"Zeus, doon tayo ohh.", turo ni Penelope sa isang restaurant, tinignan naman iyon ni Zeus kung saan nakaturo.
"Gutom na kasi ako,mwehehe.", nakangusong dagdag na saad ni Penelope kay Zeus upang dahilan na matawa si Zeus 'cute' saad ni Zeus sa kaloob looban nya.
"Pfft, don't pout you look like a duck", natatawang tinignan ni Zeus ang mukha ni Penelope na ngayon ay mas lalong humaba ang nguso ng dahil sa sinabi ni Zeus kay Penelope.
"Amp. Diyan kana nga.", iniwan ni Penelope si Zeus habang ang dalawang paa ay nagpadyak padyak. Natatawang tinignan ni Zeus si Penelope sa malayo.
"Nakakainis na yon ang cute ko kaya tapos sasabihin nya lang na mukha akong duck, ay yawa. Aishh bwesit.", naiiritang saad ni Penelope habang naglalakad papuntang restaurant, gutom na gutom na kasi sya. Nang makarating na siya sa loob ng restaurant ay agad syang naghanap ng upuan para kanilang dalawa dahil alam ni Penelope na susunod yun sa kanya. Nang makahanap na siya ng mauupuan ay agad syang lumapit doon at agad na umupo.
"Bakit ang tagal mo naman?", naiiritang tanong ni Penelope kay Zeus na ngayon lng ay kadarating, naiirita si Penelope dahil kanina pa siya nag-aantay gutom gutom na talaga si Penelope.
"Bakit gutom kana ba?", tanong ni Zeus kay Penelope na ngayon naka taas ang isang kilay
"Aba'y t*ng*n*, kanina pa ako gutom dito.", mangiyak ngiyak na saad ni Penelope kay Zeus na ngayon nakatingin sa mata ni Zeus.
"Ok, mag oorder nako.", pagkasabi ni Zeus kay Penelope ay agad na nagning-ning mata ni Penelope at napalitan din ng saya.
"Yehey thank you", masayang tugon ni Penelope kay Zeus. Napailing iling nalang si Zeus dahil sa inasta ni Penelope 'Hindi ko alam na may ganyan pala syang 'side' sa isip nitong saad.
Maraming nakatingin sa kanilang mga tao dito sa loob ng restaurant dahil sa lakas ng boses ni Penelope. "Ang moody.", mahinang saad ni Zeus sapat na para marinig ni Penelope ang sinabi ni Zeus.
"Anong sabi mo?", Taas kilay natanong ni Penelope habang nakapaywang na nakatingin kay Zeus.
"Hehe sabi ko nga mag oorder na tayo.", pakamot kamot na tugon ni Zeus kay Penelope. "Ang talas naman ng pandinig niya ang hina na nga ng pagkasalita ko.", saad ni Zeus sa kanyang sarili habang naglalakad sya papuntang counter.
"Umalis ng hindi sinasabi kung ano gusto kong kainin, amp. Siguradong babalik yan.", mahinang saad ni Penelope habang naka tingin kay Zeus na napakunot ang noo habang nakatingin sa menu.