Chereads / This Weird Nerd Is A Gangster / Chapter 2 - I’m Charlotte

Chapter 2 - I’m Charlotte

Yaaaaaawn!

Ang haba ng hikab ko noh? Hahaha! Wag ka! Ganyan talaga. Binasa ko pa kasi yung Unfortunate Tale ni CristineIsMyName eh sa Wattpad eh. Laughtrip kasi tapos papaiyakin ka sa huli. Angst is lifeu. Kaya ayun, umaga na ako natulog. Kahit madaling araw na eh binasa ko pa rin. Epic.

"Okay class, that's for today. Goodbye." Sabi ng Math teacher naming si Mr. Bondoc. Ang pinaka-gwapong teacher sa buong Maalat High School.

"Goodbye Sir!" Sabi ng buong 4-2.

Kahit kelan talaga, ang hirap ng Mathematics. Mula elementary hanggang ngayong highschool super hate ko parin ang math. 'Di ko kasi talaga sila ma-gets eh.

Yung kahit anong pilit kung intindihin yung mga formulas eh di ko pa rin maintindihan. Gets nyo? Sure ako may mga math haters din dito tulad ko. Aminin!

Nakakapasa lang ako sa mga quizzes and tests because of my two seamates/bestfriends which is very good in math. Pero 'di naman ako nangu-ngopya noh! Pag-quiz na or test na tinatanong ko lang ang formulas.

Ganun lang. In that case pumapasa ako sa mathematics.

Pero 'di ako boplax sa lahat ng subject ah. Tanging sa katangi-tanging mathematics lang. Sa ibang subjects ay okay naman ang aking performances.

Okay.. English time na! May favorite subject.

Bye the way. I'm Charlotte Javier. A fourth year high school student. Living alone. Pretty. Tall. Sweet. Nice. And certified makulit!