Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Department of Timelines

🇵🇭Rolando_Carbajal
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4k
Views
Synopsis
Timeline
VIEW MORE

Chapter 1 - Ako si Enjack Ammo

Brgy. East Rembo, Makati City (Enero 1, 1996)

Ika-12:34 ng madaling-araw, ako si Enjack Ammo, isang 10-taong gulang na Ilocano, ay kasalukuyang nasa loob ng aking inuupahang bahay habang nakahiga`t nagpapahinga nang makarinig ako ng magkakasunod na pagkatok sa aking pintuan; bumangon ako`t binuksan ang pinto.

"Happy New Year, Enjack! Papasukin mo ako sapagkat mayroon akong binitbit (isang 1-kilong Litson na Manok at isang 1-litrong Coke) upang ating pagsaluhan, saan ko ito ilalapag?" wika ni Aurora, ang aking minamahal.

"Sa aking hapag-kainan sapagkat may mga plato, mga `utensils', at mga baso nang nakahanda," wika ko habang isinasara ang pinto at saka sumalo kay Aurora sa hapag-kainan.

"Mukhang hindi na naghanda para sa `Media Noche', mabuti na lang at naisipan kong magtungo rito upang ibahagi sa iyo ang aming mga inihanda. Sana magustuhan mo," wika ni Aurora habang nilalagyan ng makakain ang aming gagamiting plato.

"Oo naman, siguradong magugustuhan ko ang mga iyan sapagkat ikaw ang nagluto," wika ko habang nilalagyan ko naman ng "Coke" ang aming mga gagamiting baso.

Matapos naming maihanda ni Aurora ang aming mga pagsasaluhan, agad kaming kumain; nagpapatuloy sa aming pagkukuwentuhan.

"Matanong ko lang, marami ka bang natanggap na pamasko mula sa iyong mga ninong at mga ninang. Kung maari`y ibahagi mo naman," wika ni Aurora.

"Oo, marami. Mamaya, mamamasyal tayo sa SM Megamall at ako ang gagastos," wika ko.

"Talaga! Anong oras tayo aalis dito?" wika ni Aurora.

"Aalis tayo sa ganap na ika-9:45 ng umaga, magdamit lang tayo nang nakapambahay para hindi tayo mahalatang `rich kids' sa ating pamamasyal," wika ko.

"Ganoon ba. Sige, ikaw ang masusunod," tugon ni Aurora.

"Matanong ko lang, bakit ka nga pala naririto?" wika ko.

"Mag-isa lang ako sa bahay sapagkat ipinasundo si Mama ng kanyang BOSS kaya ganoon," tugon ni Aurora.

"Kung kailan naman magba-Bagong Taon saka pa ipinatawag at para hindi ka mag-isa, dumito ka na lang muna habang hindi pa nakauuwi ang Mama mo," wika ko.

"Maraming salamat. Tapusin na natin ito at nang makatulog na tayo para hindi mo makalimutan iyang pangako mo," wika ni Aurora.

Matapos naming kumain ni Aurora, hinugasan ko muna ang aming mga pinagkainan habang naliligo siya, at nang matapos ko ang aking ginagawa'y sumunod na akong naligo nang lumabas si Aurora sa paliguan; pagkatapos kong maligo't magbihis, agad kaming nagtungo sa kuwarto ko.

"Mamaya na tayo matulog, manunood pa tayo ng pelikula," wika ko habang isinasalang ko ang isang "VHS tape" sa moderno kong "VHS player".

"Talaga! Anong pamagat?" wika ni Aurora habang isinasaayos niya ang kanyang pagkakaupo sa kama ko.

"FILE NO. 1, iyan ang pamagat," wika ko nang maisalang ko na ang panonoorin namin ni Aurora.

"Hindi ko nabalitaan na ipinalabas `iyan', sinu-sinong mga gumanap?" wika ni Aurora habang tumatabi ako sa kanya.

"Wala namang nakasulat dito, huwag na lang nating alamin at manood na lang tayo," wika ko nang magsimula na ang mismong "video".

Habang nanonood kami ni Aurora, wala kaming nauunawaan ngunit napakarami naming napapansin; kasalukuyang pinag-uusapan namin ang mga ito.

"Tingnan mo, naghahatid sila ng patay sa huling hantungan nito nang gabi, puwede ba iyon?" wika ni Aurora.

"Ewan ko? Mukhang hindi pa sila papunta sa sementeryo kundi sa isang simbahan, puwede pala iyon," tugon ko.

"Hey! Tingnan mo ito. Papasok na sila sa simbahan pero mukhang kasalan ang nagaganap sa loob, puwede bang pagsabayin ang pagbabasbas sa patay at kasal?" wika ni Aurora.

"Malay ko diyan, wala pa akong nababalitaang gumawa ng ganyan," tugon ko.

"Anong `dialect' nung nagmimisang pari, hindi kaya `Latin'. Uy, tingnan mo... tingnan mo, binuksan nila yung kabaong at agad bumangon yung patay na naka-bridal gown at saka tumabi pa sa `groom'. Wow! Hindi ko kaya ang konsepto ng kasal nila," wika ni Aurora.

"Okey yung itong kasalang napapanood natin. Sa halip na isang `bridal car' nila pasakayin ang `bride', isinilid nila ito sa kabaong at kasa-kasama pa yata ang mga kaanak sa paghahatid nito sa simbahang pagkakasalan," wika ko habang namamangha kami ni Aurora sa aming napapanood.

"Panoorin mo ito, lalabas na yung bagong kasal at saka sumusunod din sa kanilang paglalakad yung mga taong dumalo. Panoorin mong mabuti, ang bagal nang kanilang paglalakad, obserbahan mo pa kung saan sila patungo, di ba, papasok silang lahat sa isang sementeryo, at saka patungo talaga sila sa `may tolda' na iyon. Manood ka pa, naroroon na silang lahat at tingnan mo kung anong mayroon, isang malaking hukay na hindi matukoy ang lalim, at saka nakaharap ang bagong kasal at mga dumalo sa hukay na iyon. Panoorin mo yung pari, nagmimisa pa rin ito sa wikang Latin at pagkatapos, binabasbasan niya ang bagong kasal at mga dumalo hindi sa pamamagitan ng `holy water' kundi sa pamamagitan ng gasolina, at matapos nitong magbasbas ay nagsitalunan ang bagong kasal at mga dumalo sa hukay na iyon. Nang makasigurado ang pari na nasa hukay na ang bagong kasal at ang mga dumalo, nag-alay muna ito ng isang mahaba-habang dasal sa wikang Latin, at pagkatapos nito'y naghagis ito ng isang kandilang may sindi sa mismong hukay kung saan nagsitalon ang bagong kasal at ang mga dumalo. Nang makita ng pari na nagliliyab nang husto ang hukay, binuhusan din ng gasolina ang sarili nito`t sinindihan habang kumanta ng isang awiting Latin kasabay ng mga paghiyaw ng mga taong tumalon at nasusunog sa mismong hukay. Habang nasusunog ang pari, patuloy at lumalaki pa ang apoy na sumusunog sa mga tao na nasa hukay na iyon, at ilang saglit pa'y humupa rin ang apoy nito," wika ko.

"Tapos na kaya iyan, namatay naman silang lahat pati yung pari. Kinikilabutan na ako," wika ni Aurora.

"Hintay lang, Hindi pa tapos. Nang humupa na ang apoy sa hukay, may isang lalaking lumabas mula rito, at pagkatapos, unti-unti nitong tinabunan ng lupa ang hukay na pinanggalingan nito. Pagkatapos, nagpakilala ito bilang si Fer Magz," wika ko.

"Di ba siya yung napatay at pinugutan ng ulo ni EL EL (Lapu-Lapu) sa ML (Labanan sa Mactan)," wika ni Aurora.

"Kilala ko si Fer Magz, sigurado akong hindi niya katawan iyan. Pansamantala lang iyan, hinahanap niya yung pugot niya at yung pinagpugutan upang kanyang maging panghabangbuhay na katawan dito sa ibabaw ng lupa," wika ko.

"Ang pinanonood natin ay tungkol sa muling pagbangon at paglalakad ni Fer Magz sa ibabaw ng Pilipinas. Nakakatakot, ayaw ko nang ituloy," wika ni Aurora.

"Huwag kang mag-alala sapagkat wala ng katuloy ang ating napanood, kusang iniluwa ng `VHS player' ko ang nakasalang na `VHS tape'," wika ko.

Matapos kusang mailuwa ng aking modernong "VHS player" ang nakasalang na "VHS tape", agad ko itong kinuha't ipinakit kay Aurora; kinilabutan kami sa aming napansin.

"Tingnan mo ito, nawawala ang `film' at amoy-sunog," wika ko kay Aurora.

"Uy! Kinikilabutan na talaga ako, kanino mo iyan nakuha?" wika ni Aurora.

"Sa kuya ng `classmate' ko na kasalukuyang nakaburol sa kanilang bahay sa Brgy. Comembo," wika ko.

"Kailangan na natin itong ibalik kahit na nagkaganito pa ito," wika ni Aurora.

"Tama ka. Ibabalik na natin ito sa pagpunta natin sa lamayan nila," tugon ko.

Matapos naming pag-usapan ni Aurora ang tungkol sa aming napanood, humiga na kami sa aking kama, at sa sobra niyang takot ay napayakap pa siya, at saka natulog na din ako; ginising niya ako sa ganap na ika-6:23 ng umaga.

"Good morning, Enjack! Anong gusto mong agahan?" wika ni Aurora.

"Mayroong `hotdogs' at mga itlog sa `fridge', iprito mong lahat iyon," wika ko.

"Opo, masusunod na," wika ni Aurora at saka nagtungo sa kusina upang magluto ng aming magiging agahan.

Paglabas ni Aurora sa aking kuwarto, muli kong isinalang ang "VHS tape" sa aking modernong "VHS player"; nagulat ako sa aking nasaksihan.

"Hindi ba`t tungkol kay Fer Magz ang aming pinanood, bakit iba na yata ito?" wika ko.

"Hindi ako maaaring magkamali ng isinalang," wika ko habang patuloy na nanonood.

"Kinakailangan ko nang ibalik ito sa kanila," wika ko.

Nang matapos ko ang aking pinanonood, muling iniluwa ng aking modernong "VHS player" ang nakasalang na "VHS tape"; hindi ko namamalayan, nasa tabi ko na si Aurora't nakikinood na rin.

"Tapos na po ba kayong manood, handa na po ang ating agahan," wika ni Aurora.

"Oo, tapos na. Halika`t magtungo na tayo sa hapag-kainan," wika ko at saka nagtungo na kami ni Aurora sa hapag-kainan.

"Uuwi muna ako para kumuha ng aking mga maisusuot, babalik din ako," wika ni Aurora.

"Medyo damihan mo na't nang hindi ka balik nang balik sa inyo," wika ko.

Matapos naming kumain ni Aurora, agad siyang umuwi sa kanilang bahay, at saka nagsinop ako ng aming mga pinagkainan bago pumasok ng banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo; agad kong tinungo ang aking kuwarto.

"Parang may babaeng nakatanaw sa akin mula sa kinatatayuan nitong kalsada," wika ko.

Habang ako'y nagbibihis, naisipan kong muling isalang ang "VHS tape" sa moderno kong "VHS player"; ilang sandali pa'y nagsimula na ang palabas.

"Talagang gusto mo akong makausap?" wika ni Fer Magz, ang mismong nagsasalita sa "video".

"Hindi naman sa ganoon, ano ba yung napanood namin kagabi?" wika ko.

"Correction! Ano ba yung napanood mo kagabi? Don't worry, anuman ang mga nakita ng nobya mo'y kanya ring makakalimutan kinabukasan," wika ni Fer Magz.

"Yun ba ka mo? Bago ko sagutin ang iyong tanong, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Fer Magz, ang niloko ng aking `reyna' at napugutan sa Mactan nang dahil din sa kanya," wika ni Fer Magz.

"Paano ka nakarating dito noong panahong iyon?" wika ko.

"Hindi ako patungo rito kundi sa `Molukko', habang naglalayag kami'y nagkaroon ng mga kaganapan sa aking barkong kinaroroonan, nabasag ang isang banga na naglalaman ng hindi malamang elemento, at saka lumabas ito upang kumain

ng aming mga huli mula sa karagatan tulad ng; isda, hipon, at mga masasarap na alimasag. Nagdulot ito sa amin ng kagutuman at sakit, at nang kumalma`y pumasok naman sa katawan ko." wika ni Fer Magz.

"Naaalala mo ba ang mga nangyari bago ka pinatay?" wika ko.

"Ang nasa loob ko ang nagdulot ng mga kaguluhan noong panahong iyon, ito rin ang dahilan kung bakit ako napatay at napilitang pugutan," wika ni Fer Magz.

"Sino-sino talaga ang mga totoong nakapatay at nakapugot sa iyo?" wika ko.

"Sa pamamagitan ng elementong nasa loob ko, buong giting akong nakipaglaban para kay EL EL, isa sa mga magigiting ng Mactan laban sa mga mananakop noong panahong iyon," wika ni Fer Magz.

"Sinasabi mo bang hindi si Lapu-Lapu ang nakapatay sa iyo?" wika ko.

"Sinong Lapu-Lapu, sino ba ang tinutukoy mo? Ang labo mo namang kausap?" wika ni Fer Magz.

"Hindi ba ikaw si Ferdinand Magellan na napatay ni Lapu-Lapu noong panahong iyon," wika ko.

"Sino sila? Hindi ko kilala iyang mga tinutukoy mo kaya pala napakalabo mong kausap," wika ni Fer Magz.

"Naisulat kasi at nailathala pa ang mga kaganapan ninyo kaya namin alam," wika ko.

"Alam ko kung ano yung tinutukoy mo pero hindi kami iyan, mas nauna pa kaming nakapunta sa Mactan kaysa sa tinutukoy mo," wika ni Fer Magz.

"Anong totoong kalagayan ng Mactan noong nakarating ka?" wika ko.

"Masyadong magulo ang lugar na ito noong una at huli kong punta. Ayon sa mga taga-roon, napakaraming gustong sumakop sa kanilang lugar dahil sa kanilang likas na yaman, kabilaan ang mga nagaganap na digmaan, at saka ilang beses na rin itong nasira`t muling naitayo," wika ni Fer Magz.

"Sino si El El, bakit hindi nailathala sa kasaysayan ang inyong buhay?" wika ko.

"Babae po si El El, anak po siya ng isang alipin sa Mactan. Kasintahan ko siya," wika ni Fer Magz

"Anong klaseng digmaan ba at hindi ito talaga na naisulat?" wika ko.

"Ang sabi ni El El, may dalawang mananakop ang nagsagupaan noong araw na mamatay ako, mga mananakop mula sa 'nakaraan' at 'malayong hinaharap', at sa kasagsagan ng digmaan ng mga ito ay lumaban kami ni El El para sa aming kaligtasan at pagmamahalan," wika ni Fer Magz.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" wika ko.

"Nang panahong iyon, may kapangyarihan si El El na gamitin ang 'apoy ng impiyerno'. Ginamit niya iyon para magapi ang ganoong kadaming mga kalaban," wika ni Fer Magz.

"Ikaw, paano ka namatay?" wika ko.

"Nang magapi ni El El ang ganoong dami ng kalaban, dalawang magkalabang pinuno ang nagkaisang dakpin ako't pugutan sa harap mismo ni El El. Ganoon kasaklap ang kamatayan ko," wika ni Fer Magz.

"Si El El, anong nangyari sa kanya?" wika ko.

"Dahil bata pa noon siya nang mamatay ako, naglayag siya bilang isang mangngalakal at nakuha pang makipagdigma sa mga gusto niyang sakuping mga lugar. Ginawa niya iyon para ipaghiganti ang aking kamatayan mula sa mga taong pumugot sa akin sa kanyang harapan," wika ni Fer Magz.

"Saan siya mismo namatay?" wika ko.

"Sa sobrang tagal na nito'y wala na akong maalala, sigurado akong nasa 'impiyerno' siya matapos niyang iwanan nang matiwasay ang Mactan, at doon na siya naglagi," wika ni Fer Magz.

"Bakit ka nagpakita sa 'video' at ano yung mga napanood ko?" wika ko.

" Yun ba? Totoong nangyari iyon pero hindi ako ang may gawa. Habang nasa `impiyerno` at hinahanap si El El, lumabas ang butas na iyon at iniangat ako palabas. Tama ka, hindi ko nga katawan ito sapagkat ang katawan ko`y matagal nang naagnas," wika ni Fer Magz.

"Bakit ka nagpapakita sa akin, gusto mo bang tulungan kita?" wika ko.

"Ikaw, kung interesado ka. Nagkita na kami ni El El, ipinagkatiwala na niya sa akin ang kanyang kakayahang gamitin ang `apoy ng impiyerno`. Yung nakita mo sa `video`, iyon ang susunod kong pakay sapagkat ang mga ninuno nung mga ikakasal ang pumatay at pumugot sa akin. Dangan lang, tapos na ang kasal at muli nang mabubuhay ang mga taong pumugot sa akin upang muling sakupin ang `Mactan`. Hindi lang ako sigurado kung saan ako magsisimula?" wika ni Fer Magz.

"Kung tutulungan kita para magaping muli ang mga tinutukoy mo, nasaan ka at nang mapuntahan kita," wika ko.

"Pupuntahan kita sa iyong panaginip upang tayo`y makapag-usap ukol diyan, saan ka naroroon kapag natulog ka?" wika ni Fer Magz.

"Dito ako ngayon naka-address sa Brgy. East Rembo ngayong Taong 1996, ang kasalukuyan kong kinaroroonan," wika ko.

"Okey, madali lang iyan hanapin. Basta managinip ka lang at ako nang bahalang puntahan ka`t makausap nang personal mamayang pagtulog mo," wika ni Fer Magz.

Matapos naming mag-usap ni Fer Magz, muling iniluwa ng aking modernong "VHS player" ang nakasalang na "VHS tape", at agad kong isininop ang aking mga gamit; nang marinig ko ang boses ni Aurora, agad akong lumabas ng aking kuwarto upang magtungo kay Aurora.

"Bakit ang tagal mong bumaba, kanina pa ako tumatawag sa pangalan mo. Tulungan na kitang isara itong bahay mo at nang makapamasyal na tayo," wika ni Aurora habang hinihintay niya akong matapos ko ang aking ginagawa; pagkatapos, agad kaming nag-abang ng aming masasakyang "taxi cab". Habang naghihintay kami, patuloy lang kami sa pag-uusap.

"Ang tagal mo, sigurado akong pinanonood mo na naman iyon?" wika ni Aurora.

"Oo, 'curiosity' lang naman. Bakit?" wika ko.

"Parang wala kang naririnig, ngayon ka lang tumugon," wika ni Aurora.

"Huwag na natin iyon pag-usapan sapagakat eto na yung ating masasakyan," wika ko nang makapagpahinto ako ng "taxi cab" sa aming harapan; agad kaming sumakay at nagpahatid sa SM Megamall.