Patay. Maling sasakyan.
I am still stunned on my seat.
I saw this man with such a serious and dangerous aura. Nakakatakot, para niya akong kakainin ng buhay dito. Parang isa talagang pagkakamali na pumasok ako sa loob ng sasakyan niya.
Bakit naman kasi kasing kulay at kalaki ng sasakyan niya yung shuttle nanmin?!
"I am asking you, woman." He broke the silence. "Anong nigagawa mo sa sasakyan ko?"
Napatanga ako sa narinig at di ko mapigilan ang pagbulalas ng tawa mula sa bibig ko.
"Hahaha!" Tawa pa rin ako ng tawa, not minding the deadly glare I am receiving from my big boss.
Yes, the CEO exactly.
Susmaryosep, ang cute ng pagkakatagalog niya, 'nigagawa?'
"Hey!" He sound so annoyed now.
Alam kong bukas na bukas ay wala na akong trabaho dahil sa ginawa kong ito, well ganti na rin to sa pagmumura niya sakin sa call noong nakaraan.
"S-Sorry." I apologize but mischievous laugh still visible on my voice.
"What the fuck's your problem, woman? Don't you fucking know me?! I am the—"
"The CEO of EXIV PH and the major stake holder of EXIV. The blahblah whatever! Bye!" Putol ko sa kanya at mabilis na kumilos paalis ng sasakyan. Kaysa mag-antay ng shuttle ay naglakad na lang ako papuntang sakayan.
***
Alas-siete na ng gabi, on the way na ako sa office at ngayon ko naramdaman ang kaba dahil sa kalokohang pinag-gagawa ko sa CEO ng account ko.
What if sinesante pala ako? Ayos lang sakin mapagalitan dahil sanay na ako, ngunit ang masisante hindi pa, first job ko to eh.
Nang makarating sa babaan ay agad akong nagtungo sa waiting area nang shuttle service ng kompanya namin. After sevel minutes, dumating na ito kaya nakasakay na ako agad.
"ID po, ma'am." Pigil sa akin ng guard noong ako ay papasok na sa loob ng site. Nangunot ang noo ko at kinapa ang ID lace ko, na wala pala."
Ay shet. Naiwan ko pa yata ang ID at Badge access ko! Paano ako makakapasok nito?!
"Ahm, manong naiwan ko po eh. Kukuha na lang po muna ako ng alternative dyan sa front desk?"
Napakamot ito ng ulo. "Eh, ma'am hindi available ngayon yung para sa production floor eh, tanging trainee badges lang ang available."
Nanghina naman ako sa narinig. Ang choice ko lang ay umuwi at bumiyahe ulit ng ilang oras para lang sa ID ko?
Napailing naman ako at piniling lumabas muli at naupo sa waiting are ng shuttle service namin. Anong gagawin ko? Isang oras na lang at start na ng shift ko,ang biyahe pa lang papunta ay halos tatlong oras na, pero since gabi na mga isa hanggang dalawang oras lang ang biyahe. Pero pauwi pa lang yan, syempre babalik pa ako.
I heaved a sigh and fished my phone para mag-chat sa gc namin. Baka matulungan ako ng coach namin.
"Excuse me, Miss?"
Napatingin ako sa nag-salita, lalaki ito na naka-suit at porma na porma. He looked very familiar, di ko pang matandaan kung saan ko siya nakita.
"Are you Sanya Lacson?"
Napamaang ako. Kilala niya ako?
Dahan-dahan akong napatango. "Will you please come with me? My boss needs to talk with you."
Huh? Boss?
"Who? I don't even know who's your boss."
Wala naman akong nakausap nor naka-interact na boss m-maliban sa isa...
Nanlaki ang mata ko saka pinakatitigan yung lalaking kasalukuyang kausap ko ngayon.
"Justin Klein Cordova?!" Bulalas ko.
Napatayo ako at nagsimulang maglakad palayo. "Stay away from me!"
"Get her." I heard the man said at nakita ko na nga ang mga katokayo niya na mga nakasuit din, may mga earpiece sa tenga at mga seryoso ang mukha.
"Lumayo kayo sakin!" Sigaw ko saka tumakbo palayo. Para akong baliw na pinagtitinginan but I don't care! Hindi ko alam kung anong kailangan sa akin ng sabog na Cordova na yon!
I run and went on the side walk, papuntang emergency exit ng site. Ngayon ko lang naalala na pwede pumasok don, may inspection lang at ang mapapasukan mong floor ay 16th floor, ang pinakapeak ng building.
Ngunit bago pa ako makatungtong ng hagdan ay may nakahawak na sa braso ko.
"Ahh—hmmp!"
"Damn! Shut the fuck up, woman!"
His cold and intimidating aura appeared on my sight. He was currently holding my arms and his right hand covering my mouth.
Di ko alam, ano ba itong pinapasok ko?!
MAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa tasa ng kape habang nakayuko. Currently, nasa office ako ng CEO, oo dito ako dinala ng mga alagad niya matapos niya ako mahuli mismo.
"So..." Napa-angat ag aking paningin sa kanya.
His eyes met mine and it suddenly bring an unfamiliar feeling.
I felt my heart throbbed so much. May sakit ba ako?
Baka nagpa-palpitate lang ako?
Tama. Palpitation lang ito.
"Sanya Lacson, huh?"
I gulp.
"Y-Yes, Sir."
Napakamalas ko nga naman talaga.
"Sir? I remember you cursing me to death just because I ask you to bring me a whiskey " He smirked that sends shivers to me. Sumandal siya sa kanyang swivel chair.
Nanlaki ang mata ko at napayuko. "Ah, eh s-sorry..."
"Sorry? I think that word is not even enough to compensate a customer who experience a horrible customer experience."
Horrible?
Napaingos ako. "Kung di ko lang kailangan ng trabaho, sampal ko pa sayo resignation letter ko with my report stats."
"Pardon?"
Ngumiti ako dito saka umiling. "Wala. Wala, Sir."
Tumango ito. Tumayo ito saka naglakad palapit sa akin na nakapagbigay ng kaba sa sistema ko.
"Well, sorry's not enough. But I have my alternative way to make you pay."
He went on my side and put both of his hand on the glass wall behind me. He then bend his head near mine, like cornering me.
"Be my assistant while I'm staying here."
Ano?!