Chereads / WHEN YOU CAME INTO MYLIFE / Chapter 3 - CHAPTER 3

Chapter 3 - CHAPTER 3

Kasalukuyang nagtitipa si Sandy sa kanyang laptop para sa kanyang panibagong istorya na sisiguraduhin nya na sa pagkakataong iyon ay magkakaroon na ng isang maganda at masayang wakas, ngunit nabulabog sya sa biglaang pagtunog nang kanyang telepono. Rumihistro rito ang pangalan ng kanyang kaibigan na si Christine.

"Bakit?" tanong ni Sandy sa kabilang linya ng sagutin nya ang tawag ng kaibigan.

"Wow, wala man lang 'Hi o Hello' dyan, Sand?" Sarkastikong tanong nang nasa kabilang linya.

"Doon din naman ang patutunguhan no'n, magtatanong ako kung bakit pagkatapos kitang batiin. Pinabilis ko lang naman, duh." Dahilan ni Sandy sa kaibigan.

"Oo na, parang mananalo ako sayo. Sya, nakauwi na'ko. Gusto kitang mameet, beshyyy!! Date tayo, namiss kita." Pag-anyaya ng kaibigan na para bang matagal na panahon silang hindi nagkita, kahit na ang totoo ay halos isang buwan lang ang nakalipas.

"Baka magselos ang fiance mo nyan. Imbis na sya ang ayain mo ay ako ang inaya mong magdate." Natatawang saad ng dalaga.

"Aba, nung sinundo nya ako sa airport kagabi diretso date kami. Namiss daw ako ng mokong kaya pumayag akong makipagdate kahit na pagod ako at may jetlag pa. Basta kay hon, go lang." Napangiwi si Sandy ng banggitin ng kausap ang tawagan nito at ng fiance. Ang totoo ay nako-cornihan sya kapag may mga mag jowa na nag-iisip pa ng call sign para raw mas sweet. Na para naman sakanya ay hindi, kung kaya't kahit pa may mga naging boyfriend sya noon ay wala silang tawagan bukod sa pangalan. For her, call sign can't make a relationship sweeter, it will be more sweeter if you are contented and you feel love when you are together.

"Hey, Sand? Nandyan kapa ba?" Napapitlag naman si Sandy ng biglang nagsalita ang kaibigan sa kabilang linya.

"Oo, ano nga ulit 'yon?" Tanong ni Sandy.

"Ang sabi ko bukas tayo mag date, beshy. Kita nalang tayo sa mall, huh?" Pag-uulit ng kaibigan sa sinabi nito kanina na hindi nya narinig.

"Sige. Text text nalang tayo."

"Pano ba-bye na. mwuahh." Paalam ng kausap.

Hindi na nakasagot si Sandy nang ibaba ng kausap ang telepono. Buong magdamag na inabala ni Sandy ang sarili sa pagsusulat. Ngunit tila nawalan sya ng gana na magsulat nang mapansin na ang takbo nito ay nawawala na sa inaasahan nya, napaisip na lang sya na itutuloy nya nalang ang istoryang iyon kapag nasa ayos na ang lahat. 'Kapag may jowa na ako' sabi nya sa kanyang isip.

"Kailan naman kaya 'yon?" Napangiwi sya sa sariling tanong habang iiling-iling. Kinagabihan ay maaga s'yang natulog. Batid nyang maaga ang alis nya kasama ang kaibigan, kahit pa hindi ito nagsabi ng oras ng pagkikita.

Kinaumagahan, alas dose na pasado nang napabalikwas ng gising si Sandy dahil sa sunod-sunod na ring ng kanyang telepono. Nang tignan nya 'yon ay nakita nyang ang kaibigan nya pala ang tumawag. Ayon dito ng sagutin nya ang tawag ng kaibigan ay nasa mall na raw ito at hihintayin na lamang sya sa isang sikat na kainan. Agad na kumilos si Sandy kahit pa inaantok parin ang kanyang diwa. Matapos mag-ayos ay agad syang pumara ng taxi. Mas mabuti na iyon para sa katulad nyang inaantok kaysa magdrive. Maaga man syang nakatulog nang nagdaang gabi ay feeling nya kulang na kulang pa'rin ang tulog nya, kung kaya tinanghali parin sya ng gising.

Pagkarating sa mall ay pinuntahan nya ang sinabi ng kaibigan na kainan. It was an Italian restau, napaka ganda ng ambiance nito para sa dalaga. 'Napaka romantic' sa isip-isip nya. Napatingin sya sa babaeng kumakaway sa'kanya habang papalapit. That was her bestfriend, napangiti sya ng yakapin sya nito na ginantihan nya ng mahigpit na yakap. Sobrang namiss nya ito, kahit ilang buwan lang silang hindi nagkita. Kung tutuosin ay masclose nya pa ito kaysa kay Alvin na una nyang naging bestfriend.

"Ang ganda talaga ng beshyy ko, yiee" Ani Christine. Napangiti naman sya sa sinabi ng kaibigan. Sa t'wing magkikita sila ay lagi sya nitong pinupuri.

"Alam ko 'yun. Hindi mo kailangang ulit-ulutin." Mayabang sa sabi nya pero mababakasan ang pagbibiro.

"Nako, masyado ng malaki ang ulo sa kapupuri ko. Tsk tsk." Natatawang saad ng kaibigan.

"Oh sya, tara na sa loob beshyy." Iginaya sya ni Christine sa loob ng restau papunta sa inookupa nitong pwesto. Nakita nyang kasama pala nito ang fiance, ang inaasahan nya ay silang dalawa lang talaga magde-date. Napansin din nya na mayroon pa itong kasama. Hindi nya lang makita kung sino sapagkat pareho itong nakatalikod. Nagtatakang napalingon sya sa kaibigan na kanyang katabi at lumingon ulit sa kaibigan na nakatalikod. Mukhang may bibabalak ang dalawang 'to, sabi ni Sandy sa isip.

Nang makarating sila sa pwesto nito ay nakipagbatian muna sya kay Alvin bago lumingon na may kasamang ngiti sa kasama ng mga ito na kumakaway pa sa'kanya at may malawak na ngiti.

"Hi." Bati nito habang nakangiti. Agad na napalis ang kanyang magandang ngiti ng makilala kung sino ito. Napalitan ng gulat sapagkat hindi nya inaasahan na makita ang budol-budol na iyon ngayon.

"Budol-budol" Hindi nya napigilang bigkasin.