Falling for Him (Montreal Series #1)

n_nikkolaaaa
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Prologue

I don't exactly remember how I found myself living with them. Or maybe I just don't wanna remember it at all?

Well, maybe yes. Maybe, no. Ugh, ang gulo!

"Rosé, pinapatawag ka daw ng P.O.D," my blockmate, Anna, said.

What? Did I hear it right? "You mean, the Prefect of Discipline?"

She nodded.

"Bakit daw?" Dahil sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawang masama. I don't start a fight or bully anyone.

"Ewan ko. Sinabi lang na pinapatawag ka, e." Nagkibit-balikat si Anna.

Agad uminit ang ulo ko nang may maalala. Pakana na naman ng mga unggoy 'to para bwisitin ako. Bakit pa nga ba ako magtataka. The P.O.D always call me everytime the jerks gets into trouble.

Kung wala lang akong utang na loob sa mga magulang nila, lalong-lalo na kay Tita Thalia ay hindi ako magdadalawang-isip na hayaan sila at huwag nalang pag-aksayahan ng oras.

Tamad kong binuksan ang pintuan ng office. Tumambad sa akin ang apat na unggoy na prenteng nakaupo sa sofa habang ang P.O.D naman ay nakaupo lamang sa kanyang swivel chair. Nararamdaman ko ang frustration niya habang kinakausap ang apat na hindi naman nakikinig sa kanya. Ni hindi nila napansin ang pagpasok ko.

I suddenly coughed to catch their attention. Tumigil naman sa pagsasalita ang P.O.D at napatingin sa akin. Pati ang apat na unggoy na hindi nakikinig sa kanya ay nasa akin na rin ang mga atensyon.

Lumapit ako sa harap ng lamesa ng P.O.D nang hindi pinapansin ang apat.

"Good morning, sir. Ba—"

"You came for me, my Rosé. How sweet of you," the first one said, grinning. His dimples are showing visibly.

Umismid ako at umirap. Kung wala lang ang P.O.D rito ay baka nabato ko na siya ng libro na nasa lamesa.

"I came here because I was called. Not because of you." I sneered.

The idiots laughed at my remark.

"Pareho lang 'yon. But I know the truh is, you were called because of me," the second one said. He even winked at me and his eyes are twinkling.

Umarte ako na parang nasusuka.

"Yuck! Over my sexy body! Kadiri ka!"

Mas lalo silang natawa sa sinabi ko habang ang pangalawang unggoy naman ay nilagay ang kamay sa dibdib niya at umarte na para bang nasaktan siya sa sinabi ko.

"Whoah! That hurts!" said the third one. "Well, Rosé really wanted to see me that's why she's here." Unang tingin mo palang dito sa kanya ay halatang hindi mapagkakatiwalaan. Kitang-kita ang diamond earrings niya sa magkabilang tainga.

"Stop it, guys. We all know that she came here for me," the fourth one said. Mayroon siyang cross earrings sa kaliwang tainga niya. Just like the first one, his dimples are also showing. And they both have a similar face.

Ang kakapal! I can't believe these people!

"No, dude. For me."

"For me."

"Ako nga!"

"Dahil sa'kin."

Nagsisimula na naman sila. Damn! Papalit-palit na ang tingin sa kanila ng P.O.D. Kunot ang noo nito at hindi alam kung saan babaling.

"No—"

"Enough!"

Napatalon ako dahil sa sigaw ng Prefect. Tumahimik naman ang apat at tumigil na sa walang kuwenta nilang bangayan. Napatayo ako ng tuwid.

The Prefect cleared his throat. "Miss Salazar, I called you because these men here had gotten into trouble. Again."

Tumango ako. Pinigilan kong umirap at bumuntong-hininga na lamang. Hinayaan kong magpatuloy sa pagsasalita ang Prefect dahil mukhang may idudugtong pa siya. Bahagyang binaba ng Prefect ang kanyang salamin at tinuon ang pansin sa akin..

"You know that I've given them a countless of chances, right? But what's the result? Hindi sila tumitigil sa mga ginagawang kabulastugan. If only their family's not the owner of this school, I would've expelled them all out." He let out a deep sigh.

"I already called their parents but Thalia told me to talk to you instead. And as for their punishment, I don't think suspension is good because they would surely love to be suspended from classes." Pinagsalikop ng Prefect ang kanyang mga kamay. "So, Miss Salazar, what do you suggest?"

Seriously? He's asking me to suggest about the idiots' punishment? E, kung sabihin ko kayang dapat tumalon sila sa tulay?

"Uhm... Maybe it's better for them to clean the whole school as their punishment, sir."

Is it a good idea? Sobrang laki ng school kaya siguradong mapapagod din sila ng sobra. Sana lang ay pumayag ang Prefect para naman makabawi ako sa pang-aalipusta nila sa akin! They always make my life miserable simula nang dumating ako sa buhay nila.

Well, that was too exaggerated.

"What? The whole fucking school? Seriously, Rosé?" Bumaling ako sa agad na nagreklamo. I rolled my eyes at him. He then pouted.

"Mr. Montreal, let me speak first," si Prefect bago bumaling sa akin.

Sinong Montreal ang tinutukoy niya, lahat naman sila Montreal. Funny. Of course he's referring to the one who complained.

"Thanks for the suggestion, Miss Salazar, but that's too much. Hindi nila kayang linisin ang buong school." Oh, bakit nagtanong-tanong ka pa ng suggestion? "I think the gymnasium, locker rooms and comfort rooms are enough."

K.

"Okay po, s—" biglang tumunog ang telepono. Nagtaas ng isang kamay ang Prefect para patigilin muna ako sa pagsasalita.

"I'll just answer this call. Have a seat first, Miss Salazar," si Prefect at tinuro ang sofa kung saan nakaupo ang apat.

Bumuntong-hininga ako at lumapit sa sofa. Ayaw ko sanang umupo dahil naroon ang mga malas sa aking buhay ngunit sasakit ang mga paa ko kung mananatili pa akong nakatayo lalo na't hindi ako nakasuot ng flats ngayon.

"Tumabi ka nga," mahina kong sinabi sa lalaking nakaupo sa gilid ng sofa sabay tulak sa kanya. Napalakas ang tulak ko kaya pati ang katabi at ang nakaupo sa dulo ay nadamay. Pinigilan kong matawa.

"Ouch!" they all said in chorus. Napatingin sa amin ang Prefect at sumenyas na tumahimik. Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap sa telepono.

Umirap ako at umupo na. Umusog ako papalayo sa kanila. Sunod-sunod naman silang umusog papalit rin sa akin hanggang sa dumikit na ang isa sa aking siko.

"Ano ba?!" mahina kong bulyaw sa kanila.

Marahang tumawa ang lalaking katabi ko. Matalim ko silang tiningnan.

"Ang taray mo talaga. Gusto lang naman kitang makatabi, e. I mean, namin pala. Gusto ka naming makatabi," the guy, who's next to me, said.

Tumango-tango naman ang tatlo.

"Pwede naman tayong magtabi nang hindi ka nakadikit sa'kin, 'diba? Kaya pwede ba, Lucius, lumayo ka!"

He frowned. "What the? I am not Lucius! Why do you always call me with that nasty name?" Umiling-iling pa ito na parang nagtatampo talaga. Bahagya siyang lumayo, busangot ang kanyang mukha. Kung makaarte naman 'to parang totoo talaga, ah?

Sinipat ko ang kanyang kaliwang tainga. I didn't see a cross earring in it. I rolled my eyes. Right, he is not Lucius.

"You... you called my name a what, dude?" Lucius looked so insulted.

Tumawa ang dalawang nanonood lang sa amin. Lucas was about to answer her brother when the Prefect suddenly interrupt us. Agad kaming bumaling sa kanya. He cleared his troath.

"I received a phone call from Mrs. Reyes and she's looking for you, Miss Salazar. She's waiting at the faculty room." Tumango ako at tumayo na. "But before you leave my office, can you please go and see Tajien Montreal? I will talk to him instead since Mrs. Reyes is now looking for you."

And now I am ordered to look for this devil. Pwede namang isa sa mga unggoy na 'to ang utusan niya para papuntahin dito ang lalaking 'yon, ah?

Bumaling naman ang Prefect sa apat. "Thalia Montreal also called."

"Mom called?" The one with a pair of diamond earrings asked.

The prefect nodded. "Yes, Mr. Montreal. She was asking about your punishments and I told her about Ms. Salazar's suggestion. And she's in favor."

Their face crumpled. I smirked.

"Excuse me, sir. Pwede na po ba akong umalis?"

Bumaling naman ang Prefect sa akin. "Sure, sure. You may go..." Lumipat ang tingin niya sa apat. "And the four of you, go to the detention room."

Hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at dumiretso na sa pintuan upang makalabas ng office. Wala pa ni isang minuto ay nasa likod ko na agad ang apat pagkalabas ko palang. Umirap ako at mabilis na naglakad ngunit naabutan parin nila ako. Huminto ako sa paglalakad at hinarap sila. Huminto rin sila at natatawang itinaas ang kanilang magkabilang kamay.

"Will you all stop following me?" mataray kong sinabi.

Inakbayan ako ni Lucius. Tumingala ako sa kanya. I could see his cross earring on his left ear. "Why? Don't you want us around?"

Agad kong siniko ang kanyang tagiliran. "Aw!" Natatawa niyang inda. "Napakasadista mo talaga."

"Serves you right." Lucas smirked. Lucius glared at him.

"You're going to find Kuya, right? I'll come with you." Napatingin ako sa nagsalita. His diamond earrings are glowing.

Sarkastiko akong tumawa at inirapan siya. "No, thanks."

"Let me come with you instead, Rosé," the one who has a pair of twinkling eyes said.

"Bakit ba ang kulit n'yo?" naiirita kong sinabi.

"Kuya's room is on the fifth floor. Walang tutulong sa'yo kung sakaling... madapa ka."

Pinagsasabi nito? Anong silbi ng elevator kung magpapakahirap pa ako sa pag-akyat ng hagdan?

"You're wearing a high heels."

Seriously? Three inches lang 'to!

"And there's a bunch of guys out there."

So?

"What if they will try to harass you?"

They won't. I can handle myself.

"It's not a good idea for you to go there. Lalo na dahil mag-isa ka lang. Ano bang pumasok sa isip ng matandang 'yon at ikaw pa 'yong inutusan."

Aba, ewan ko!

Nahihilo na ako sa dami ng sinasabi nila. Ano bang problema ng mga 'to?

"Stop it! You're overreacting!" iritado kong sinabi sa kanila.

Sumimangot sila. "We're just worried about you," Lucas' said.

"Excuse me, saang lupalop ba ako pupunta, ha? Dito lang naman sa eskwelahan, 'diba?"

Kung makaasta naman 'tong mga 'to parang pupunta ako sa gyera at makikipag-away, ah. At kailan pa nag-alala ang mga 'to sa akin? E, palagi nga nila akong binu-bwisit.

"There's nothing to worry about. And stop acting like you all are really worried. It's annoying!"

"'To naman, nag-aalala nga lang, e," sagot naman ni Lucius. Tumango-tango naman ang tatlo. Nagpapatawa yata 'tong mga ito, e.

"Ewan ko sa inyo. You're waisting my time. Bye!" I waved my hand and ran away from them. Buti nalang at three inches lang ang suot kong heels.

Mabilis akong nakarating sa fifth floor. Of course, I used the elevator. The idiots didn't follow me anymore. Now I only need to find the devil's room. In my two months of being here in school, ngayon pa lang ako napadpad rito sa Engineering Department.

Sa dami ng classroom ay nakakalito na kaya kinailangan ko pang magtanong sa babaeng nakasalubong ko kung saang room ang hinahanap ko. Good thing, the Montreals are famous kaya madali lang hanapin kapag nagtanong-tanong ka. Well, they are the owner of this school.

Napabuntong-hininga ako nang makarating sa tinurong classroom. "Finally," bulong ko.

Dito palang sa labas ay maririnig na ang ingay mula sa loob ng classroom. Wala bang propesor sa loob? Bakit ang ingay? Dahan-dahan akong pumasok sa classroom. Kaya pala ang iingay nila dahil wala pa ang kanilang propesor. Napasinghap ako nang bigla silang tumahimik at napatingin sa akin. Sumipol pa 'yong iba nang makita ako.

Timothy was right. There's really a bunch of guys here. Hindi ko alam na wala palang babae dito. Napalunok ako. Gusto ko nalang tuloy tumakbo paalis.

I composed myself. I can't just let them see that I'm kinda nervous. "Uhm, excuse me..." I said confidently.

"I'm look—" biglang naputol ang sasabihin ko nang may marahas na humablot sa aking palapulsuhan at kinaladkad ako palabas ng classroom.

Halos matapilok ako dahil sa lakas ng pagkakaladkad niya sa akin. Napasubsob ako sa kanyang likod nang bigla siyang tumigil sa paglalakad malapit sa hagdan. Marahas niyang binitawan ang aking kamay bago niya ako hinarap.

"Aray!" Hinawakan ko ang aking palapulsuhan, namumula iyon dahil sa rahas ng pagkakahawak niya kanina. "What's your problem, jerk!" iritado kong sigaw. Mabuti nalang at medyo malayo kami sa classroom

"Anong katangahan ang pumasok sa utak mo at naisipan mong pumunta roon? And you were fucking alone!" he spat angrily. I was a bit distracted with his dark brown eyes and thick eyelashes.

Agad uminit ang aking ulo dahil sa kanyang sinabi.

"So it's my fault now for following the Prefect's order?" I sarcastically said.

"Fuck it. You should've called me instead!"

I laughed sarcastically and rolled my eyes at him. "How should I call you if I don't have your number? You stupid!"

"Is that your way of asking for my number?" He mocked at me.

I sneered. "You are so full of yourself, Montreal," sabi ko at tumalikod na para makaalis.

"And where are you going?" Hinarap ko siya.

"It's none of your business." I rolled my eyes and turned my back at him. I turned to him again when I remembered something. "Just to remind you, the Prefect's waiting at his office. You must... go there."

I didn't let him speak. Tumakbo na ako agad papunta sa elevator para makababa na. Kailan pa ba ako magkakaron ng katahimikan? They all just keep on pestering me. Everyday!

Ugh! Another unlucky day!