"Alex, nabasa mo na ba yung mga ending ng story ko?", tanong ni Isabel na bestfriend ko. Kasalukuyan kaming nagpapalit ng damit dahil may PE kami mamaya. "Oo. Kagabi pa. Infairness ha, tatlo ang ending. Taba ng utak mo", sagot ko naman sakaniya.
"Eh kasi naman, hindi rin ako makapili kung sino ang makakatuluyan ni Charlotte kaya ginawan ko ng kaniya-kaniyang ending yung mga male leads. Ganoon ko sila kamahal", pagdadahilan naman niya. Isabel is an internet novel writer at kakatapos niya lang i-upload kagabi ang ending ng kaniyang internet novel na Charlotte. Maraming nagkagusto sa story ng Charlotte kaya naman itong si Isabel feel na feel ang pagkakaroon ng mga fans.
Noong una, wala siyang maisip na magandang title kaya ginamit nalang niya yung name ng heroine. Bata palang kami mahilig na siya magbasa ng mga libro kaya na-inspired magsulat ang gaga. Charlotte ang pinakauna niyang sinulat at akalain mo, bumenta agad. Romantic and fantasy ang genre nito kaya benta. At siyempre as a bestfriend, ako lang naman ang pinakauna niyang reader. Kahit na hindi ako mahilig magbasa, napabasa ako. Mas mahilig kasi ako manood ng anime at hindi ako masyado mahilig sa mga romance. Napabasa ako dahil mapilit siya at saka supportive ako. HAHA!
"Atsaka, okay na yun na tatlo ang ginawa ko para bahala na yung mga readers mamili ng sarili nilang ending. Pero okay lang naman yung mga ending nila di ba?", tanong niya saakin. Tapos na kami magbihis kaya naman nagtungo na kami sa gym. "Okay naman yung mga ending kaya lang...", kunot-noo ko naman siyang tinignan nang maalala ko yung mga ending na ginawa niya.
"... sa tatlong ending na ginawa mo, pinatay mo si Alexandria. Tatlong beses pa talaga, wala kang puso". Si Alexandria, ang villainess/kontra-bida sa story ni Isabel at yun ang full name ko. Alexandria Eveque.
Magaling di ba? Hihiramin na nga lang pangalan ko, ginawa pang kontrabida. Ang malala pinatay pa ang character ko at di pa nakuntento tatlong beses pa. So, kahit sino makatuluyan ni Charlotte, matetegi si Alexandria. Saya noh?
Tinignan ko si Isabel na tumatawa sa sinagot ko. May sama ata ito ng loob eh. Hindi ko rin siya masisisi kasi #1 basher niya ako sa comment section ng story niya. HA! Quits lang.
Atsaka okay lang naman saakin eh. Hindi ko rin naman bagay maging bida mapa-real life man or book life (book life?). Mas bagay nga saakin ang maging kontrabida at sabi nga ni lola ko may pagka-pilya ako. Sabi naman ni lolo may invisible horn and tail ako.
Ano ako? Demonyo?
Sabi naman ng mga tao sa paligid ko, mataray daw ako. Lalo na daw ang expression ng mukha ko. Pati mukha ko, prinoblema nila. Natapos nalang ang PE namin nang hindi ako nagparticipate. Umalis na kami para magpalit ng uniform namin, ni hindi ko manlang napawisan ang PE uniform ko. HAHA!
"Ikaw ba Alex? Kaninong ending yung pinaka-favorite mo? Kay Chadwick? Ashton? Daryl?", dagdag na tanong niya pa. Hindi pa pala kami tapos sa story niya. Yung mga pangalan na binanggit niya ay ang mga pangalan ng male leads ni Charlotte sa novel. "Hmmm, siguro kay—", sasagot na dapat ako ng madulas ako at kasalukuyan kaming paakyat ng hagdan.
Sinubukan ni Isabel na hablutin ang kamay ko pero napakabilis ng pangyayari. Kanina parang nasa ere ako ngayon ang sakit na ng buo kong katawan.
"Alex! Alex! Huwag kang pipikit! Tumawag kayo ng teacher, ng-ng-ng ambulance! OH MY GOD! ALEX!!!", tanging mga sigaw ni Isabel nalang ang huli kong narinig bago ako lamunin ng dilim.
Nagising nalang ako dahil sa sobrang liwanag. Bumungad saakin ang kulay pulang kisame. Shit! Hindi ba dapat puti ang kisame ng hospital? Babangon na sana ako ng biglang kumirot ang ulo ko, kasabay naman iyon ng mga pictures na lumalabas sa utak ko. Huh? Teka?
Para bang biglang nag-flash sa akin ang maraming mga memories na hindi familiar saakin. "Aray!", napahawak ako ulit sa ulo ko dahil natapos na yung flash of memories ko? Feeling ko kasi saakin yun dahil yung mga tao tinatawag ako sa pangalan ko.
'Lady Alexandria? Lady Eveque?'
"Ara—huh?", biglang nawala yung sakit ng ulo kaya naman napatingin ako sa paligid ko. "Saang hospital ito? Kailan pa naging Victorian style ang rooms ng St. Joseph's hospital?", at bakit ang luwang? Tumayo ako at nilibot ang tingin ko. Sa presidential suite ba ako iki-nomfine ni Isabel? Gagang yun, wala kaming pambayad!
Lumakad ako sa pinakamalapit na pintuan at binuksan iyon. Bumungad lang naman saakin ang halos kumikinang na bathroom. Pucha! Hotel ba ito? Agad na isinara ko ang pinto at umalis hangga't sa nahagip ng peripheral vision ko ang reflection ko sa salamin.
Nakangangang nilapitan ko ito.
Kailan pa naging red ang buhok ko?! Bakit kulay yellowish-orange ang mata ko?! Same pa rin naman ang mukha ko, kulay ng buhok at mata ko lang naman ang nagbago pero anung kagaguhan ito?
Nadako naman ang mata ko sa suot ko. Bakit ako naka-night dress? Hindi ba dapat hospital dress?! Teka, hindi yun yung problema. Bakit okay lang ako, eh nagpagulong-gulong ako sa hagdan.
"Nurse! Nurse! AAAHHH!!", sigaw ko pero nagulat ako dahil babaeng naka-maid uniform ang pumasok. Maid uniform?!
ANONG KLASENG HOSPITAL ITO?!