STEVEN
"Baby! Tara dun oh nood tayo sine!" masayang sabi ko sa kanya.
"Steven, I still need to complete these reports can you just sit there and be quiet just for once? And stop being annoying" aniya at nag patuloy sa pag tatype sa kanyang cellphone.
"O-okay sorry" sabi ko at iminom nalang ng juice.
"Ugh!, whatever your so annoyi— "
Napabangon ako nang 'di oras. Hingal na Hingal ako. Para bang hinahabol ako ng nakaraan. Napabuntong hininga ako. Naalala ko na naman siya. Hanggang ngayon, Hindi ko pa rin siya makalimutan.
Napatingin ako sa cellphone kong kanina pa tumutunog. Kumunot 'yong noo ko at sinagot rin ito.
"Hello?" sagot ko habang kinukusot ang mata ko. Ang aga pa ah?
"Umm, Good morning sir, may meeting po kayo ni Mr. Yan this morning it's urgent daw po saka kailangan na din po ng mga aplikante para po sa magiging secretary niyo po"
"Yeah, yeah just tell him to wait for me at the conference room I'll be right there in a minute at mag hanap na kayo ng mga aplikante na mag aaply" ibinaba ko na ang tawag pag katapos nun.
LEXI
"MAGBAYAD ka na ng renta mo, Lele!"
Sumisigaw na naman mula sa labas ang landlady ko. Palibhasa walang asawa kaya masungit. Tsk! Para 'di mabawasan ang mood ko sa stress keganda-ganda ng umaga ko eh, pinasakan ko na lang ng earpods ang magkabilang tenga ko. Paulit-ulit talaga? Ilang beses na niya akong siningil ngayong araw. Pampitong beses na ata ngayon. Fourty-six years old pa lang naman si Lady Jenielyn slash Lady Jen, pero para na siyang matandang ulyanin.
Bakit ba niya pinipilit magbayad ang taong walang pangbayad? Hindi niya ba alam na kaunti na lang ang mababait ngayon sa mundo? Kapag talaga naubos ang pasensya ko dahil sa pag aapura niya lilitsunin ko talaga siya!
Kaya dapat, kalma lang ang puso ko. Kalma lang, Lexi. Inhale. Exhale. Less stress. Less stroke.
Pero sadyang marami talagang hindi manhid sa mundo dahil kahit naka-full volume na ang earpods ko, dinig na dinig ko parin ang walang katapusang katok ni Lady Jen sa pintuan ko.
"Lele! Buksan mo 'tong pinto at bayaran mo 'ko! Nasa'n na ang bayad mo?!"
Huminga ako nang malalim, mga twenty feet below the ground, gan'on. I closed my eyes. This is it! Para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.
"Lady Jen, wala po akong pambayad ngayon! Pero may memo plus po ako rito. Kung gusto niyo, ito na lang ang ibayad ko kasi nagiging ulyanin ka na po. Pampitong beses niyo na 'tong paniningil sa araw na ito! Naka subscribe ka po sa sa unli? Unli po kayo? Unli?"
Namayani ang sandaling katahimikan pag katapos kong isigaw 'yon. Deym! My precious Face! Sana di ako magka-wrinkles.
"Aba! Hoy bata ka! Hindi ako ulyanin! Pinapaalalahanan lang kita para hindi mo makalimutan. Aba'y dalawang buwan ka nang hindi nakakapagbayad sa akin. Dios mio garapon!"
"Hayaan niyo po, gagawan ko ng paraan. Bukas, baka mabayaran ko na ho kayo," medyo kalmado kong sagot.
"Bukas nanaman? Nakakasawang pakinggan Lele, Puro ka na lang bukas, bukas, bukas! Kailan ba darating ang bukas na 'yan?" madamdamin niyang sabi.
"Lady Jen, pinangakuan ba kayo ng ex niyo no'n na 'di tinupad?" tanong ko na hindi pa rin nag bubukas ng pintuan dahil wala nga akong maibigay na pambayad. Bigala namang tumahimik ang paligid. Bumilang ako ng tatlumpong segundo sa utak ko pero wala parin akong Lady Jen na narinig na nagsalita mula sa labas ng aking pintuan.
Umalis na kaya si Lady Jen?
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Tumambad sa kagandahan ko ang malungkot na mukha ni Lady Jen na parang nawalan ng forever.
"Tinakbuhan niya ako sa araw na ikakasal kaming dalawa," puno nang hinanakit niyang sinabi ito. Oh my! Nawalan nga siya ng foverer!
"Hayaan niyo na po 'yon, Lady Jen. Mahahanap mo rin po ang forever mo..." Tinitigan niya ako na may pagka-demayado ang kanyang mukha. "Darating din 'yon sa tamang panahon," dagdag ko pa na lalong ikinadismaya ng kanyang kulubot na mukha. Oo mukha siyang lantutay na ampalaya.
"Walang forever!" aniya
Ang bitter. Dahil d'yan, binigyan ko siya ng titulong "The Walking Ampalaya." O 'di ba, bongga!
"Ang bitter niyo naman, Lady Jen. Kaya ba kayong tumandang dalaga dahail nag-run away aurora 'yong groom niyo?"
"Lady Jen?"
"Hindi ako bitter! Nasampal lang ako ng katotohanan. Ang forever na 'yan, para lang sa mga umaasa. Forever na umaasa! Lahat ng bagay may katapusan," madramang sabi nito na ikinalaglag ng aking panga.
"Maling-mali ho kayo dyan, Lady Jen," umiiling kong sagot.
"May forever kaya... because forever love is more than the passionate stage of love when you don't see each other's faults, and you feel like everything is right with the world. Forever love is unconditional. You don't withhold love when things are not going your way because you love that person so much you are unable to do that."
"Heh! Tigil-tigilan mo nga kong bata ka, iniba mo na 'yong usapan, eh. Nasaan na ang pambayad mo sa renta mo!" Wala talaga akong kawala sa ampalayang 'to.
"Grabe ka naman Lady Jen. Hindi naman sa gano'n. Babayaran naman kase kita talaga, eh. At saka 'wag kayong high blood, nagmumukha po kayong tuyot na ampalaya, promise! Tingnan niyo 'ko, Parang kamatis sa sobrang kinis. Hindi ko kase ini-istress ang aking selp."
Natigilan ito at napahawak sa kanyang pisngi.
Hmmm... Effective ang drama ko!
"Gano'n ba iha?" aniya. Tumangu-tango ako na para bang concerne talaga ako sa kanya. Nice one, Lexi! Ang galing ko talagang umarte.
"Kailangan ko na yatang bumuli ng gamot para sa stress ko mamaya," Bulong niya pero dinig na dinig ko naman.
Pinalakpakan ko ang aking sarili sa isip ko. "Oh sige na aalis na muna ko. Basta 'yong bayad mo, ha? Pasalamat ka't mukha kang anghel kaya nakokonsensya akong palayasin ka rito. Baka hindi ako matanggap sa langit kapag pinabayaan kitang magpalaboy-laboy sa daanan."
"Huwag po kayong mag-aalala, kakausapin ko ho si San Pedro para magpawelcome party sa inyo," nakangisi kong sabi.
"Ano?!"
"W-Wala po. Ang sabi ko po 'maraming salamat' kasi concerned ho kayo saakin."
"Ahh, Basta bukas, kahit kalahati man kang sana ay makapag bigay ka."
"Opo."
Tumalikod na si Lady Jen para umalis. Pero bago ko naisara ang pinto...
"Lady Jen!"
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.
"Ano 'yon?"
"Huwag na po kayong mag-uulam ng anpalayang may itlog sa agahan." Nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay.
"Kamatis na lang po ang ilagay niyo sa itlog. Mas masarap po 'yon, promise! At baka sakaling maniwala ho kayo sakin na may forever," Sabi ko sabay saludo.
"Aba, Lele!"
Isinara ko kaagad ang pinto bago pa man mahawaan ng wrinkles ni Lady Jen ang maganda kong pagmumukha. Congrats, Lexi! Nkalusot ka na naman do'n. Ang galing ko talaga!
Humarap ako sa salamin at ngumiti sa aking repleksyon. Saan naman kaya ako mag hahanap ng disenteng trabaho at saan naman ako kukuha ng ipambabayad ko bukas sa land lady ko? Haysstt....Stress-free. Stress-Free dapat ang kagandahan ko hindi ko muna iisipin 'yon. You were never created to live depressed, guilty, condemned, ashamed, or unworthy. You were created to be Victorious and live like there's no tomorrow nga, 'di na?