Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Hater's Story

MysteriaSecrecy
1
Completed
--
NOT RATINGS
3.7k
Views
Synopsis
Have you ever heard of the world inside the internet? The virtual world is pretty massive, you know. Nariyan ang mga gamer at sa kabilang banda ay naroon ang mga book reader na at some point eh napagdesisyunang i-roleplay ang mga character sa libro sa pamamagitan ng internet at social media. The RPW or roleplaying world kung tawagin. The world where every identity is hidden behind the names of fictional characters. Never heard of it? Well, then, back off. Because this one-shot story is about a female roleplayer who hated a fellow roleplayer enough to do something drastic about it. Not knowing there might be much more drastic ways to get her to stop from hating. -

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - The Hater's Story

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Halata naman sa nilagay kong pamagat. Isa akong hater. Hater ng isang roleplayer sa rpw. Isang female character ang roleplayer na 'yon. Parehas kami ng character. Ayoko talaga sa kaniya. Naiinis ako sa kaniya. Oo, marami siyang fans. Masasabi kong magaling siyang roleplayer. Kung logical reasoning ang paiiralin ko. Still, ayoko sa kaniya.

At bilang hater, ginawa ko lahat para palayasin ang gaga sa rpw. Nirereport ko lahat ng account nya. Binabash ko siya sa confession pages. Kinicriticize ko sa pm at kung saan pa. Kung anu-anong sinasabi kong alam kong nakabase lang lahat sa emosyon at hindi sa katotohanan. Bitch, malandi, isip-bata, pangit ang works, pa-famous, pabebe, papansin, pasimpatya, walang kwentang roleplayer, santa santita--lahat lahat ng maisip nyong criticism. Wala akong pakialam sa comments ng mga defender nya a.k.a fans. Mapa-roleplayer kacollab nya o hindi, andoon. Hindi ko sila binigyan ng pansin. Hindi nababanggit man lang sa bawat confession na sinisend ko sa mga pages. Dahil siya, siya lang ang puntirya ko.

Tumagal ang issue na 'yon. Isang buwan halos. Hindi ko intensyon pero inaasahan. Umingay ang rpw. Ginigeneralize na din nila ang lahat ng uri ng basher. Mga hunghang! Anong alam nyo? Nanakot pa ang ilan sa mga tuko. Wag ko daw hamunin. Sila bang hinamon ko? Wala akong pakialam sainyo, mga tanga. Sumuko si gaga. Nagpabebe. Hindi na daw kaya. Nagsign off. Puta, sa wakas!

Okay na ako.

O mas tamang sabihin na yon ang akala ko. Mas lalong nag-ingay ang fans, readers at collabmates ni gaga. Sagad kung maka-defend. Ngumawa sila, sige. Pero tumahimik na ako. Paki ko sa kanila? Sabi ko nga, yung gagang roleplayer lang na 'yon ang puntirya ko.

Hanggang sa nagconfess yung ka-collab ni gaga. Yung lalaki. Yung kapartner nya bilang roleplayer. Sa page at sa account nya mismo. Sinagad ko daw pasensiya nya. Ulol. Sino bang nagsabing makisawsaw siya? Binasa ko confession nya. Puro pagdidefend as usual. Pero tangina, napamura talaga ako ng malutong nang makita yung dulo ng confession. Nakalista yung account na ginamit kong pangconfess sa page! Sabi nya, hahuntingin pa nya yung iba ko pang account hanggang real. Anong pinalamon nya sa admins para ipagkanulo ako? O baka admin siya doon? Hindi, kung admin siya don, hindi aabot ng isang buwan yung kaputanginahan ko.

Malakas ang loob ko sa una. Tinarantado ko yung admins ng pages na andon. Nabadtrip. Hindi daw nila ni-reveal. Minura ako pabalik. Tangina. Doon ako kinabahan. Dineactivate ko ang account na nalaman nya. Paano nalaman ng monggoloid na 'yon?

Nagsimula akong gumamit ng VPN. Akala ko, makakatulong. Pero kinabukasan, nakita ko MyDay ng gago. Isang malutong na 'VPNs won't hide your ass'. Nanghuhula ba siya? O nalaman nya? Hayop.

Dineactivate ko lahat ng accounts ko na may kinalaman sa katarantaduhan ko. Wala akong paki sa reputasyon ko bilang roleplayer. Hindi sa pagmamayabang pero isa naman ako sa pinakamagagaling sa larangan ng pagroroleplay. Sadyang ayoko lang na matunton ng monggoloid na 'yon ang real account ko na ang mga dummy at rp accounts ang pwedeng maging gate way.

Ilang araw tumahimik. Wala siyang update. Tiwala na ako. Hindi nya kaya. O baka suko na. Tanging ang pinaka active na roleplayer account lang na hindi kasama sa confession ang nanatiling active maliban sa real account. Hindi kahina-hinala ang roleplayer account ko. Professional ang character na pinoportray ko at magkalayo ang speaking pattern na ginagamit ko sa rp account na 'yon at sa confessions. Pati sa typings.

Isang gabi. Busy ako sa pakikipagroleplay. Nasa climax na. Nang magpop up ang isang chat head. Napalunok ako nang makita ang pangalan ni gago. Nang buksan ko, hindi na ako magkanda ugaga. Isang salita pero nakakapanindig balahibo sa kaba.

'Gotya'

Puta.

Sinagot ko siya agad. Ayokong maging kahina-hinala. Huminga ako ng malalim.

He: Gotya.

Me: What do you mean?

He: Don't try to trick me now, Miss Hater.

Me: Haha. I think you got the wrong person.

He: It really is tricky, isn't it?

Me: What is?

He: You.

Me: ?

He: Your roleplayer reputation, your establishment, achievements and who you are in rpw.

Me: Sorry?

He: There really is no one who'd suspect you.

Me: But you. Pft. Funny.

He: It's pretty disappointing.

Me: Why do you keep on insisting I am the reporter?

He: I admired you. Your works. Your talent. Your professionalism. Your portrayal.

Me: I am not the reporter.

He: A part of me even wanted to talk to you and have a roleplay.

Me: Would you stop making stupid conclusions?

He: Yet here we are, talking not as roleplayers but as defender and hater.

Me: Would you answer me first?

He: Ask me why. Why did I suspect you? No, I didn't suspect you. I relied on my computer skills. You sure got an idea.

Hacker siya. Sinubukan kong umiwas. Wag umamin. Walang direktang sagot. Nagsinungaling. Pero kinakausap nya ako sa tonong sigurado siyang ako nga ang reporter. Puro deny at insist, takbo ng usapan. Hanggang sa mapagod siya. Akala ko, titigil na nang nagsabing 'fine'. Sinundan agad ng panibagong message.

'I presume your reason's just like most of the bashers. Maybe 'twas wrong to even ask you why. Prepare yourself then, Miss Hater.'

DEACTIVATION.

Yun lang ang naisip kong paraan para umiwas at magtago. Ano bang problema ng gunggong na monggoloid na 'to at masiyadong pakialamero?! Hindi ba't sagad-sagad na yan para sa partner nyang gaga?!

Dineactivate ko ang real account ko. Lahat ng accounts. Lahat-lahat. Ang itinira ko lang ay ang roleplayer account na 'yon. Paninindigan kong hindi ako ang reporter. Inaamin ko lang na ako nga kung magdedeactivate nga ako.

Kinabukasan lang agad, nagchat na naman siya. Nang-aasar. Nambubwisit ng umaga. Tingin ko daw ba ay maitatago ko ang sarili ko kung magdedeactivate ako? Nalaman na naman nya? O nanghula? Dahil 'yon naman talaga ang pinakaposibleng gawin ng isang kabadong hinahunting.

Hindi ko siya nireplyan. Nabwisit na ako sa kaniya. Hindi na bilang hater ng partner nya kundi bilang ako na roleplayer na. Nakakairita. Ang yabang pakinggan. Nakakapunyeta. Bahala siya. Ipangalandakan nya sa confession ang lahat! Magmukha siyang tanga. May mga sigurado naman akong defender.

Nasa klase ako, panay ang tunog ng pop up ng message nya. Puta, inaupdate pa ako ng panget na monggoloid. Tinakot pa ako sa 'every account is a gate way to its user'. Hindi ako mapakali. Idedeactivate ko na din ba ang roleplayer account na ito? Kung ganon ay inaamin ko na nga? Tangina, bahala na. Basta ang importante, malubayan na nya ako.

Dineactivate ko na agad. Wala na akong ni isang Facebook account. Buti, wala sa mga kaklase ko ang aware sa pagroroleplay ko. Walang leak. Magiging panatag na ako. Pero pagkatapos ng panibagong klase, chineck ko ang confession pages. Baka nagconfess na nga. Baka nagsimula na ring mambash. Tutal, pinaghahanda niya ako.

Pero wala.

Walang kahit anong tungkol sa akin sa confession pages.

Anong ginawa nya?

Nagulat ako nang magvibrate ang phone ko. May tumatawag. Number lang. Sinagot ko. Baka emergency. Hindi ako naghello. Hindi ko nakasanayan. Mukhang ganoon din ang nasa kabila. Kaya may limang segundong katahimikan. Bago siya naunang magsalita.

[Hello, Miss Hater. Sabi ko naman, every account is a gate way. Check mo rp account mo, honey]

Bigla akong kinabahan. Boses ng lalaki. At siya yon. Yung gago. Yung kulokoy. Yung bwisit na monggoloid. Sigurado ako. Hindi na ako sumagot. Pinatay ko na agad sa sobrang kaba at tuliro. Paano naman nya nalaman?

Medyo nanginginig pa ako pero chineck ko din agad yung rp account ko nga na huli kong dineactivate. Hindi na malayo sa expectation ko pero nakakainit pa rin ng dugong malamang hindi ko na nga mabuksan ang account. Kinailangan ko itong i-check sa pamamagitan ng pagsearch dito gamit ang ibang account. Tangina. Buhay na buhay. Activated. At may posts! Sigurado akong hindi ako 'yon. Isa lang ang pwede. Siya. Yung gago.

Binasa ko isa-isa. Mula sa una nyang post papunta sa pinakabago. Puro kabulastugan. Puro ka-OOC-han. Sinisira nya ang reputasyon ko. Deleted lahat ng posts ko. Lahat ng works ko. Lahat-lahat. Ang meron nalang ay yung mga bago nyang post. Sirang-sira yung account. Walang bahid ng pinaghirapan ko. Bukod doon ay may mga personal siyang post na kinakausap ako. Nasa pagitan non ang mga OOC at katarantaduhan nya. Ito ba ang sinasabi nyang paghandaan ko?

[ Tsk tsk. You should've deactivated this right before my first move. ]

[ I'm an IT Student just so you know. ]

[ You have a very few friends. ]

[Yet I can't find the part where you told them about your being 'the' basher ]

[ Or you're just neat and frequently clean this ]

[ So much accounts, Miss Hater. ]

[ Your IP Address tells me a lot. ]

[ I can even locate you. ]

[ Your device and all the one tap log ins. I saw them all ]

[ I saw your number here. I'll call you ]

Napabuntong-hininga nalang ako. Tutal nga't alam na nya talaga, wala na akong balak magkunwari. Nang magtext siya ng 'Shy of your voice, honey?', nireplyan ko na siya. Wala nang English. Hindi naman na ako IC. Nagmura ako. Pinuno ng exclamation point ang messages. Sinabihan siyang tantanan na ako. Aba, tumawa. Ang layo ko daw sa karakter na hawak ko. Kesyo propesyonal na propesyonal ang datingan ko sa rp account. "Cussing machine". Anong pakialam nyang monggoloid sya? Sobra-sobra na 'tong pinaggagagawa nya para lang sa partner nyang gaga. Mas natuwa daw siya. Tinanong pa ako ng gago kung nananadya ba daw akong maging ganon katapang para itagong gusto ko siya. Tutal, partner ko din siya kung karakter namin ang basehan. Tang ina diba? Nakalunok ng erkon ang monggoloid na tuko.

Ilang araw. Walang tigil sa kabulastugan ang hayop. Tinatanong ako. Bakit daw. Wala daw sa personalidad ko ang bastang mambash. Hindi daw ako yung tipo ng mababang roleplayer. May classification amputa. Dinaan sa stereotype ang uri ng mga basher. Hindi ko siya nirereplyan. Paminsan-minsan kapag nakakapunyeta na, oo. Lalo na pag panay tawag. Nanakot pa. Kakausapin daw nya ang mga kaibigan ko. Doon ko siya tinadtad na naman ng pagsasasagot.

Me: Isa ka talagang malaking mukhang kulugong monggoloid na may abilidad sa pamumunyeta ng tao, ano? Putangina, nalaman mo na't lahat lahat kung sino ako. Nasira mo na rp accounts kong hype ka. Di na din ako makabalik sa rpw tangina mo kase! Pabalikin mo yung gaga mong partner at tigilan mo na ako!!!! GAGO!

He: Pabalik na siya, actually. And I didn't tell her your identity, Miss Hater. See, you owe me one.

Me: HUWAO. So ako pa may utang sayo pagtapos mong tarantaduhin yung accountsss ko? GAGO KA BA? Di ka ba talaga hihinto sa mga kabulastugan mong mongoloid ka?!!!

He: I sure got a lot of nicknames from you, Miss Hater?

Me: FUCK YOU!

He: Kita kita.

Napakunot noo ako. Kita kita? I see you ba ang ibig sabihin nito? Literal? Inikot ko ang tingin sa ground kung saan ako nakatambay ngayong break. Teka nga, punyeta. Sa lawak ng rpw, imposibleng nasa iisang lugar kami. Kagaguhan na yon. Sagad na ko sa mga ginawa nya sa buhay ko sa rpw. Hindi ako makaabante. Hindi makabalik. Dahil putangina, aminin ko o hindi, alam kong mahahunting ako nitong monggoloid na 'to. Napabalik ang tingin ko sa phone. Tumunog. May message. Sakanya. Ulit.

He: Don't you think it's your turn to find me?

He: Find me. In real world.

He: Or else, you'd lose even your rpw friends.

He: Malapit lang naman ako sayo, Miss Hater.

He: May pasok pa ako. Ge, wag ka magtagal dyan sa ilalim ng puno. Kanina ka pa tinitingnan nung grupo ng lalaking nakapwesto sa tapat mo.

Nganga. Yun lang ang nagawa ko sa harap ng phone ko. P-Paanong—? Tama. Tama siya. Nasa ilalim ako ng puno. At nang tingnan ko yung sinabi nyang grupo, nakatingin nga sila. Napalunok ako. Kilala ko siya? Hahuntingin ko na ba bawat lalaki sa block namin? Hindi, narinig ko na ang boses nya. May record ako ng una't huli nyang tawag na sinagot ko. Auto-record lahat ng tawag sa akin. Hinanap ko. Pinlay. Pinaulit-ulit. Kinabisado.

Lagot ka sa akin ngayon.

Hapon. Dismissal. Inisa-isa ko lahat ng lalaki sa room namin. Lahat-lahat. Yung boses lang nya ang hawak ko. Wala. Wala sakanila. Sino? Pauwi ako. Nagtext siya. Tiningnan ko.

He: She broke the rpw family you built.

Napahinto ako sa paglakad. Hindi ako tanga. Hindi ako slow. Alam ko kung sinong tinutukoy nya. Yung gaga. Yung roleplayer na binash ko. Yung roleplayer na nirereport ko. Yung roleplayer na ka-partner nya. Alam na nya. Pano? Ilan lang may alam non!

Tumatawag siya. Muntikan ko pang malaglag ang phone ko. Kinakabahan ako. Pero bumuga ako ng hangin. Naupo sa isang stone bench. At sinagot ang tawag. Tulad ng una, walang nagsalita sa amin. Segundo ng katahimikan. Hanggang sa nauna siya. Seryoso, malalim—ganoon ang boses nya.

[She was your friend. Yet she broke your rp family. For this doofus she liked yet into you. Binago nya ang kwento ng away. Sinira ka sa mga kaibigan mo sa grupo nyo. So, hindi ka nakapag-explain, yeah? No one wants to hear your explanation. Because they were blinded of her false story]

Ramdam ko. May bumabara sa lalamunan ko. Sumagot ako. Parang mabibiyak ang boses ko. Bumabalik lahat. Pero hindi ako iiyak. Tapos na ako.

"Kanino mo nalaman lahat yan?"

[Doesn't matter. Si "Monggoloid" yata 'to?] Tumawa siya. At yun ang unang boses na di ako nairita sakanya. Dahil nangingibabaw ang nararamdaman ko para sa gagang yon. Hindi ako sumagot. Wala akong ganang sumagot. Segundong walang nagsalita. Pinatay ko na ang tawag. Ibinaba ang phone.

"Well, that's rude."

Nagulat ako. Napalingon sa kanan. Umupo ang isang lalaki. Nakapandekwatrong pambabae. Diretso sa ground ang tingin. Hindi sa akin. Hindi ako nagsalita. Sino siya? Senior ko siya base sa plate name. Tiningnan ko lang siya. Saka siya nagsalita. Wala pa rin sa akin ang mata.

"Immature, still." Ginamit nya ang dalawang kamay para itukod sa inuupuan, bandang likuran. "Pagganti ba yon?"

Ang boses nya...

"Bakit sa ganoong paraan?"

Lumingon siya sa akin. Doon ko naalala kung sino siya. One year ahead sa akin. IT Student. Pero bukod don, isa siyang school photo-journalist. Isang beses lang kami nagkasama. Editorial writing ako. English. Sa contest.

Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya. Ngumiti siya. Saka inabot sa akin ang hawak niyang phone. Kumunot ang noo ko. Inilapit nya pa. Kinuha ko na. Tiningnan ang screen.

Yung account ko.

Yung rp account na pinakaimportante sa akin na ginago nya.

Akala ko, dinelete nya na ang lahat ng works ko. Pero hindi. Lahat, naka-only me lang. At ngayon, nakikita ko sila. Sa screen na 'to. Sa phone nya. Walang duda. Ang katabi ko ay ang monggoloid na hacker.

"Although..." Bumuga siya ng hangin at tumingin sa langit. "Sinong mag-aakalang yung babaeng hinahangaan ko sa internet ay yung babaeng gusto ko sa real world?"

Puta, ano?

Unauthorized public copying is a violation act of applicable laws.

Mysteria Secrecy's.