Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Rewrite (Tagalog)

🇵🇭Gummy_Sunny
26
Completed
--
NOT RATINGS
94k
Views
Synopsis
Arabella Romero is a girl from an orphanage is going to meet her father whom left them. He ask her to move and live with him in Manila with his family and she agreed. When her father enrolled her to a famous private school that only rich can afford it. And the moment she enter her new school, she already feel unwanted. DISCLAIMER: This story is fictitious. Characters, Names, Businesses, Places, events, and incident are just a product of Author's imagination. Any actual person, living or dead, or actual events or incidents are purely coincidence. Started: Sat, July 3, 2021 Finished: Mon, August 9, 2021
VIEW MORE

Chapter 1 - First Meet

Prologue

- Bell's POV -

Nakaupo ako ngayon dito sa terrace habang dinadama ang malakas at sariwang hangin sa lugar na kinauupuan ko ngayon. Nakangiti ako habang pinapaikot ang mata ko sa kapaligiran.

Ako nga pala si Arabella Romero. 17 years old. Nakatira ako sa isang ampunan dito sa Leyte. Sabi ng mga madre dito ay si Mama daw ay wala nang pamilya kaya kinupkop nalang nila ito.

Tapos lumuwas daw si Mama ng Maynila para magtrabaho at pagbalik dito ay may tinataguan na daw itong lalaki. Doon din daw nila nalamang nagbubuntis na pala si Mama sa akin.

Dahil bata pa si Mama noon ay hindi daw nito kinaya ang panganganak sa akin kaya nawalan ito ng buhay at iniwan akong mag-isa kasama ang mga madre.

"Arabella, pag kanda daw. May ipapakilala ako sayo." Sabi ni Mother superior na galing sa likod ko. Agad akong humarap at ngumiti sa kanya.

"Ke ano, po?" Tanong ko.

"May ipapakilala nga. Ang kulit mo." Masungit na sabi nito tapos nauna nang maglakad. Ako naman ay agad na sumunod sa kanya.

"May da tawo?" Nakangiti tanong ko.

"Hmm." Maikling sagot nya. Pagdating namin sa sala ay agad kong napansin ang lalaking nakaupo sa may sala at nakangiti habang kausap ang mga madre.

"Kumusta?" Tanong nito habang nakangiti. Lumingon ako sa mga madre para malaman kung sino ang kinakausap nya pero nakatingin ang mga ito sa akin.

"Hoy, uday." Bulong sakin ni Sister Juana.

"Po?" Tanong ko sa kanya.

"Sumagot ka sa papa mo." Bulong ulit nito. Nilingon ko ulit ang lalaki at pilit na ngumiti sa kanya.

"Papa.... po.... kita?" Mahinang tanong ko.

- To Be Continued -

(Sun, July 4, 2021)