She's a pretentious b*tch"

"Good, I don't really like her but wait, did you just say, boyfriend? Did you already say yes to your suitor?" tanong nya habang nanlalaki ang mata nya

"Ahh yes, nung birthday ko?"

"At ngayon mo lang sinabi sakin? It's been a week girl! Dapat i-celebrate natin yan! Ni minsan hindi kita nakitang nagpaligaw at nagkaboyfriend tapos ngayon meron ka ng boyfriend, ahhhhh!" tili nya at napailing na lang ako sa kanya

"Stop it, Candice. Para kang ewan haha"

"So, sino ba yan? You promised me na ipapakilala mo na sakin ang manliligaw mo kapag kayo na"

"Soon gurl, masyado lang syang madaming iniisip sa work ngayon kaya ayokong istorbohin sya. I'll let you meet him soon, just wait, ok?"

"Hmmm, fine fine. Mabalik tayo, so ano naman ang pinag-usapan nyo ng b*tch na yun?"

"She asked for my help, you know her father wants her to start to work or more likely training for her to manage their business soon."

"That girl? Hahaha. Anong alam nya sa pagmamanage ng company? Eh sa tingin ko ang alam lang nya ay maglagas ng pera ng kumpanya nila hahaha"

"And hindi ka nagkakamali dyan, pinagyabang nya sa akin na she doesn't need to work but now she's asking me if she can work here because her father don't her to work at their company"

"What?! No way! Ayokong makita araw araw ang pagmumukha ng babaeng yun!" inis na sabi nya

"Don't worry, sinabi ko naman sa kanya na I just can't let her work here easily. We have rules and HR Department is the one assigned for hiring. She will submit her resume tomorrow but don't worry, I know HR will not let her, we have high standard her you know that, and she doesn't have any experience. Her family status will not help her to get thru." Sabi ko at ngitian sya for assurance

"Sigh, that's a relief. I just can't imagine her working here and making my day ruined daily."

"Hahaha. Change topic, are you done with the reports?"

"Ahh, yes. Buti pinaalala mo, yun talaga sadya ko dito."

"Hmm, then I guess we're ready to go for lunch?" nakangiti kong sabi

"Omo! Of course, yahhh. Let's go, let's go" excited nyang sabi at tsaka lumabas ng office ko

Kinuha ko naman na ang bag ko at lumabas na. Naabutan ko naman syang hawak na rin ang bag nya. Isang oras din ang magiging byahe naman papunta sa lugar na yun

Sumakay na kami ng elevator pababa at pagdating naming sa parking ay sumakay na kami sa kotse ko. Eto na lang ang gagamitin para tipid sa gas kung maghihiwalay pa kami.

Isang oras ay nakarating na nga kami, nandito na kami ngayon pababa ng kotse

"Wahhhh namiss ko dito, namiss ko rin yung lamig ng simoy ng hangin hihi. Kailan ba tayo huling nagpunta dito sa Tagaytay huh gurl?" sabi nya pagkababa naming at dinadamdam ang simoy ng hangin habang nauunat ng kamay pataas

Yes, nasa Tagaytay kami, isa sa favorite place na puntahan naming lalo na ang bulaluhan dito. Nandito kami ngayon sa isang sikat na bulaluhan na kung saan ang paligid nito ay napapaligiran din ng mga bulaklak at kitang kita rin dito ang Bulkang Taal kaya naman mas sumikat ito dahil na rin sa view dito pero talagang masarap naman talaga ang pagkakatimpla nila sa bulalo nila.

Pagpasok naming ay binati kami ng nasa front desk

"Good afternoon, Ms. Elle, Ms. Candice" sabi nya at yumuko ng konti

"Good afternoon din, Kyla" sabi ko at nginitian sya

Kilala kami dito dahil madalas kaming nagpupunta dito at dahil na rin naging malapit kami sa may-ari ng Bulaluhan. Nang maliit pa lamang kasi ito at kakaunti ang kumakain ay isa kami sa suki na rin nito and that time sya pa ang nag aasikaso rin ng mga customers kaya naman madalas din naming sya nakakakwentuhan. Middle-aged woman ang may-ari nito.

"Please allow me to assist you to your seat" sabi naman nya at nagsimula ng maglakad kaya sumunod kami dito. Dinala naman nya kami may labas dahil doon ang favorite spot naming dahil maaliwalas dito at kitang kita ang taal.

Buti na lamang ay kakatapos lang ng kumain ng naka pwesto doon kaya naman nililinis na ito, at pagkatapos na linisin ay naupo na kami

"Are you gonna order the same menu, Ms. Elle?" tanong ni Kyla

"Yes, please. Thank you"

"Please wait for a while" sabi nito habang nakangiti at umalis na

Ilang saglit lang ay may tumawag sa pangalan namin habang pinagmamasdan naming ang paligid

"Elle! Candice!" masayang tawag samin nito kaya naman napatingin kami dito at nakita naming si Tita Zyra, ang may-ari ng Bulaluhan na ito

"Tita Zyra!" sabay na tawag naming ni Candice at sabay na napatayo rin

Pagkalapit nito ay niyakap naman nya kami

"Namiss ko kayong dalawa, bakit ngayon lang kayo naligaw ulit dito huh?" nakangiti nitong sabi

"Naging busy lang sa work tita, you know naman haha" sabi ko

"Naku, Tita Zyra, wag ka maniwala dyan, busy yan sa manliligaw nya este boyfriend na pala nya ngayon haha" sabi ni Candice

"Really? May boyfriend ka na Elle? Wahhh dalaga na ang Elle namin" sabi ni Tita Zyra

"Tita naman, matagal na akong dalaga haha" natatawa kong sabi

"Akala naming ay wala ka ng balak magboyfriend, puro trabaho kasi inaatupag mo. So, sino naman ang malas na lalaking yan huh?" pagbibiro nito

"Makamalas ka naman Tita hahaha. Secret pa muna tita, soon papakilala ko sya sayo" nakangiti kong sabi dito

"Naku tita, kahit sa akin ay ayaw pa ipakilala ang misteryosong boyfriend nyan. Alam mo bang araw araw nagpapadala ng bulaklak yun nung nanliligaw pa sya kay Elle. Nagiging flower shop na nga ang office nyan hahaha" sabi ni Candice, napailing naman ako sa kadaldalan nito

"I'm happy for you Elle, sana lang ay hindi ka saktan nyan huh. Naku, lagot samin ni Candice yun kapag sinaktan ka"

"Don't worry Tita, mas lagot sya sakin haha, alam nyo kung gaano ako gumanti" nakangisi kong sabi at napatingin naman kay Candice

"Geez, oo nga tita, alam mo naman ginawa nyan sa ex-boyfriend ko di ba?"

"Hmm naalala ko nga, grabe ka talaga dun Elle pero he deserved it. Anyway, maupo na muna tayo habang nagkekwentuhan at hinihintay ang pagkain nyo

"Bat nga pala lumabas ka pa ng office mo Tita, alam ko naming busy ka, di ka na nag-abala" sabi ko sa kanya

"Naku, wala yun. Ngayon ko na nga lang kayo nakita ulit eh" sabi nito

"Bakit di ka sumabay samin maglunch Tita" sabi ni Candice

"Yeah, that's great idea, for sure hindi ka pa rin kumakain and madami naman yung inorder namin" sabi ko naman

"Fine then" sabi nito habang nakangiti pa rin sa amin

Nagkwentuhan lang kami at kamustahan hanggang sa dumating na ang pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain habang hindi pa rin natatapos ang usapan namin.