"Alam mo ba ang queen of the night Cactus?
Isang uri ng cactus na namumulaklak lang tuwing gabi.
Sabi nila kapag humiling ka habang namumukadkad ang bulaklak na yon Matutupad daw ang kahilingan mo.
Pero di ako sure, kasi hindi kasi ako naniniwala sa ganun.
Ang masasabi ko lang, nalulungkot ako sa cactus na iyon, kasi naappreciate lang siya kasi sa bulaklak na lumalabas lang tuwing gabi"
"kaya ka single ka e, kasi ang bitter mo, Dane cactus lang yan, maya kana magemote nasa reception pa tayo!", kontra ng kaisa isa kong kaibigan na babae si Rexy.
"oh! Bakit naman ang haba ng nguso ng babae na to? Oy luka, kasal ko to! Wag kang panira ng mood", gatong naman ng isa ko pang kaibigan si Gab kakarating nya lang, kasi madami pa siyang bisita na inaasikaso.
"aba! Sa lahat naman kasi ng souvenir na ibibigay mo sakin cactus pa, pero infairness ang ganda ng kasal nyo ah! CONGRATS!", sabay tapik ko sa balikat niya.
Masaya kaming nagaasaran sa isa't isa, matagal na kasi kaming di nagkikita, ngayon nalang ulit, sa kasal pa ni Gab at Bhanny
"hindi lang ako ang icongrats mo, pati bestie mo si Rexy, engage na, next year na kasal! Yieeee"
"kung alam mo lang, halos hagulgol ako, sa sobrang saya, parang ayaw ko nga ipakasal e haha char"
"tsk! Mga bruha, ako lang to guys, wag nyo akong pagkaguluhan", asar naman ni Rexy habang pasimpleng pinapakita ang engagement ring nya galing sa fiance nya American citizen.
"pero ikaw Dane, kelan ang ready-made mong puso?", dagdag ni Rexy.
Nag-kibit balikat nalang ako sa tanong nya.
"I don't know", sagot ko.
Dane Villegas, yan ang pangalan ko, 29 years old. My heart status is Single but not ready to mingle.
Baduy right! I don't care, nasa point na ako ng buhay ko na ayoko na mainlove.
You know what I mean? It's just like, a cycle
Kapag Nanligaw sila, nafall ka, and then iiwan ka nila, tapos masasaktan ka. Edi bubuuin mo sarili mo, tapos may papasok na naman na tao sa buhay mo para guluhin ka.
Oh diba? Sakit sa ulo lang.
Being single is not lonely, alone ka pero you know to yourself na kontento ka.
So that's me.
"okay change topic, wag nyo na akong tanungin, nanahimik na buhay ko, masaya na ako magisa kahit magisa nalang ako forever" di ko nalang pinansin ang tinginan nila Rexy at Gab sa isa't isa.
Maya-maya pa ay tinawag na si Gab sa unahan after kaming kamustahin. Gusto pa sana namin magusap ng mahaba pero moment nila ito and ayaw naman namin sirain.
"hayss" i sighed
"ang lalim ng hinga ah, grabe magworry?", sarcatic naman ni Rexy
"sira! I just realized na ang layo na pala ng narating natin, professional na tayong lahat tapos kayo, nasa journey na kayo ng pagaasawa, hindi naman sa naiinggit ako or what, pero nakakalungkot lang na saatin tatlo, ako lang ang tatanda ng mag-isa"
"oy! Bess, huwag naman ganun? Alam mo naman na ayaw ko ng ganyan usapan, nalulungkot tuloy ako, ano kaba, don't ever think that! No matter what happen in the past, hindi na ikaw yun, you are strong now okay?"
Tinignan ko lang sa mata si Rexy, hearing her worried voice makes me feel calm, and seeing Gab happy with her wife, makes me feel greatful. Kasi sa wakas masaya na sila, nasa tamang tao na sila.
Tinignan ko yung halaman na nasa kamay ko, pagabi na, kaya napagmasdan ko ang dahan-dahan nyang pagmumukadkad.
If ever na bigyan ako ng pagkakataon na ibalik ang nakaraan, hihilingin kong na sana bumalik ako sa dati.
Noong highschool na di pa kita nakikilala.
"uy! Dane!" biglang pinitik ako sa noo ni Rexy.
"aray! Bruha ka, ang sakit nun, tapos na ba program ng kasal ni Gab?", tanong ko kay Rexy habang hinawakan yung masakit na part na pinitik nya.
Napatingin lang sakin si Rexy, na parang sira,
"sabog ka bes? Anong kasal? Ayun si Gab oh! Todo kembot ang bakla" turo ni Rexy habang nagpupunas ng blackboard si Gab
Huh? Wait?! Kanina nasa-
"huh? Bakit tayo nandito? Nasa reception tayo kanina?"
"anong nangyayari sayo bes?". Napansin ko ang uniform nila Rexy, at mukha nila na bumalik sa pagiging baby face.
"sus, style mo Dane, ganyang ganyan ka kapag tumatakas kapag cleaners, umayos ka nga di tayo matapos-tapos sa kagagahan mo"
I'm so sure na nasa reception ako, but why am I here?? Bakit nasa school ulit ako nung highschool? Anong nangyayari??
Sa di ko malaman na pangyayari, tumakbo ako palabas mg classroom at deretsong pumunta sa comfort room na nasa dulo ng hall way..
Pag pasok ko sa CR, I was shocked when I look in my face.
I really look 15 years old.
Sinampal ko ang sarili ko at binasa ang mukha ko para magising kung nanaginip ba ako.
Totoo nga na bumalik ako sa nakaraan pero paano???
Did I died? Nabangga ba ako ni Truck-kun at na isekai sa ibang mundo?
O dahil ba sa sinundo na ako ng grim reaper?
O dahil sa...
Ah!! Yung cactus!!!
"Dane! Bruha ka, tumatakas kana agad, wala ka pa nagagawa, iiwan mo lang kami dun? Ano ba nangyayari sayo--"
"Rexy! Alam mo ba yung Queen of the night cactus?"
"huh?"