Chapter 1
"Hayyyy nako sayo Luna, ewan ko ba Kung bakit ganyan na kataba yang puso mo para maloko. Luna, stand up! Bangon ka na jan, and start the day, start your life again, wag kanang magpapaloko ulit" pa irap na sabi ni Candy, Ang kanyang partner in crime, childhood bestfriend, at kasangga na niya sa buhay sa siyudad. Luna was laying down in the bed, under the carpet, at patuloy pa ring rumaragasa Ang kanyang mga luha. Paano ba naman kasi ay nakita niya Ang kanyang inutil na ex boyfriend na, na may kasamang kalandian sa park, huli na ng nalingunan siya nito matapos niyang sinira Ang side mirror nito at patakbong umalis. Hinabol pa siya ng gunggong ngunit nakasakay na siya ng taxi bago pa siya mahawakan nito. Hindi na niya Kaya Ang pang che cheat na ginagawa ni Clyde sa kanya, una ay nakita niya itong may kaakbay, pangalawa ay nalaman niya mula Kay candy na may pinopormahan itong kasama niya sa trabaho. Call center agent si candy at siya naman ay isang employee sa isang kompanyang malapit ng magsasara. Hindi alam ni Clyde na kasamahan pala ni Candy Ang pinopormahan nito noong una Kaya dalaw rito at dalaw doon Ang ginagawa ng lalaki. At ngayon? Hindi na siya mag aatubiling bigyan pa ng choice Ang clyde na iyon, ubos na ang choices na hihilingin pa nito. "Hoyyy luna naririnig mo ba ako ha? Malalate kana sa trabaho mo kapag di ka pa bumangon jan" dagdag pa nito na lalong ikinainis niya dahil kanina pa siya nito pinagpapalo ng unan. "Oo na eto na nga eh" sagot niya sabay bangon, kuha ng unan at pinagpapalo si Candy. "Luna Syriene!!" ani ni Candy sabay palo ng unan sa kanya. Kahit kailan ay hindi talaga siya pinababayaan ng kaibigan, sa sakit, sa poot, sa mga kakulitan, kalibogan, at sa kasiyahan ay nandiyan palagi si Candy. "O, magbihis kana at sabay na tayong umalis, ihahanda ko na muna Ang breakfast" sabi nito sabay alis sa kama. "Okay" tanging nasagot niya tsaka nagligpit. How cruel this life is! For sure ay pupuntahan siya ni Clyde sa opisina, and she made a decision, she will gonna cut their relationship na. Yan na ang desisyon niya.