Chereads / Young Billionaire's Possession / Chapter 3 - Chapter 3 – I Like Her

Chapter 3 - Chapter 3 – I Like Her

Kris' POV

Thursday na and hapon na kami natapos ni Grandma sa bonding namin dito sa mansion, at ngayon napag utusan pa akong mamitas ng mga Sunflower dahil palanta na ang mga naka display nya dito. Wala naman ako magagawa kaya papunta ako ngayon sa farm at nakabihis pang hardenero.

Ala singko mahigit na ng hapon ng dumating ako sa farm at dumeretso na ako sa sunflower field pagkatapos ko kunin ang mga gamit. Pagdating ko dun ay may napansin akong babae na nakaupo di kalayuan na nakatulalang nakatitig sa mga bulaklak at palubog na araw. Di ko na sya pinagtuunan ng pansin at sinimulang pumutol ng bulaklak.

Ilang minuto lang ang lumipas ay naramdaman kong may papalapit sakin ngunit di ko ito pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Hi! Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita dito sa farm" sabi ng taong lumapit na sa tingin ko ay yung babaeng nakita ko kanina ito dahil sa boses at dahil wala naman iabng tao dito ngayon kundi kaming dalawa lang

"Oo, kahapon lang ako dumating dito" mahinang sagot ko nang hindi pa rin tumitingin kanya at pinagpapatuloy pa rin ang paggupit sa tangkay ng bulaklak

"Buti naman may bago ng makakatulong si Lola Flora dito. Elle nga pala" sabi nya at nakita kong inabot ang kamay para makipag handshake

Binitawan ko muna ang gunting at inalis ang gloves na suot at tumayo. Pagharap ko ay pawang nagulat sya ng makita ako. Nakikilala nya ba ako?

"I'm Kris, nice to meet you" sagot ko at kinuha ang kamay nya para makipag shake hands pero nakatulala pa rin syang nakatingin sa mukha ko, ilang segundo pa ng matauhan ito.

"Ano nga ulit yun?" tanong nya sakin

"I said, I'm Kris. Nice to meet you" ulit kong pagpapakilala at medyo ngumiti kaya medyo napatulala na naman sya, ganun ba ako kagwapo para ilang ulit na mapatulala ang babaeng ito? Pero aaminin ko, maganda sya kahit napaka simple ng ayos nya.

Di ko namalayang nakatitig na rin ako sa mukha nya at inaaral ito. Hindi ko namalayang nakabawi na pala sya sa pagkakatula at binabawi ang kamay nyang kanina ko pa hawak sa pagkaka shakehands namin.

"ahm yung kamay ko hehe" natauhan naman ako kaya binitawan ko na ang kamay nya at napaiwas ng tingin

"ahh sorry" sabay hawak sa batok ko

"ano nga pala ginagawa mo? May umorder ban yang mga pinipitas mo?" tanong nya sakin ng hindi na tumitingin

"ahm oo" sagot ko kahit hindi naman talaga para sa order to, ewan ko ba, siguroy ayokong aminin din na apo ako ni Grandma at para sa kanya ito.

"nga pala, anong ginagawa mo dito? Tsaka close ka ba kay Lola Flora? Lola rin kasi tawag mo" tanong ko sa kanya

"oo, sayang nga wala sya ngayon, baka di ko sya makita this month kasi uuwi na ako sa susunod na araw"

"hindi ka taga-rito?" takang tanong ko

"hindi, dumadalaw lang ako dito kapag may time"

"taga san ka ba?" tanong ko dahil nacurious na may malaman tungkol sa kanya and its so unusual of me

"sa Makati ako nakatira ngayon, nandun kasi ang trabaho ko. Sya, ako'y aalis na, at baka mapagalitan ka pa kapag di mo agad natapos yan. Babalik ako dito bukas, sana makita kita at makakwentuhan ko ulit, sawa na ako sa ibang tao ni Lola Flora dito, buti na lang may bago haha, biro lang. Sige na, bye kuya, nice meeting you" sabay takbo nya

Napakunot naman ang noo ko, anong akala nya sakin malaki ang agwat sa edad nya? Pero ngayon ko lang narealize ang pangalan nya ay parehas ng pangalan na kinekwento ni Grandma. Hindi kaya sya yung babaeng yun. Parehas ding Makati nagtatrabaho pati ang pagkakadescribe ng itsura nito ay parehas

Makwento na lang mamaya kay Grandma, for sure matutuwa yun na nandito ulit ang isa sa paborito nyang tao. Sinabi naman nito na babalik sya bukas.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkuha ng mga sunflower para makauwi na dahil padilim na rin.

.

.

.

"Grandma, nandito na po ako" bungad ko pagpasok sa mansion at nakita ko syang nakaupo sa sofa habang nanonood sa sala

"Oh buti naman nakabalik ka na, nasa ang mga pinapakuha kong bulaklak?"

"nandun pa sa kotse Grandma, ipapakuha ko na lang para maiayos na nila" sagot ko sa tanong nya

"nga pala, Grandma. Elle ang pangalan ng kinukwento mo di ba" ako naman ang nagtanong ngayon

"Oo apo, bakit? Interesado ka na talaga sa kanya? Haha" nakangiting sagot nya

"Grandma naman ayan ka na naman. May nakilala ako kanina sa farm habang pinipitas ang mga bulaklak mo. Lumapit sya sakin at nagpakilala, Elle daw at mukhang close sa inyo dahil Lola Flora ang tawag sayo. Sa tingin ko ay sya nga yun dahil parehas ng pangalan"

Bigla naman napatayo si Grandma at sumilay ang masayang ngiti na abot hanggang mata na minsan ko lang makita sa kanyan

"Talaga??? Anong sabi nya? Babalik daw ba sya bukas? Hala baka sinabi ng mga tauhan ko na hindi ako babalik doon dahil na dito ka. Namimiss ko pa naman ang batang yun" tanong at sabi nyana biglang nagpalungkot sa kanya isipin lamang na di nya makikita ngayong buwan ang babae.

"Don't be sad Grandma, she said she'll come back tomorrow" I smiled to her for assurance

"Really? Then we should really go to the farm tomorrow, I'll introduce you to her as my apo"

"No need Grandma, she thought I'm one of your hardenero haha. I'll introduce myself next time properly. Just enjoy your bonding tomorrow, don't mind me" sabay ngiti ko sa kanya

"if that's what you want pero nakakatakang di ka nya nakilala sa mukha mo? The Top 3 Billionaire man in the world, hindi nakilala ng isang assistant ng CEO?"

"I'm also curious about that Grandma, but anyway, she's beautiful just like what you described yesterday"

"You like her apo?" mapanuksong sabi at ngiti ni Grandma

"I just praised her looks Grandma, let things go smoothly" makahulugan ko ring sabi

I don't know, maybe I like her dahil na rin nakikita ko masaya sa kanya si Grandma plus mabait sya at nararamdaman ko ito kanina ng makausap sya. She's fun to be with kahit maikli lang pag uusap namin. But no hindi pwede to, hindi ako pwede madistract, I need to focus on my company first. Destiny na ang bahala, di naman ako nagmamadali.

"Basta ako apo, I like her for you, if ever man na magustuhan mo sya, ako ang unang susuporta sa inyo. 25 years old ka na apo pero ni isa di ka man lang nagka girlfriend. Mag 24 years old naman yun si Elle next month, kaya bagay lang din kayo" nakangiting sabi ni Grandma.

"Hayaan mo Grandma kung may mabuo man feelings sakin, ikaw una kong sasabihan haha" pagbibiro ko sa kanya

"Siguraduhin mo lang apo, kahit malayo ang estado natin sa estado ng buhay ni Elle ay naisigurado kong hindi naman sya katulad ng ibang babae na kayamanan mo o natin ang habol" seryosong sabi ni Grandma

"Opo Grandma, matulog na po tayo at paniguradong maaga tayo bukas dahil sa excitement mong abangan si Elle"

"Ako pa raw, baka naman ikaw apo" malokong sabi at may ngiti pang kasama

"Oo na lang Grandma, sige na. Goodnight po" sabay halik sa ulo nya

.

.

.

Kinabukasan…

.

.

.

Maaga kami nagpunta sa Sunflora Farm dahil na rin gusting ipaghanda ni Grandma si Elle para kapag dumating ito ay may makakain ito dahil inaasahan ni Grandma na bago magtanghalian ito pupunta dahil yun na rin ang nakasayan nila na minsan ay lumalabas silang dalawa upang kumain ng tanghalian sa labas.

Napag usapan na rin namin ni Grandma na magpanggap syang apu-apuhan lang nya ako kaya naman close kami. Tinanong pa nya ako kung anong balak ko pero ako na ang bahala sabi ko.

Alas onse na mahigit at ako ang tumao muna sa entrance desk upang makapagtanghalian ang bantay dito nang may dumating na isang kotse at pumarada malapit sa entrance. Pagbaba ng sakay nito ay bumungad sakin ang babaeng kanina ko pa hinihintay.

I mean hinihintay pala ni Grandma.

Pagkalapit nya sa pwesto ko ay ngumiti sya.

"Hi Kuya! Bakit ikaw ang nakabantay dito? Nasan si Ellaine?" bungad nyang tanong

"Goodmorning!" nakangiti kong bati sa kanya

"Ako muna pumalit sa kanya, kumakain kasi sya. Tsaka wag mo na ako i-kuya, di naman nagkakalayo edad natin"

"Ahh kaya pala, pano mo nalaman edad ko?" takang tanong nya at narealize kong si Grandma ng apala nagsabi ng edad nya

"Ah ano, hula ko lang hehe, tsaka mukha naman sayong bata ka pa at magka age lang tayo. I'm 25 years old, ikaw?" pagdadahilan ko

"Mag 24 pa lang ako next month. Di nga nagkakalayo edad natin, sige I'll call you Kris na lang" nakangiti nyang sabi

"Nga pala, nandyan na ba si Lola Flora? Or baka next week pa nga sya bumalik tulad ng sabi ni Ellaine kahapon?" sunod na tanong nya

"Nandyan na si Gra—I mean Lola Flora, kanina ka pa nga hinihintay kasi nabanggit kita kahapon sa kanya nalaman ko kasing close ka pala talaga sa kanya at monthly ka nandito" nakangiti kong sabi sa kanya

"Ahhh buti naman, buti na lang bumalik ako ngayon… para makita ka" sabi nya at may binulong na di ko narinig

"Tara samahan na kita papunta kay Lola Flora, pabalik na rin naman sigurado si Ellaine dito"

"Sure" sabay ngiti nyang mas nakakapang akit sakin. Aist ano bang sinasabi ko, no bawal maakit nga di ba Kris.

Nauna na akong naglakad sa kanya papunta sa rest house ni Grandma dito sa loob ng farm para i-guide sya kung nasaan ngayon si Grandma though I know na no need na syang samahan dahil for sure ay alam na nya ang pasikot sikot dito.

Ilang minuto lang ay malapit na kami sa rest house at nakita ko si Grandma na nakaupo sa bench sa labas na halatang hinihintay si Elle. Nang makita nya kami ay tumayo sya at ngumiti ng pagkalaki laki. Pagkalapit naming ay niyakap nya agad si Elle.

"Finally, you're here Elle. I missed you so much. Akala ko ay di kita makikita this month dahil wala ako kahapon ng magpunta ka. Buti na lang ay sinabi ni Kris na nandito ka kahapon at sinabing babalik ka ngayon" masayang sabi ni Grandma, kitang kita ko kung gaano sya kasaya na nandito si Elle at talagang malapit na sila sa isa't isa, kung sakali man ay di na ako mahihirapan paglapitin sila

Ano ba naman yang iniisip mo Kris. Kakakilala mo lang kay Elle kung ano ano na agad sinasabi mo.

"I missed you too Lola Flora. Same here, I thought, di ko makikita ang maganda kong lola haha" nakangiting sabi ni Elle na mas lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko, napakagandang silayan ng mga ngiti nya. This is the first time na maramdaman ko ito.

"Nambola ka pang bata ka. Tara na sa loob at kumain ng tanghalian, nagpahanda ako ng pagkain natin para hindi na tayo lumabas tulad ng nakasanayan natin." Nakangiti nyang sabi at tumingin sakin

"Bat di ka sumabay samin Kris? Nandito ka na rin naman" sabi nya sakin at pawang ang sinasabi ng mata nya ay wag akong tatanggi dahil pinagbigyan na nya ang gusto ko na hindi sabihin kay Elle na apo nya ako.

"Nakakahiya man po sa inyo ay di po ako tatanggi sa grasya haha" natatawa kong sabi kaya naman pumasok na rin kami sa loob

Nang makaupo na kami ay nagsimula na kaming kumain ng biglang magsalita si Grandma

"Kamusta ka naman Elle? May boyfriend ka na ba ngayon?" tanong ni Grandma tas tumingin sakin, pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko at napanggap na hindi nakikinig

"Naku lola, ayos lang ako, tulad pa rin ng dati busy sa work dahil sakin inaatas ang mga trabaho ng boss ko. Tsaka wala po ako oras mag boyfriend sa ngayon, mapagalitan pa ako ng boss kapag nagkakaroon na ng kahati sa oras ang trabaho ko haha"

"Parehas kayo ng apo ko, masyadong subsob sa trabaho kaya hindi pa magkaroon ng karelasyon" sabi ni Grandma na nagpasamid sakin kaya naman napatingin sila sakin

"Ayos ka lang Kris?" tanong ni Grandma at ng tumingin ako sa kanya ay may pinapahiwatig ang mga mata nya

"Opo ayos lang ako, may naalala lang" sagot ko

"Sino naalala mo? Girlfriend mo?" tanong ni Grandma at ngumiti ng makahulugan

"Wala ho akong girlfriend lola" sabay kamot sa batok ko

"Ganun ba, bat di mo kaya ligawan itong si Elle. Bagay naman kayong dalawa"

"Lola Flora naman" nahihiyang sabi ni Elle

"Biro lang haha, wag kayong mailang. Sige na kumain na kayo. Pagkatapos nating kumain Elle, punta tayo sa mga bulaklak at mamili ng mga gagawin nating bouquet"

"Sure po Lola Flora"

"Sigurado mauunang maubos na naman ang mga gagawin mo kapag dinisplay na sa shop ang mga bouquet. Bakit hindi ka magtayo ng sarili mong Flower Shop Elle? Tutal napakagaling mo mag arrange and style ng mga bulaklak"

"Mag-iipon muna ako lola at kapag may sapat na ipon na ako ay aalis na ako sa trabaho ko para simulan ang Flower Shop ko. Sayo ako kukuha Lola huh, yung discount ko haha" pagbibiro ni Elle

"Oo naman, ikaw pa ba napakalakas mo sa akin. Susuportahan ko yang shop mo. Ilang taon ka na ba sa trabaho mo at di ka pa nakakaipon?"

"Hmmm mag apat na taon na po ako sa trabaho ko, at sa awa ng Diyos ay matatapos ko na rin bayaran yung binili ko pong condo na tinitirhan ko ngayon. Kakatapos ko lang din po kasi bayaran ang kotse ko at tumutulong ako sa pag-aayos ng Guardians' Home" nakangiting sagot ni Elle

"Napakabait mo talagang bata ka, imbis na unahin mo ang sarili mong pangangailangan ay mas inuna mo pang tumulong sa iba" natutuwang sabi sa kanya ni Grandma, kitang kita rin ang pagkamangha para sa kabaitan at kasipagan ni Elle

"Naku, maliit na tulong lang po yun para sa bahay apunan na tumanggap sakin noon. Kung hindi dahil sa kanila ay wala na ako ngayon. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi sila ang unang pamilya ko. Sa kanila ako nagka-isip." Mukha namang nagulat si Grandma sa sinabi ni Elle

"Ngayon ko lang nalaman yan sa tagal nating nagbobonding Elle. Hindi ko alam na…" malungkot na saad ni Grandma na pinutol naman sya ni Elle

"Wag nyo na po intindihin yun Lola. Wala naman po sakin na sa bahay ampunan ako nagkaisip. May umampon naman po sakin at mababait po sila, pinuno nila ng pagmamahal ang puso ko. Binigay ang lahat ng kaya nila yun nga lang po ay maaga silang kinuha sakin" malungkot na kwento ni Elle

"Sorry to hear that Elle" malungkot na sabi ni Grandma

"It's okay po" nakangiting sabi ni Elle "It's been 1 year since they left me, in fact their death anniversary is tomorrow. Kaya uuwi rin po ako agad bukas para dalawin sila. Nagpunta lang ako dito para bisitahin din ang mga alaala naming magkakasama at pano nagsimula ang buhay ko bilang ako ngayon" nakangiting kwento ni Elle pero kita ko sa mga mata nya ang lungkot at pangungulila sa mga mata nya

Kita ko rin sa mata ni Grandma ang awa sa mata nya para kay Elle kahit ako ay naaawa sa kanya. Sa kabila ng mga magagandang ngiti nya ay puno ng lungkot at pangungulila sa mga tumayong magulang nya. Tumayo ako at lumapit sa kanya dahil ang pwesto naming ang magkaharap sa hapagkainan

"Just let it out Elle, di mo kailangang magpanggap na ok ka" sabi ko habang hinahagod ang likod nya

Mga ilang segundo lang ay nagsimula na syang humikbi hanggang sa tuluyan ng umagos ang mga luha nyang kanina pa nakatago. Yinakap ko naman sya sa likod nya upang malaman nya na may karamay sya

"Shhh it's okay. Everything happens for a reason. It may still hurt today but someday you'll be able to accept the fact. Always remember they're just up there, watching you here. I'm sure they doesn't want you to be sad and crying like this. You need to be strong for them, okay?" tumango tango naman sya at maya maya lang ay kumalma na sya

"I'm sorry nagdrama pa ako sa harap ng pagkain haha" natatawa nyang sabi habang mugto ang mata, pinunasan ko naman ang mga natira pang luha sa mukha nya kaya naman napatitig din ako sa magaganda nyang mata at ganun din naman sya. Kapwa natauhan lang kami parehas ng tumikhim si Grandma, ano ba yan panira ng moment si Grandma eh

"Mamaya na yang titigan nyo, tapusin na muna natin ang pagkain haha" mapanuksong saad samin ni Grandma kaya naman napayuko si Elle at nagblush haha ang ganda nya talaga

"Sorry Elle kung natanong ko pa, pero ayos na rin mukhang may nabubuo dahil sa pagkakatanong ko haha" pang aasar na naman ni Grandma kaya naman nagblush na naman si Elle at umiwas naman ako ng tingin

"Biro lang, kayong mga bata kayo ang bilis nyo mahiya haha. Sige na tapusin na ang pagkain para makapagsimula ng mamili ng mga bulaklak"