Nasa byahe si Elle patungo sa Rizal kung saan sya lumaki, sa isang bahay-ampunan sa isang maliit na paraisong bayan, ang Jala-jala. Madalas bumisita rito si Elle lalo na kung wala masyadong gawain sa opisina. Ilang buwan na rin syang madalas na nagpapalagi nang dalawa hanggang apat na araw sa lugar na ito sapagkat wala naman problemang kinakaharap ang kumpanyang pinapasukan.
Dalawang oras lamang ang naging byahe ni Elle mula Makati hanggang Jala-jala, Rizal. Pagkarating nya ay nag check-in na sya sa pinareserve nyang kwarto sa isang maliit na hotel sa lugar. Hindi masyadong sikat ang bayan katulad ng ibang mga lugar ngunit ang bayan na ito ay isang mala-paraiso dahil napapaligiran ito ng Laguna Lake, mga farms at resorts.
Nagpahinga lamang si Elle sandali dahil sa pagod sa byahe at pagmamaneho. Matapos makapagpahinga ay nag ayos na ito upang pumunta sa bahay ampunan na kanyang kinalakhan. Malapit lamang ito sa kanyang tinutuluyan na hotel ngunit kailangan nyang gamitin pa rin ang kanyang kotse upang madala ang mga pasalubong sa mga bata. Bago sya nagpunta sa bahay ampunan ay kumain muna sa malapit na kainan dahil hindi pa sya kumakain ng tanghalian at alas dos na nang hapon.
Nang makarating sya sa labas ng bahay ampunan ay kitang-kita nya ang pangalan nito, Guardians' Home. Napangiti sya ng makita ito at bumukas ang malaking gate. Ngumiti pa sa kanya ang taga-bantay ng makita sya nito, kilala si Elle dito dahil na rin sa madalas nyang pagbisita at pagtulong sa mga bata lalo sa orphanage. Malaki ang pinagbago ng orphanage kumpara noong dito pa sya nakatira. Nagkaroon dito ng mini park upang doon makapaglaro ang mga bata. Mayroon na ring maliit na library dito upang may magagamit ang mga bata habang nag-aaral sila sa loob ng bahay ampunan.
Pinarada na nya ang kotse sa parking lot ng orphanage at pumasok sa isa pang gate patungo sa loob ng bahay ampunan. Pagpasok pa lamang nya dito ay sinalubong sya ng mga nakangiting bata at mga madre.
"Maligayang pagbabalik Ate Elle!" sigaw ng mga bata na nagpangiti sa kanya lalo.
"Welcome back Elle, namiss ka ng mga bata kaya ayan mga ayaw magpapigil na hindi ka salubungin dito sa gate. Mabuti na lang malilim kundi ay mangingitim ang mga yan sa init haha" pagsalubong sa kanya ni Sister Ally at yinakap sya nito pagkatapos magsumbong sa kanya.
Si Sister Ally ang isa sa mga nag-alaga sa kanya noong nandito pa sya sa bahay ampunan, may edad na rin ito ngunit ayaw nyang lisanin ang bahay ampunan dahil ito na raw ang kanyang tahanan at masaya syang naaalagaan ang mga bata. Sya na rin ang head ng orphanage dahil kailan lang ay namatay na ang dating head ng orphanage.
"Haha, hayaan mo na po Sister Ally, ang kukulit talaga ng mga batang yan, parang halos kabibisita ko lang ng nakaraang buwan. Pero namiss ko rin sila kaya nga pinilit kong tapusin ang mga gawain sa opisina"
"Naku sana di ka na nagmadali, makakapaghintay naman ang mga batang yan. Hindi ba magagalit ang boss mo na wala ka doon, at napapadalas ang pag leave mo?" – Sister Ally
"Hindi po, huwag nyo alalahanin yun. Sya nga po pala, may mga pasalubong ako sa mga bata, may mga pinadala din si Candice para sa kanila"
"Naku nag abala pa kayo, tuwing pupunta ka na lang ay may mga pasalubong ka sa kanila, tsaka sobrang laki na nang tulong mo sa amin, dito pa lamang sa orphanage ay napakalaki na. Sa susunod isama mo si Candice, miss ko na ang batang yun, panigurado miss na rin sya ng mga bata at ilang buwan na nilang hindi ito nakikita"
"Hayaan mo po Sister, sasabihan ko si Candice pero panigurado hindi kami makakapunta ng sabay dito dahil hindi pwedeng mawala parehas ang assistant haha. Tsaka wag nyo po intindihin yung mga dinadala at tulong ko dito, pamilya ko po kayo kaya masaya akong tumulong at mas mapaayos ang bahay ampunan na ito."
"Pagpalain ka ng Panginoon anak, maraming Salamat talaga. Oh sya sya, Mabuti pa't puntahan mo na ang mga bata, hindi na makapaghintay mga yan"
Tumingin naman ako sa mga bata at nginitian sila.
"Sige po Sister Ally, pakuha na lang po sa kotse ko yung mga regalo namin ni Candice. Maglalaro muna kami ng mga bata" pagpapaalam ko sa kanya at niyakap muna bago tuluyan pumunta sa mga bata.
Paglapit ko sa mga bata ay sila naman ang nagkumpulan sakin at niyakap ako. Napangiti naman ako sa kanila.
"Masyado nyo naman na-miss si ate, isang buwang lang naman tayo hindi nagkita" sabi ko habang ginugulo ang mga buhok ng malalapit sakin.
"Eh kasi wala naman po kami ibang makalaro dito ate, tsaka ikaw lang po ang mabait na dumadalaw dito tsaka si Ate Candice" naka ngusong sabi ni Anna, ang batang pinaka malapit sa akin dito.
"Osige na nga, namiss ko rin naman kayo. Payakap nga ulit si ate" nagsikayapan naman sila ulit sakin.
Matapos nito ay nagsimula na kami maglaro at matapos madala lahat ng mga dala ko pasalubong ay isa isa ko nang pinamigay sa kanila upang hindi sila mag-agawan kung hahayaan ko sila na sila ang mamili.
Natapos ang paglalaro naming ng bandang ala singko na ng hapon, nagpaalam na rin ako sa kanila at sinabing babalik na lamang ako bukas dahil may pupuntahan pa rin ako.
Tama lang ang oras ng pagkakaalis ko sa bahay ampunan dahil saktong palubog pa lamang ang araw.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa pupuntahan ko. Wala pa rin itong pinagbago, napakaganda pa rin ng lugar na ito, ang Sunflora Farm. Huwebes pa lamang ngayon kaya kakaunti pa lang ang tao dito. Isa kasi ito sa pinupuntahan ng mga torista dito dahil napakaganda ng mga tanim na bulaklak lalo pa itong gumaganda sa epekto ng liwanag ng paglubog ng araw.
Pagdating ko sa entrance gate ay sinalubong ako ng taga bantay at ngumiti sakin
"Magandang hapon Ms. Elle" sabay yuko ng kaunti "Narito po ba kayo para bumisita kay Madam? Wala po kasi sya ngayon"
"Ganun ba? Nandito ba sya bukas?" tanong ko
"Hindi po ako sigurado Ms., dumating po kasi ang apo nya kahapon pa at kung tama ang nalaman ko ay isang lingo sya rito"
"Ahh sige, pwede ba ako pumasok na lang at makita ang mga bulaklak?"
"Sure po Ms., anytime naman po ay pwede kang pumasok tulad ng bilin samin ni Madam" sabay ngiti nya sa akin
"Salamat, pasok na ako huh" ngumiti naman sya kaya pumasok na ako
Isa ang Sunflora Farm sa binabalik-balikan ko sa bayan na ito dahil napakaganda dito at sobrang sariwa ng hangin dulot ng mga bulaklak na nakatanim. Napakalawak ng farm na ito na isa sa pagmamay-ari ng pamilya Austin, ang panglima sa pinaka mayaman sa buong mundo. Ang Sunflora Farm ay nasa pangangalaga ng matandang Austin, si Flora Austin.
Si Lola Flora ay napakabait pero may pagka maldita rin minsan. Noong unang punta ko dito ay doon ko nakilala si Lola Flora, unang kita pa nga lang naming ay sinungitan na ako. Sa sobrang pagkamangha ko kasi sa mga bulaklak ay nagbalak akong pumitas ng maliit na sunflower, pero nakita nya ako at pinagalitan at kung ano-ano pa. Pero humingi naman ako ng paumanhin at bumawi ako sa kanya sa sumunod na araw. Talagang sya ang sinadya ko sa pagbalik ko hanggang sa naging malapit na kami. Nakakapasok ako ng libre at kahit anong oras sa farm nya. Minsan ay pumipitas pa ako ng bulaklak at libre din. May bayad kasi ang pagpasok at magpitas ng bulaklak dito, pero dahil para na rin daw nya ako apo kaya naman kilala na rin ako ng mga tauhan nya dito.