Chereads / My Homies / Chapter 1 - Chapter 1

My Homies

🇵🇭caspianfleire
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Naglalakad ako ngayon papasok sa eskwela. Tulad ng ibang dalaga.. ako ay—mag-aaral syempre, active sa school activities, at syempre ay role-player. Ang roleplay ay may ibat-ibang meaning—maaaring gumaganap sa totoong buhay bilang ibang tao, yung parang actor ba. At maaaring sa social media—ang mga taong nabubuhay sa pekeng mundo kung saan nagpapanggap din sila bilang ibang tao.

Habang naglalakad sa papasok ng gate ay nakasalubong ko si Reika, kaibigan ko.

"Isla!" Tawag niya sakin at kumaway.  "Anong room mo?" Tanong niya ng makalapit sakin.

"Room #11 ako eh, ikaw?" Tanong ko sakanya. "Omy magkaklase lang pala tayo" Sagot niya.

"At guess what biatch" Naka ngiti pa siya ng nakakaloka. "What??" Tanong ko.

"Kaklase natin si Jerimiah, yung crush mo last year? HAHA" Sabi niya at tinusok pa ang tagiliran ko.

"Ay weh omygas mukha mo hugis bigas" Asar ko sakanya sabay tawa.

"Aba ikaw hiyang hiya naman ako sayong lollipop ka antaba ng mukha mo stick naman katawan mo" Bawi niya.

Matindi kang kupal ka. Ang dapat sayo sinasaing.

"Atleast masarap isubo" Ngiti ko sabay hairflip. Ganon dapat.

Napatingin naman ako sakanya ng napansin kong nanahimik siya. Yung mukha niya hindi maipinta. Bigla ko naman siyang binatukan at muntik na siyang masubsob. Sumama ang tingin niya sakin kaya tumakbo na ako. Alam kong mangbabalibag na 'to ngayon.

Sa bilis ng takbo ko ay hindi ko na makontrol yung paa ko at hindi na ako mahinto. Tumingin naman ako sa likod ko at kita kong habol ako ng hugis bigas ang mukha.

"Tumigil ka na Isla!" Rinig ko pang sigaw nito. Kita ko ang mga matang nakatingin sa'kin ngayon, ang iba pa ay bumubulong.

Dahil sa kakatingin ko sa paligid ay bumangga ako sa tao, mabuti nalang at hindi kami natumba. Nakaharap ito sakin at parang sinadyang humarang para huminto ako. Pagtingin ko rito ako ngumiti lang siya sakin.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa'kin. "Ah oo" Sagot ko at lumayo sakanya. "Salamat hehe" Mangmang na sabi ko.

"By the way, anong room mo?" Tanong niya sakin. "Room #11 ako, ikaw?" Sagot ko. "Good. Room #11 din ako, sabay na tayo?" Yaya niya sakin kasabay naman ng pagdating ni Reika na hingal na hingal. Napangiwi nalang ako.

"Sige tara sabay na tayo" Sagot ko sa lalaki at iniwan nalang si Rei.

"Hoy lollipop hintayin mo'ko!" Sigaw naman ng bruha.

"Pft. Lollipop ang pangalan mo?" Natatawang tanong naman nitong lalaki.

"Hindi ah, I'm Isla Costa. And Isla-byu" Ay-la ang basa sa pangalan ko, hindi Is-la bitch ano akala mo? Is-la byu.

"Nung umulan ng kakornihan, ba't sinalo mo lahat?" Singit ng bruha.

"Wala akong pake sayo hugis bigas ang mukha." Sagot ko nalang sakanya.

"I'm Alec Croix. Alam mo mas bagay naman sayo yung lollipop. Yun nalang yung tawag ko sayo ha, Lollipop" Napangiwi nalang ako at ito namang si Rei ay tumawa ng parang wala nang bukas.

"Hanep Rei tuwang tuwa dahil may bagong kakampi?" Nakataray na sabi ko sakanya. Siya naman ay dahan dahan nang huminto sa pagtawa at pati rin 'tong si Alec ay nakikitawa.

Ganyan ba talaga 'pag kinulang ka sa aruga?

Maya maya ay nandito na kami sa room at pumasok na. Nagtabi kaming tatlo at ako ang nasa gitna nila. Nasa bandang bintana kami.

Saktong pagpasok ng guro dito. Kilala ko 'tong teacher na 'to, ginawa akong alalay n'yan dati e. Siya ata magiging adviser namin this school year. Okay lang mabait naman yan kahit ginawa akong alalay.

Nilibot niya ang paningin niya. "Goodmorning class, I'll be your adviser this school year. My name's Fiero Cristobal, MAPEH teacher" Pagpapakilala niya. "Anyway, may transferee student tayo." Sabi niya ay tumingin sa pintuan. Lumapit naman sa harap ang isang lalaki.

"Hi I'm Chito Valmocina, 18 years old." Pagpapakilala niya at umupo sa bakanteng upuan sa harap ni Alec na nasa kanan ko.

~~

Maya maya ay may kumatok sa pinto. Ng buksan ito ng teacher namin at si Jerimiah. OH.MY.GHAD. Siya lang naman ang crush ko last year. Hmm.. hanggang ngayon parin naman haha.

"First day of class late ka" Sabi ni sir. Naglakad lang si Jerimiah na parang walang narinig at umupo sa gitna sa likuran. Napailing nalang si sir at tinuloy ang pagtuturo.

Tumingin ako sa bandang likuran at mukhang napansin naman ako ni Jerimiah kaya nginitian ko siya at kinawayan kaso ay iniwas niya lang ang tingin niya. Hindi ba niya ako na-miss manlang? Sa ganda kong 'to? Ang swerte nga niya at sa kanya lang ako nagpapapansin e. #KayJerimiahLangKakalampag. Napasimangot nalang ako at ibinaling ang tingin sa harap.

~~

Natapos ang tatlong subject at nag-bell na. LUNCHBREAK NAA.

Tatayo na ako ng makita kong kalabitin ni Rei yung transferee at lumingon naman ito.

"Gusto mo sabay na tayo sa canteen?" Yaya niya rito. Aba.

"Ahm.. no thanks. Sa susunod nalang, may baon kasi ako eh." Sagot niya at nilabas yung lunchbox niya. Napanguso naman si Rei. Kung alam niya lang kung ga'no kadugyot siya tingnan pag nagpa-pout siya wtf.

"Yuck kadiri yung mukha mo. Alam mo yung mukha ng isda? Gano'n ka." Lait ko sakanya sabay ngiti.

"Gusto niyo? Marami naman akong baon dito, kuha kayo" Sabi ni Chito. Inurong niya yung upuan niya para makaharap sa samin at binuksan yung lunchbox niya. May kinuha pa siyang chichirya sa bag niya.

"Sana lahat richkid" Sabi ni Alec at kumuha ng chichirya.

"Pwedeng sumabay?" Tanong ng babaeng katabi ni Chito na ang lakas maka-kawaii ng itsura. Inurong na rin niya yung upuan niya para magkaharap kami.

"Luh ako rin, 'di pwedeng kayo lang." Sabat ng katabi niya na short hair. Angganda niya kahit simple lang. Inurong niya rin yung upuan niya.

"I'm Haia Magbanua by the way" Pakilala ng Kawaii.

"Luna Fontavez" Yung short haired na babae.

"Hi haha pwedeng maki-join?" Paalam ng lalaking nasa kabilang row pero katapat lang namin. Nilapit niya yung upuan niya at agad na kinamay yung isang ulam ni Chito. Dugyot amp. "Giovanni Gomez, Gio for short" Pakilala niya saka kumuha ng sandwich kay Haia. Jusq lord patawarin niyo ang buraot na 'to.

"Alec Croix" Si Alec

"Reika Ferrer, Rei—"

"Isda for short" sabat ko. Nilakihan niya naman ako ng mata. "Tamo nagiging isda ka nanaman"

"Alam mo ikaw kanina ka pa eh gusto mo ata talagang mabalibag no?"

"Aish. I'm Isla Costa."

"Lollipop for short." Sabay na sabi nina Rei at Alec sabay tawa.

One dot pagbuhulin ko 'tong dalawang 'to.

Takas mental.

Habang nag-uusap usap sila ay binuksan ko yung phone ko at binuksan ko ang rp account ko sa Twitter. Yes Twitter, lumipat ako sa Twitter dahil ayoko na sa Facebook rp. Like tho angto-toxic na ng mga tao ron mygad. Mabuti na nga lang ay naabutan ko pa yung rpw sa Facebook dati nung mga Lbdp, lbcp palang noon at sikat pa yung Montefalco, Montifalcon, at Monteverde surname noon haha. Wala na eh, nasasabihan nang jeje mga old rp'ers hahaha.

Pinatay ko na lang ang phone ko at nakinig sa usapan nila.

"Eh ikaw naman Chito, nagmula ka sa mayamang pamilya 'no?" Tanong ni Rei.

"H-huh? Ah.. 'wag nalang natin pag-usapan yung pamilya ko." Sagot niya at may tipid na ngiti.

"Sige na" Pangungulit ni Rei sa kanya. Tinakpan ko yung gilid ng mukha ko at ng tingnan ako ni Rei ay umiling ako ng mabagal. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin. "Wag na pala hehe" Napapahiyang dugtong niya. Wow marunong mahiya ang gaga.

Pagkatapos naming lumamon ay tumunog na ang bell kaya nagligpit na kami.

~~

Natapos ang buong araw na puro pagpapakilala lang mg mga teacher ang nangyari. Malamang bukas nito magsisimula na ang mga lectures.

Nag-bell na at naghanda na kaming pauwi. Magkakaiba kami ng ruta ng dadaanan kaya naghiwa-hiwalay kami. Magkasama sina Haia, Rei at Gio. Ang kasama ko naman ay sina Alec, Chito at Luna.

"Liliko na 'ko dito, see you tomorrow guys" Paalam ni Luna.

"D'yan din yung way ko, bye Alec and Isla" Paalam din ni Chito habang nakapamulsa at sumabay na kay Luna.

Habang naglalakad ay nagsalita si Alec. "Gusto mo fishball?" Tanong niya at lumapit sa street vendor kaya lumapit na rin ako.

"Libre mo? Paborito ko yan, lalo na yung kwek kwek." Sabi ko sabay kuha. Hindi na ako nagpaalam syempre libre na niya yan haha.

Pagtapos namin kumain ay naglakad na kami.

"Saan yung bahay niyo? Hatid na kita." Tanong niya.

"Malapit na. Ikaw? Malayo ba bahay niyo?" Sagot ko.

"Malapit na rin yung akin. Saan ba kayo?" Tanong niya kaya sinabi ko kung saan. Malapit lang pala yung bahay namin sa kanila, nasa iisang street lang kami. Hindi ko siya napapansin noon, hindi kasi ako pala-labas ng bahay tsaka noong bakasyon ay nasa bahay ako ng tita ko.

Hinatid niya ako sa bahay ko. Lagpas lang 'yun na konti sa bahay niya.

"Nandito na 'ko." Sabi ko pagpasok ng bahay at nagtanggal na ako ng sapatos.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad nagsalita si ate. "Sino yung lalaking yon?" Seryosong tanong niya habang nakaharap sa laptop niya.

"Bagong kaibigan" Sagot ko.

"Bagong kaibigan.." Parang hindi naniniwalang bulong ni kuya.

"Manahimik ka Kade" Saway ni Ate sakanya. "Wag mong bigyan ng malisya dahil lang lalaki yung kaibigan ng kapatid mo." Sabi niya.

Well meron kasi si ateng kaibigan na lalaki dati—hanggang ngayon parin naman. Hanggang ngayon ay kaibigan niya parin yun, 5 or 6 years na ata sila eh. Para kasi sakanya ay wala naman masamang maging magkaibigan ang isang babae at isang lalaki. Stan Ate Eunice haha.

"Ah oo nga hehe" Napapahiyang sagot ni kuya.

"Kumain ka na ba, Isla? May ulam d'yan sa mesa, kumain ka nalang." Sabi ni ate kaya nagpalit na ako at nagpunta ng sala.

Kaming tatlo lang ang nandito sa bahay. Si mama ay nasa abroad, si papa naman ay sumakabilang pamilya na. Puno ng buhay 'tong bahay namin dati. Not until nalaman naming may iba siyang pamilya.

Aish nevermind.. ba't ko pa ba iniisip ang taong hindi naman samin nakuntento.

Pagkatapos kong kumain ay nagpunta na'ko ng kwarto.

Papikit palang ako ay tumunog ang phone ko kaya binuksan ko ito.

Haia Magbanua sent you a friend request.

Giovanni Gomez sent you a friend request.

Agad ko naman silang ni-confirm. Sabay pa talaga silang nag-add?

Pumikit na ako at natulog.

June 13.

Mag-uumaga palang ay nagising na ako. Naamoy ko ang ulam na niluluto ni ate Eunice. Lumabas na ako sa kwarto ko at nadatnan ko si ateng nakabihis na. Nagpapart-time job siya tuwing umaga, sa tanghali kasi umpisa ng klase nila sa college.

Pagkatapos kong maligo at kumain paalis na ako ng tawagin ako ni ate. Binigyan niya ako ng lunchbox, baon ko raw. Nagpasalamat ako at lumabas na.

Si Kuya Kade pala ay senior high na. Mamaya pa yung pasok nila kaya hindi kami nagkakasabay pumasok.

Hindi pa ako nakakalayo ay may tumawag sakin.

Si Alec

"Hindi mo'ko hinantay" Sabi niya ay sumabay sakin sa paglalakad.

"May sinabi ka bang magsasabay tayo? Haha" Sagot ko.

"Wala pero syempre magkalapit lang naman tayo ng bahay eh hinantay mo ako no" Sabi niya.

"Sus" Sagot ko nalang.

Jerimiah?

Napatigil ako sa paglalakad ng nakita ko siya sa hindi kalayuang nakatambay sa tindahan at nakatingin sa gawi namin kasama ang tropa niya.

Hindi ko alam kung kakaway ba ako o hindi.

Mukhang inaya niya yung tropa niya at umalis na.

"Ano yun?" Napatingin naman ako kay Alec ng nagsalita siya.

"Wala haha" Sabi ko at nagtuloy na sa paglalakad.

Jerimiah, why so sungit?

Porque patay na patay ako sa kanya noon? Buti nalang hindi na masyado ngayon. Eh pa'no ba naman kasi? Pogi na matalino pa ack. Your singkit na mata is killing me.

"May gusto ka sa hapon na yon?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Anong hapon? Pilipino kaya yun. Alam mo ba dati grabe yung pagpapapansin ko sa taong yan aba effort kaya ako nun."

"Ano?"

"Ganto kasi yan haha last year kasi binibigyan ko pa yan ng chocolate as in yung parang ako yung nangliligaw haha hinarana ko pa nga yan eh"

"Hinarana mo? Yuck kababae mong tao" Sagot niya. Binatukan ko naman siya. Maka-yuck amp.

"Grabe ka naman maka-yuck, gusto mo tusukin ko yang mata mo?" Banta ko sa kanya. "Pa'no kaya kung yung mata nalang ni Jerimiah yung tusukin ko? May matusok kaya ako?" Sabi ko sabay tawa. Binatukan naman bigla ako nitong epal.

"Wag ka ngang epal nagkwe-kwento pa 'ko." Saway ko sa kanya. "So eto pa nga.. nung hinarana ko siya non nasa harap kami ng maraming tao nun eh. Tapos.." Hindi ko natuloy yung kwento ko ng maalala ko ang nangyari nung araw na yun.

Nakangiti akong tumingin sa kanya pagkatapos kong kumanta.

"Ano, maganda ba?" Tanong ko sakanya habang hawak ko ang gitara.

Lumapit siya sakin at pumikit naman ako. Akala ko ay bibigyan niya ako ng kiss man lang sa cheeks kaso..

"Can you stop making shits with me? I hate it." Bulong niya sakin at umalis.

Agad na tumulo ng sunod-sunod ang luha ko. Binagsak ko ang gitara at tumakbo papuntang restroom at dito ko binuhos ang sama ng loob ko.

Ganito na ba talaga ako? Laging nare-reject ng taong gusto ko? Halos buong batchmates namin ay alam ang pagkahumaling ko sa kanya. Nagmumukha na akong tanga sa mga ginagawa ko para sa kanya, pinagtatawanan na rin ako ng iba.

Malaki naman talaga ang pagkakaiba namin. Top 1 siya lagi sa school habang ako, hindi man lang makapasok sa top 10. Maraming nagkakagusto sa kanya samantalang basura lang ako sa paningin ng iba.

Simula ng araw na iyon ay hindi ko na siya kinulit, hindi ko na siya binibigyan ng mga chocolates. Nagsipag na rin ako sa klase. Nagulat nga sina ate kasi nakapasok ako sa top 10 sa end ng school year.

"Ayos ka lang?" Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Alec. Tumango naman ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko napansin kaninang nahinto ako sa paglalakad.

"Tuloy mo na yung kwento mo, nakikinig ako" Sabi niya.

"Wag na, hindi naman na mahalaga yun." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

Pagpasok namin sa room ay nandon na pala yung first teacher namin. Hindi na kami pinapasok dahil late na kami. Ang arte ng teacher na'to, nakakabwiset.

Habang nasa labas kami ng room ay nagsalita si Alec.

"Ituloy mo na yung kinukwento mo kanina, pabitin ka e" Sabi niya. Mukhang interesado naman masyado ang taong to.

"Sige ganito kasi yan.." Ikukwento ko ba sa kanya? Baka naman mapahiya ko yung sarili ko. Di bale na.

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari nung araw na yun.

"Ah. Ikaw naman kasi kapag alam mong di ka naman gusto ng tao, wag mo nalang pilitin"

"Hindi ko naman siya pinipilit na ah. Nagpapapansin lang naman ako, malay ko bang ganun yung kahihinatnan haha"

"E ba't hanggang ngayon, nagpapapansin ka parin?"

"Hmm.. siguro kapag nagsawa na 'ko, saka na ako titigil. Pasuko na rin naman ako e haha alam ko namang hindi ako magugustuhan no'n. Pero malay mo diba" Sabi ko at tipid na ngumiti. "Kung ikaw ba siya, ganun din gagawin mo? I mean alam kong nakakairita naman ako dati pa—"

"No you're not." Biglang sagot niya. "Masaya ka namang kasama, hindi ka lang talaga niya ma-appreciate. Hindi niya makita yung halaga mo. Siguro kapag tumigil ka na sa pangungulit sa kanya, dun niya lang mare-realize yung worth mo."

"Nasasabi mo lang yan dahil naaawa ka sakin." Sabi ko sabay tawa at tinapik pa ang likod niya. "Wag mo akong kaawaan"

"Hindi naman ako naaawa sayo no. Sinasabi ko lang yung totoo."

"Ows? Hindi ka naiirita sakin?"

"Hindi. Sadyang maarte lang yung crush mo, baka lalaki rin yung gusto." Sabi niya sabay tawa.

Sinasabi ba niyang bakla si Jerry ko?

"What do you mean? Sinasabi mo bang bakla yung crush ko?" Kunot-noong tanong ko.

"Ayos lang yan" Sabi niya at tinap pa yung ulo ko. "Kawawa ka nga talaga, lollipop."

"L-lollipop?" Tanong ko. "Angkapal naman ng mukha mong daga ka" Sabi ko sabay piningot ang tenga niya.

"Stop. What the heck lollipop??" Aba angkapal naman talaga nitong chismoso na to.

"Ikaw magpapa-kwento ka tapos mang-aasar ka, anggaling mo namang daga ka!"

"Anong daga ka d'yan? Kung magiging daga man ako, ako yung pinaka-mahal!"

"Isla! Alec!" Sigaw ng teacher namin.

Napatingin ako sa loob ng room. Lahat sila nakatingin samin. Agad ko namang binitawan yung tenga ni Alec.

~~

"Nako girl kung nakita mo lang yung tingin sainyo kanina ni Jerry. Alam mo bang siya yung nagsumbong sa teacher natin? HAHAHA" Bulong ni bigas.

"Ano?"

"'Sir can you stop them? It's distracting and I can't focus on study'" Panggagaya ni Gio.

Hindi naman masamang mag-overthink. Pero since the day na binusted ako ni Jerry, feeling ko ayoko nang mag-overthink. Dati kasi overthinker ako e, akala ko noon magkakagusto rin siya sakin, akala ko kapag binigyan ko siya ng mga chocolates o kung anong mga bagay e magugustuhan niya rin ako.

Wala na bang pag-asa? Kasi kung wala na, kaya ko namang pigilan yung sarili ko sa pangungulit sa kanya.

"Pwede ba kayong manahimik? I heard you." Napalingon naman kami sa kanya. Nakataas pa yung isang kilay niya at tumingin sa'kin pero umiwas din.

Sa tingin niya palang, feeling ko nang wala na talaga. Masyado ba akong nagbubulag-bulagan noon para hindi makita sa kanya na ayaw niya talaga ako?

Fine. Titigilan na kita. Sorry sa pangungulit.

2933 word counts

Chapter published: 07/29/21

On-going