Tuluyan na nga bang mawawala si Agatha nang dahil sa aking kapangahasang ibigin siya kahit alam kong mali, alam kong hindi dapat?
"Agatha" sambit ko sa pangalan ng babaeng aking sinisinta
Naglakad siya palapit sa akin. Pinakatitigan kong maigi ang unti-unting paghakbang niya patungo sa akin at ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Kay ganda nyang pagmasdan, para siyang pag-asa sa gitna ng mga kidlat at ulan.
"Kieoffe mahal" tawag nya sa akin
Hindi tamang ipagpatuloy ko ang namumuong pag-ibig sa amin alam kong kapalit nun ay mga luha.
Hinawakan ko ang pisngi nya at dahan dahang inilapit ang aking labi sa kanyang mga labi. Tinugon nya ang aking mga halik, sing pusok niyang tinugon iyon. Walang pag-aalinlangan at puno ng sinseredad at pagmamahal ang bawat paglapat ng kanyang mga labi.
"Kieoffe" sambit nya sa aking pangalan habang hinihingal pagkatapos ng aming paghahalikan.
Masaya akong umuwi sa amin. Lagi-lagi sa isip ko ang pinagsaluhang halik namin ni Agatha.
"Pinayuhan na kita Kieoffe" biglang bulong ng isang boses sa aking tenga
Dali-dali akong naglakad papasok sa makitid na iskinita papunta sa aming bahay. Lakad takbo ang ginawa ko makarating lamang sa aming tahanan.
Biglang tumunog ang aking telepono.
πΌπππππππππππ ππππππ πππππππ.....
"Hello" sagot ko sa kanina pang nag iingay kong telepono
"Kieoffe anak" sambit ng boses sa kabilang linya habang humihikbi
"Sino po sila?" magalang kong tanong
"Nanay to ni Agatha anak" sagot nya habang patuloy paring humihikbi
"Anak, si Agatha"
"Bakit po ano po bang nangyari? Bakit po kayo umiiyak?"
"Wala na siya anak?"
πΎπ¨π³π¨ π΅π¨ πΊπ°ππ¨
πΎπ¨π³π¨ π΅π¨ πΊπ°ππ¨
πΎπ¨π³π¨ π΅π¨ πΊπ°ππ¨
πΎπ¨π³π¨ π΅π¨ πΊπ°ππ¨
Parang sirang plaka na paulit-ulit sa aking isipan ang katagang binitiwan ng kanyang ina.
"Kieoffe nandiyan ka pa ba?"
"Nay nagbibiro lang kayo di ba? Hin-hindi totoo yun"sabi ko
"Habang pauwi siya kanina anak, nabunggo siya ng isang kotse, napakalakas ng impact. Marami ang tinamo nyang bali at sugat sa katawan kaya hindi na nya nakayanan"
Napahagulhol na lamang ako habang nakikinig sa kwento ng kanyang ina. Hindi, Hindi maaari. Ang pinakamamahal kong si Agatha.
"Nasa morge kami ngayon anak, pumunta ka nang makita mo" sabi ng kanyang ina bago pinutol ang tawag
Walang lakas na napaupo ako sa sahig. Kakayanin ko bang makita ang babaeng kani-kanina lang ay angkin ko ang malalambot nitong labi? Kakayanin ko bang makita ang babaeng minahal ko na wala ng buhay? Kakayanin ko bang lumapit sa malamig nyang katawan?
"Binalaan na kita Kieoffe" sabi ng babaeng nakaitim habang sinisindihan ang hawak nitong sigarilyo.
Ibinuga nya ang usok na nanggagaling sa sigarilyo at matamang tumingin sa akin.
"Kung inaakala mo'y makakatakas ka sa sumpaan ng ating mga ama'y nagkakamali ka. Ako ang nakalaan para sayo, hindi si Agatha o kahit na sinong BABAE!" sigaw nya sa akin
"Kailan may hindi ako iibig sa katulad mong sakim at walang awa. Hinding-hindi ako iibig sa isang katulad mo Tasha! Isa kang halimaw!"
Dali-dali'y tumayo ako upang umalis sa bahay para puntahan ang labi nang aking sinisintang si Agatha ngunit iniharang ni Tasha ang kanyang katawan.
"Wag kang haharang-harang sa dinadaanan ko Tasha!"
"Hindi! Hindi mo siya pwedeng puntahan! Sumama ka sa akin at bubuuhin nating muli ang emperyo. Sabay tayong mamumuno sa sanlibutan"
"Bumuo kang mag-isa, wala kang aasahan sa akin" sabi ko sa malamig na boses
"Kioffe!"
Ako'y nagbingi-bingian at nilampasan si Tasha. Wala ng mas sasakit pa kaysa sa ginawa ng kanyang angkan sa akin. Isinusumpa ko, sa ngalan ng aking namayapang ama, hinding-hindi ako iibig at luluhod sa kanila.
"ISINUSUMPA KO KIOFFE, PAPATAYIN KO LAHAT NG BABAENG HUMARANG SA AKING PLANO. SA AKIN KA MAGPAPAKASAL DAHIL IKAW NA LAMANG ANG NATITIRANG DUGONG BUGHAW" pahabol na sigaw ni Tasha na agad ko namang ipinagsawalang bahala