Chereads / You Shut up!! / Chapter 1 - Chapter One

You Shut up!!

DaoistVk58qU
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One

April 28, 2015

KIM'S POINT OF VIEW <3

Naniniwala ka ba sa Comeback? O balikan? Ako si Kim, isa sa mga tagahanga ng isa sa mga nakakakilig na Couples noong junior high school ako, Isa sa mga couples na inaasahan naming babalik upang pakiligin uli kami.

2012, Noong mag simula ang kwento ng dalawang nag mamahalan... Nasa edad na 14 years old ang babae at 15 naman ang lalake... Nakakakilig sila, sobra... Maiinggit ka na lamang af hihilingin na sana, sing Astig at kasing cool ka ng dalaga, at mapapahiling ka nalang na sana, makatagpo ka ng katulad ng binata.. kahit ata mga guro namin noon, kinikilig sakanila.

2013, Nag bago ang lahat. February noon, buwan kung saan pinapairal ang pag mamahalan, akala ng lahat, iyun na ang pinakasweet na makikita nilang ginawa ng binata sa dalaga...

*FLASHBACK*

"Kim, nakahanda naba ang lahat?" TaNong sa akin ni kuya na halatang excited sa sorpresa nya kay ate.

"Areglado kuya, ang swerte swerte talaga ni ate" Sagot ko naman sakanya..

Grabe sobrang sweet! Araw ng mga puso ngayon at naghanda ng paandar si kuya para kay ate, isang hindi basta bastang paandar.. isang paandar na magiging memoryang tatatak sa bawat isip ng mga tao ngayon na makakasaksi rito. Isang paandar na lahat ay maiihi dahil sa kilig.

Nasa Gymnasium ang halos 50 students dito kasama ko, isa sila sa mga tumulong kay kuya para ayusin ang lahat ng nandito sa loob, bawat paligid ay makikitaan mo ng bulaklak, ang gymnasium kasi namin ay may labing dalawang maliliit na bintana lamang, anim na bintana sa magkabilaan. Ang gymnasium namin ay sya naring ginagawang sports center ng school namin, syempre public eh.. anong aasahan mo? HAHAHAHAH, So yun na nga dahil madilim dito mga umaabot sa 80-100 candles ngayon ang nasisindihan... Naka linya ito at nakatayo sa gilid ng daanan kung saan dadaan ang susurpresahin. Para bang sinasabing ang kandila ang mag sisilbing liwanag sa madilim na daan patungo sa tamang tao na itinadhana sakanya.

Kung maitatanong nyo kung anong meron bukod sa araw ng mga puso, ngayon ang ika unang anibersaryo ng magkasintahan na kinakikiligan ng lahat ng nandito sa campus, mas lalo na ako. Uhuuu!!

Kita sa mga mata ni kuya ang galak, para bang mas kikiligin pa sya sa sosorpresahin nya.

"Kuya, nariyan na si ate" anang isa sa mga kasama ko mag ayos ng buong gymnasium.

Maingat na kinuha ni kuya ang juliet rose na hiniling nya pa ata sa Magulang nya sa ibang bansa, ayun kay kuya Juliet rose daw ang paboritong bulaklak ni ate. Maingat nya itong pinabangohan.

Ang ngiti na lumalatay sa labi ni kuya ay ang ngiti na kahit libutin mo pa ang buong mundo ay hindi mo makikita. Napakaswerte ni ate.

Dumating si ate na sobrang namamangha sa kung anong nakikita nya, ang kaninang pagiging magulo na buhok nya ay napalitan na para bang napakapresko nya uli.

"Ahmmm, happy 1st anniversary... Nagustuhan mo ba?" mararamdaman mo ang kaba sa pananalita ni kuya, ngunit nananaig parin sakanya ang saya.

"Sobra, gustong gusto ko, sobra sobra... Happy anniversary" Puri ni ate at mararamdaman at makikita mo rin sakanya ang sinseridad ng kanyang pag bati para sa kanyang minamahal.

*END OF FLASHBACK*

Ngunit hindi akalain ng lahat na iyun pala ang huli na gagawin ng binata iyon sa dalaga... Dahil matapos ang araw na iyon, biglang nawala pareho ang dalawa.. Narito parin naman si kuya at araw araw parin naming nakikita, although hindi lang namin makita yung dati sya... Mag mula ng mawala si ate, walang nakakaalam sa nangyare between them at sa tuwing tatanungin namin si kuya, isang mapait lamang na ngiti ang isinusukli saamin..

Dalawang taon narin ang nag daan ngunit sa twing makikita namin si kuya, para bang kahapon lang.

Bakasyon at mag ge-grade 12 na ako, Nasa private school na ako mag aaral na pag aari nila kuya, although nasa public kami ni kuya nung 2 years ago, dahil sya para masamahan at mabantayan si ate. Ako naman ay doon talaga nag aaral, ngunit nalipat lang rito sa isa sa kilalang eskwelahan dito sa Bayan ng Benguet dito sa baguio dahil sa scholarship. Dapat nga tapos na si kuya mag aral ngayon pero bumagsak sya sa kapabayaan ng unang taon ng pag kawala ni ate.

Walang nakakaalam kung nasaan si ate, pero sana... Sana narito pa sya.

"Kim, hindi ba't ngayon ang enrollment mo sa LHU? Ano pang ginagawa mo? Bumangon kana!" Anang mama ko. Akin namang sinunod ito.

***

Four weeks Later

6:00 Pm, May 31 2015

ZEIL ANDREI FALCO'S POV

'asan kana?'

May hinihintay pa ba ako? O tuluyan ka nang lumisan?

"Bumalik ka buwan buwan sa parehong araw at oras"

"Hinihintay mo parin pala sya"

Biglang akong napalingon sa babaeng nag salita sa aking likuran, Si Zara.

"I don't know if why would I still here but, umaasa parin ako na sana may dahilan pa ako kung bakit nagpupunta pa ako dito." Mahinang saad ko.

Nakita ko syang ngumiti ng mapait, Nililigawan ko si Zara, almost 1 year na. Pero sya ang nag pumilit na gawin yun, gusto nya akong tulungang makalimot sa taong Mahal ko parin hanggang ngayon.