"Babe, nasa'n ka na?" I asked from the other line as I put all the things I need inside my handy bag. Umupo ako sa dulo ng aking kama, kaharap ang full length mirror ng kwarto ko at hawak ang phone sa kaliwang kamay na nakadikit sa tenga.
As I waited for my boyfriend's response, I scanned my body and smiled. I was wearing my peach dress na above the knee ang haba at pinaresan ng isang white block heels. Nakalugay ang itim kong buhok na kinulot ko kani-kanina lang. The makeup on my face was simple and hindi halatang nakasuot ako no'n. Gab also loves it that way.
Saturday ngayon and napagkasunduan namin ni Gab na mag-date. It's one of our rules to have a date once in a week. A time exclusive only for each other.
"I'm almost there, babe. Sorry natagalan, wala kasi sa mood si Papa mag-drive at nagpahatid sina Mama sa usual place nila, you know, it's Saturday," natatawa niyang wika na nagpangiti rin sa akin.
Sina tita't tito talaga. Ilang taon na silang mag-asawa pero 'yong sweetness sa relasyon nila ando'n pa rin. Gano'n din sina Mama at Papa. They've been in love since day one and it's growing every single day. And that's what Gab and I wanted. Especially 'pag nasa ganoong stage na rin kami.
Maaga pa para mag-isip ng gano'ng bagay sa relasyon namin, but our parents said na mas maganda nang alam namin pareho na may plano kami ni Gab sa relasyon namin at hindi naglalaro lang.
Our parents really believe that if you're in a relationship, you should know that marriage is the goal.
Hindi nila sinasabing magpakasal agad after graduation, but nagsasabi lang na hindi basta laro ang pinasok namin. Gab and I are both lucky to have such amazing parents.
Pareho kaming only child ni Gab, and we both grew up witnessing how amazing love can be. How it can makes you grow into a better person every day. And how important it is to make it work no matter what.
Maybe that's why umabot kami ni Gab ng tatlong taon and 'til now, matatag pa rin. Ang mga normal na bagay sa isang relasyon, 'gaya ng away o hindi pagkakaunawan, ay naaayos naman namin agad. We always choose to fix it agad bago pa lumaki. As much as possible ay ayaw naming palakihin pa lalo ang kunting hindi pagkakaunawaan.
Gab's on his 3rd year in college, taking up Civil Engineering, while I'm still on my 2nd year, an accountancy student. We're both busy yet we always find a way to make time for each other.
Iyon din ang sinabi ng parents namin sa amin. That no matter how busy we are, dapat bigyan din namin ng time ang isa't isa. Kahit kunting minuto o oras lang ay sapat na.
We don't have to pour too much time to each other, an update or a simple "good morning" and "good night" text is enough, since we know na pareho talaga kaming busy sa pag-aaral namin. We both agreed na dapat gawin naming priority ang pag-aaral bago ang isa't isa.
"Kate, anak, andito na si Gab." I heard Mama's voice from behind of the door. Napatingin ako roon at tumayo mula sa pagkaka-upo.
"Opo."
Mabilis kong inayos ang sarili sa huling pagkakataon sa harap ng salamin. Nang nakuntento'y dinampot ko ang puting handy bag at lumabas ng aking silid.
Isang one-story house lang naman ang bahay namin at 'di gano'ng kalakihan, tama lang para sa aming tatlo.
Hindi kami gano'n kayaman, hindi katulad ng pamilya ni Gab na may kaya talaga sa buhay. But that's not a problem sa relasyon namin. Parehong mababait ang parents ni Gab sa amin lalo na sa akin. And they raised Gab well. Hindi spoiled at hindi mataas ang tingin sa sarili. One of the reasons why I'm so into him.
I saw Gab sitting on the single sofa, waiting for me. Nakatuon ang atensyon niya sa nakabukas na TV.
He's wearing a white button-down shirt and a dark blue jeans. Ang bagong-gupit niyang buhok ay naka-ayos.
I bit my lower lip, stopping myself from smiling. He's just so gorgeous.
"Babe!" I greeted and plastered a sweet smile on my lips.
Mabilis kong naagaw ang kanyang atensyon. "Hey, beautiful," bati niya rin sa akin at tumayo. Mabilis na uminit ang aking pisngi na kinahalakhak niya.
He really knows how to make me flutter on his own way. And it's amazing how it still affects me in a good way even though he keeps doing it whenever he has the chance to.
"Ewan ko sa 'yo," pigil-ngiti kong wika.
"Oh, s'ya, umalis na kayo at mag-ingat kayo sa daan," sabi ni Mama na nasa likuran pala namin. "Gab, ingatan mo anak ko," nakangiti niyang dagdag na kaagad sinagot ni Gab ng pagtango.
"Opo, tita, palagi naman po." Inabot niya ang aking bewang at marahang hinila palapit sa kanya. Bahagya akong nagulat sa walang-pasabi niyang galawan at nahihiyang tumingin kay Mama.
Hanggang ngayo'y nahihiya pa rin ako kapag gano'n kami ni Gab sa harapan ng nga magulang namin. Pero para kay Gab at sa mga magulang namin ay normal lang naman iyon at dapat lang bilang magkasintahan.
"Alis na kami, 'Ma, pakisabi na lang din po kay Papa," ani ko nang naalalang tulog pa si Papa.
Late na siya naka-uwi kagabi galing trabaho. Siguradong pagod na pagod 'yon