Chereads / ANDROMEDA / Chapter 1 - I. THE SEA

ANDROMEDA

hnnhlynpblln
  • 33
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 43.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - I. THE SEA

West's

"THE TOUCH of the sea is sensuous, enfolding the body in its soft, close embrace. In one drop of water are found all the secrets of all the oceans. The sea does not reward those who are too anxious, too greedy, or too impatient. One should lie empty, open, choiceless as a beach waiting for a gift from the sea."

Isinarado ko ang hawak kong libro at pinatong sa tagiliran ko. "Ang ganda" tukoy ko sa kulay kahel na langit dito sa dalampasigan.

"Hinding hindi ako magsasawa dito" bulong ko. Tinitigan ko pa ng matagal ang langit at dagat, at nanatili pa ako dun hanggang sa lumubong ang araw.

"West!" Napalingon naman ako sa likudan ko, and there I saw her "Kanina ka pa tinatawag nina Sister" agad niyang sabi pagkalapit sakin.

"Bakit daw?" Tanong ko habang pinapagpagan ang damit kong may buhangin. Pinulot naman niya yung libro na binabasa ko kanina.

"Tinakas mo na naman ito! Alam mo namang bawal ito basahin! Yari ka sa kanila pag nalaman nilang binabasa mo ito!" bulong niya. Kinuha ko sa kanya yung libro at sinimangutan siya.

"Bakit?! Isusumbong mo ba ako?" I teased her.

"Well, of course, no! You're my only close friend here, well also Hans too. And why would I do that? Napaka mo!" singhal niya sakin

Napatawa nalang kami at sabay lumakad papunta sa bahay na tinutuluyan namin. Nakatira kami sa tabing dagat ng lugar na ito, at masasabi mong napaka-ganda talaga dito, mula pagsikat ng araw at hanggang sa paglubog ng araw.

Nang matanaw namin ang bahay ay tumigil si Darah sa paglalakad "Sa likod na tayo dumaan tapos dumiretso ka sa library at ibalik mo na iyan" sabi niya at bumaling sakin.

"Bakit? Nasa unahan ba sila Sister?" Tanong ko at tumango naman sya. Dali dali naman kaming pumunta sa likudan at pumasok.

"I don't know why, but this feels great" natatawang bulong sakin ni darah, napalingon naman ako sa kanya na nagtataka.

"What? Don't you feel it too?"saad nya. Napailing nalang ako sa kanya at tinuro ko sa kanya ang library at umakyat na. Dumeretso naman siya sa common room ng bahay.

Dahan dahan naman akong umakyat sa hagdanan para hindi makagawa ng ingay. Napapailing nalang ako dahil naalala ko na naman yung sinabi ni Darah, pag minsan talaga hindi ko alam kung papaano ang takbo ng utak ng babaeng yun. But I'm fine with that though. She's capable of doing such crazy stuff.

Tulad nalang ngayon, pagbaba ko na abutan ko silang seryosong seryoso sa common room. And guess what, the Sisters scolding her and she is sitting in the middle chair and shutting her mouth there but I do'nt know why Sisters are scolding her.

"What did she do this time?" bulong ko kay Hans. He looked at me and he chuckled.

"She's saving your ass....as usual" bulong nya sakin at inirapan ko naman siya.

"Whatever! Hans!" halukipkip ko, bukod kay Darah, ka-close din naman si Hans. He's more like our older brother.

Tinitigan ko naman si Darah. She doesn't seem to care. Tatango tango lang siya habang nagsasalita sila Sister.

Kami naman ay umalis na sa common room at dumiretso na sa kusina para mag ayos ng kakainan.

"Did you sneaked out the book again?" biglang tanong sakin ni Hans pero hindi ko sya pinansin

"West?!" ulit nya. Napairap naman ako at tamad na tumingin sa kanya.

"Yes! I always do that anyway" napabuntong hininga naman sya at umupo na.

Maya maya naman ay dumating na sila Sister at nag-upo na sa kanilang mga pwesto, si Darah naman ay dumatig sakin.

Bumaling naman sya sakin at bulong "you should get scold too" saad nya pero tumawa lang sya sakin. Mukang hinahamon naman ako ng babaeng ito. Nagsimula na kami kumain ng tahimik, hindi gusto ng mga sister na maingay kapag kumakain. Paniguradong magagalit sila kapag may narinig silang kahit anong ingay.

Tahimik kaming kumakain ng biglang tumikhim si Sister, isa isa nya kaming tiningnan at itinigil ang kanyang pagkain. Tumigil nadin kami sa pagkain dahil siguradong may sasabihin syang importante.

"Last night, I went to the library..." panimula ng head sister. Nagkatinginan naman kami ni Darah, parehas kinakabahan.

"And I checked the restricted area, and the book I told you not to read, is not there" mahinahon na saad ng head sister

"Didn't I clear myself last time, na dapat walang mangangailam nun?!" may diin na saad ni Sister

Nanlamig naman ako bigla, not because I sneak out that book, kundi dahil biglang tumingin sakin si Sister, parang sinasabi niya sa mga tingin niya na alam nya kung ano ang ginawa ko.

"I didn't do it, hindi ko kinuha ang libro kagabi" mahinang saad ko, sumulyap naman sakin si Hans at Darah, worry is evident in there eyes.

"and by means of that, who did it?" singit naman ang isa pang sister, halata sa kanya ang pag aalala.

Nanatili namang nakatingin sakin ang head sister pagkaraan ay tumikhim ang head sister " To those who secretly stole that book, I didn't said this last time....." nagulat naman kami ni Darah ng biglang ngumisi ang head sister.

"But that book, holds a curse!" dagdag niya

Napasinghap naman kami ni Darah. Curse? What curse? That book is so beautiful to have a curse!

Nanatili naman kaming tahimik "What curse is that exactly?" nanginginig na saad ni Anne, napatingin naman kami sa kanya.

"Why is she trembling so much?" bulong sakin ni Darah, napaisip naman ako sa tanong nya, nanlaki naman mata ko dahil sa naisip ko.

"siguro dahil sya ang kumuha kagabi" bulong ko sa kanya. Nagugulat naman siyang tumingin sakin.

Lahat kami ay nakatutok sa sasabihin ng Head sister "You will be bless a power"

"Panong naging curse yan Sister?" saad ni Hans

"Words! Young boy!" singit ng isang sister

Barumbado talaga itong si Hans!

"It's a curse, dahil kapag hindi kinaya ng katawan mo iyon, mamamatay ka nalang. So then, good luck! Excuse me, I'm done" gulat naman kami sa sinabi ni Sister. Dali dali naman kaming tumayo at yumuko. Tradition na namin iyon na kapag ang Head Sister ay tapos ng kumain, kami ay tatayo kami at yuyuko. Tahimik parin naming pinagpatuloy ang pagkain.

Ang ibang sister ay tapos na namang kumain, kami nalang apat nina Hans ang natitira dito. Alam kong nagpapakiramdaman kaming apat dito kung sino ang unang magsasalita.

"I'm excited!" natatawang saad ni Darah

Napatingin naman kami sa kanya "What? Hindi ba kayo naeexcite?" takang tanong niya

"At ano naman ang kinae-excite mo?" natatawang saad ni Hans, bumaling naman ako sa kanya at tinaasan ng kilay, pero tatawa tawa lang naman siya.

"You know, I'm excited to have an extreme power" excited niyang saad

Oh!!! This girl is so!!!!! Ahh!

"Your unbelievable Darah! Seriously!?" saad ko

"Well I'm not! You're so stupid Darah to be this excited!" biglang singit ni Anne

Napabaling naman kami sa kanya at seryosong tumingin sa kanya "That's too much Anne! You don't need to call Darah stupid!" saad ko sa kanya

Si Darah naman ay nakatingin ng seryoso kay Anne "Nandito na lang naman tayo, aminin na natin na..." saad nya ngunit hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil biglang sumingit si Anne

"I didn't stole that book!" may diin niyang saad

Arghhh!! This girl is getting into my nerves!

"Shut up Anne! I didn't ask kung sino ang kumuha ng book kagabi!" matigas na saad ni Hans, napatingin naman ako sa kanya.

"Then what?!" maarteng saad ni Anne

Tumingin naman ako kay Hans "He's asking kung sino dito sa ating apat ang naka basa at nakakita na nung book!" saad ko

Nananitili naman kaming tahimik "Everyone in this house already read it!" biglang saad ni Darah, nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"And how can you say that?" si Anne

"You know what!???? In this table, you are the most stupid person in here! How can I say?!!!! Well of course, I saw them and last night I saw you!" nanggigil na saad ni Darah

What the heck!?

"I DIDN'T DO IT! I NEVER TOUCH THAT STUPID BOOK!" gigil na saad ni Anne at umalis na

"Well let see kung sino ang unang mamatay satin, kung talaga!" habol ni Darah

"Why is she making it a big deal, anyway?!" saad ni Hans

"Because she's stupid Hans!" saad naman ni Darah

Natahimik naman kami pero mayamaya ay bigla akong napatawa at napatawa na din sila.

"She's really stupid!" natatawang saad ko

"I really saw her last night! She's mumbling something when she get out of that library" saad ni Darah

"And you Hans!" bigla turo ni Darah

"What about me!?" gulat na saad ni Hans

Luminga linga naman si Darah bago magsalita "Lahat ng Sister dito binasa na ang libro! The Head Sister, Sister Elise, Sister Annalise, Sister Mary they know the book and the content, that's why they are so worried na baka mabasa natin yun! And Hans, alam kong sa tuwing matatapos mag patrol si Sister Mary ay pupuslit ka para basahin yung libro. Si West lang ata ang kilala kong kumukuha nun ng bulgaran eh!" natawa naman kami sa huling sinabi ni Darah

"Pero Darah! Bakit sa tuwing nakikita mo akong nagbabasa nun pinag sasabihin mo pa akong 'wag basahin yun?" iritang saad ko, napatawa naman sila.

"Para masaya ano ka ba!"

"Pero hindi nyo ba napansin, parang may butas dun sa sinabi ni Head Sister" saad ni Hans, napa isip naman ako

Tama naman sya! Sobrang kulang ng information na sinabi ni sister.

"To those who secretly stole that book, I didn't said this last time....."

"But that book, holds a curse!"

Curse? What exactly is that curse? And how are we going to have it? I mean pano namin malalaman na may sumpa na pala kami? Kung ganung lahat ng andito sa bahay ay alam na ang librong iyon.

Napapailing naman ako sa mga naiisip ko

"Sumasakit lang ulo ko dahil dyan eh!" saad ko at humalikipkip

"Huwag mo na kasi kaisipin! Oy, Hans, You do the dishes, Good night!" saad ni Darah at umalis na.

"Makapag utos yun ah?!" Tumingin naman ako sa kanya at tiningnan siya ng masama.

Binabasa din nya naman pala yung libro makapag ano sakin!

Tumayo na ako at iniwan sya dun "Hindi mo manlang ako tutulungan dito!?" rinig kong pahabol nya

Ewan ko sayo!