Chereads / Journey to my Dream / Chapter 4 - Journey 002

Chapter 4 - Journey 002

Gaya nga ng sinabi ko. Pagkakinabukasan ay ang naging selebrasyon ng aking kaarawan kasama ng kay grandma.

My gramps invited the five kings. Naging maganda at kita ang kasiyahan sa mga haring pumunta.

"Lady Amaris." lumingon ako sa tumawag sa akin, I saw gramps walking towards me, may kasama itong matandang lalaki kasama ang isang binatang lalaki.

"I would like you to meet the  king of Arran, King Zachreus and his son, prince Nix of Arran Kingdom." The two bowed on me. Lumapit sakin ang prinsipe at hinalikan ang likod ng palad ko.

He smiled at me but I just slightly nodded.

"So the rumored about the emotionless princess is true huh?" then he smirked. My gramps laugh together the king. I just shrugged it away.

"Inborn my prince." my gramps said. Pagkaalis ng dalawang pinuno ay nagsilapitan nadin ang iba. Ang pinuno ng Deira, Messy elves, Witches, and the last is the Queen of Vivy.

"Maligayang kaarawan Lady Amaris, kinagagalak namin na ikaw ang pinili ng mahal na hari na umupo sa trono." Then she bowed. I Slightly bowed my head.

Pagkatapos non ay umalis na ang mga ito at lumapit sa mga nag uusap usap doon. Inabot ng gabi ang walang sawang kasiyahan ng lahat.

Napagpasyahan ng lahat ng pinuno na dito na magpapalipas ng gabi sa kaharian na di naman tinutulan ni gramps. Nagpapahinga na ang lahat dahil sa pagod sa kasiyahan habang ako ay nakatambay parin sa terrace para magpahangin.

Minsan ko naring naisip ang tungkol sa mga bagay na diko nararamdaman. Ang totoo diko rin alam kung bakit, siguro nga ay ganon sa sinabi ni gramps, na pinanganak na akong ganon. Pero alam kong normal ang pakiramdam ko.

"Not yet sleepy?" tiningnan ko ang bagong dating. The prince of Arran Kingdom.

"Nope." I simply said.

"You really don't feel anything?" tanong nito. Masyado atang malabo sa kanya base sa ekspresyon nito.

"I can feel presence." Yes, and I'm sure of it. Dahil kanina ko pa nararamdan ang titig nito sa akin ng pinagmamasdan pa nyako sa likod.

"At least." pagkatapos nyang sabihin yon ay namutawi ang katahimikan sa pagitan namin.

"Do you want to feel?" he asked. I didn't responded.

He grabbed my pulse and waist and turned my body on him. He looked at me straight on the eyes. Di ako bumitaw o nakaramdam ng pagtutol sa kung ano man ang gagawin nito.

Unti-unti ay nilapit nya ang kanyang mukha sa akin. Tuluyang dumampi ang kanyang labi sa labi ko. Pumikit ako. I once read novels and I read that when a man kiss you, you'll feel a butterfly on your stomach and a electricity all over your body.

Ngunit wala akong nararamdaman. Unti-unti itong bumitaw sa halikan.

Nang minulat ko ang aking mga mata ay kita ko sa ilaw ng buwan ang pamumula ng kanyang mukha. When he realized what happened, he panicked.

"I-I'm sorry, I just c-carried away." paghingi nito agad ng patawad. Umiling lang ako sa sinabi nito.

"Um, I'll go to my room now princess, goodnight." di ako sumagot dito. Nang mawala na ng tuluyan ang presensya nya ay napahawak ako sa dibdib ko.

Nothin'

Napagpasyahan kong pumasok narin sa aking kwarto.

Nagbabasa ako sa aking silid ng mapalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Hating gabi na ngunit di parin ako dalawin ng antok. My gramps entered the room and sat on my bed.

Hindi ako nagsalita at hinintay lang kung ano man ang sasabihin nito.

"I forgot to give you my present, and I don't think this is the great place to give it to you." mahina akong tumango dito at bumaba sa kama ko.

Nakasunod lang ako kay gramps. Alam ko kung saan ang tinatahak nito. Grandma's chamber. Yeah, simula ng mawala si grandma ay di narin humihiga si gramps sa kwarto nila.

Nang makapasok sa kwarto ay pinailaw ni gramps ang malaking chandelier doon. Kahit na wala ng namamalagi sa kwartong ito ay pinanarili ang kalinisan sa buong silid. Lumapit si gramps sa tukador doon.

Sinenyasan ako nitong umupo na sya ring ginawa ko. Hinawakan nya ang balikat ko at tinitigan ang repleksyon ko sa salamin.

"You really look like your mother." he said. Binuksan nito ang kabinet doon at may kinuhang isang gintong lalagyan.

Binuksan nya ito at nasa loob nito ay isang singsing, an arrow ring.

"This is your mother's." sabi nito saka sinuot sa ring finger ko ang singsing.

As when he put on the ring on me, my eyes started to slowly closed, sa hindi ko malamang kadahilanan. Sa huling sandali ay nakita ko ang malungkot na ngiti ni gramps sa repleksyon nito sa salamin.

"I trusted you bastard Mozort. . .I loved you." a girl said. Kita sa mata nito ang lungkod pagkabanggit sa huling tatlong salita. Nasa harap nito ang isang lalaking nakasuot ng kapa. Nakatalikod ito sa gawi ko at ang tanging babae lang ang malaya kong nasisilayan ang mukha.

Meron itong itim at mahabang buhok. And that jet black orbs. She's. .pretty.

Ngunit kita sa mata nito ang magkahalong galit at lungkot.

She's holding a bow and arrow. Aiming to the man in the cloak. Kahit anong galaw ko ay di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"The war is done Theon, we won." And after that, pinakawalan nito ang palaso.

Nakita ko na lang ang pagbagsak ng lalaki sa lupa. Walang dugo sa tinamaan sa kanya ng palaso. Ngunit nanatili syang nakahiga doon.

Napatingin ako sa babaeng pumana sa kanya. Pinunasan nito ang luhang naglandas sa kanyang mga pisngi.

"We can't be together, and that's the fact, 'cause loving you is a losing game." her last word saka naglakad na palayo.

Bumalik ang aking tingin sa lalaki. He's. . .so peaceful. Para lang syang natutulog kung titingnan.

He has a long crimson hair, and a pale white skin.

Unti-unti kong minulat ang aking mata. Isang panaginip. Bumangon ako sa pagkakahiga at nilibot ang tingin sa buong kwarto. Nandito parin ako sa kwarto ni grandma at madilim parin ang kalangitan. Bumangon ako at napadako ang tingin sa singsing na nasa daliri ko.

"That really happened." Bumaba na lang ako sa kama. Bubuksan ko na sana ang pinto ng maunahan ako ng tao sa labas.

Bumungad sa akin ang isang hindi pamilyar na babae. Tulala lang itong nakatingin sakin. Gumalaw ang kanyang ilong na para bang may naaamoy ito. Lumapit sya sa akin saka inamoy amoy.

"A-Amaris." bagong katulong ata ito ng kaharian kaya di nako nagtatakha kung bakit kilala nya ako. They even didn't inform me about having a new servant.

"Pakidala na lang ang gagamitin ko panligo, I'll have my bath here." Dahil pag nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi ay di na 'ko makakatulog, maliban na lang kung maliligo ako. Kumurap kurap lang ito sa sinabi ko.

I snapped my fingers on her face. Mukhang natauhan naman ito at sumigaw.

The hell—

Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawang babae na nagtatalo sa harap ko.

"Pano mo naman nasabing sya si Amaris?" sabi nang isang babae saka sinuri ako nito mula ulo hanggang paa. "She don't even look like one." She's wearing a peach gown and a small crown with a pink diamonds.

"I-I just know." sabi naman nung isang babae. She's the girl na bumukas ng pinto kanina. She ran away and when she returned, she's with this girl. She's also wearing an sky blue gown. May maliit rin syang korona.

"See? wala ka ngang katibayan e, sa tatlong taon na pagkawala ni Amaris, p-posibleng patay na s-sya." natahimik ang apat na sulok ng kwarto dahil sa sinabi nito. Napataas naman ang kilay ko.

Nabasag ang katahimikan ng bumukas ang pinto at pumasok ang isa pang babae. Aligaga nitong nilibot ang tingin at ng dumapo ang kanyang tingin sakin ay kita ko ang gulat sa mukha nito.

Napaupo sya sa kinatatayuan at nagsimula ng naglandas ang luha sa kanyang mga mata. Nasa likod nito ay ang mga katulong. Napuno ng ingay ng kanyang pag-iyak ang loob ng silid.

Walang nagsalita sa amin ganon narin ang dalawang babaeng nagtatalo kanina. Yung babaeng naka sky blue ay nagpupunas narin ng luha nya habang yung isang naka peach naman ay iwas ang tingin nito sa babaeng umiiyak.

"What is happening here?" a man said. He entered the room. Kumunot ang noo nito ng mapatingin sa akin. Nang makabawi ay lumapit ito sa babaeng nasa sahig at umiiyak saka tinulungan itong tumayo.

"Hezron, o-our daughter, sh-she's back." utal-utal na sabi ng babae dahil sa pag-iyak nito.

"She's not our daughter Yllena," kumunot ang noo ng babae. Kita sa ekspresyon nito ang galit.

"What in the world are you saying Hezron, she's just rebelling, understand our daughter Hez! Kaya sya nagkakaganyan e!" sigaw nung babae. Sinenyasan ng lalaki ang isang katulong doon.

May kinuha ang babaeng katulong sa kanyang bulsa. She injected an injection with a green liquid inside to the woman. At ilang segundo lang ay kumalma ito at nakatulog.

"Excuse me ladies," tumango ang lalaki sa amin saka lumabas ng silid. Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama. Napatingin naman sakin yung dalawa. I don't know this stranger, and don't have idea wth is happening.

"So, the show is done, excuse me." I slightly bowed my head to them. Mukhang natameme pa sila don kaya naglakad nako papuntang pinto. I was about to open the door when they stopped me.

"Where are you goin'?" asked the girl with a peach gown.

"To gramps." kumunot naman ang noo nito ngunit diko na sila pinansin pa at lumabas na doon.

Naglalakad nako sa pasilyo papunta sa kwarto ko. I'll take a bath there. Matapos ng nangyari sa kwarto ni grandma, with those strange people.

Umiba ang bawat dekorasyon ng hallway. There's also some paintings na di masyadong pamilyar sa akin. Kabisado ko ang loob ng kaharian ngunit merong kakaiba ngayon dito. Naglalakad lang ako hanggang sa marating ko ang kwarto ko.

Pumasok ako. Pagkapasok ay di nakabukas ang ilaw at may takip din ang bintana. Hindi ako sanay na ganito ang kwarto ko dahil usually ay palaging bukas ang ilaw nito. Binuksan ko ang ilaw.

Napatingin ako sa babaeng nakaupo doon sa gilid ng kama. Nakatingin lang ito sa bintana kahit na wala naman syang nakikita doon. Naramdaman nito ang presensya ko at walang emosyon na tumingin sa gawi ko.

Tumayo sya at tuluyang humarap sakin. Bumaba ang tingin ko sa umbok na tyan nito. Hanggang sa naglalandas na dugo sa kanyang binti.

Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang kirot doon. Napatingin ako sa babae. Wala parin itong emosyon.

"This is your fault." napaatras ako. Malakas na tumibok ang puso ko na parang gusto na nitong lumabas. Kinapa ko ang door knob at walang sabi-sabing lumabas ako sa kwartong yon at tumakbo. Diko alam kung saan nako pupunta.

Hanggang sa naabot ko ang malaking pinto ng palasyo. Walang atubiling binuksan ko ito at tumakbo palayo.

I removed my heels para mas makatakbo ng maayos at hinawakan ang laylayan ng gown ko.

'I j-just want to g-get out of  he-here.'

Dahil sa kagustuhang makalayo doon ay diko na namalayan pa ang tinatahak ko, ginamit ko ang secret passage malapit sa gate, I always sneak out there sa tuwing lalabas ako ng walang paalam. Namalayan ko na lang ang sarili kong papasok sa isang kagubatan, late for me to realized that this is the endless forest. With no second tought I entered the forest. Tanging ang ilaw lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa daan.

I stopped nang makalayo layo ako. Umupo ako sa malaking ugat ng puno doon. Napahawak ako sa aking dibdib.

'A feeling'

Ngunit wala na ngayon. I'm sweating but I don't even feel tired at all. Napatingin ako sa mataas na damuhan doon ng mapansing gumalaw ito. Walang pag-aalinlangan na lumapit ako dito.

Nang hawiin ko ito ay bumungad sakin ang isang. . .a little mochii.

[Piece of information: the word mochii means turtle, as what I've said may mga 'unfamiliar' words na mababasa kaya be aware, actually words na di naman talaga nag e-exist, imagination ko lang lahat, pero may mga familiar words din naman, depende sakin]

He's looking at me like he wanted a help. Nakahiga ito at mukhang di nya kayang tumayo.

I held his back at dahan-dahang pinatayo. Pinagpagan nya ang sarili.

"Thank you young lady." he thanked me. I just nodded on him. He's standing like how I stand also.

"hm, ano nga ba ang ginagawa ng isang binibini sa ganitong oras ng gabi?" he asked. I didn't responded.

"I see, you're a mute." di parin ako sumagot. He cleared his throat.

"Ako nga pala si Nikael, my lady." and bowed his head. Kawaii.

"Pano ko nga ba malalaman ang inyong pangalan binibini? you can't talk."

"Amaris." I said.

"Amaris is a great name, wait Amaris?" mukhang nagulat pa ito. Mahina akong tumango sa sinabi nya. Tumakbo ito upang magtago sa isang puno doon.

"P-Paumanhin mahal na r-reyna, di –" napatigil ito sa sasabihin ng parang may napagtanto.

"Impostora!" sigaw nito. Patakbo itong lumapit sakin saka kinagat ang paa ko. Napakurap kurap lang ako sa sa ginawa nito. Nakapikit pa ito at mukhang binibigyan nya talaga ng effort ang pagkagat nya sakin.

Nang idilat nito ang kanyang mata at mapansing wala akong ginagawa ay bumitaw ito sa pagkakakagat at nagtago ulit sa likod ng puno.

"Sino ka?" tanong nito sa akin habang nakadungaw sa puno.

"I'm Amaris Hagashi." napakurap-kurap ito.

"Kung ganon ay galing karin sa mga Hagashi, the royal priests. Pero ngayon ko lang nakita ang mukha mo. But the fact that you're a Hagashi is a big help." he stated. Di na lang ako nagsalita sa sinabi nito. Naglakad ito palayo. Nang mapansing di ako nakasunod sa kanya ay nilingon ako nito.

"What are you doin' there? Halika na." sumunod ako sa kanya.

Nasa likod ako nito at diko alam kung saan ang tinatahak namin. Napaisip ako ng maalala ko ang isa sa nabasa kong aklat ng kasaysayan.

This forest is the Kenishan.

[Piece of information: kenishan word means endless forest]

This is the forbiden forest kaya bawal pumasok ang kahit sino, kahit na anak ka pa ng isang hari o ikaw na mismo ang namumuno.

Tumigil kami sa paglalakad. Napatingin ako sa harap namin. Isang maliit na bahay. A simple one.

"Let us go inside." the Nikael said. Sinunod ko ang sinabi nito saka binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang puno ng bulaklak na sahig nito at ang mahalamang digding.

But only one caught my attention, at yun ay ang lalaking nakahiga sa gitna ng mahalamang sahig nito.

'that's him'

Amaris