Chereads / Journey to my Dream / Chapter 6 - Journey 004

Chapter 6 - Journey 004

"hoy, galit kana nyan?" diko parin pinapansin ang sinasabi nito. Mabilis akong naglalakad pero nakakahabol parin sya kahit na patalikod syang naglalakad.

"Akala ko ba sumpa ka? don't tell me nawala na? sa bagay, ganito ka-gwapo ba naman makikita mo kayt sumpa kusang maglalaho." mayabang na sabi nito. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Ano ang sumpang meron ka?" pag-iiba ko ng usapan. Bago makaalis kanina sa palasyo ay nakausap ko pa si gramps, ang hari at reyna pati yung dalawang prinsesa. Alam nila kung bakit ako napunta dito dahil sinabi iyon ni gramps.

And scratch the gramps-dahil kamukha nya lang si gramps at alam kung bakit ako nandito. I also knew that he's the head priest simula ng mawala si Lady Amaris. Nag-aalala din sila sa misyon, lalong lalo na ang reyna.

Pag hindi naging matagumpay ang misyon, malaki ang posibilidad na di ako makabalik sa kasalukuyang panahon.

Marami din akong nalaman tungkol sa sumpang sinasabi ni gramps at ni Lord Yuki.

Si Lady Amaris ang may gawa ng sumpa sa babaeng nakita ko sa kwarto ko. At ang babaeng yun, sa kanya nagsimula ang sumpang pinagdusahan ng mga ninuno ko. Di alam kung anong dahilan at naiwan ang sumpang iyon. Ang sumpang di pagkakaroon ng emosyon. And the cursed passed to next generation again and again. Nasa loob ako ng isang mahabang panaginip. Isa sa rason kung bakit ako nandito ay para alamin ang dahilan ng digmaan sa panahon na ito.

"Haist, mga babae nga naman." nabalik ako sa ulirat ng magsalita na naman ulit ito. Ang totoo nyan, di naman talaga ako nagagalit o naiinis. Nagpapanggap lang akong ganon.

Naglalakad kami ngayon sa loob ng kenishan. Binigyan kami ng pahintulot para pasukin at suyudin ito. Kahit noong nasa kasalukuyang panahon ako ay palaging pinagbabawalan ang sino man ang pumasok. Kaya wala ring nakakaalam kung ano ang loob nito.

"I don't even know what exactly what this curse is, ni diko alam na meron palang iniwang sumpa ang babaeng yun. Ang huling natatandaan ko ay ang pagpana nya sakin, then, nagising na lang ako nung hinalikan moko." di ako nakapagsalita sa sinabi nito. Nang tumingin sya sakin ay bigla itong tumawa ng pagkalakas-lakas. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Grabe yang sumpa mo a, kinikilig ka don?" manghang tanong nito.

"I'm not," di naman kasi ako kinikilig. That's bullsh*t.

"Bat ang pula mo? Nahiya kamatis sa pagmumukha mo oh."

He teased. I just rolled my eyes on him. Di rin namin kasama si Nikael. Diko narin napansin ang pag-alis nito. Ni kung saan man ito tumungo.

"Pano nga ba natin hahanapin yon? may alam ka ba?" tanong nito sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Makikinig ka na nga lang dimo pa magawa ng maayos. Gramps already discuss about how, mister." I sarcastically said. He pouted.

Gramps said na hanapin ang isang bulag na pari na nagngangalang Lorde, sya ang may alam kung saan ang posibleng kinaroroonan ng tatlong singsing.

Pero kanina pa kami nasa loob ng kagubatang ito pero wala parin kaming nararating. Same threes na diko alam kung may katapusan pa ba talaga. Literal endless forest ugh!

"Can we stop here?" malapit naring mag-gabi, ni di pa kami nakakain. Di rin ako ginugutom pero kanina pa tumutunog ang tyan ko.

"Pagod ka na?" gulat na tanong nito. I mocked him.

"Duh? I'm sweating, malagkit na ang katawan ko." kanina parin ako nanlalagkit sa bandang leeg ko. Inalis ko ang boots ko para makahinga naman ang paa ko. Napatunghay ang mukha ko ng makita kong umupo si Theon sa harap ko. Nakatalikod ito sa akin at nakatukod ang tuhod sa lupa.

"Tunganga ka na nyan? Sakay." agad ko namang nakuha ang gusto nitong mangyari. He wants me to ride on his back. Kaya tumayo ako saka agad na sumakay sa likod nya. Hawak ko lang ang boots ko.

"I get it now, wala ka ngang emosyon na nararamdaman pero ang katawan mo ang kusang bumibigay." napatingin ako sa kanya. Nasa harap lang ang tingin nito.

"How can you say so?" ni ako ay di napapansin ang bagay na iyon.

"I just noticed it." nagkibit-balikat na lang ako. Ilang minuto namalagi ang katahimikan sa amin. Sinandal ko na lang ang noo ko sa balikat nya. Hanggang sa diko na namalayan ang pagkain ng antok sa sistema ko.

Nagising na lang ako ng makarinig ng bagsak ng tubig. Dahan-dahan kong minulat ang mata saka inangat ang mukha. Nang nagliwanag na ang paningin ko ay agad na bumungad sa'kin ang maliit ngunit malalim na lawa.

Bumaba ako sa pagkakabukat nito sa akin. Lumapit ako sa lawa saka sinubsob ang kamay sa tubig nito. Meron itong maliit na falls.

Umupo ako at inilublob ang paa dito. Malamig ang tubig nito. Tumayo ako sa pagkakaupo saka tinanggal ang suot kong kapa. Akmang tatanggalin ko narin ang damit ko ng makarinig ako ng sigaw sa bandang likod. Nilingon ko ito at nakita syang namumulang nakatingin sakin.

Pinagkibit-balikat ko na lang ito. Akmang huhubarin ko na ulit ang damit ng makarinig ng kaluskos sa likod. Binalingan ko ito ng tingin at wala na doon si Theon. Diko na lang ito pinansin pa saka tuluyan ng inalis ang lahat ng saplot sa katawan. Pagkababang pagkababa sa tubig ay binalot ng malamig na tubig ang buong katawan ko. Sinubsob ko narin ang ulo ko. Pagkaahon ng mukha ko ay ganon na lang ang gulat ko ng makita si Theon doon.

"DAPA!" sigaw ko dito. Lalo akong nataranta ng mahulog ito sa tubig. Patuloy kong binabanggit ang salitang dapa habang umaahon sa tubig. Kinuha ko ang kapa ko saka agad na pinang-balot sa hubad kong katawan. Basang basa pa ang buhok ko ng makaahon ito.

Masamang masama ang tingin nito sa akin pero diko sya pinakinggan kahit anong reklamo nya.

"Papatayin mo ba 'ko!?" sigaw na tanong nito sakin.

"Wag mokong sigawan, kasalanan mo rin yun!" balik na sigaw ko dito.

"Ang buhok mo." pag-tukoy nito sa buhok ko. Tumalikod ako sa kanya saka pinulot ang mga damit ko.

"When it's wet, it turns white." I simply responded. And this is the reason why my mom died. She commited suicide when she knew about my hair. That's what paps said.

Walang balak si papa na sabihin ang dahilan kung bakit namatay si mom. When I was child I always asked him about it. But he always said that I shouldn't asking things that doesn't make sense. Not until I dreamed about the woman-who turned out that she's my mother. I always dream about her and paps noticed it, and about me na di narin nagtatanong tungkol sa mama ko. Kaya napilitan syang sabihin sakin ang totoo.

Normal lang sakin na ganito ang buhok ko. Nang malaman ko kay papa na ang buhok na ito ang naging dahilan kung bakit wala na si mama, ni katiting ay di ako nasaktan. That's the sort of having this curse. I always imagine me doesn't having this curse. Masakit siguro na malaman na dahil lang sa buhok mo kaya nagpakamatay ang isa sa taong papahalagahan mo.

My mother choose the path that my grandmother take. Naputol ang sumpa ng sunod-sunod na nagkaanak si grandma ng lalaki. Then that's when they realized na sa babaeng anak lang malilipat ang sumpa. Bigla na lang nawala ang sumpang meron si grandma.

And when my uncle Michael fell inlove, grandma got scared that maybe the curse will returned on there child, but tito Michael had Yuki, a baby boy. Hanggang sa lahat ng anak ni grandma ay nagkaasawa na, at si Ayame ang unang babae, ngunit wala sa kanya ang sumpang yon. And that's when my father got married to Mom, after the night of their wedding, mom started to talk often, at dun na natauhan si grandma. At dahil sa takot nito ay kaya sya nagpakamatay.

I straightened ng maramdaman ko ang hawak ni Theon sa siko ko. Dahan-dahan nya 'kong pinaharap sa kanya. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Matangkad syang lalaki, hanggang balikat lang ako nito.

He held my hand na naging dahilan ng pagdulas ng suot kong kapa. Ang tanging natatabunan na lang ngayon ay ang dibdib ko hanggang pababa. My shoulder is now showing.

Ilang minuto syang nakahawak sa kanang kamay ko.

Then after that, nilayo nito ang tingin sakin.

"Stupid of me, I knew from the first time I shouldn't be with you, this is wrong, definitely wrong, no, no, no, stop it Theon, get the hell out of here aghh!!" he started to panic. Nakasabunit pa ito sa buhok nya at parang may iniindang sakit sa ulo nya. Lumapit ako dito pero agad nyakong sinigawan na wag lumapit sa kanya. Kaya pinanatili ko na lang ang sarili ko sa kinatatyuan.

"Don't look!" sigaw nito sakin. Di ako nakagalaw kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko. Nakarinig ako ng kaluskos at naramdaman ang pagkawala ng presensya nito. Nang imulat ko ang aking mga mata ay wala na sya. Ilang minuto akong nakatayo lang doon saka napag-pasyahang isuot na ang mga damit ko. I was about to take my weapons when a bunch of people with a hat appeared. Pirates.

"So you're the owner of that smell, hm?" I turned my gazed on the person who said those. And a pirate king welcomed me. I can say he's the King, tho he doensn't have eye patch or even a hat, he just dressed like a pirate.

"Arrest her." pagkasabi nito ay agad akong pinosasan ng mga kasamahan nya. Di ako nanlaban at nagpatiyanog sa kung saan man nila ako dadalhin. Naglakad kami sa kagubatan ng ilang minuto hanggang sa marating din namin ang destinasyon. A huge ocean welcomed me.

"If you thing this is the end of this goddamn forest, you're stupidly wrong." the captain-king said. I didn't even say anything. But, ocean in the forest, is really something.

Naglakad kami sa isang malaking barko sa pang-pang. Nang makapasok ay marahas akong kinaladkad sa rehas at kinulong doon. Madilim dito at ang tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw galing sa maliit na bintana.

I closed my eyes. This kinda, somehow,. .  .tiring.

Amaris.